THIRD PERSON'S POV
Sinarado ni Clark ang pinto ng office niya, sinundan niya ang matanda at dumiretso ito sa office niya. Umupo ang matanda sa swivel chair at tinignan ang anak na masamang nakatingin sa kanya.
"Don't glare at me, young man." maautoridad nitong sabi.
Umiwas ng tingin si Clark at kunot noong naupo sa may sofa.
"Tell J1 to set her free." mahinahong sabi ni Clark. Hindi pa rin nito tinitignan ang ama dahil alam nito sa sarili niya na kung tititigan niya ito ay manlilisik ang mata nito sa galit.
"Napag usapan na natin 'to, Clark. I don't like her performance lately."
Doon na napalingon si Clark sa seryosong matanda.
"Inutos ko 'yon sa kanya, Dad!" singhal ni Clark. Ngumisi ang matanda kay Clark at tinignan ng nakaka asar, kumunot naman ang noo ni Clark.
"Really? Being in a relationship with Caliber? Kissing Caliber? Dating Caliber? Inutos mo 'yon kay Helliana?" sabi nito at natatawa pa.
Hindi nakapag salita si Clark at napatungo. Tumunghay lang ito ng makita ang dalawang pares ng sapatos, nasa unahan nito ang kanyang ama.
"Clark, you know I'm doing this for you, all of this. If you can't punish her properly then I will. Kilala mo si Helliana, Clark. She can stab you in the back, anytime. Once na pinakawalan mo si Helliana, hindi 'yan magdadalawang isip na kumawala sayo. " bumuntong hininga si Clark. Naiintindihan nito ang sinasabi ng ama sa kanya at alam niya rin iyon mismo sa sarili niya.
"You saved her from hell and she need to know that you can pull her back in hell."
"I'm not going to do that, Dad." Agad hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Clark.
"Helliana is slowly falling in love with Caliber, Clark."
"I know," mahinang bulong ni Clark. "But she's mine."
"That's right, she's yours. You owned her." Tinitigan ni Clark ang ama.
"Don't worry, everything is under my control."
Napabuntong hininga na lang ang matanda. Alam nitong hindi na lahat kontrolado ni Clark, lalo na si Helliana. Mas malaki ang porsiyento na tatalikuran ni Helliana si Clark at kakampi sa Rios.
Malakas si Helliana, alam niya 'yon mismo. Nakita niya kung gaano kadeterminado si Helliana at hindi ito sumusuko, ang kaso lang merong kahina si Helliana. Kahinaan na makakapagpabagsak kay Helliana.
He's using that weakness of her to control Helliana. Helliana is one of his key to success.
"So set her free, Dad."
Bumalik sa swivel chair ang matanda at tinignan ang anak na nakatayo na at nakatitig sa bawat galaw niya.
"She's sleeping in your room." Agad nakahinga ng maluwag si Clark na ikinangisi ng matanda.
"Clark," Napatingin si Clark dito. "One wrong move or else ako mismo ang hihila kay Helliana pabalik kung nasaan siya noon."
Sumeryoso ang mukha ni Clark, alam nitong hindi nagbibiro ang ama nito at alam niyang kayang kaya nitong gawin ang sinabi niya.
"Helliana is your strength and weakness, Clark. You need to be careful, kung ayaw mong ako mismo ang gumalaw at alam mo ang kaya kong gawin." Natahimik naman si Clark at hindi nagsalita.
"Show her who's the real boss, show her that she should be scared of you. Show her or I'll show her."
Walang nagawa si Clark kung hindi ang tumango, alam nito ang ibig sabihin ng Dad niya. Aalis na sana siya ng muling magsalita ang mata.
"By the way, ano iyong sinasabi ni Caliber na anak ko si Helliana?" Bahagyang natawa si Clark, kumunot naman ang noo ng ama.
"Well, pumasok ako sa school nina Helliana. We share the same surname so wala akong naisip na dahilan kung bakit parehas kami ng surname, kaya sinabi ko na lang na magkapatid kami." Napailing na lang ang matanda at sinenyasan na umalis na si Clark. Nagkibit balikat ito at dumiretso na sa kwarto para makita si Helliana.
Nadatnan niya ang mahimbing na natutulog na si Helliana. Agad itong lumapit at hinaplos ang buhok ni Helliana, bahagyang gumalaw si Helliana at dahan dahang minulat ang mata.
"Clark?" mahina nitong bulong.
Nginitian ni Clark si Helliana at hinalikan sa sentido.
"I thought-" naiiyak na sabi ni Helliana na agad pinutol ni Clark gamit ang pagsakop ng labi nito sa labi ni Helliana. Hinayaan lang ito ni Helliana pero hindi nito binalik ang halik kaya agad tumigil si Clark.
"Are you going to betray me?" bulong ni Clark habang magkadikit ang noo nila. Napapikit naman si Helliana at ilang minutong hindi umimik.
Hindi rin alam ni Helliana kung bakit hindi niya masagot si Clark. As if namang may choice siya, as if namang pwede niyang gawin iyon. Alam niya ang magiging parusa kung sakaling talikuran nito sina Clark. Alam niyang hindi siya pakakawalan nito basta basta, isa sa dahilan ay dahil marami ring nalalaman si Helliana na pwedeng makatulong para mapabagsak silang mag ama.
"Can I betray you?" sabi ni Helliana at dinilat ang mata. Nagkatitigan sila ni Clark. Agad nag igting ang panga ni Clark.
"No!" singhal nitong sagot.
"I want freedom, I'm craving for freedom." pagsusumamo ni Helliana.
"You know that I will give you everything you want, right?" Tumango si Helliana.
"In the right time, Helliana. I will give you the freedom you're craving for." Hinalikan ni Clark ang noo ni Helliana bago tumayo at tinalikuran si Helliana.
"But not now, because if I give you your freedom, you will leave me." bulong ni Clark sa sarili bago sinarado ang pinto.
***
CALIBER'S POV
Agad akong naalimpungatan ng may naririnig akong sigaw. Agad kong dinilat ang mata ko at agad kumunot ang noo ko ng nasa isang kwarto ako na walang bintana, parang nakapunta na ako dito pero hindi ko maalala kung kailan.
Agad kong ginala ang paningin ko at natigilan ng may makitang tao sa dilim pero hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan ng dilim. Napakunot ang noo ko at gustong lapitan para sana matignan kung sino iyon pero parang ayaw gumalaw ng paa ko, parang ang bigat.
"Who are you?" tanong ko habang pinipilit na sinisilip ang nakatayong lalaki doon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nakangisi ito sa akin.
Agad nanigas ang katawan ko ng maramdaman kong nasa likod ko siya pero hindi ko siya magawang lingunin. Anong nangyayari sa akin? Kanina rin ay alam kong nandoon lang siya, paano siya nakapunta doon?
"The question here is who are you?" Napakunot ang noo ko sa tanong nito. Ang boses niya, parang narinig ko na pero hindi ko maalala kung saan.
"What are you talking about?" taka kong tanong dito.
Tumawa ito na naghatid ng kilabot sa buo kong sistema. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa katawan ko at parang wala ako sa kontrol sa sarili ko. Bigla akong napaharap kung nasaan ang lalaki kanina pero wala na iyon at may batang babae akong nakita ulit. Parang pamilyar sa akin ang eksenang ito.
"Chin up, my princess." boses iyon nung kanina pero hindi ko matukoy kung nasaan siya ngayon.
Dahan dahan namang tumunghay ang bata at nanlaki ang mata ko ng makita siyang duguan, kanina ay hindi ito duguan. Tinitigan ko ang mata nito at ang bawat titig nito sa akin ay napaka pamilyar, ang matang 'yan. Ang takot sa mata niya, saan ko 'yon nakita?
"Who are you?" muli kong tanong. Hindi na para sa lalaki kanina kung hindi sa bata.
Nakita kong bumuka ang bibig nito pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit may nag uudyok sa akin na hawakan siya.
Kapag lapit ko ay naramdaman kong mas lumaki ang takot ng bata. Dahan dahan kong hinaplos ang kahit madumi ay makinis na mukha nito. This feeling, bakit pakiramdam ko nangyari na ito? Naninigas ang kaharap ko at dahan dahang pumatak ang luha sa mga mata nito.
"Why are you scared?" mahinahon kong tanong dito.
Hahaplusin ko sana siya muli ng maramdaman na may hawak na ako. Agad akong napaataras ng makitang may hawak akong kutsilyo, paano ko nahawakan ito?
Natigilan ako ng makita ito sa harap ko. Ngunit ang mukha nito ay madilim pa rin, hindi ko pa rin makita.
"Torture your princess." Kumunot ang noo ko.
"What are you talking about?" Dahan dahan itong lumapit sa likod ko at siya mismo ang naglagay ng kutsilyo sa kamay ko. Hindi ko siya mapigilan, hindi ko ulit makontrol ang sarili ko.
"You want to see her beautiful eyes crying and begging." bulong nito sa tenga ko.
"Who are you?" mahina ko ng bulong dahil parang nawawalan na ako ng lakas.
Agad ito humarap sa akin.
"Me?" tanong nito.
Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Dahan dahan itong lumapit at niyakap ako.
"I am you." bulong nito sa akin.
Dahan dahan itong kumalas sa pagkakayakap at tinignan ako. Doon ko nakita ng klaro ang mukha nito. Mukha na alam na alam ko kung kanino. Ngumisi ito at inambaan akong sasaksakin habang nakangisi.
"NOOO!" sigaw ko.
Agad akong napaupo at hinihingal. Napahilamos ako sa mukha ko at naramdaman ko ang pawis kong tagaktak. Napahawak ako sa ulo ko, tandang tanda ko ang lahat ng detalye maliban sa mga mukha nila na unti unting naglalaho sa alaala ko.
Hindi ko alam kung ano yung napanaginipan ko, hindi ko rin alam kung panaginip nga ba ang tawag doon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kilabot sa buo kong pagkatao.
His face, I'm sure kilala ko kung sino 'yon. Siguradong sigurado ako pero hindi ko na maalala ang mukha nito.
Agad akong napatingin sa sofa ng maramdaman na hindi lang ako ang tao sa kwarto ko. Doon ay nakita ko ang seryosong mukha ni Helliana habang pinapanood ako. Hindi ito natinag at nakipagtitigan lang sa akin.
"Helliana," tawag ko dito.
Agad itong tumayo at lumapit sa akin. Pinanood ko siyang tumabi sa akin at tinitigan ako.
"Bad dreams?" tanong nito.
Tumango na lang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung panaginip nga ba iyon. Pakiramdam ko kasi pamilyar sa akin yung nangyaring iyon. Pakiramdam ko parte 'yon ng nawawala kong alaala, konektado iyon.
Napatingin ako kay Helliana ng pinahiga ako nito. Sinunod ko naman siya at nahiga. Kinumutan ako nito, tinitigan ko naman siya at seryoso lang ako nitong tinignan.
"Sleep. I'll fight the bad dreams off if they come to get you." malambing nitong sabi sa akin. Napapikit ako ng halikan ako nito sa noo pababa sa labi ko.
"I love you," mahina kong bulong sa kanya.
Nginitian lang naman ako nito at tumayo na. Pumunta ito sa terrace pinanood ko naman siya doon. Halata mong malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa langit.
Bumangon ako at agad siyang niyakap patalikod. Napalingon siya sa akin at inilingan na lang ako.
"I wish you'd stop running from your problem and run to me instead." Napaharap sa akin si Helliana.
"If only you can do what Clark can do." mahinang bulong nito. Rinig na rinig ko iyon at alam kong alam niyang narinig ko iyon.
"What can he do?" mahina ko ring tanong.
Tinitigan ako nito at ngumiti at muling tumalikod. Umiling ito sa akin at sumandal sa dibdib ko.
"If only I can betray him." Hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy niya kaya hinayaan ko na lang siyang mag salita.
Gusto kong maramdaman niya na lagi akong nandito para sa kanya. Lagi akong nasa tabi niya.
Mahabang katahimikan ang namalagi. Ayokong magtago ng sikreto sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat.
"Helliana," bulong ko.
"Hmm?"
"I think I'm starting to remember my lost memory." Agad itong napaharap sa akin. Ramdam kong interisado ito. Noong nasa Forest Z kami, nung kinuwento ko sa kanya ang tungkol don ay ramdam kong hindi siya gaano kainterisado doon, kaya nagtataka ako kung bakit interisadong interisado siya ngayon.
"What happen?" tanong niya.
"Malabo pa sa akin ang lahat pero may mga naririnig ako at nakikita. Hindi ko maintindihan." Wala akong balak sabihin sa kanya kung ano ang nakita ko dahil natatakot akong malaman kung sino nga ba ako noon. Kung tama ang hula ko, hindi ko alam kung gugustuhin ko pang maibalik ang alaala ko. Natatakot akong baka pati si Helliana ay matakot sa akin.
"Ano ang naririnig at nakikita mo?" taka nitong tanong.
"Hindi ko na maalala, kapag kagising ko unti unting naglalaho ang mga mukha nila sa alaala ko." Napaisip naman si Helliana. Niyakap ko siya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"I love you." bulong ko sa tenga niya.
"Let's sleep?" Pag iiba ni Helliana sa usapan bago kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Naiwan ako doon at tulala.
"Let's not be greedy." bulong ko sa sarili ko.
Humarap ako kay Helliana at nakitang nakapikit na siya at yakap yakap ang unan ko. Hahakbang na sana ako ng natigilan ako.
"But you want more." mahinang bulong sa akin. Hindi ko alam kung sino na naman ang nagsalita na iyon. Parang kilalang kilala niya ako, alam na alam niya kung anong gusto ko. Kung ano ang hidden desire ko.
"I want more." mahina ko ng bulong sa sarili ko.
Dahan dahan akong lumapit kay Helliana at hinaplos ang mukha niya. Hindi ko alam pero pamilyar na naman sa akin ang eksenang ito. Umiling na lang ako at agad tumabi sa kanya. Siniksik ko si Helliana sa akin at pinahiga sa dibdib ko.
Hinalikan ko ang sentido niya. Napatingin ako sa taas. Hindi ko alam kung bakit may naririnig akong kung ano ano, hindi ko rin alam kung sino ba 'yung nagsasalita. Pakiramdam ko konti na lang masisiraan na rin ako ng ulo. Pinikit ko ang mata ko, kapag pikit ko ay naramdaman ko ang pag galaw ni Helliana pero nanatili akong nakapikit.
"I love you too." mahinang bulong nito bago ko naramdaman ang munting halik sa labi ko.
Yun na lang ang naaalala ko bago ako tuluyang nakatulog.
THIRD PERSON'S POV
Nasa harap ngayon si Helliana sa office ni Axel at nakikipagtitigan sa bantay ng office niya.
"I have to talk to Axel." seryoso nitong sabi.
Hindi nagsalita ang bantay at tumalikod bago pumasok sa office ni Axel. Naghintay naman siya doon at ilang minuto ay bumukas na ang pinto. Pumasok naman si Helliana at lumabas ang bantay. Nakita ni Helliana seryosong sumisimsim ng kape si Axel habang nagbabasa ng diyaryo. Umupo si Helliana sa harap ni Axel at seryoso itong tinignan.
Binaba ni Axel ang dyaryo at tinignan din si Helliana.
"Why are you here?" tanong nito.
"I want to ask something." Kumunot ang noo ni Axel.
"About what?"
"Caliber." Agad napaayos ng upo si Axel ng marinig ang pangalan ng anak. Hindi alam ni Axel kung bakit kinabahan siya, seryoso ang tingin sa kanya ni Helliana. Napatingin si Axel sa katawan ni Helliana pero wala itong kahit anong pasa o ano man na senyales na sinaktan siya kahapon. Ang nandoon lang ay ang hiwang ginawa ni Helliana nung kaharap pa nito si K. Napansin ni Helliana ang ginawa ni Axel kaya agad kumunot ang noo nito.
"Are you a pervert?" Nanlaki ang mata ni Axel sa diretsong tanong ni Helliana.
"WHAT? NO!" singhal na sagot ni Axel. Nginisian lang naman siya ni Helliana at inirapan.
"What about Caliber?" Pag iiba nito sa usapan. Muling nag seryoso si Helliana.
"Who is Caliber?" Napakunot ang noo nito at hindi naintindihan ang tanong ni Helliana.
Anong sinasabi nitong sino si Caliber?
"What?" kunot noo nitong tanong.
Expected na rin naman ni Helliana na magtataka ito sa tanong niya kaya agad itong napangisi na lalong pinagtaka ni Axel.
"Who is the real Caliber? I want to know."
Natigilan si Axel at unti unting naintindihan ang ibig sabihin ni Helliana. Nang makita nitong naintindihan na nito ang tinatanong ay mas lalong lumapad ang ngisi nito. Nagtataka si Axel kung paano nalaman ni Helliana iyon. Ang kinakatakot pa ni Axel ay baka may ideya na si Helliana sa totoong katauhan ni Caliber.
"He's just a normal kid. Marami ang nagtatangka sa buhay niya noong bata pa siya." diretsong sabi ni Axel.
Alam ni Helliana na hindi iyon totoo, alam niyang meron pang sikreto noon na ayaw ibulgar ni Axel kanino man lalong lalo na kay Caliber. Alam niya hindi lang normal si Caliber.
"Normal kid, ha?" sarkastiko nitong tanong.
"You know what, you're wasting my time. This is nonsense." inis na sabi ni Axel at agad sumimsim ng kape niya.
Tumayo naman si Helliana pero bago lumabas ay lumingon muna ito kay Axel at nginisian ng napakalapad.
"H'wag mong hintayin na ako mismo ang makatuklas." nakangisi nitong sabi. Malakas nitong sinarado ang pinto.
Nanginginig na napabitaw si Axel sa kapeng hawak niya. Alam niyang may gagawin lahat ni Helliana para lang malaman nito ang katotohanan.
Agad napatigil si Axel, simula ng dumating si Helliana, doon din nagsimulang unti unting makaalala si Caliber.
"Helliana is triggering his lost memory?" tanong ni Axel sa kanyang sarili.
Si Helliana lang din naman ang malapit ngayon kay Caliber. Paano nagawa ni Helliana iyon? Alam niyang ngayon lang niya nakilala si Caliber dahil lahat ng nakakaalam ng nakaraan ni Caliber ay pinatahimik na niya para matago sa hukay ang matagal na niyang tinatago sa anak.
"Should I kill her?" bulong nito sa sarili niya.
Alam niyang hindi ganon kadali ang patayin si Helliana lalo na at ito ang paboritong paborito ni Clark. Alam niyang kung sakaling mamatay si Helliana ay hahalungkatin nito ang buong mundo para lang mahanap kung sino ang pumatay kay Helliana.
Saktan pa lang si Helliana ay maaari ng patayin si Helliana. Naalala ni Axel ang mukha ni K, napailing ito.
Mahirap kalabanin ang mga denver dahil wala silang inuurungang kalaban. Walang kinatatakutan at walang kahinaan, dahil na rin sa silang dalawang mag ama na lang ang natira.
Alam ni Axel na kung sakaling patayin niya si Helliana ay maaaring kapag nalaman ni Clark na siya ang pumatay kay Helliana ay siguradong papatayin nito ang pamilya niya.
Napahilamos naman ng mukha si Axel. Hindi na nito alam kung ano ang gagawin niya. Delikado ring nandito sa puder nila si Helliana, hindi nito alam kung ano ang nasa isip nito.