THIRD PERSON'S POV
"Helliana?" Agad na tanong ni Caliber ng humarurot bigla si Helliana. Napalabas agad si Caliber sa labas sa kotse niya. Nagtataka ito kung bakit biglang humarurot si Helliana. Nakita niya doon si James na nakaupo, anong ginagawa don ni James?
Lalapit sana siya ng biglang sumakit ang ulo niya. Napapikit si Caliber sa sobrang sakit ng ulo niya.
"Master what do you want us to do?"
"Shh i'm listening."
"Ate lianaaaa!!!"
"What a troublesome kid."
Napaupo si Caliber ng may narinig na naman itong boses. Pero kanino iyon? Sino yon?
Pinilit ni Caliber na imulat ang mata niya at pilit na tinignan ang kalagayan nila Helliana at James.
"What a troublesome kid." rinig nitong sabi ni Helliana bago nag dilim na ng tuluyan ang paningin ni Caliber.
****
Ineexamine pa si Caliber habang sila Helliana at James ay nakaupo lang at naghihintay. Panay ang sulyap ni James kay Helliana na nag cecellphone ngayon.
Tinext ni Helliana si Clark.
Helliana:
Biglang nahimatay si Caliber.
Agad ulit nag text si Helliana para ipaalam ang nangyari kay Caliber.
Helliana:
Axel, nahimatay ang anak mo.
Kunot noo na tinignan naman ni Helliana ang kanina pang nakatitig na si James sa kanya. Kanina niya pa ito napapansin, kanina pa ito titig na titig sa kanya.
"What is it?" agad na tanong nito. Dahan dahan bumaba ang tingin ni James sa binti ni Helliana na ngayon ay duguan.
"Are you okay?" Napairap naman si Helliana.
"Yes." Agad na tinaas ni James ang kamay niya. Tinuro ni James ang binti ni Helliana kaya ang mga nurse doon ay nagmamadaling kumuha ng gamit. Hindi naman iyon pinansin ni Helliana at hinayaan na lang.
Dahan dahang nilinis ang sugat ni Helliana. Habang nililinis ay walang ekspresyon si Helliana at nakatitig lang sa cellphone niya. Si James ay nagpatuloy sa pagtitig kay Helliana.
Clark:
What happen? Where are you?
Helliana:
Hospital. I don't know bigla na lang siyang hinimatay.
Hindi na matiis ni Helliana si James dahil panay talaga ang titig nito sa kanya. Naiirita na siya sa paraan ng pag titig nito, yung tipong parang may gustong sabihin pero hindi nito masabi.
"What the f**k is wrong with you?" inis na sabi ni Helliana.
"I don't know." Napahawak sa noo niya si James.
Kahit si James ay naguguluhan sa sarili niya. Hindi niya maalis ang kanyang mata sa babaeng ito. Parang may gusto siyang sabihin kay Helliana pero kahit siya mismo ay hindi malaman kung anong gusto nitong sabihin.
"You don't know?" Mas lalong nagtaka si Helliana at nainis.
Umiling na lang si James at pilit na iniwas ang mata niya kay Helliana. Mag sasalita pa sana ulit si Helliana ng tumunog na ang cellphone niya.
Axel's calling...
"What the f**k happened?"-Axel
Agad na bungad ni Axel kay Helliana. Napatayo naman si Helliana at tumalikod kay James.
"I don't know."-Helliana
"You don't know? I'm paying you to take care of Caliber. I'm not paying you just to flirt with him."-Axel
Agad na napakuyom ang kamao ni Helliana sa sinabi ng ama ni Caliber.
"I'm taking care of Caliber. I'm protecting him. " -Helliana
"You're protecting him?"-Axel
"Yes. I don't know what's happening to him. He's being weird."-Helliana
"What do you mean?"-Axel
"Last last night he's having a nightmare."-Helliana
"What kind of nightmare?"-Axel
"I don't know. He keeps on asking me while touching his head. He asked me "who are you?"-Helliana
Hinintay ni Helliana na mag salita si Axel pero mahabang katahimikan ang namalagi.
"Axel?"-Helliana
"Ano pa? Sabihin mo lahat sakin."-Axel
"And kanina while we're eating his head ached. I thought it's nothing and then while we're driving I helped James and I don't know what happen to him. Bigla na lang siyang nahimatay."-Helliana
"When he wake up, tell him we're coming back to Philippines."-Axel
Agad na pinatay ni Axel ang tawag at hindi na hinintay ang sasabihin ni Helliana. Humarap ito kay James na medyo tulala na naman.
"James." tawag pansin ni Helliana kay James kaya natauhan naman ito.
"The doctor said Caliber is in the private room right now. Shall we?" Agad na tumango si Helliana at dumiretso na sa room ni Caliber.
***
Kapag patay ni Axel sa tawag ay agad itong nag dial ng bagong number.
"Is my son, okay?"-Axel
"Well, buti na lang at natyempuhan akong nasa pilipinas ngayon. Babalik na sana ako diyan sa North. So about your son, Caliber. Something is triggering his memory."-Dr.Jin (Rios Family Doctor)
"And what is it? But you said that there's only 20%. How come that his memory is coming back? What triggering him?"-Axel
"No, it's not something."-Dr.Jin
"What?"-Axel
"Someone."-Dr.Jin
Agad na natigilan si Axel. Sino naman? Halos lahat ng nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Caliber ay pinatahimik niya. Kaya paano?
"Who? Tell me. "-Axel
"I don't know. I need to investigate. Sino ba ang malapit ngayon kay Caliber?"-Dr.Jin
Agad pumasok sa isip nito si Helliana. Ito lang ang kasama lagi ni Caliber.
"Helliana."-Axel
Wala sa sariling nasabi ni Axel.
"Helliana? Are you sure she's not a spy?"-Dr.Jin
"Why?"-Axel
"Well she's something. If she became your enemy, you're in trouble."-Dr.Jin
"She's Clark's. The most favored one."-Axel
"So she's super strong? Mataas ang standards ni Clark pagdating sa ganyan."-Dr.Jin
"Yes. She scared me, the first time I saw her. I like her to be one of Rios's."-Axel
"She's strong indeed but there's really something about her. Don't trust her."-Dr.Jin
Ngumisi na lang si Axel.
"By the way, we're coming back to Philippines. When Caliber is okay, we're coming back here in North."-Axel
"Okay. May iba pa akong pasyente."-Dr.Jin
Agad na nawala ang tawag. Nilapad ni Axel ang cellphone niya.
"Honey!!" malakas na sigaw nito at hinanap kung nasaan ang asawa.
"Yes, honey?" sigaw pabalik ng asawa na nagluluto.
"We're coming back to Philippines." Niyapos ni Axel ang kanyang asawa na agad na napatawa.
"Why? Hahaha." Agad kumalas si Axel at hinarap sa kanya ang asawa. Seryoso na itong tinignan ang asawa kaya bahagyang napakunot ang noo nito.
"Caliber's memory is coming back. He's starting to remember his lost memory." Agad nabitawan nito ang hawak na sandok.
"What? But Dr.Jin said-"
"Yes but someone is triggering his memory."
"Who?"
"We still don't know." Agad napayakap ang asawa kay Axel.
"I'm scared. What if Caliber hate us? If he remember-" Agad na hinigpitan ni Axel ang yakap sa asawa.
"Shh, he won't. We will hypnotize him so he won't remember, okay?" Tumango naman ang babae kay Axel.
***
Dahan dahan minulat ni Caliber ang mata niya at bumungad sa kanya ang puting kisame. Hinawakan nito ang ulo niya ng mahilo siya. Naupo muna siya at tinignan ang paligid.
Napakunot ang noo niya ng makitang natutulog si Helliana sa sofa habang si James ay nasa gilid nito at naka indian seat habang nakaharap kay Helliana at natutulog.
Napatingin naman ito sa isang silya at nandon si Kean. Nakaupo habang nakapikit at natutulog.
"Hmm Liana." Sa sobrang tahimik ay rinig na rinig iyon ni Caliber. Agad itong naghiga at nagpanggap na tulog.
"Liana" tawag ulit ni James.
Napatingin si Caliber ng makitang bumangon si Helliana at sinilip si James.
"James?" mahinang bulong ni Helliana na ginigising si James.
"Liana, no!" Lumakas na ang boses ni James. Hindi na napigilan ni Caliber at naupo na ito at tinigil ang pagpapanggap na tulog.
Napahawak ito sa ulo niya. Who's Liana? Bakit parang pamilyar sa kanya ang pangalan na 'yon?
Napatingin siya kay James at kumunot ang noo ng makitang umiiyak ito habang tulog at binubulong ang pangalang Liana.
"Jamess!" malakas na inalog na ni Helliana si James.
Agad napatunghay si James. Susugod na sana si Caliber ng makitang niyakap ni James si Helliana pero dahil may mga nakaturok dito ay hindi niya magawa. Tinignan siya ni Helliana saglit bago bumaling ulit kay James.
"Helliana?" mahinang tawag ni Caliber pero hindi lumingon si Helliana. Nakita niya ang pagbuka ng bibig ng dalawa pero sa sobrang hina ay hindi niya marinig ang sinasabi nito.
"Liana."bulong ni James habang nakayakap kay Helliana.
"Who's Liana?" mahina na ring bulong ni Helliana habang hinahayaan si James sa gusto nitong gawin.
"She's my..." Naramdaman ni Helliana ang paghigpit lalo ng yakap ni James. Niyakap na siya pabalik ni Helliana ng maramdaman ang panginginig nito at ang iyak ng pag iyak nito.
"I missed her." Humagulgul na si James habang yakap si Helliana.
"I missed her. I really missed her." Lumakas ang iyak ni James. Gising na rin si Kean at nakatingin sa dalawa. Natingin pa ito kay Caliber na natigilan na rin ng marinig ang iyak ni James.
"Why did you save me? I know she will come and save me. She will protect me." Hinayaan na lang ni Helliana na mag iiyak si James hanggang sa makatulog ito. Inihiga ito ni Helliana sa sofa.
Saglit na pinagmasdan ni Helliana si James bago tumayo at umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Caliber.
"Uhm Cal and Hell bibili lang ako ng pagkain." Tumango si Helliana kay Kean na nagmamadaling lumabas ng pinto.
"Are you okay?" Tumango si Caliber at nahiga ulit. Iwas ang tingin nito kay Helliana at hindi nagsasalita. Hindi pa rin nito makalimutan ang pagyakap ni James kay Helliana. Pinayagan naman ni Helliana hindi man lang niya tinulak.
Tahimik si Caliber at hindi tinitignan si Helliana. Hindi rin naman nagsasalita si Helliana at hinahayaan si Caliber.
Biglang tumikhim si Helliana kaya napalingon sa kanya si Caliber.
"Who's Liana?" Agad kumunot ang noo ni Caliber.
"I don't know!" iritang singhal ni Caliber. Agad kumunot ang noo ni Helliana ng singhalan ito ni Caliber.
"What the f**k is wrong with you?" Agad na naupo si Caliber.
"Tangina anong gusto mo, ha? Gusto mong yakapin kita? Halikan kita? Itabi kita dito sa hinihigaan ko?"
"What the f**k? No-"
"Gusto mong pugpugin kita ng halik? Kausapin kita ng maayos? Ngitian kita? Kulitin kita? Ha? Kapag katapos mong makipag yapusan sa harapan ko? Ha? Ano?" Dudugtungan pa sana ni Caliber yung sinasabi niya ng mabilis na tumayo si Helliana. Nahulog ang inuupuan nito at nakagawa ng malakas na tunog na nakapag patigil kay Caliber.
"You know what, Caliber? You're f*****g immature. Grow up, man. Bobo ka ba? Hindi mo nakikita? Bulag ka ba? Nakikita mo bang umiiyak 'yung kaibigan mo? Nasasaktan yung kaibigan mo pero dahil napakakitid niyang utak mo, kesa intindihin mo 'yung nangyayari nagagalit ka dyan. Muntik ng mabangga ng sasakyan si James. Anong gusto mong gawin ko? Itulak siya?" Agad na lumabas si Helliana at naupo na lang sa labas sa sobrang inis kay Caliber.
Narinig ni Helliana ang pagbagsak ng mga gamitin sa loob pero nanatili pa rin ito sa labas. Sa labas na lang siya magbabantay at baka may sabihin pa itong iba.
"Helliana, what are you doing here?" Agad napatingin si Helliana kay Axel kasama ang asawa nito.
Hindi sumagot si Helliana. Binalik nito ang tingin sa kawalan at hindi sana papansinin ang dalawa ng muling magsalita si Axel.
"Come inside, Hell. May pag uusapan tayo." Tumayo na lang ito at nauna ng pumasok. Ang daming bubog sa sahig pero hindi nito pinansin. Agad nagliwanag ang mukha ni Caliber ng pumasok si Helliana pero agad kumunot ng kasunod nito ang magulang nito.
"What's happening here?" tanong ng Mama ni Caliber.
"Caliber?" tanong ni Axel. Agad umiwas si Caliber ng tingin. Naupo lang naman sa isang gilid si Helliana at hindi nagsalita.
"Di ko alam kung anong gusto nyo pero eto-" Agad napatigil si Kean sa pagpasok ng may makitang ibang tao. "Ay tita and tito." Agad nagbeso ito at nilapag ang pinamili.
"Aray! Ano yon?" Napatingin si Kean sa lapag at naapakan nito ang mga bubog.
"Kean dear pakisuyo na lang at tumawag ka ng nurse para maglinis dito. " Tumango si Kean at lumabas ulit.
Kapag labas nito ang pagpasok ni Clark.
"Why the f**k are you here?" inis na tanong ni Caliber ng makita si Clark. Tinapunan lang siya ni Clark at pumunta kung nasaan si Helliana at doon tumabi.
Dumating ang nurse at nagsimula ng magligpit ng mga kalat sa loob.
"What happen to you?" tanong ni Clark ng makita ang galos nito.
Hindi nagsalita si Helliana kaya agad na napailing si Clark at may tinext. Ilang minuto lang ay may dumating na lalaki at may inabot kay Clark.
"Mom? Dad?" takang tanong ni Caliber ng mapansing tulala ito kay Helliana and Clark.
"Yes honey?" Naupo na sa tabi ni Caliber ang mga magulang niya.
Muling napukol ang tingin nila kina Helliana at Clark nang itinaas ni Clark papunta sa siko ang suot na polo.
"What are you doing?" takang tanong ni Caliber dito. May hawak na itong syringe at may kung anong nakalagay doon. "And what's that?"
"Caliber." mahinang banggit ni Helliana dito.
"It's nothing. Just don't look." Kumunot lalo ang noo nito at hindi ginawa ang sinabi ni Helliana.
Agad inalis ni Clark ang mga nakatapal sa sugat ni Helliana. Tinignan muna nito si Helliana bago dahan dahang tinusok ang syringe sa mismong sugat si Helliana. Napakagat si Helliana sa braso nito. Lalong lumalim ang kagat ni Helliana ng ipasok na sa loob ang laman ng syringe.
"Hmm." ungol nito sa sobrang sakit.
"What the-?" Hindi maintindihan ni Caliber kung ano ang nangyayari at bakit ginanon ni Caliber ang sugat ni Helliana.
Kitang kita ang dugo sa braso nito sa pagkakakagat ni Helliana.
Nilinisan ni Clark ang sugat at muling tinapalan ito.
"Uhm well Caliber how are you darling?" Napatingin si Caliber sa mom niya ng naiilang itong nag iwas ng tingin kina Clark and Helliana. They're f*****g weird as f**k.
"I'm fine, Mom." Muli na lang nahiga si Caliber at hindi pinansin ang mga tao.
"Caliber we're going back to North." Agad napabangon si Caliber at nanlalaki ang mata na lumingon sa Dad niya.
"What? Why?" Ayaw ni Caliber sa North dahil lagi lang siyang nasa Mansion doon at hindi pinapayagan na gumala.
"After our small project here in Philippines, we're going back wherever you like it or not and you're coming too Helliana." Tumingon pa si Axel kay Helliana. Bahagyang napalingon si Helliana kay Clark.
She can't come to North because she's in black list. Siguro bago pa siya nakatungtong doon ay patay na siya.
"Well if Helliana is coming I guess I don't have a choice but to come too." mahinang sabi ni Caliber. Parang nagustuhan na niya ang ideya sa pagpunta sa North ng malamang isasama rin pala si Helliana. Just Caliber and Helliana in the same room.
"I can't." Agad natigilan sa pagiimagine si Caliber sa sinabi ni Helliana.
"You don't have a choice." mariing sabi ni Axel at masama na ang tingin kay Helliana.
"Of course I have and my decision is final." mariin ding sabi ni Helliana.
"Helliana ito ba yung sa kanina kaya ayaw mo sumama? Fine, I'm sorry. Alam kong mali ako." Nakatungong sabi ni Caliber.
"It can't change my decision, Cal."
Sa sobrang galit ni Axel ay hindi niya mapigilan na kwelyuhan si Helliana. Pinaka ayaw nito ang kinokontra siya. Buo na ang plano niya at ayaw niyang may kahit na katiting na magbabago sa plano nito.
"Dad!"
"Honey!"
Malakas na sigaw nila ng magulat sa ginawa nito. Ngunit si Helliana ay walang emosyon pa rin.
"Sasama ka o kakaladkarin kita papuntang North?" gitil na pagbabanta ni Axel kay Helliana. Lalo lang itong nainis ng ngumisi pa si Helliana sa kanya.
"Clark!"
"What the???!!"
Nakatutok na ang baril nito sa ulo ni Axel na ikinatigil ni Axel.
"Bibitawan mo siya o pasasabugin ko muna 'yang bungo mo?" Agad na binitawan ni Axel si Helliana.
"Think about it Helliana. Hindi mo kayang kalabanin ang Rios." Tumalikod na ito pero bago pa sila makalabas sa pintuan ay may ibinulong sa kanya si Clark na ikinatigil niya.
"Threaten my girl again and trust me you will kneel in front of her and beg for you life." bulong nito ng sila lang dalawa ang makakarinig bago naunang lumabas.
***
Caliber's POV
Nang makalabas na sila Mom and Dad ay agad kong nilingon si Helliana na ngayon ay nakahiga na sa isa pang sofa.
"What the f**k, Helliana? What's wrong with your brother? Is he sick? He's f*****g crazy." Bumangon si Helliana at tinignan si Caliber.
Magsasalita sana si Helliana ng biglang bumukas ang pinto.
"Wow, Kean. Bakit ngayon ka lang?" Napakamot sa ulo si Kean.
"Kasi naman kanina pa ako inuutusan dito kaya hindi na ako bumalik, hinintay kong umalis mga magulang mo baka utusan na naman ako. Atsaka nakita kong papasok don si Clark, isa pa 'yon. May saltik kaya lalong inayawan ko ang pagpasok dito sa loob. Mas gugustuhin kong kausapin ang mga magagandang cleavage este magagandang nurse don." Agad ko siya binato ng Mansanas na binili niya sa labas.
"Ano 'tong mga binili mo? Prutas? Puta mabubusog kami niyan." Napakamot ng ulo ulit si Kean.
"Hindi ko naman binili yan." Kumunot ang noo ko.
"What?"
"Hiningi ko lang 'yan sa mga pasyente dyan" Agad kong natabig ang mga prutas kaya naglaglagan ang mga prutas.
"Bobo ka ba? Pano kung may mga nakakahawang sakit ang mga 'yon? Edi nagkasakit pa kami." Agad naupo sa tabi ko si Kean.
"Eto basta basta na lang naglalaglag ng mga gamit at prutas, kala mo siya yung pupulot. Sige nga, ikaw bumili ng walang dalang pera." Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ikaw? Walang pera? Ulol."
"Oo dahil nagmamadali akong pumunta dito at akala ko mamatay kana. Sisingilin pa sana kita sa utang mo." Agad ko siyang binatukan pero agad din itong gumanti.
"Namimihasa kana ha!"
"Gago ka!" singhal ko dito
"Bakit akala mo nakakalimutan ko yung sinabi mong "Oo babayaran kita kapag malapit na akong mamatay" Akala mo ha!"
Hinilot ko na lang ang sintido ko. Bakit nagkaroon ako ng kaibigang may saltik. Yung isa naman iyakin tapos nangyayakap pa.
"Makaalis na nga lang." Tumayo na ito.
"Buti naman naisipan mong lumayas na dito." Nag dirty finger pa ito sa akin.
"Akala mo naman gusto kitang puntahan dito, kung wala ka lang utang sakin."
"Ulol."
"Nananakit likod ko dito." Agad na itong lumabas habang hawak hawak ang likod niya.
"Bakit gising ka pa?" Napatingin naman sa akin si Helliana.
"Can't sleep."
"Come. Sleep with me." Umurong ako para bigyan siya ng espasyo. Umiling naman ito.
"Tabi tayo!" Umiling ulit ito.
"Why? Tabi naman tayo dati." Nginisian lang ako nito at muling nahiga sa sofa. Napanguso naman ako.
"Tabi lang naman, akala mo aanuhin." bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya. Mahina lang itong tumawa at hindi na ako muling pinansin.