HELLIANA'S POV
Kapag tapos namin kumain ni Caliber ay dumiretso na agad kami sa mansion. Agad akong pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Ilang minuto ay narinig kong kumatok si Caliber, nag bubura na ako ng make up ko.
"Come in," sabi ko.
Sumilip naman ang ulo nito at nginitian ako. Nginitian ko rin siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Baby," Napatingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang isang teddy bear na nakapag pakunot sa akin.
Tanda kong tinanong niya ako kanina at sabi kong ayaw ko ng teddy bear.
"For you." Lalong kumunot ang noo ko.
"I told you I don't like teddy bears." madiin kong sabi.
"Oo nga, kaya nga binibigay ko sayo." nakangiti nitong sabi.
Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.
"Itapon mo yan." mariin kong sabi.
Napanguso naman ito at inilagay sa tabi ng salamin yung teddy bear. Lalong kumunot ang noo ko. Nang iinis ba siya?
"Ayaw mo niyan kaya I'm sure wala pang nagbibigay sayo niyan, gusto ko ako lang magbibigay sayo niyan." Napaharap ako sa nagtatampo nitong mukha.
"Walang nagbibigay kasi ayoko, Cal." Napanguso naman ito.
"Okay, tatapon ko na lang." malungkot nitong sabi.
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha yung teddy bear.
"Thank you." bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
Dahan dahan itong ngumiti at dinaganan ako. Pinugpog ako nito ng halik kaya kahit medyo naiinis pa ako sa kanya ay napatawa na lang ako.
****
Monday na ngayon at may pasok na ulit kami. Hinihintay kong makababa ang pagong na si Caliber. Nandito na rin ang mga magulang niya.
"Helliana." Napalingon ako kay Axel ng umupo ito sa katapat na sofa habang may hawak na kape.
"What?"
Tumingin muna ito sa hagdan bago ako muling tinapunan ng tingin. Kumunot saglit ang noo ko pero bumalik din naman sa pagiging kalmado ang mukha ko.
"We will go to North in Friday." Tumaas ang kilay ko at sarkastiko siyang tinignan. Seryosong mukha lang naman ang sinukli nito sa akin.
"We?" natatawa kong sagot. Sumimsim muna ito sa kape bago umayos ng upo at humarap sa akin.
"Yes, we. Hindi papayag si Caliber na sumama sa North kung hindi ka kasama."
"That's not my problem anymore." Matalim ako nitong tinignan.
Muli sana siyang magsasalita ng naunahan na agad siya ni Caliber kaya hindi na nito natuloy ang dapat na sasabihin niya sa akin.
"17 minutes lang HAHAHAHAHA." Proud na proud nitong sigaw habang pababa sa may hagdan. Tulad noon ay binibilangan ko pa rin siya.
"Oh Dad!" parang gulat pa nitong sabi. Agad itong humalik kay Axel bago pumunta sa akin at hinalikan ako sa labi. Masama ko siyang tinignan pero nginitian lang naman niya ako. Talagang sumiksik pa siya dito sa solo sofa at niyakap ako sa bewang at inamoy amoy pa.
"Are you in a relationship?" naguguluhang tanong ni Axel.
Agad tumawa si Caliber at nilingon ang Dad niya.
"Akala ko hindi mo mapapansin, Dad. But you're right." Hinalikan ako ulit nito sa pisngi at lalong niyakap.
"Diba babe?" Saglit ko itong tinignan.
"Yeah."
Ramdam ko ang titig sa akin ni Axel. Tinaasan ko siya ng kilay. Napaawang ang labi nito na parang may gustong sabihin but in the end isasarado niya ito.
"Oh we're late." Napatingin ako sa oras.
Tumayo na ako at ganon din si Caliber. Sabay niyang kinuha ang bag namin. Lumapit ito kay Axel at muling humalik.
"Bye Dad. Pasabi kay Mom na aalis na kami." Tumango lang si Axel at pasimple akong nilingon. Nginisian ko lang naman siya at hindi na pinansin.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin naman kami sa school. Nakaakbay siya sa akin habang hawak parehas ang bag namin. Ang dami kong naririnig na bulungan pero hindi ko na pinansin
Agad kaming sinalubong nila James and Kean. Agad sinuntok ng pabiro ni Kean si Caliber habang si James ay nginisian ito.
Hindi ko na sila pinansin at agad ng naupo sa upuan ko. Nasa labas pa rin sila ng room at nagkukunwetuhan. Tinitignan ko ang bawat reaksyon ni Caliber nang mapatingin ako sa kakapasok lang.
Agad din itong napatingin sa akin. Nginisian naman ako nito atsaka siya naupo sa upuan niya. Agad kong kinuha ang ballpen at pumunit ng kapirasong papel at nagsulat doon.
Let's talk.
Agad kong tinupi sa maliit ang piraso ng papel bago tumayo at nilapag sa lamesa niya ang kapirasong papel. Agad niyang tinakpan iyon ng palad niya at nakangisi ako nitong tinignan.
"After school. I will find you." Mas lalong lumapad ang ngisi nito. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero base sa mukha niya parang ineexpect na niya na makikipag kita ako sa kanya.
Masama ko siyang tinignan bago naupo sa upuan ko. Agad namang naupo rin sila Caliber.
"Ano yung binigay mo, babe?" Napalingon ako kay Caliber. Nakita niya pala.
"May sinabi lang." Napalingon ito kay K bago ako muling tinignan.
"Ano 'yon?" Napalingon ako kay Caliber.
Akala ko galit siya pero kalmado ang mukha nito na nagpakaba sa akin. Sa totoo lang meron akong napapansing kakaiba sa kanya. May kakaiba sa kanya, e. May mali. I don't know what. Hindi ko mapangalanan kung ano yon.
"Nothing important." Tumango lang ito at hindi na nakapagsalita dahil dumating na ang prof.
****
THIRD PERSON'S POV
Nang matanaw nila si Caliber at Helliana na naglalakad na papunta sa classroom nila.
"Tignan mo 'tong si Caliber nagka girlfriend lang hindi na tayo sinasabayan sa pagpasok." Nginisian lang naman siya ni James dahil andito na sila Caliber at Helliana.
Pabirong sinuntok ni Kean si Caliber at nginisian naman siya ni James. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Helliana at naupo na sa pwesto nila. Tumawa si Caliber na parang nag yayabang.
"Alam mo ba, James? Kahapon si tanga tinawagan ako HAHAHA bungad sakin e 'Puta nakalimutan ko na pinag day off ko pala yung lahat ng maid para akong tanga na tawag ng tawag tapos nagtataka bakit wala pang luto.' Tawang tawa ako kay Caliber non e." Ginaya pa nito kung paano ito sinabi ni Caliber. Agad namang tumawa si James at tinignan na parang nang aasar si Caliber.
"Grabe epekto sayo ni Helliana, ah. Nakakalimot ka." Agad nginisian ni Caliber si James.
Bahagya itong tumingin kay Helliana pero wala na ito sa pwesto niya. Sina Kean at James ay nagtaka kaya napalingon na rin at nakita nila ang pag ngisi ni K habang binibigay ni Helliana ang kung ano sa kanya.
Agad kinain ng inis at selos si Caliber lalo na ng makita ang ngisi ni K kay Helliana.
"Sino 'yon?" Napalingon si Caliber kay Kean.
"Malay ko." irita na nitong sagot.
Nang makaupo muli si Helliana sa pwesto nila ay nag martsa na rin sila papasok.
Nang mag lunch na ay agad silang tumayo para pumunta sa cafeteria. Nang nasa pinto na sila ay kamalas malasang nakasalubong pa nila si K. Napatitig si Caliber kay K kaya napatingin din si K sa kanya at agad siyang nginisian na para bang nang aasar. Mas lalong dumilim ang titig ni Caliber sa ginawa ni K, lalo na ng lumapit ito kay Helliana.
"Later." Mahina pero sapat na para marinig nila Caliber at Helliana. Narinig din ni Caliber dahil malapit lang sa isa't isa sila Caliber at Helliana. Umigting ang panga nito at nag aapoy sa galit na tinignan si K. Natutuwa si K na makitang naiinis si Caliber sa kanya kaya kinindatan pa niya si Helliana bago umalis.
Nang makaalis na si K ay agad nag simulang maglakad si Helliana na para bang walang nangyari. Gustong magtanong ni Caliber pero napansin nitong wala sa mood si Helliana. Hinabol ni Caliber si Helliana at hinawakan ang kamay. Hindi naman nagsalita si Helliana at nagpatuloy lang.
"So kamusta ang date niyo?" nang-aasar na tanong ni Kean habang nakain sila.
Agad binatukan ni Caliber si Kean. Napahawak naman ito sa kung saan siya binatukan at nakangusong tinignan si Caliber. Samantalang si James ay nasulyap lang sa kanila para panoorin. Si Helliana ay walang pake at nag cecellphone habang nakain.
"Aray! Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako." Inis siyang tinapunan ng tingin ni Caliber ng maalala ang kagaguhan ng kaibigan niya.
"Gago ka nagtanong ka pa!" Napapalingon ang iba sa sobrang lakas ng boses ni Caliber. Agad tumawa si Kean at muling tinignan si Caliber na parang wala siyang ginawa.
"Masama bang magtanong?" pigil ang tawa nito habang tinatanong si Caliber.
"f**k you, sinungaling ka!" Lalong humagalpak ng tawa si Kean.
"Sinong tangang uto uto?" Mas lalong humagalpak ng tawa si Kean. Sinipa ni Caliber si Kean pero lalo lang itong tinawanan.
"Ulol expert daw. Wala ka ngang girlfriend. Pano walang nagkakagusto sayo!" Tinawanan lang naman siya ni Kean at kinakalabit si James. Tinignan lang naman ni James si Kean na namumula na kakatawa.
"Baliw." bulong ni Caliber habang nakatingin sa kaibigan.
"Kasi si gago HAHAHAHA puta ang sakit ng tyan ko HAHAHA kagabi HAHAHA ay nung isang gabi pala aba tumawag HAHAHAHA naghihilik na ako non siyempre nakakabadtrip HAHAHA aba tinanong ako kung anong pwedeng gawin sa first date HHAHAHA tapos yun sinuggest ko yung manood sila para sweet HAHAHAHA tapos ano daw panonoorin HAHAHA sabi ko HAHAHAHAHA barbie HAHAHAHA sabi ko pa maniwala ka sakin expert ako HAHAHAHA si bobo paniwalang paniwala HAHAHA pinicturan pa yung mga dinownload niya HAHAHAHA putangina mamamatay ako ng maaga sayo." Halos mahulog na si Kean sa kinauupuan niya sa sobrang tawa. Agad ding tumawa si James at nakisabay kay Kean.
(Phone conversation nila ni Caliber and Kean)
Caliber: Hoy Kean!
Kean: Oh?
Caliber: Gusto ko kasi na mag date kami bukas ni Helliana kasi nga syempre kakasimula pa lang namin.
Kean: Oh tapos?
Caliber: First time ko 'to. Anong gagawin ko sa first date namin?
Kean: Aba malay ko sayo. Puta naman ala una na nambubulabog ka para dyan.
Caliber: Hindi kasi ako makatulog naalala ko yung halik niya sa akin. Ang matamis niyang halik. Ang malambot niyang labi. Ang mga hawak niya. Alam mo ba nung umalis kayo? HAHAHAHA nagulat ako umupo sa hita ko grabe kamo yung puso ko parang-
Kean: Tumawag ka ba parang mang inggit?
Caliber: HAHAHA oo nga pala wala kang girlfriend.
Kean: Gago dami nagkakagusto sakin kaso siyempre kapag naging taken ako daming magluluksa. Kapag ikaw naging taken eto lang masasabi ko sayo WALANG MAY PAKE.
Caliber: Ewan ko sayo. Inggit ka lang. Mamatay ka sa inggit.
Kean: Una ka.
Caliber: Example ka.
Kean: Ulol wag kang papatulong. Goodnightttt.
Caliber: Joke HAHAHA so ano na nga?
Kean: Punta kayo mall or dalhin mo kung saan saan.
Caliber: Sa Paris ko na lang kaya siya dalhin? Doon na lang kami mag date.
Kean: Ay wow ang yaman naman. Maka paris na lang. Nilalang mo lang yung paris, sungalngalin ko ngalangala mo e.
Caliber: Bakit ba? Dami mong problema sa mundo.
Kean: Ewan sayo. Bahala ka mag PARIS NA LANG KAYO. LANG. LANG. LANG. HA!
Caliber: Baliw! Pero kasi kapag nag Paris kami I don't know kung papayagan siya nung baliw niyang kuya.
Kean: Edi wag na lang sa Paris. May pa Paris Paris ka pang nalalaman dyan.
Caliber: E saan?
Kean: Ewan ko ba kung bakit ako ang namomoblema sa kung saang lugar mo siya dadalhin. Ako ba magdadate sa kanya at ako ang pinag iisip mo?
Caliber: Bawal mapagod ang utak ko.
Kean: Wala ka kasi non.
Caliber: Meron! Oh san na? Bilis!
Kean: Tangina ikaw ang pinaka makapal ang mukha sa lahat. Kung maka demand. Edi sa bahay niyo! Magbahay bahayan kayo. Letse ka!
Caliber: Anong gagawin namin sa bahay?
Kean: Pati gagawin niyo ako pa rin mag iisip? Sige, bilangin nyo kung ilan ang bigas niyo. Sukatin niyo rin yung bahay niyo. O di kaya bilangin niyo ilan ang asin niyo. Ay eto ang pinaka the best, guluhin niyo lahat tapos ayusin niyo rin. Oh diba?
Caliber: Wala kang kwenta sana si James kinausap ko.
Kean: Sana nga!
Caliber: Ayusan kasi!
Kean: Manood kayo ng kung ano para sweet tapos mag cuddle kayo.
Caliber: Ano panonoorin?
Kean: Barbie.
Caliber: Barbie? Pangbata 'yon e.
Kean: Tanga mas maiinlove siya sayo kapag yan ang pinanood niyo. Hindi ka ba naniniwala sa akin? Expert ako kapag dating sa ganyan.
Caliber: Talaga?
Kean: Oo naman.
Caliber: Thank you bro. I send money to your account, check it. Kapag naging successfull dadagdagan ko pa yan. Hindi ako nagkamali na ikaw ang tinawagan ko.
Kean: Sure, bro. You're welcome. Good luck...
(After 30 minutes)
Caliber sent a photo
Caliber: Kean, look dinownload ko ang mga popular barbie movie.
Kean: Nice nice HAHAHA.
***
Nang matapos na silang kumain ay bumalik na sila sa room nila.
Nang makapasok na sila sa classroom nila ay kasabay lang nila ang prof nila. Kaya agad na rin silang nag lesson.
Nang uwian na ay agad tumayo si Helliana habang nakikipag kwentuhan si Caliber kila James. Pasimpleng tumingin si Helliana kay K bago ito umalis. Ngumisi naman si at hinintay na makalayo si Helliana bago tumayo paalis.
"Alam mo nung pinanood namin yung titanic, aba sabi sakin ng babe ko. "I'm Jack." tapos ako syempre tinawanan ko kasi nga diba lalaki si Jack pero may banat pala siya. Sabi niya "And I'm Jack because I will sacrifice myself for the one I love. And I'm ready TO KILL FOR LOVE. For the one I love." Agad humagalpak ng tawa si Kean habang nagliligpit ng gamit.
"Edi kilig na kilig ka na naman?" Agad tumawa si Caliber.
"Syempre, sayang yung banat niya kung hindi ako kikiligin." At sabay na nagtawanan si Kean at Caliber. Umiiling naman na pinagmasdan ni James ang dalawa.
"Mga baliw." bulong niya sa sarili niya. Agad napalingon si James kay Helliana ng bigla itong tumayo. Kumunot ang noo ni James at agad na sinundan ng tingin ang papalayong si Helliana.
"Kapal mo, Kean! Kilig na kilig din kaya sakin si Helliana."
"Ows? Talaga ba? Di ko maimagine, ulol!"
"Kinikilig ka sakin, diba babe-? Nasaan si Helliana?" Agad napatayo si Caliber at nilibot ng tingin ang buong room. Tumigil ito sa paglibot ng makitang tumayo si K, nilingon ni K si Caliber at nakakalokong tinignan si Caliber. Kumunot ang noo ni Caliber bago humarap kila James.
"Nasaan si Helliana? James? Kean?" Napatingin naman si Kean sa paligid.
"Baka naman nag cr lang o kung ano." Inis na humarap si Caliber kay Kean.
"Nag cr? Dinala pati yung bag?"
Hindi na lang nagsalita si Kean dahil alam nitong wala na sa mood si Caliber.
Agad kinuha ni Caliber ang cellphone niya at pilit na tinatawagan ang cellphone ni Helliana pero nakapatay ito.
"f**k!" Agad hinagis ni Caliber ang cellphone niya kaya napatingin ang ibang tao na nasa loob pa rin ng room. Ang mga kaninang nagbubulungan ay agad nawala at napatitig kay Caliber.
"Nakita kong umalis kanina si Helliana." Agad napaharap si Caliber sa naka cross arm na si James.
"Saan pumunta?"
"Hindi ko alam. Dire diretso lang sya e." Napabuntong hininga si Caliber.
"Baka naman may ibang pinuntahan?" Masamang tinignan ni Caliber ang isang babaeng nakisali sa usapan nila.
Hindi naman iyon pinansin nung babae at nginitian pa si Caliber.
"Baka naman kasi nakipagkita sa ibang lalaki-" Agad napatayo sila Kean at James.
"Hoy!" malakas na sigaw ni Kean.
Namewang naman ang babae sa harap niya.
"Bakit? Totoo naman, ah? FYI lang katabi ko si Caden (K) at kitang kita ko kung paano sila nag abutan ng sulat. Atsaka nakatingin ako kay Helliana nung umalis siya kasi napatingin siya sa gawi namin at nung nawala siya sa paningin ko ay agad tumayo si Caden at hula ko magkasama sila ngayon." Agad na nagkatinginan sila Kean at James.
"Nako Caliber malay mo tinawag pala siya nung baliw niyang kapatid, diba James?" Pasimpleng binunggo ng braso ni Kean si James.
"Ah oo ata."
"Mga palusot niyo! Caliber nakipagkita si Helliana sa ibang lalaki-"Agad natigil sa pagsasalita ang babae ng biglang hawakan ng mahigpit ni Caliber ang panga nito at bahagyang nilapit sa mukha niya.
"Omy!"Agad nag iritan ang mga tao ng makita ang ginawa ni Caliber.
"Caliber!"Agad na sigaw ni Kean pero parang walang narinig si Caliber at mas lalo pang hinigpitan.
"Masa-kit!"Pilit inaalis nung babae ang hawak ni Caliber pero sobrang lakas ni Caliber kaya hindi nito maalis .
Nakatingin lang si Caliber sa babae habang walang emosyon na hawak hawak ang panga nito.
"Isa pang rinig ko sa boses mong parang daga, puputulin ko yang dila mo. Naiintindihan mo?" Umiiyak na tumango ang babae. Agad binalya pababa ni Caliber ang babae bago umalis sa classroom.
Agad nagkatinginan sila Kean at James. Ito ang unang beses na manakit si Caliber ng physical. Kaya halos lahat sila ay nagulat sa inasta nito. Ngayon lang din nakita nila Kean ang ekspresyon na yon ni Caliber. Walang emosyon pero nakakatakot, parang pinapatay ka sa bawat tingin nito.
Bago sinundan nila James si Caliber ay narinig nila ang mga bulungan sa loob ng room.
"Anong nangyayari kay Caliber?"
"Pag involve si Helliana, parang nagiging ibang tao siya."
"Poor girl. Bakit kasi sinabi niya pa yon?"
"Ngayon ko lang nakitang ganon si Caliber."
Agad natagpuan nila Kean si Caliber na nakasandal sa kotse habang nakatingin sa cellphone niyang nabasag dahil sa pagkakahagis kanina.
"Samahan ka namin mag hintay dito kay Helliana." Hindi naman sumagot si Caliber at patuloy lang sa pagtingin sa cellphone niya.
Nag hintay sila doon ng isang oras pero wala pa ring Helliana na pumunta. Patay pa rin ang cellphone nito.
*Phone ring*
Agad nagkatinginan sila Kean at James.
"Kanino 'yon?" tanong ni Caliber.
Umiling si James kaya parehas silang napatingin kay Kean.
"Akin ba yon?"Kinunutan ng noo ni Caliber si Kean kaya agad itong napahawak sa bulsa nito.
Kinuha nito ang cellphone nito.
Mamc's calling...
Agad nitong sinagot ang tawag at bahagyang lumayo.
"Bakit mamc?"
"[Anong bakit ka dyan? Anong oras na?]" Tinignan ni Kean ang oras sa kanyang cellphone.
"Mag 6:30 na. Bakit sira ba orasan dyan?"
"[E kung sirain ko yang mukha mo? Ano bang usapan natin Kean, ha? Ang sabi mo maaga kang uuwi at sasamahan mo ang kapatid mo.]"
"Hala oo nga pero kasi mamc hinihintay pa namin yung girlfriend ni Cal e."
"[Yung kapatid mo rin naghihintay.]"
"Mamc-"
"Iwan nyo na ako. Kaya ko na'to."Agad natigilan si Kean at tumingin kay Caliber.
"Sigurado ka?" Tumango naman si Caliber kay James at bahagyang ngumiti.
"Ikaw din, Kean. Hinahanap ka na ata ni Tita." Nagkatinginan naman sila Kean at James.
"Basta tawagan mo ako, ha." Tumango lang si Caliber kay Kean.
"Pwede kitang samahan dito." Agad na umiling si Caliber kay James.
"Aalis na rin ako mamaya, hintayin ko na lang ng konti." Tumango na lang ang dalawa kahit nag aalangan pa kung iiwan ba si Caliber.
Napatingin si Kean ng makitang pinatay na pala ang tawag. Agad nitong pinaharurot ang sasakyan para makapunta agad sa kapatid niya.
Kapag bukas palang ng pinto ni Kean ay sinalubong agad siya ng hampas ng mommy niya.
"Aray!"
"Anong oras na?! Kanina pa naghihintay kapatid mo, ayun nagtatampo!" Agad namang napakamot ng ulo si Kean.
"Ako na bahala don mamc. Ginagawa mo naman akong bata."
"Aba't sumasagot ka pa?!" Agad na binitawan ni Kean ang bag niya at nagtatatakbo papunta sa kwarto niya para magbihis.
Agad muna itong umupo sa kama niya at kinuha ang cellphone para itext si Caliber na umuwi na rin agad.
Kapag bukas nito ng message ay may message sa kanya si Helliana na ikinalaki ng mata nito.
From:Helliana
May gagawin ako ngayong importante pakisabi na lang kay Caliber na wag na akong hintayin. Kila Clark ako ngayon matutulog. Patay ka sakin kapag hindi mo sinabi kay Caliber...
Agad napalunok si Kean.
Patay ako nito.
Agad nitong dinial ang number ni Caliber pero busy ang line nito.
Agad kumaripas ng takbo si Kean at kinuha ang susi nito.
"Kean saan ka na naman pupunta?!"
"Ma wait lang!"
Agad nitong pinaharurot ang sasakyan papunta sa school pero wala na si Caliber doon.
Agad kinuha ni Kean ang cellphone at sinubukan ulit tawagan si Caliber pero patay na ang cellphone nito.
"Wala naman sigurong masamang mangyayari, diba?"