CHAPTER 24

3365 Words
Nang kumalma na si Helliana ay kasabay non ang pagpasok ni Caliber pero hindi ito nilingon ni Helliana at nanatiling nakayakap kay Clark. Walang nagawa si Caliber kung di ang mahiga na lang ulit. Ilang minuto ang nakalipas at tahimik pa rin. Makakatulog na sana si Caliber ng magsalita si Helliana na ikinadilat niya. "I've been hurt tons of times before so why do I still feel pain?" Bahagya itong napatingin kila Clark and Helliana. "Stop thinking about it. Just sleep, please. " ramdam ni Caliber ang pagsusumamo ni Clark kay Helliana. Sobrang lambot ng boses nito, hindi normal na boses ni Clark na lagi nitong naririnig. Muling tumahimik ang paligid. Napatingin si Caliber sa kisame at nagsimulang mag isip. Nagtataka ito kung anong nangyari kay K at Helliana. Bakit nagkaganon si Helliana? Hindi nito masyadong naririnig ang pinag uusapan ng dalawa dahil sobrang layo nito. "Kapag nakikita kitang nasasaktan, mas nasasaktan ako. I won't let them hurt you again. They need to kill me first before they hurt you, no, even if I'm dead I won't let them hurt you. " Napabangon si Caliber at napalingon kay Clark. Mahimbing ng natutulog si Helliana sa dibdib nito habang si Clark ay hinahaplos ang buhok at nakatingin sa kawalan. Nang makuha ni Caliber ang atensyon ni Clark dahil sa pagbangon nito ay napalingon siya dito. Sa mata palang ni Clark kitang kita mo na, na determinado ito. Kinaumagahan ay nagising si Caliber sa sinag ng araw. Kinusot nito ang mata at inis na dinilat ang isang mata. "Manang can you f*****g close the window?" Kumunot ang noo ni Caliber ng may naaninag itong tao. Nang malinaw na nitong nakita kung sino iyon ay agad itong nagising at napabangon. "Hell?" gulat na tanong nito. Tinaasan naman ni Helliana ng kilay si Caliber. "What are you doing here?" Bahagyang natigilan si Caliber. Tinitigan niya si Helliana ng maigi at parang walang nangyari kagabi, back to normal na ito. "Ha?" tangi na lang niyang naisagot sa tanong ni Helliana. "Tsk." Tumalikod si Helliana, pagtalikod ni Helliana siya namang pagkunot ng noo ni Caliber. CALIBER'S POV Kumunot ang noo ko ng tumalikod na si Helliana para lumabas ng kwarto. Nakalimutan niya ba yung nangyari kagabi? Imposible. Nawala ang pagkakunot ng noo ko ng lumingon ulit sakin si Helliana. "Yes babe?" Kumunot lalo ang noo ni Helliana sa sinabi ko. "Let's eat." tumango ako sa kanya. Pinakatitigan muna ako nito bago nito sinarado ang pinto. Tinitignan ko ang pintong nilabasan niya. She's back to normal. Gusto kong magtanong pero natatakot akong kapag inopen ko ulit yung about don ay mangyari na naman yung nangyari kagabi. Agad akong napabangon sa pagkakahiga ko at nag hilamos muna bago bumaba. Kapag baba ko ay ilang ikot pa ang ginawa ko bago ko nakita sila Helliana na nakaupo habang kumakain. Tahimik lang silang kumakain, tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig mo. Napatingin sa akin ang sa tingin ko ay medyo matanda ng konti kay Dad. Nanatili akong nakatayo at nakipagtitigan sa matanda. Napatingin naman sa amin sina Clark at Helliana. "What are you doing? Sit down." Napabitaw ako sa titigan namin ng magsalita si Helliana at sa kanya napunta ang atensiyon ko. Ngumiti naman ako kay Helliana bago naupo sa tabi niya. Sinandukan ako ng isang katulong nila, hinayaan ko naman siya sa ginagawa niya. "Papasok ba tayo?" tanong ko kay Helliana. Napatigil ito sa pag nguya at tumingin sa akin. Kahit na sa tingin ko ay nagbalik na ito sa dati ay meron pa ring kakaiba sa kanya, merong nag bago. "Hindi ako papasok." Taka naman akong tumitig sa kanya. Hindi siya papasok? Edi hindi rin ako papasok? "Bakit?" taka kong tanong. "Mauna ka ring umuwi, papahatid kita pauwi sa isa sa driver dito." Kumunot ang noo ko ng hindi man lang niya sinagot ang tanong ko at sumubo na lang ulit para kumain. "Ayoko!" malakas kong pagtanggi. Napatingin naman sa akin sina Clark pero wala akong pakielam. Hindi ko alam kung bakit na naman siya nagkakaganyan. Tinatrato niya akong parang wala lang. Nasasaktan ako sa ginagawa niya, para akong tanga. Alam kong hindi pa siya ayos pero hindi niya ba pwedeng kahit ilang segundo lang isipin niya yung nararamdaman ko? Kagabi hinayaan ko siyang makipag yakap sa kapatid niya, hindi ko pa sigurado kung kapatid niya ba talaga. Inintindi ko kahit na kinakain ako ng selos, hindi ako nagsalita. Ngayong medyo ayos na siya, tatratuhin niya akong parang basura. "Caliber!" sigaw ni Helliana. Nagulat ako ng malakas ako nitong sigawan. Napatayo pa ito at masama akong tinignan. "Why?" halos pabulong ko ng tanong dito. "I said you need to go home first." may diin nitong sabi. "I don't want to. Hindi ako aalis hanggang hindi ka umaalis, sabay tayong aalis." Wala akong pakielam kung magalit siya sa akin. Gusto ko ring malaman kung bakit niya ako pinapaalis, kaya ko namang maghintay. "Caliber-" Agad naputol ang sasabihin niya ng magsalita ang matanda. "Helliana," agad umupo si Helliana at tumahimik. Napatingin ako kay Helliana. She's scared. Napatingin naman ako don sa matanda na ngayon ay nakatingin sa akin. Unang tingin mo palang sa matanda ay alam mo ng dapat hindi siya banggain. "Dad, it's not her fault." Agad kumunot ang noo ko. Daddy iyon ni Clark, kung daddy din 'yon ni Helliana ay hindi siya matatakot ng ganon dito. Hindi rin sila magkahawig ni Helliana, siya at si Clark lang ang magkahawig. So, ampon lang si Helliana? "Go home, Caliber. Please." mahinang bulong ni Helliana habang nakatungo. Napatitig naman ako dito at napabuntong hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit galit yung Daddy ni Clark kay Helliana. Ngayon ko lang din nakita ang takot sa mata ni Helliana. Napatayo ako kaya napatunghay si Helliana at tumingin sa akin. "Restroom lang and aalis na ako pagkatapos ko mag restroom." Agad akong tumayo at naglakad. Umikot ako hanggang sa makarating ulit ako sa dining room at nagtago para makinig sa pinag uusapan nila. THIRD PERSON'S POV "Who's K?" Panimulang tanong ng Daddy ni Clark. Napalunok naman sa takot si Helliana. Kaya niya pinapaalis si Caliber dahil ayaw nitong marinig ang pinag uusapan nila. Ayaw niyang makita na takot siya sa matandang taimtim na pinapanood siya. Noon pa lamang ay takot na si Helliana sa matanda. Noon pa lang ay alam na ng matanda kay Helliana pero ipinilit ni Clark si Helliana kaya walang nagawa ang matanda. Ngunit alam ni Helliana na pwede nitong patayin siya at ang kapatid niya anumang oras na gustuhin nito. Isa rin ito sa dahilan kaya hindi siya makawala kay Clark. Kung bakit takot na takot siyang kumawala kay Clark. Without Clark support, she's sure he will kill her. Hindi takot mamatay si Helliana, takot siyang idamay nito ang kapatid niya. Hindi niya pa kayang protektahan ang kapatid niya dahil hawak pa ito nila Clark at mahina pa siya. "His real name is Caden-" "I'm not asking you, Clark." Napatigil si Clark at pasimpleng tumingin kay Helliana na nakatungo. "He's Caden, he's the Lord of North." mahina pero sapat na para marinig ng matanda. "Why did you ask for help? You want to go back to North?" Napalunok si Helliana. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari, kung alam lang niya hindi na lang sana niya ginawa. "Because of my mission." mas lalong humina ang boses ni Helliana. "What? I can't hear you. LOUDER!" sigaw ng matanda na nakapag panginig kay Helliana. Tumingin si Helliana kay Clark. Napabuntong hininga si Clark bago humarap sa matanda na ngayon ay kunot na kunot na ang noo. "Dad, stop it. You know her condition, you know that if something bad happen to her I won't forgive you, right?" Helliana is scared to him while he's scared to lose Clark. Si Clark na lang ang natira sa pamilya nila kaya hindi nito kayang pati si Clark ay mawala sa kanya. Yun ang advantage ni Helliana, kaya niyang kontrolin si Clark at kayang kontrolin ni Clark ang matanda. "Sasagutin lang niya ang tanong ko, Clark. Nothing will happen if she will answer my question properly." Napakagat si Helliana sa labi. "Again, Helliana. Why did you asked him for help?" Nanatiling tahimik at nakatungo si Helliana. "Chin up, Helliana Gwyneth." Kahit ayaw ni Helliana ay wala itong nagawa kung hindi sundin ang utos ng matanda. "I..." "LOUDER!" "I need to go to North." takot na sabi ni Helliana, sapat lamang para marinig nila. "Why?" "Dad, stop it." Pag pigil ni Clark dahil alam nitong hindi nito tatantanan si Helliana lalo na at pasala sala ang sagot ni Helliana dahil sa takot. "Shut up, Clark. I'm still asking her." Natutop naman ni Clark ang bibig. Alam ni Clark na ang may pinaka may control kay Helliana ay ang Dad niya, ang pinaka sinusunod ni Helliana. Takot si Helliana dahil nakita na niya mismo kung ano ang kaya nitong gawin sa kanya, just one wrong move and she and her brother will die. "I need to protect, Caliber. I am assigned to protect him." tumango tango naman ang matanda. "Then bakit tinopak na naman 'yang kabaliwan mo?" Napalunok si Helliana. "Dad, you know that she's sick. She can't control it." Tumayo ang matanda at lumapit kay Helliana kaya napatunghay ito at napatitig sa matanda. "That's why I don't like you, you look strong but the truth is you're weak." Agad hinawakan nito ang panga ni Helliana. Nanginginig na sa takot si Helliana. "I need to punish you." Agad pumatak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Helliana. Dahan dahang tumayo si Helliana at lumuhod sa matanda. Agad namang lumapit doon si Clark at pinatayo si Helliana. "J1," Mas lalong naluha si Helliana ng tinawag ng matanda ang kanyang kanang kamay. "Dad, stop!" sigaw na ni Clark. "Bring Helliana, where she belong." Nagsusumamo namang tumingin si Helliana kay Clark. Pumipiglas ito sa humawak sa kanya pero tatlong lalaki ang humawak sa kanya. No, ayaw na niyang bumalik doon. Mababaliw siya lalo kung babalik siya doon. Isa ito sa mga rason kung bakit takot na takot na magkamali si Helliana. Agad pinigilan ni Clark ang kumakaladkad kay Helliana at agad niyakap si Helliana. "Shh baby, don't worry. I'll talk to Dad, okay? He will set you free, just wait." Sunod sunod na umiling si Helliana kay Clark. "Please, ilalagay niya ulit sa akin 'yon, Clark. " Sinenyasan na ng matanda na ipunta doon si Helliana kaya napabitaw si Clark sa kanya. Kunot noo namang napatingin si Clark sa matanda. "What the hell, Dad? " inis na singhal ni Clark. Kumunot lalo ang noo ni Clark nang hindi nakatingin sa kanya ang matanda, sa ibang direksyon ito nakatingin kaya napunta rin doon ang atensiyon niya. Nakita ni Clark ang gulat na gulat na si Caliber. Hindi na nakayanan ni Caliber kaya napalabas ito ng wala sa oras. Gulong gulo na siya kung ano ba ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit takot na takot si Helliana. "What are you doing here, kid?" seryosong tanong ng matanda. Hindi alam ni Caliber kung bakit pero hindi ito nakaramdam ng takot dito. Dahan dahan lumapit si Caliber sa matanda at walang kurap na tinitigan ito. Wala ng pakielam si Caliber kung mapatay man siya ng matanda lalo na at nasa mansiyon siya nito, gusto niyang makasama si Helliana at iuwi. Gusto niyang patahanin si Helliana at yakapin. "I'm here to set Helliana free." Kumunot ang noo ni Clark. Agad ngumisi ang matanda at hindi inurungan si Caliber, lumapit din ito kay Caliber at tinitigan ito. Nakikita niyang walang takot sa mata ni Caliber, kumpara sa mata na nakikita niya kay Helliana. "Set her free?" sarkastiko nitong tanong. "Yes, pinapahirapan niyo si Helliana. Anak niyo rin siya, kung hindi mo man kadugo, wala kang karapatan na pahirapan siya. What are you going to do with Helliana, ha? " Napakunot ang noo ng matanda at napatingin naman kay Clark. Nagtataka ito sa sinasabi ni Caliber na anak niya si Helliana. Nagkatitigan ang mag ama at parang may sariling lenggwahe na nagkaintindihan ang dalawa. "It's none of your business." sagot ni Clark. Napatingin si Caliber kay Clark. Prente itong nakasandal at malamig ang tingin kay Caliber. Nagtataka rin ito at hindi pa ito umaalis, kanina ay nagpaalam itong aalis pero yun pala ay makikinig lang sa usapan nila. Totoo nga ang sinabi ni Helliana na hindi mararamdaman ang presensiya ni Caliber. Kahit siya mismo ay hindi naramdaman ang presensiya ni Caliber. This is the most dangerous type of person. "She's my girlfriend." Agad kumuyom ang kamao ni Clark sa narinig kay Caliber. Kahit alam na niya ay nagagalit pa rin ito lalo na at kay Caliber niya pa mismo naririnig ang salitang iyon. "Girlfriend?" takang tanong ng matanda. Napatingin naman ito kay Clark na nagtitimpi na ngayon. Kahit gustuhin nitong barilin si Caliber ay hindi niya magawa, not now. "Yes, she's my girlfriend and I'm taking her home. Our home." "This is her home." mariing sabi ni Clark. "No, this is not her home. This doesn't feel like home to her, home should be her rest, her comfort zone." Napalunok muna si Caliber bago tinuloy ang sinasabi. "This place is Hell for her." Agad kumuyom ang kamao ni Clark sa narinig niya, agad itong lumapit kay Caliber. "You don't what you're talking." seryoso nitong sabi. "Of course, I know. You saw her, she's scared." Agad tumingin si Caliber at walang pag aalinlangan na dinuro ang matanda. "You're scaring her." Agad tumawa ang matanda dahil sa naririnig at dahil din sa lakas ng loob ni Caliber. Wala ka talagang makikitang takot sa mata nito, kahit pangingig ay wala. "You don't what's the real Hell, you don't know so stop acting like you know." seryosong sabi ni Clark. "Your home is her hell." seryoso ring sabi ni Caliber. "I saved her from hell, Caliber. The real hell, you don't know what it feels like to be there. Helliana's home is my arm, my side, only MINE." Napaatras si Caliber at hindi makapaniwalang tinignan si Clark. "You're f*****g crazy. She's your sister, even though you're not related in blood it f*****g doesn't change the f**k that you're siblings. f*****g incest." Nginisian naman siya ni Clark ng nakakaloko. "Me? Crazy? I'm not in my crazy state, but I swear you don't want to see me in that state because I swear to God, I will kill you." Doon lamang nakaramdam si Caliber ng takot na agad naramdaman ni Clark. Napangisi ito at lalong lumapit sa umaatras na si Caliber. "Don't play games with me. Don't ever, ever think you're capable of that." Sa huling pag atras nito ay may nabangga ito kaya agad itong napalingon. "Dad," mahinang bulong ni Caliber. Seryoso silang nagkakatitigan. Agad nilagay ni Axel ang anak sa likod niya at doon tinago. Nginisian ng matanda si Axel pero seryoso pa rin itong nakatitig dito. "Don't touch my son or else I won't hesitate to become your enemy." Nginisian lang naman siya ng matanda at tinalikuran. Tinignan ni Clark si Axel at nginisian tsaka sumunod sa matanda. Nakahinga ng maluwag si Axel at humarap kay Caliber. Seryoso nitong tinitigan ang anak. "What are you doing here?" seryoso nitong tanong sa anak. "How did you know we are here?" balik na tanong ni Caliber. "Answer my question, kid!" sigaw ni Axel. Nagulat si Caliber sa sigaw ni Axel. Napaatras si Caliber para magkaroon sila ng malaking distansiya. "Uhm umuwi si Helliana then sumama ako. Dito ako nakitulog." sabi niya habang nakatungo. Nanliit ang mata ni Axel at hindi naniniwala sa anak pero palalampasin niya ito dahil hindi sila safe sa mansion ng mga Denver. "Let's go." Nauna itong maglakad at nang maramdamang hindi sumusunod si Caliber ay kumunot ang noo nito. "I said let's go, Caliber!" sigaw niyang muli. "But Helliana-" "You don't have to care about her, she has Clark." Agad kumunot ang noo ni Caliber. "I'm her boyfriend!" sigaw na rin ni Caliber. "Yes, Cal. You're her boyfriend so let's go home." Hindi gumalaw si Caliber. "No!" "CALIBER MIDNIGHT RIOS!" dumagundong ang malakas na sigaw ni Axel pero hindi nagpatinag si Caliber. "He will hurt her." Kumunot ang noo ni Axel. "What?" taka nitong tanong. "Helliana needs me. She's scared." Agad lumapit si Axel sa anak. Naguguluhan ito. Sasaktan si Helliana? Bakit? Ano ba ang nangyari? Hindi niya rin alam na sinasaktan pala nila si Helliana. "Clark won't hurt Helliana, Caliber. So stop overthinking." Bahagyang umatras si Caliber at nagsusumamong tinignan si Axel. "But Clark's Dad will!" Napatingin si Axel kung saan pumunta ang dalawa. So they're hurting Helliana. Napatingin si Axel kay Caliber at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Don't worry. I know him, I know Clark too. He won't let him hurt her, okay? So let's go home." Nag aalinlangan pa si Caliber pero hinila na siya ni Axel kaya wala itong nagawa kung hindi ang magpatianod. Nang makasakay sila sa kotse ay napatulala si Caliber. Pinaandar naman ni Axel ang sasakyan at tinahak na ang daan pauwi. "If I kill him then he won't be able to hurt Helliana." mahinang bulong ni Caliber pero rinig na rinig iyon ni Axel kaya agad nitong itinigil ang sasakyan at nanlalaki ang mata na tinignan ang parang wala sa sariling si Caliber. "What did you say?" gulantang tanong ni Axel. Parang walang narinig si Caliber at nakatingin pa rin ito sa kawalan. Agad inalog ni Caliber ang anak at para itong natauhan na napatingin kay Axel. "What?" naguguluhang tanong ni Caliber. "What did you say, Caliber?" Kumunot ang noo ni Caliber. "Did I say something?" taka nitong tanong. Hindi makapaniwalang napatingin ito kay Caliber. Walang pag aalinlangan nitong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan papunta sa mansion nila. Naguguluhan man si Caliber nang makarating sila ay hindi na ito nagtanong at pumasok na lang sa kwarto niya. Agad pinanood ni Axel ang anak na naglakad papunta sa kwarto. Kapag pasok ni Caliber ay agad nitong kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Dr.Jin. Ilang rin naman ay sinagod na rin nito agad. "Caliber is being weird." agad nitong bungad kapag sagot palang nito ng tawag. "[Ha? What do you mean?]" nagtatakang tanong ni Dr.Jin. "I clearly heard him," "[What did you hear?]" "If I kill him then he won't be able to hurt Helliana." "[Are you sure?]" "Yes, but parang wala siya sa sarili nung sinabi niya 'yon, nung tinanong ko siya parang hindi niya ako narinig. Nung inalog ko siya para matauhan, hindi niya maalala na may sinabi siya. The f**k is happening to my son, Jin?!" sigaw na ni Axel. "[Wait, calm down-]" "I can't calm down!" "[I think he will regain his memory.]" "I trusted you, Jin! You said he won't remember again!" "[That's what I thought! Axel, ilang taon niyang hindi naalala. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari at bakit ngayon lang niya naalala.]" Agad napahilamos sa mukha si Axel. "Let's do it again." "[We can't. It will affect his brain, Axel. At this rate, something bad might happen to him.]" "Ano ng gagawin natin, ha? Hindi pwedeng bumalik ang alaala ni Caliber!" "[But meron na naman siyang Helliana, right?]" "Kahit na, paano kung hanapin niya ulit 'yon? Kahit ako hindi ko na siya mahanap. Jin, alam mo kung ano si Caliber noon. That's not what I want for him. This simple life is what he needs. This life will keep him safe." "[I understand you but first you need to find out who keeps on triggering his memory.]" Tumango tango si Axel at pupunta na sana sa taas para puntahan ang asawa pero kapag lingon nito ay nandoon ang kanyang asawa. Tahimik na umiiyak, agad nitong nabitawan ang cellphone at tumakbong papalapit dito. "Is that true, Axel?" Wala talaga itong planong sabihin sa asawa niya ang lahat ng nangyayari pero huli na ang lahat. Malaman na nito, ayaw niya itong malaman dahil alam niyang mangyayari ito. "Yes." maikli nitong sagot. Humagulgul ito at niyakap naman siya ni Axel. "Anong gagawin natin, Axel? My son, siya na lang ang meron tayo. Axel, mamamatay ako kapag pati siya nawala, ikamamatay ko." "Shh, honey. Hindi mawawala si Caliber sa atin, okay?" Hinalikan nito ang buhok ng asawa at hinayaan itong umiyak sa kanyang braso. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD