Helliana's POV
Agad akong naalimpungatan ng may mag flash sa mukha ko. Kunot ang noo kong idinilat ang aking mata. Nakita ko si Caliber na hawak ang cellphone at pinipicturan ako. Napatigil ito ng mapansing gising na ako.
"Sorry may flash pala." Pinatay nito ang cellphone niya. Nilapit nito ang mukha nito at dinampiaan ako ng mumunting halik.
"Goodmorning, honey, love, baby, babe, darling, poop, myluvsosweet." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Morning. What are you doing here?" Napangiti ito sa akin at tumabi sa akin at agad siniksik ang mukha sa leeg ko. Hinayaan ko naman siya sa gusto niyang mangyari.
Walang pasok ngayon kasi Sabado. Pinadalhan na lang kami ng notes sa mga araw na hindi kami pumasok.
"Pinaday-off ko lahat ng mga maid atsaka bukas kasi uuwi na sila Mom and Dad dito. Kaya tayo lang dalawa dito sa mansion at napagplanuhan ko na ang lahat. Magdadate tayo dito sa loob ng bahay." Ngiting ngiti naman si Caliber habang dinadampian ng halik ang leeg ko.
"Bakit ang bango mo?" agad ko siyang binatukan. Napabangon naman ito at nginusuan ako.
"Aray ha! Bakit ba?" Inirapan ko siya. Ang arte parang binatukan lang, akala mo naman inano ko kung maka aray siya.
"Tumabi ka at maliligo na ako." Napanguso naman siya.
"Huwag kang lalabas ng kwarto mo. Hintayin mo akong makabalik, okay?" Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko alam kung ano na namang kaartehan ang pumasok sa katawanan ng lalaking ito
"At bakit ko naman iyon gagawin?" Taas kilay kong tanong nito.
"Kasi sinabi ko!" malakas na sabi nito.
"Sinisigawan mo ba ako?" mahinahon pero may diin na tanong ko. Napatitig naman ito sa akin na parang bata na inaaway ko. Napatingin pa siya sa sahig at umiling at nagsalita.
"Hindi po." Nabadtrip ako sa kanya pero lahat ng iyon ay nawala. Agad akong tumawa sa inasta niya.
"Kasi po may gagawin po-" Agad ko na siya pinutol sa iritasyon ko. Po siya ng po e putang mas matanda pa siya sa akin.
"Wag kang mag po, mas matanda ka sakin." Napakunot naman ang noo nito.
"Ha? Hindi, ah. Magka edad lang tayo." Naupo ako sa kama ko at mariin siyang tinignan. Alam ko kung ilang taon na siya at mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Hindi ko alam kung bakit nahuli siya sa klase. Siguro bumagsak o tumigil siya.
"Mas matanda ka sakin. Alam mo ba kung ilang taon lang ako?" Umiling naman ito.
"Mas matanda ka sakin ng tatlong taon." Napaisip naman ito dahil bigla siyang natigilan at sumeryoso ang mukha niya.
"Nasabi ko ba sayo kung ilang taon na ako?" Ako naman ang umiling sa kanya. "Paano mo nalaman kung ilang taon na ako?" Natigilan ako ng lumamig ang boses niya. Nag iba na rin ang paraan ng pagtitig nito sa akin. Dumilim na ang pagtitig nito sa akin na ikinagulat ko. Parang hindi na siya ang Caliber na binabantayan ko.
"I'm asking you." Napakurap kurap ako at agad na napatayo.
"I have my own source and dahil I'm your bodyguard dapat alam ko ang mga simpleng bagay tungkol sayo and bilang girlfriend mo rin." Pero siyempre hindi iyon ang totoo. Narinig ko kay Clark na mahirap makuhanan ng impormasyon si Caliber at sadyang limitado lang ang malalaman dito. Ang alam ko lang ay ang pangalan ng dad and mom niya pati yung kapatid niya. Kung saan siya pinanganak, kung kailan ang bday niya pero wala yung taon. Trabaho ng parents nya. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Clark ang edad ni Caliber basta biglang pagkita ko ng impormasyon ni Caliber nagkaroon bigla iyon ng taon.
"By the way kapag katapos mong maligo, hintayin mo ako." Napakunot ang noo ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pag iiba nito ng tono at pati ang expression. Kung kanina madilim ngayon ay lumiwag na ito at nakangiti na.
"Why?"
"Kasi nga may gagawin tayo sa kwarto ko." Napakunot lalo ang noo ko. Halos magkadikit na ang mga kilay ko dahil sa madalas kong pagkunot ng noo.
"Ang aga aga pa, Caliber." Agad namula ang buong mukha nito at mabilis na umatras. Halos mahulog na siya sa sahig sa pagkakataranta. Anong problema nito? Ang aga pa naman talaga, kakagising ko pa lang e.
"No i-it's not what I-" Agad ko siyang pinutol sa pag sasalita.
"What the heck is wrong with you? Pumapayag naman ako e ang kaso kailangan ko munang maligo atsaka mag ayos. Kakagising ko lang kaya, pwede ba? Ano bang problema mo at natataranta ka dyan?" Mas lalong pumula ang mukha nito, sumama pa ang tenga nito sa pagkapula at sunod sunod ang paglunok.
"P-payag ka?" tumango ako sa kanya. Halos himatayin na siya sa pagkabigla.
"S-sige maligo kana. Manonood muna ako ng porn para alam ko kung paano at mas lalo akong matuto." Ako naman ngayon ang halos mahimatay sa sinasabi niya. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko at panlalaki ng mata ko sa sinasabi niya. What the f**k? Porn?
"You f*****g pervert!" Nagulat na lang din ako ng nasuntok ko siya. Napahawak ito sa panga niya at gulat na napatingin sa akin.
"What the-?! Why did you punch me?" Nakahawak ito sa panga niya habang ginagalaw galaw ito.
"Ano ba 'yang sinasabi mong porn?" Napakagat labi naman ito at parang bata na naman akong tinignan.
"Porn yung pinapanood na nagsese-" Agad ko ulit siyang sinuntok.
"Alam ko 'yon. Ang ibig kong sabihin bakit ka manonood ng porn?" Alam kong normal lang iyon sa lalaki pero wala na ba siyang kahiyaan sa katawan at talagang sinasabi pa niya sa akin na manonood siya ng porn.
"Ha? Sabi mo pumapayag ka naman na mag make love tayo." Kumunot naman ang noo ko.
"Kailan ko sinabi yon?"
"Kanina!" Napatigil ako. Yun ba ang sinasabi niya kanina na gagawin namin sa kwarto? Akala ko mag dadate kami sa kwarto niya at may surpresa siya sa akin.
"Ang sabi mo magdadate tayo, hindi ko naman alam na yan pala ang nasa isip mo." Natigilan naman siya at napatulala. Parang iniisip ang mga nangyayari. Agad akong napailing at dederetso na sana sa banyo ng muli itong magsalita.
"Anong pinaka ayaw mo na bagay?" Kumunot naman ang noo ko.
"Pinaka ayaw ko?" Tumango tango ito.
"Kunyare hikaw, singsing, teddy bear mga ganon." Napaisip naman ako. Siguro teddy bear kasi ewan naiirita lang ako.
"Teddy bear." Tumango tango naman ito at lumabas na ng kwarto ko. Papasok na sana ako ng muling bumukas ang pinto.
"Hintayin mo ako diyan, ha?" Inirapan ko naman siya.
"Oo na, alis na!" Nginitian ako nito bago sinarado ang pinto.
Agad na akong naligo at nag ayos. Hinintay ko pa si Caliber at hindi ko alam kung saang lupalop iyon napunta.
THIRD PERSON'S POV
Nang bumukas ang pinto at tumambad doon si Caliber ay napatayo na si Helliana. Napangiti naman si Caliber, nang talagang hinintay siya ni Helliana. Lumapit si Caliber sa nakakunot ang noong si Helliana.
Noon kapag kasama ni Caliber si Helliana ay ang saya niya, ngayon kapag kasama niya si Helliana higit pa sa kasiyahan ang nararamdaman niya. Hindi na niya maimagine ang sarili na hindi kasama si Helliana.
"Bakit ang tagal mo?" Napangiti lang si Caliber at hindi sinagot ang tanong ni Helliana. Hinawakan nito ang kamay ni Helliana at pinagsalikop ito.
Dahan dahan nitong binuksan ang pintuan ni Helliana. Napangiti si Caliber habang iniisip ang magiging reaksyon ni Helliana kapag nakita na nito ang buong mansion.
Nang tuluyan ng mabuksan ang pintuan. Sa sahig ay merong mga petals. Lumabas si Helliana sa may kwarto niya at tinignan ang buong paligid, puno iyon ng mga dekorasyon. Sa tapat ng pinto ko may mga letrang lobo na nakadikit.
I LOVE YOU, HELLIANA GWYNETH DENVER
Kahit nacocornihan siya kay Caliber ay napangiti ito. Nang makita iyon ni Caliber ay mas lalong tumamis ang ngiti nito. Masaya itong makitang nasiyahan siya sa ginawa niya.
"Ikaw maglilinis nitong kalat mo." Tinawanan lang naman siya ni Caliber at hindi na nagsalita. Muli silang naglakad hanggang makarating sa may pintuan ni Caliber. May poster doon, yung picture nilang dalawa nung nasa Z forest pa sila
"Put it down." Napatingin si Helliana kay Caliber bago tinanggal sa pagkakakabit ang poster. Kapag tanggal nito ay may maliliit na letra na naman ang nakadikit.
"You're the best thing I have ever waited for." basa ni Helliana sa nakasulat.
Tinignan ni Helliana si Caliber. Kahit kailan hindi nagawa ni Clark sa kanya ang ganito. Kaya halos tumalon ang puso nito sa pinapakita ni Caliber.
Nginitian ni Caliber si Helliana bago iginaya sa may loob. Kapag bukas ng pinto ay puro bubbles ang loob nito meron doong machine na siya mismong gumagawa ng bubbles.
"Magkano ang nagastos mo?" bulong kong tanong dito. Agad naman itong humalakhak.
"Wag mo ng tanungin."
Sa may kama nito ay meron pang petals at nakaayos ang kama habang ang tv ay nakabukas. Tulad sa labas ay meron ring mga dekorasyon sa loob ng kwarto niya. Hindi ko alam kung kailan niya ito pinagplanuhan at ginawa.
Agad ako nitong hinila pahiga sa kama. Pinasandal ako nito sa dibdib niya at sabay kaming humarap sa may tv pero agad kumunot ang noo ko ng makita kung ano ang palabas sa tv.
"What the f**k? Are you gay?" Napaupo ako at inis siyang tinignan. Nagtatanong ang mga mata nito at naupo rin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ito o ano. Sinong matinong taong sa edad namin ang manood ng BARBIE sa mismong FIRST DATE namin.
"What?"
"Tigil na natin 'to. Para kang tanga." Napakamot naman ito sa ulo niya. Patuloy ang masamang titig ko sa kanya. Kanina ang saya ko pero lahat ng yun ay natabunan.
"What's wrong with you? Come here, let's watch."
"Are you serious?" Sunod sunod ang pagtango nito.
"Why?"
Agad namang kumunot ang noo nito sa naging tanong ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya. First time niya ba at talagang barbie ang gusto niyang ipanood sakin.
"I asked Kean." Tinaasan ko siya ng kilay. " Sabi niya gusto daw ng mga babae ang barbie kaya halos lahat ng barbie movies ay dinowload ko buong magdamag para makapanood tayo." Napasapo naman ako ng noo. Sa isip ko ay pinapatay ko na silang dalawa. Isang malakas ang trip at isang tangang uto uto.
"Naniwala ka naman?" Agad itong natigilan. Napakagat ito sa labi at bumulong bulong pa.
"Sabi ko na nga ba at hindi mo ito magugustuhan. Ang gagong si Kean sabi ay siya ang pinaka expert kapag dating sa ganito at siguradong tatalon ka sa sobrang tuwa kaya naman..." Nakakagat labi itong tumitig sa akin. " Nag download ako ng mga barbie."
"Uto uto." inis kong singhal sa kanya.
"But don't worry meron namang Plan B." Tinaasan ko naman siya ng kilay.
This is so epic. Barbie? Natuwa na ako nung una talaga e. Kinikilig na ako kaso nakaka badtrip talaga yang tintek na barbie na yan.
"My plan B is netflix." Nagpipindot siya doon hanggang sa makarating sa netflix.
"Napanood mo na ba yung titanic?" Tumingin naman ako sa screen.
"Yes."
"Ako hindi pa." Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"So?"
"Panoorin natin."
"Tsk."
Hindi ko na lang siya pinansin ng magsimula na ang Titanic. Nasa pagitan ako ng hita ni Caliber habang nakayakap siya sa akin.
"Hindi ko pa napapanood pero alam ko na ang ending." bulong nito sa akin.
"Alam mo na pala e bat mo pa papanoorin." Tinignan ko pa siya kaya lumapit ang mukha namin sa isa't isa. Naiilang akong binalik ang mata sa pinapanood.
"E kasi kahit na alam ko na kung anong mangyayari, gusto ko pa rin. Kahit alam ko na." Natigilan ako. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman.
Habang nanonood kami ay panay din ang kain namin. Parehas kaming tutok sa pinapanood. Nandon na kami sa part kung saan mamamatay na si Jack.
"I'm Jack." Hindi ko alam pero bigla ko na lang iyon nasabi. Natigilan ito sa pag subo.
"Ha?" taka nitong tanong. "You're Jack?" Medyo natatawa pa nitong tanong.
"Yes." Lalong lumakas ang tawa nito.
"What are you talking about? Babe let me tell you this. Jack is a guy. I thought you already watched this." Natatawa nitong sabi sa akin.
"I know he's a guy."
"Weh?"
"It's obvious. Pangalan palang panglalaki na." inis kong sabi dito.
"Oh e bat sabi mo ikaw si Jack?"
"Because Jack sacrificed himself for the one he loves." Agad natigil ang tawa nito.
"What?" mahina na nitong tanong.
"And I'm Jack because I will sacrifice myself for the one I love. And I'm ready TO KILL FOR LOVE. For the one I love."
Napalingon ako sa kanya pagkatapos ko itong bigkasin. Nagulat ako ng hawakan nito ang baba ko at agad akong siniil ng halik. Ramdam ko ang pag iingat sa bawat galaw ng labi nito sa akin.
Tumigil siya pero hindi niya nilalayo ang distansya naming dalawa. Parang tambol naman ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito.
"You're mine so all the other guys can f**k off." mahinang bulong nito sa akin at muli na namang inangkin ang labi ko.
Nang pinutol ko ang halik namin ay nginisian ko siya.
"Namimihasa ka na, ah." nakangisi kong sabi sa kanya
"Minsan ka lang pumayag magpahalik e, kaya susulitin ko na." Nagpapacute pa ito sa akin at nanguso. Agad ko namang piningot ang ilong niya.
"Ikaw, ah." Tinawanan lang naman niya ako.
"Let's eat?" Tumango naman ako.
Sabay kaming bumaba habang magkahawak ang kamay. Kapag dating namin sa hapag ay agad kaming naupo. Tinignan ko siya at parang tulad ko ay naghihintay din siya.
"Nasan ang pagkain natin?" Napatingin siya sa akin at alanganin akong tinignan.
"Wait akala ko nakahain na sila manang e." Kumunot lalo ang noo ko.
"Asan na ba ang mga tao dito?" Tumayo ito at pumunta ng sala.
"MANANG!!" rinig kong sigaw niya.
"Caliber!" malakas kong tawag sa kanya. Napatigil naman siya at lumapit sa akin.
"Bakit? Kainis akala ko nakapag luto na sila manang. Nagugutom kana ba?" Hindi ko pinansin ang sagot niya at pinaupo ko siya.
"Bakit hinahanap mo sila Manang?" Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko.
"Para makakain tayo, malamang." Sumandal ako sa inuupuan ko at tinitigan siya bago ngumisi.
"Nakalimutan mo na ba?" Kumunot lalo ang noo nito na lalo kong ikinangisi.
"A-ang alin?" kabado nitong tanong.
"Pinag day-off mo lahat ng maid." Napatigil ito at napatitig lang sa akin. Pigil ang tawa ko siyang tinignan. Ang makakalimutin naman niya, ako nga naalala ko halos lahat ng sinasabi niya sa akin.
"s**t!" Mura niya ng maalala ang katangahan niya.
"So?" Napakagat labi ito at pilit na ngumiti.
"Teka lang, ah?" Tumango naman ako at hinayaan siyang lumabas papuntang sala.
Dahan dahan ko siyang sinundan.
"Ano?!" mahinang sigaw na bulong nito.
"Tanga ka ba? Sa tingin mo marunong akong magluto?" Napapadyak pa siya na parang bata.
"Buset ka, Kean! Wala ka talagang kwentang kausap. Sana si James na lang tinawagan ko."
"Talaga!"
"Gago! Ano nga?"
"Pano kung palpak? Ipapalamon ko lahat yon sayo. Baka bago pa kami makakain, puti na mata namin."
"Parang di naman sweet yon e!"
"Ayaw ko!"
"Oo na, letse ka! Mas tanga ka! Kasalanan ko bang nakalimutan ko?"
"Bahala ka sa buhay mo. Bye baka naiinip na ang babe ko."
"Ulol! Inggit ka lang."
Agad na akong bumalik sa pagkakaupo ko at hinintay siya na makalapit sa akin. Maya maya lang ay naramdaman ko na siyang papalapit.
"Hey babe!" Nilingon ko siya.
"Sorry natagalan. May ano kasi e HAHAHA may parang ano tawag don HAHAHA prank call sa akin kaya natagalan ako." Pigil ang tawa ko siyang tinanguhan.
"Sus palusot." mahina kong bulong.
"Babe nagpareserve na ako sa pinaka mahal na restaurant dito sa pilipinas." Pagmamayabang niya sa akin. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.
"Okay. Magbibihis lang ako." Nginitian naman ako nito.
Nakita kong mabilis itong nag didial kaya agad akong nagtago.
"Good morning."
"Yeah. This is Caliber Midnight Rios and I want a reservation."
"Yes, the whole second floor."
Hindi ko na pinakinggan ang iba at agad ng pumunta sa kwarto ko. Nakapag reserve na daw, e ngayon pa nga lang siya magpapareserve.
Sinuot ko ang isang black long dress na backless. Habang yung kabila ay may hati at kita ang legs ko. Agad akong naglagay ng simpleng make up at inayos ng konti ang buhok bago nagsuot ng black high heels.
Bumaba ako at nakita kong may kausap na naman siya. Tahimik ko lang siyang pinapakinggan.
"Dad hindi ako sasama kapag hindi kasama si Helliana."
"Okay na ako, Dad."
"Promise di na mauulit yon. Magkakasakit siguro ako kaya ako nagkaganon."
"Yeah, Dad. Bye."
Agad na akong gumawa ng ingay gamit ang heels ko para mapansin niya ang presensiya ko. Agad naman nitong tinago ang cellphone niya at humarap sa akin. Kapag harap niya sa akin ay agad itong natigilan.
"What?" Natatawa kong tanong dito.
"What are you wearing?" Bahagya akong tumingin sa soot niya. At aaminin ko kahit ngayon lang na ang gwapo niya. Hanggang dito ay amoy ko ang pabango niya. Fresh na fresh ang look niya, hindi tulad ni Clark na badboy look.
"Dress, obviously." Inirapan ko naman siya. Agad siyang lumapit sa akin at iiling iling.
"Dress ba yan? E bakit kita ko legs mo?" Kunot noo nitong tanong. Sinilip pa nito ang likod ko at mas lalong kumunot ang noo nito.
"Kita ko rin likod mo! Hindi na yan dress, e!" Tinawanan ko na lang siya kahit ang totoo nacucutean ako sa kanya.
"Hayst sabagay ako lang naman makakakita. Let's go?" Tumango ako. Agad nitong nilagay sa bewang ko ang kamay niya at hinapit ako papalapit sa kanya. Agad akong ngumisi.
Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at bago pa ako makapasok sa loob ng sasakyan ay ninakaw ako nito ng halik.
Habang nasa byahe kami ay pakanta kanta pa siya. Natigilan siya pati ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha sa purse ko ang cellphone ko. Napapalingon sa akin si Caliber habang nagmamaneho. Nginitian ko naman siya bago binuksan ang message.
Clark:
Where are you going, baby?
Agad akong natigilan at napalingon sa paligid. Napatingin sa akin si Caliber ng mapansin ang ginawa ko.
"What's wrong, babe?"
"Ha? Nothing. Iniisip ko lang kung saan tayo pupunta." Agad naman itong napatawa. Hindi ko magawang tumawa ng tumanog ang cellphone ko. Napalingon si Caliber don.
"Sino yan?" Napalunok ako.
"Ah sa pinagtatrabahuhan ko." Kumunot ang noo niya.
"Pinagtatrabahuhan mo?" Muling tumunog ang cellphone ko. Hindi ko magawang isilent at baka maghinala si Caliber.
"Oo. May iba pa akong trabaho, diba?"
"Ah ganon ba? Sige text mo na baka may importanteng sinasabi yan." Tumango ako at binuksan ang message.
Clark:
Stop looking around. Caliber might notice you, baby.
Clark:
BTW I like your dress but you know that I don't like it when you're showing too much of your skin. You're making me mad, baby. Lately you're being a bad girl.
He's around. Minamanmanan niya kami ni Caliber. Napatingin ako kay Caliber na tahimik na nagmamaneho.
"You're safe, as long as I'm here." Wala sa sarili kong sabi.
"What? HAHAHA." Tinawanan ko na lang din siya.
Agad akong nag reply kay Clark.
Helliana:
Sorry. Where are u?
Alam kong may pinaplano si Clark kaya ang lakas ng t***k ng puso ko.
Napatingin ako kay Caliber ng hawakan nito ang isa kong kamay.
"I love you. I don't care how complicated this gets, I still want you." Tinitigan ko siya pero hindi niya ako nilingon at nanatiling sa kalsada ang tingin niya.
"What do you mean?" mahina ko ng tanong. May alam ba siya?
Saglit ako nitong sinulyapan at nginitian. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya pasimple ko itong kinuha.
Clark:
Kung nasaan ka, nandon din ako.
Clark:
You're mine. I already marked you. Whoever try to snatch you away, I will kill him. Without hesitation. Don't make a decision that you will regret, baby.
Agad kong pinatay ang cellphone ko.
Pakiramdam ko ngayon na lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Natatakot akong masaktan si Caliber. Natatakot ako sa gagawin ni Clark sa kanya kung sakali.
"Congrats! You've found my weakness." Napalingon ito sa akin saka ibinalik sa daan ang tingin.
"And what's that?"
"You."
Agad akong napabitaw sa hawak niya at napahawak sa unahan ng bigla siyang prumeno at tumigil sa GITNA NG DAAN. Malalakas ang busina tuloy ang narinig namin.
"What?" nangingiti nitong tanong sa akin.
"Mag drive ka!" inis kong sigaw dahil pakiramdam ko kukuyugin na kami dito.
"Ulitin mo muna." Nagpapacute nitong sabi.
"Mamaya! Drive na bilis." Napalingon pa ito sa likod atsaka nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Lalalalalalalalalala~" Napailing naman ako. Agad na itong nagpark.
Inalalayan ako nitong makababa at muling hinapit ang bewang ko papunta sa kanya. May dalawang lalaki na nasa labas.
"Caliber Midnight Rios." Agad tumango ang mga lalaki at bubuksan na sana ang pinto ng lumapit si Caliber sa isa at may ibinulong.
Saglit na natigilan ang binulungan ni Caliber bago tumango at binulong din sa kasama. Natigilan din ito pero kalaunan ay tumango din.
"Tara na sa loob." Yaya ko dito ng umalis yung dalawa.
"Later babe." Saglit pa kaming naghinatay don bago may nag bukas ng pinto.
Bumungad sa amin ang nakahalerang malalaking tao hanggang sa pataas ng hagdan ay meron. Hindi ko nakikita ang mga taong kumakain doon dahil sa laki ng harang.
"Para walang makakita sayo." Namamangha akong napatitig kay Caliber.
"Iba ka talaga." natatawa kong sabi.