HELLIANA'S POV
Agad akong nagising sa liwanag ng araw. Agad akong bumangon at tinignan ang kama ni Caliber pero agad nangunot ang noo ko ng makita ko itong wala doon. Nakatiklop na rin ang mga ginamit niya. Saan naman pumunta ang lalaking 'yon?
Andito pa naman ang mga gamit namin pero mag isa na lang ako dito. Napatingin ako sa cellphone ko. Mag 12 na. Late na late na ako natulog dahil sa kakaisip sa pagpuntang North. Sa totoo lang, gusto ko ring pumunta sa North kasama si Caliber pero hindi ko alam kung paano. Baka hindi pa ako nakakaapak don ay salubungin na ako ng mga baril, edi patay na agad ako.
Binuksan ko ang message ni Clark. Panay ang tanong ko sa kanya kung may iba pa bang paraan para makasama ako sa North.
(Conversation nila kagabi ni Clark)
Helliana: Wala na bang iba pang solusyon para makasama ako sa North?
Clark: Why? Gusto mo ba talagang sumama sa North? You know kaya kong kalabanin si Axel for you, no need to force yourself.
Helliana: Pero anong idadahilan ko?
Clark: Panindigan mo yung ayaw mo wag kang magbigay ng rason o di kaya sabihin mo na hindi kita pinapayagan.
Helliana: But I know may iba pang paraan. I know you, kaya mo akong alisin sa black list.
Clark: Gusto mo lang ata makasama si Caliber kaya mo ako pinipilit. I know you, Hell. Kapag ayaw mo, ayaw mo. Kapag gusto mo, gagawin mo lahat masunod lang.
Helliana: You're funny, Clark. Lagi ko ng nakakasama si Caliber. Ayoko lang na maghinala sila sa akin.
Clark: They won't. They trust me.
Helliana: They trust you, but not me
Clark: You're my most favored one so if they trust me, they trust you too.
Helliana: Pano kung maghinala si Axel?
Clark: Fine. Pwede mong pakiusapan si K but you know him, hindi niya yan gagawin ng walang kapalit and you know what he wants.
Clark: You can find where is the black list and erase yourself.
Helliana: Where can I find the black list?
Clark: I don't know and it's too dangerous. I won't allow you.
Clark: You can tell Caliber that you're a killer. You killed how many people in North. You almost erase his country in the map. And tell him to erase you in blacklist.
Helliana: Caliber can erase me from blacklist?
Clark: Of course, meron siyang access atsaka bansa niya 'yon.
Helliana: But I can't tell him that I killed his people.
Clark: Why not?
Helliana: I just don't want to
Clark: Think about it but you think kapag naalis ka sa blacklist payapa kang makakapunta ng North?
Helliana: What do you mean?
Clark: If someone recognize you, you're dead.
Helliana: But wala na ako sa blacklist non.
Clark: Yes, ang blacklist nila ay para lang hindi sila mapasok ng taong mga nasa black list. Makakapasok ka sa North pero hindi ka pwede magpagala gala. Kasi kahit isa lang na makakilala sayo, they can kill you. Sila ang batas sa lugar na yon.
Helliana: I don't know what to do.
Clark: Just sleep, baby. Wag mo ng ipilit na sumama. I love you.
***
Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at bumungad ang ngiting ngiting si Caliber.
"Good afternoon, let's eat?" Hindi na siya naka hospital dress. Maayos na ang suot nito at amoy na amoy ko na naman ang pamilyar nitong pabango.
Tumango ako at nag ayos lang saglit atsaka lumapit sa kanya para sundan siya sa kung saan man kami kakain.
Kumunot ang noo ko ng hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ako nito at nginitian bago kami nag umpisang maglakad. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko dahil kasi naman ayaw ko ay siya pa rin ang masusunod, not that I don't want to hold his hand.
"Pupunta tayo sa rooftop." Masaya nitong sabi sa akin. Umiling na lang ako at hinayaan s'ya sa gusto niyang mangyari.
Nang makarating kami sa rooftop ay agad akong napataas ng kilay. Halatang pinaghandaan ito. Merong tapal sa itaas para hindi kami mainitan. May nakahanda ng maraming putahe sa isang malaking bilog na lamesa na merong dalawang upuan na para sa amin dalawa.
Agad niya ako pinanghila ng upuan bago siya naupo sa kanyang sariling upuan. Mas lalong napataas ang kilay ko.
"Let's eat?" Tumango na lang ako at hindi muling nagsalita. Pinapakiramdaman ko siya, alam kong may dahilan bakit niya ito ginagawa sa akin.
"Helliana," Tinaas ko ang tingin ko sa kanya.
"I know there's a reason why you don't want to go to North." Agad kong binaba ang hawak ko at mariin siyang tinignan.
If only you know, Caliber. Gusto ko ring pumunta ng North but I can't. Ayoko pang mamatay, marami pa akong planong gawin sa buhay ko.
May point din kasi si Clark, I know na kahit maalis ako sa blacklist mahihirapan akong payapa doon manirahan dahil baka may makakilala sa akin. Ang alam ko kasi once na nasa blacklist ka, legal kang patayin sa bansa nila. Maraming galit sa akin dahil sa ginawa ko sa North kaya hindi ako magtataka kung naglalakad lang ako sa North, may sasaksak sa akin.
Ang blacklist kasi sa North, 'yung mga nilalagay doon ay ang mga taong may malaking kasalanan talaga sa North kaya naman legal na patayin. Hindi ko rin mababantayan mabuti si Caliber kung ganoon. Hindi sakop ni Clark ang North, wala siya gaanong naipon na tauhan doon.
Napabaling ulit ako kay Caliber nang magtanong ito.
"What is it?" Hinawakan pa niya ang nakapatong ko ng kamay sa ibabaw. Nagsusumamo ang mata nito.
"I just don't want to." Napakagat labi ito saka ako mariing tinignan.
"I don't believe you, you're lying." Napaawang ang bibig ko. "I want you to come with us in North. I want to be with you. I want to spend my seconds, minutes, hours, days, weeks and months with you. Only you." Mariin ako napapikit at agad na tumayo.
"You want to know, why?" Sunod sunod ang pagtango nito.
"WHAT THE-?!" Agad nitong sigaw ng tutukan ko siya ng baril. Napatingin ako sa dibdib ng may pulang dot, as expected. Agad kong tinaas ang kamay ko. Napatingin ako sa sniper na laging nakapaligid sa amin ni Caliber. Unti unti na nitong binababa ang hawak niya ng halos mapuno ng red dot ang damit niya. Marami ring nagbabantay sa'kin.
"Bakit meron ka niyan? Put it down!" Halos mataranta ito. Nanlaki ang mata nito ng tutukan ko siya sa ulo.
"Helliana, why?" Nanginginig na ito na ikinangisi ko.
"Because I'm a killer." Agad ko ng binaba ang hawak kong baril. Ako na mismo ang umatras sa kanya, palayo sa kanya. I know, mag iiba ang tingin niya sa akin. I know, baka layuan niya ako pero alam kong hindi ko 'to matatago habang buhay.
"W-what? You're what?" naguguluhan nitong tanong sa akin.
"I killed almost everyone in the North. I almost wiped them out. That's why I'm in blacklist. Even I want to be with you in North, I can't." Bumukas ang bibig nito pero agad din niyang sinasara parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi.
"Then why are you protecting me? If you are a killer, then why? Dad hired you. I know he won't let anyone hurt me." Mas lalo akong napaatras at pinanatili ang malamig kong aura.
"Are you telling me that I'm hurting you?" Napaawang ang labi nito na tinitigan ako.
"Well I'm protecting you because it's my job. Your dad paid me. They paid me, to kill." mahina kong sinabi. "I understand if you want me to stay away from you. Don't worry I can still protect you. I can follow you without noticing." That's it Helliana.
Agad na akong tumalikod. Hindi ko alam, sanay na naman ako e. A lot of people is scared of me even James. I can see it. And now Caliber. f**k this life.
"Where are you going?" Kunot noo akong humarap sa kanya.
"Ha?"
"We are not done eating." Napaawang ang labi ko. Is he crazy?
"Are you deaf? Can't you see, I can kill you. I can hurt you. Without hesitation. You f*****g idiot." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. Tanga ba siya? Mamamatay tao ako. Pumapatay ng tao. Kahit inosente pinapatay ko basta pinag-utusan ako at binayaran.
"But you won't, right?" Napatunganga ako sa sinabi niya. Dahan dahan itong lumapit sa akin.
"I'm not scared. I don't know why i'm not scared of you. You're a killer then so what? I still like you. " Nang makarating ito sa harap ko ay nginisian ako nito ng napakalapad.
"You still like me? I'm gross. I'm disgusting. Are you crazy? Are you deaf? My hands is full of blood." Agad akong natigilan ng agap ako nitong hinawakan sa batok at agad siniil ng halik. Gumagalaw na ang labi nito pero hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari. Tumigil ito pero nakadikit pa rin ang mga noo namin.
"Open your lips." Umawang ang labi ko at ginamit niya iyong oportunidad at agad akong siniil muli ng halik. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya. He's teasing me using his tongue. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabit ko sa leeg niya ang braso ko. I kissed him back.
Agad itong tumigil at hinihingal pa. Hindi pa rin nito nilalayo ang mukha namin.
"You're mine, I'll be yours." Naglaho na naman ang lahat sa akin.
I want to be free. Gusto kong makawala na kay Clark and be with Caliber for the rest of my life.
"I'm yours and you're mine." Nagulat ito sa sinabi ko at bago pa siya makapag salita ay muli ko na ito inatake ng halik.
"OMYGHAD f*****g SCANDAL!!" Agad kong tinulak ng bahagya si Caliber na ngayon ay para ng kamatis sa sobrang pula. Si Kean at James ay nanlalaki ang mata.
"Tangina dito pa talaga sa rooftop? Katanghaliang tapat. Jusko mahabagin!" Agad kong sinamaan ng tingin si Kean ng basain niya pa kami ng tubig na animo'y holy water iyon.
"Tanginamo Kean!" Hinagisan siya ng bote ng wine ni Caliber. Nagtapunan naman iyon sa sahig. Mukhang nagulat si Kean sa ginawa nito.
"What the f**k Caliber? Muntik na akong mamatay don!! f**k sayang 'yung wine."
"Gago lumayas ka na dito." Napakamot na lang ng ulo si Kean at tumingin sa likod.
"Asan si James? Gago yon, ah. Iniwan ako." Nagtatakbo pababa si Kean.
Umiling na lang ako at naupo ulit at nagsimulang kumain. Naramdaman kong umupo rin si Caliber pero hindi siya kumain. Tinitigan lang niya ako. Nang hindi ko na siya matiis ay binaba ko ang hawak ko at tinignan ko rin siya.
"What's your problem? Staring is rude." Nginitian naman niya ako na parang wala siya sa sarili.
"I think there's something wrong with my eyes. I just can't take them off you." Kinagat ko ang labi ko para pigilan na mapangiti.
"Kain pa ng mais." Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinititigan pa rin ako. Hindi siya kumukurap.
"I've realized that I like you a lot and I want you to be mine but people like you don't fall in love with people like me." Mahabang katahimikan ang namalagi sa amin.
I like Caliber. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pwede ba yung mahal ko si Clark pero gusto ko na si Caliber? Kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Hindi ko alam kung mahal ko ba talaga si Clark in a romantic way.
Gusto kong kahit ito lang. Maramdaman kong malaya ako. Yung walang pumipili ng disisyon ko. Yung walang tumatali sa leeg ko. Gusto kong magdesisyon para sa sarili ko.
"Caliber," nginitian niya ako bago sumagot.
"Yes?" Tumayo ako. Bahagyang kumunot ang noo niya. Naramdaman kong napatigil siya ng umupo ako sa hita niya.
"H-Helliana?" ramdam ko ang pagkataranta niya sa ginawa ko.
"I'm probably gonna fall in love with you." mahina kong bulong sa kanya. Natigilan ito sa sinabi ko. Humarap ito sa akin na parang hindi makapaniwala.
I touched his face. Tracing every part of his face. I don't care kung ano ang mangyari. I know he can save me. He can give me freedom. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko malaya ako.
Nakita ko ang pagtingin nito sa labi ko at ang pag lunok nito. Napangiti naman ako.
"I seriously wouldn't mind if you just grabbed my face and kissed it." Hindi na ito muling nag salita at inangkin na niya ang labi ko.
"I like you. Damn." Agad niya akong sinunggaban ng halik.
"I like you too." Naramdaman ko ang pag ngiti nito.
Tumigil ito at humarap sa akin. Nakapalibot ang kamay niya sa bewang ko.
"You're my new source of happiness. " Ngiting ngiti ito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ako. I don't care about my mission anymore. I will protect him for the rest of my life.
"So we're official?" Nakangiti nitong tanong sa akin.
"What do you think?" Agad nitong siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Nakakainis ka. Gusto mo rin pala ako pero bakit hindi ko napapansin yon? Parang laging ang cold mo sa akin. Dapat kapag may gusto ka, magpapakita ka ng motibo." Agad akong napahalakhak sa sinabi niya.
"Ayoko nga. " Agad ako nitong tinignan. Nakapout na siya ngayon.
"Anong ayaw mo? E pano ko naman malalaman na gusto mo ako?" Natatawa ako sa kanya at parang problemadong problemado ito.
"I like you simple as that. Now you know." Agad niya akong hinalikan na agad din niyang pinutol.
"So payag ka ng pumunta sa North?" Kumunot ang noo ko. Agad kong pinitik ang noo niya.
"Nakikinig ka ba talaga sa akin kanina?" inis kong tanong sa kanya.
Sinabi ko ng hindi nga ako pwedeng pumunta sa North. Kahit gustuhin ko hindi pwede dahil nasa black list ako.
"Oo naman. Titig na titig pa ako sa lips mo non. Kaya lahat ng lumalabas dyan alam ko." Agad na akong tumayo. Naupo ulit ako sa upuan ko. Napapout pa siya lalo.
"Come here again." nakanguso nitong sabi.
"No. You're not even listening. If you want me to be with you in North, you need to listen." Parang bata naman itong tumango tango.
"I'm in blacklist so I can't go to North. Isa lang ang paraan para makapunta ako sa North at 'yun ay alisin ako sa blacklist." Nagseryoso bigla ang mukha ni Caliber.
"I can't." Agad kumunot ang noo ko. Alam kong alam na niya ang pinapahiwatig ko sa kanya.
"Why? Don't you want me to be with you?" Kunot noo ko ng tanong.
"Yes but si Dad at yung Caden ba yun, yung may access sa blacklist." Agad akong napatigil. The f**k. Napaglaruan ako ni Clark. Alam niya walang access si Caliber, gusto lang niya akong paaminin kay Caliber. Akala niya siguro mag iiba ang tingin sa akin ni Caliber. Alam niyang yun ang choice na pipiliin ko.
"Caden? Do you know him?" agad itong umiling.
Caden is K. Nahalata ko na agad kung sino iyon. Ang natitira ko na lang choice ay si K.
( Caden= Key (k) den. Diyan nakuha ang K na tawag sa kanya. )
"Why?" Umiling na lang ako sa kanya.
"Hindi ako makakapunta hanggang nasa blacklist pa ako." Parang natigilan ito at nag isip. Kumunot ang noo ko ng tumayo ito at dinala ang silya sa tabi ko. Tinignan ko ito ng nagtatanong na mata. Ngumiti lang ito sa akin.
"Para makapag isip ako ng ayos, kailangan katabi kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tuwing kasama ko talaga siya, lagi niya akong napapatawa at napapangiti.
"Alam ba ni Dad na ano ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?" Napakagat labi ito at napakamot sa ulo. Nag aalinlingan kung sasabihin ba.
"Na ano, killer ka?"
"Oo." Napatango tango naman ito.
"I will tell Dad to erase you in blacklist." Pasimple akong napairap sa ideya ni Caliber. Ngayon nga nanggagalaiti na sa akin ang Dad niya at gusto na akong patayin, ano pa kaya kapag nalaman niyang nasa blacklist ako at nasa pinaka unahan pa ako.
"Are you idiot? Do you want me to die?" Hindi ko napigilan na mairita sa kanya. Nginusuan naman niya ako at pasimpleng hinahawakan ang kamay ko. Hinahayaan ko naman siya sa gusto niyang gawin.
"Bakit ka naman mamamatay?" Sa tanong niya ay lalo lamang ako nairita.
"Nevermind. Alam ko na kung sino makakatulong sa akin." Kumunot naman ang noo nito.
"Who?" Nginisian ko lang siya. Hinalikan ko siya sa pingi, medyo nagulat pa ito sa ginawa ko.
"Mauna na muna ako." Hindi ko na hinintay ang apila niya at umalis na ako sa rooftop. Kailangan ko rin makausap si Clark. He's playing me.
THIRD PERSON'S POV
"You failed." seryosong sabi ni K kay Clark. Inisa isa naman ni Clark ang litratong inihagis sa lamesa ni K. Litrato ito ni Helliana at Caliber habang nasa rooftop at halos mapunit na ang litrato sa sobrang higpit ng hawak ni Clark.
"So what's your next plan?" Masamang tinignan ni Clark si K.
"I'm sure sayo siya lalapit." Napangisi naman si K.
"What do you want me to do?" Kinuha ni Clark ang litrato at unti unting sinusunog ang nakangiting si Caliber.
"I need to teach her a lesson, she's being a bad girl." mariing sabi ni Clark habang pinapanood nasusunog ang litrato.
"Don't hurt my girl or else I will kill you." Nginisian ni K si Clark.
"You need me." Malakas na tumawa si Clark at tinutukan ng baril si K. Agad natahimik si K at nakatingin sa ibaba. Dinuro ni Clark si K gamit ang baril niya.
"I DON'T f*****g CARE IF I f*****g NEED YOU, IF YOU f*****g HURT MY GIRL, I'LL f*****g KILL YOU. SO DON'T f*****g USE YOUR "YOU NEED ME" TO ME. BECAUSE I CAN TURN YOU INTO A MILLION PIECES IF I WANT TO!" malakas na sigaw ni Clark.
Kapag ganyan na si Clark ay hindi na siya nagsasalita. Galit na galit si Clark at hindi niya makokontrol ang sarili nito. Kahit si K ay takot kay Clark. Clark can ruin you in just a second.