CALIBER'S POV
Agad akong nagising ng bumagsak na naman ako sa sahig dahil sinipa ako ni Helliana para magising. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sumakit iyon, malakas ang pagkakabagsak ko.
Napalingon ako kay Helliana ng lumapit ito sa akin. Agad ako nitong hinalikan sa labi, pumikit ako para namnamin ang matamis niyang halik ng agad niya rin itong pinutol at nginitian ako.
"Good morning." bati niya sa akin.
Napanguso naman ako, masakit ang tuhod ko pero kahit na ganon ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Ano bang ginawa niya sa akin? Baliw na baliw ako sa kanya at mas lalo pa niya akong binabaliw. Basta ang alam ko nagising na lang ako isang araw, bawat ngiti niya, nagpapawala agad ng bad mood ko. Hindi ko na magawang magalit sa kanya, ngitian lang niya ako parang wala na akong pakielam sa paligid ko. Nagising ako isang araw kada makikita ko siya, parang may nagkakarerahan sa dibdib ko.
Ginayuma ba ako ni Helliana?
Tumalikod na ito at aalis na ng bigla ko siyang hilahin at ihiga sa kama. Agad ko siyang dinaganan at nginitian ng napakalapad. Nung una ay gulat ito pero maya maya ay nginisian ako nito.
"Ginayuma mo ba ako?" natatawa kong tanong sa kanya. Nginisian naman ako nito.
"Hindi, pero may ginamit ako sa iyo." Nawala ang ngiti ko at napakunot ang noo. May ginamit? Edi may ginawa siyang spell o kung ano pa man para mapa inlove ako sa kanya? Agad itong napatawa ng makita ang reaksyon ko kaya mas lalo akong nagtaka.
"A-ano?" kabado kong tanong.
"Ganda."nakangisi nitong sagot.
Napaisip ako dahil hindi ko magets yung sinabi niya. Ganda? Ginamitan niya ako ng ganda?
"Ganda?" taka kong tanong. Tumango naman ito.
Well, may part naman na totoo rin pero hindi ko naman siya minahal dahil maganda siya. Hindi naman porket maganda, mahal ko na. Hindi rin ako magmamalinis na hindi ako natingin sa itsura ng tao. Pero kasi mapapansin mo yung isang tao dahil sa panlabas nitong itsura, pero kahit gaano kaganda ang panlabas niya kung pangit ang ugali niya, ayoko talaga. Panget na nga ugali ko, panget pa ugali ng igigirlfriend ko.
So, paano ko minahal si Helliana? Masama rin naman ugali ni Helliana. Kita niyo, boyfriend niya ako pero kung gisingin niya ako para niya akong alila.
"Tsk, ginayuma mo ako e. Ganda ka d'yan." singhal ko dito.
Nagulat ito sa sinabi ko lalo na ng tumayo ako at nagmartsa papasok sa banyo pero sinadya ko talagang bagalan ang paglalakad.
"Caliber," tawag nito sa akin pero hindi ko siya nilingon.
"Anong tingin niya sa akin? Natingin sa panlabas na anyo ng tao? Edi sana mahal ko na halos kalahati ng estudyante sa RIS." sinadya ko talagang lakasan para marinig niya.
"Baby babe," agad akong napalingon ng tinawag niya akong baby babe. Nanlalaki ang mata ko at nang paglingon ko ay lumapad ang ngisi nito.
"What did you call me?" kinikilig na tanong ko.
"Baby babe?" pag ulit niya.
Agad ko siyang dinaganan na ikinagulat niya na naman. Pinugpog ko siya ng halik na agad niyang ikinatawa.
"I love youuuu."
Tumawa lang naman ito at hindi ako sinagot.
"Maligo kana."utos nito sa akin.
Nakanguso naman akong pumunta ng banyo habang kinikilig. Hindi ko alam bakit laging ang aga ni Helliana. Naka uniform na siya ngayon, e anong oras naman ang time ng pasok namin. Kaya lagi akong no choice kung hindi ang maagang magising din e.
Agad kong sinilip si Helliana sa kwarto ko at nakatulala ito sa kisame at malalim na naman ang iniisip.
"Baby babe!" tawag ko dito. Parang hindi ako narinig nito at nanatiling nakatingin sa kisame.
"Baby babe!" mas nilakasan ko ang pagtawag sa kanya. Napatingin naman ito sa akin, nagtatakang tingin ang ibinigay nito sa akin.
"Maliligo na ako." pagpapaalam ko sa kanya.
Napakunot naman ang noo nito kaya napanguso ako.
"Pake ko?" iritado nitong tanong na lalong nagpahaba ng nguso ko.
"Share ko lang."
"Tsk."
Dahan dahan ko ng sinarado ang pinto ng banyo. Naghubad na ako at agad binuksan ang shower.
Habang tumutulo ang tubig sa katawan ko ay napaisip ako. Noon curious talaga ako at gusto kong alamin kung sino nga ba ako noon. Kaya sinubukan kong maghanap ng album ko noon pero lahat ng iyon ay nawala ng parang bula.
Ngayon ko lang din napansin na parang ayaw ni Dad na makaalala ako. Noon ay talagang pinapagalitan niya ako kapag sinusubukan kong alalahanin ang nakaraan ko. Nagtataka ako kung bakit ayaw ni Dad.Ang naging sagot niya sa akin ay "Wala namang importanteng nangyari noon, Caliber. Kung pipilitin mo ay ikaw lang din mismo ang mahihirapan."
Sinabi niya sa akin na baka daw mahimatay ako bigla, sasakit ang ulo ko at kung ano ano pa but that didn't stop me.
FLASHBACK
Naupo ako kung saan ako kinidnap ng mga lalaki noon. Dito nila sinabi sa akin na dito daw ako nakidnap. Kung gusto kong makaalala ay kailangang umpisahan ko kung saan nagumpisa ang lahat at dito iyon.
Tinignan ko ang paligid at pilit tinatatak sa isip ko ang bawat sulok nito. Pumikit ako ng mga ilang minuto pero agad akong napadilat ng maramdaman na may papalapit na presensiya sa akin.
Napakunot ang noo ko ng makita si Dad na nagpupuyos sa galit na papalapit sa akin.
"Dad?" taka kong tanong.
Agad ako nitong hinila patayo. Nagtataka naman akong tumayo at tinitigan siyang nagpupuyos sa galit na tinignan ako.
"What are you doing here?" madiin nitong tanong sa akin.
"I want to remember, Dad!"
"I already told you that it's not important, Caliber. If you keep on doing that, I don't have a choice but to-" tinigil nito at napailing. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat ko.
Ano yung sinasabi ni Dad?
"Caliber, ayokong makitang nasasaktan ka. Kaya, please. Stop it."
"But-"
"No more buts, Caliber." Masama na ako nitong tinignan.
"Close this place." utos ni Dad.
Aangal sana ako ng buhatin na ako ng kasamahan ni Dad para maalis doon. Pilit akong bumaba at nagtagumpay naman ako. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang.
END OF FLASHBACK
Kapag katapos non ang tanda ko ay kinabukasan dinala niya ako sa isang doctor para ipacheck up daw ako. Ang doctor na 'yon na ngayon ay family doctor na namin.
Hindi ko na matandaan masyado ang nangyari non, basta ang tanda ko ay nawala na sa isip ko na gusto kong makaalala. Nawala na sa interes ko kaya hinayaan ko na lang din.
Ngayon, nakaramdam ako ng parang may kulang sa akin at 'yun ang alaala ko noon. Gusto ko na malaman kung sino ba ako o ano ba ako noon.
Gusto ko ring malaman kung bakit ayaw sa akin ipaalala iyon ni Dad. Alam kong mayroong malalim na dahilan iyon na kailangan kong malaman.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, nakakatakot na malaman ko kung sino ba ako noon. Hindi ko rin alam kung sino ba talaga ang totoong ako, itong ngayon ba o yung noon?
Nang matapos akong maligo ay pinunasan ko ang sarili ko atsaka kumuha ng malinis na tiwalya para ipulupot sa baba ko.
Napaharap ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko. Hinawakan ko ang repleksyon ko sa salamin.
"Who are you?" mahinang bulong ko.
Bahagya akong napatawa at pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Ano ba itong ginagawa ko? Napailing ako at tumalikod na pero agad akong natigilan.
"I am you."
Ang boses na narinig ko noon. Pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na iyon pero hindi ko matandaan kung saan o kanino ko ba iyon narinig. Dahan dahan akong humarap sa salamin at nanlaki ang mata sa gulat ng hindi ko na repleksyon ang nakita ko.
Napadaudos ako pababa at sa pagdaudos ko ay natabig ko ang mga gamit na gumawa ng malakas na tunog. Narinig ko ang mabilis na pagbukas ng pinto pero nanatili ang mata ko sa salamin na iyon.
Ang batang lalaki na nakatitig sa akin habang nakangisi ito na akala mo isang demonyo. Napaawang ang labi ko ng malaman kung sino ang lalaking iyon.
Ako iyon noong bata ako.
Tsaka ako natauhan ng maramdaman na inaalog na ako ni Helliana at nakatingin ito sa akin. Sobrang pag aalala ang makikita mo sa mata niya.
"Caliber? What's happening?" alala nitong tanong.
Saglit ko lang siyang tinignan at bumalik ang tingin ko sa salamin pero umayos na ito. Hindi ko na ulit nakita ang sarili ko noong bata pa ako.
"Hey,"
Inalog niya ulit ako kaya napatingin ulit ako sa kanya. Kitang kita ko ang pag aalala nito sa akin. Napailing ako at niyakap na lang siya bigla.
"I don't even know myself." bulong ko sa kanya.
"Ha?" taka nitong tanong.
Hinigpitan ko na lang ang pagyakap ko sa kanya. Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik. Ilang minuto rin kaming magkayakap bago ko naisipang kumalas sa kanya.
Tumayo ako at nilahad ang kamay ko para makatayo rin siya. Nagtataka ito pero tinanggal din naman ang kamay ko.
"Anong nangyari?" tanong niya nang makatayo siya.
"Nadulas lang ako." nakangiti kong sagot sa kanya.
Halata kong hindi ito naniwala sa sinagot ko kaya mas lalo ko siyang nginitian para hindi niya maisip na may nangyaring iba sa loob ng c.r.
"Are you hurt?" tanong niya ulit.
Agad akong umiling habang nakangiti pero mas lalong lumala ang pagtingin niya sa akin na parang nagsisinungaling ako. Hindi naman talaga ako nasaktan e dahil hindi naman talaga ako nadulas.
"Totoo nga!" pag kukumbinsi ko sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko at umikot ikot pa sa kanya para makita niyang kahit anong galos ay wala ako. Kumunot ang noo nito at tinignan ako pababa. Unti unting namula ang mukha niya at agad na tumalikod sa akin.
"Hey," tawag ko sa kanya.
Hindi ito sumagot at nanatiling nakatalikod sa akin. Ano na naman bang problema niya? Bakit niya ako tinatalikuran bigla bigla? Hindi ko naman siya inaano. Galit ba siya? Super protective naman ng girlfriend ko at ayaw na ayaw akong nasasaktan. Napangiti ako at hinarap siya sa akin pero mas lalo lang siyang pumula.
"Baby, im fine. Walang masakit." paninigurado ko sa kanya.
Agad nitong hinampas ang tiwalya na kanina ay pinulupot ko sa bewang ko. Agad nanlaki ang mata ko ng matignan ang ibabang parte ko at nakatambad doon ang natutulog kong bestfriend. Agad kong kinuha sa mukha ko ang tiwalya at tinakpan ang bestfriend ko. Nakakahiya, hindi niya pa dapat makikita iyon dahil kapag kinasal kami yun ang pinaka gift ko sa kanya. Wala na, hindi na surprise dahil nakita na niya.
"Don't worry, baby. My bestfriend is sleeping he won't bite you." Nakita kong mas lalo pa itong namula kaya hindi ko napigilan ang mapatawa. She's so cute.
Napatitig ako sa mukha niya at ewan ko kung anong nangyayari sa akin pero parang uminit ang buong paligid. Pulang pula pa rin ang mukha niya at nanggigigil ako sa kanya parang gusto ko siyang-
What the f**k, Caliber? Ano ba itong iniisip ko?
Agad ko itong pinatalikod at hinawakan sa magkabilang balikat at agad na inilabas sa may kwarto ko. Nagtataka ito pero hinayaan naman ako.
Kapag sarado ko ng pinto ay agad akong napahawak sa dibdib ko. Napatingin ako sa nakaumbok sa may tiwalya ko.
"I guess you're awake now, my bestfriend."
Agad akong dumiretso ulit sa c.r at nag cold shower para maibsan ang init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin but f**k I found myself jerking off while thinking Helliana's red face. f*****g s**t.
***
Masama akong tinignan ni Helliana kapag baba ko pa lang ng hagdan. Nagsisimula na silang kumain. Hindi man lang ako hinintay. Napanguso akong lumapit kila Mom and Dad at agad silang hinalikan sa pisngi.
"Good morning." sabay na bati ni Mom and Dad sa akin.
"Good morning." bati ko rin.
Lumapit ako kay Helliana na ngayon ay nakakunot ang noo habang nanguyo. Agad ko siyang hinalikan sa labi kaya lalong kumunot ang noo ni Helliana. Hindi naman nag react si Mom kaya I think nasabi na ni Dad kay Mom na girlfriend ko na si Helliana.
"Good morning baby." masigla kong sabi sa kanya.
Inirapan lang naman ako nito at agad sumubo. Napanguso naman ako at sumubo na lang din. Kapag katapos namin kumain ay agad na akong nag tooth brush.
Binilisan ko na ang pagkilos lalo na ng makita kong kinuha na ni Helliana ang susi ng motor niya.
"Mag momotor ka?" tanong ko sa kanya.
"Oo." maiksi nitong sagot.
"Okay." Kinuha ko ang helmet kaya kumunot na naman ang noo nito. Ngayong umaga ilang beses ng kumunot ang noo niya, parang probelam niya lahat ng problema sa mundo.
"Bakit nag susuot ka ng helmet?" kunot noo nitong tanong.
"Siyempre mag momotor ka, kaya dapat kasama mo ako." nakanguso kong sabi.
"May sarili kang sasakyan-" Hindi ko na siya pinatapos at agad tumakbo sa labas. Umangkas na agad ako kahit wala pa si Helliana.
Nang lumabas ito at mas lalong kumunot ang noo niya ng makita niyang nakaupo na ako sa motor niya. Umiling na lang siya at sumakay na rin, kapag sakay niya ay agad ko siyang niyakap.
"Bakit ba ang tagal mo kanina?" tanong nito sa akin. Hindi pa rin niya pinapaandar ang motor. Napalunok naman ako sa naging tanong niya. Sasabihin ko ba?
"Wala lang."
Hindi ko kayang sabihin, nakakahiya. Baka akalain niya pa na isa akong manyak at pinagpapantasyahan ko siya. Napahigpit ang yakap ko ng mabilis niyang pinaharurot ang motor at kanina ko pa hinahawakan ang palda niya dahil tumataas ito.
Mabilis niyang pinark ang sasakyan. Nahihilo akong bumaba doon at napahawak sa isang sasakyan doon. Nginisian naman ako nito.
"Sasakay ka pa ulit?" nakangisi nitong tanong.
"Oo naman!" masigla kong sagot.
Kahit gaano pa kabilis ang pag papaandar niya basta kasama ko siya alam kong ligtas ako, alam ko namang hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa akin kaya hindi ako natatakot.
"Tsk." Tinalikuran ako nito at nauna ng maglakad. Agad akong sumunod at inakbayan siya. Hinayaan naman niya ako, sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Zhavia. Nakita ko ang masamang titig ni Zhavia kay Helliana na ikinangisi ni Helliana. Nang makalampas sa amin si Zhavia ay napalingon ako at nakita ko kung paano mas tumalim ang mata ni Zhavia. Galit ba siya kay Helliana? Ngayon ko lang din nakitang ganon si Zhavia.
Pinagkibit balikat ko na lang nang makapasok na kami sa room. Agad umupo si Helliana sa upuan niya. Nilibot ko ang paningin ko at buti na lang wala si K sa loob. Well, makakapasok ba siya kung ganoon ang itsura niya ngayon.
"Hoy, bakit hindi kayo pumasok?" tanong ni Kean. Niliko nito paharap sa akin ang upuan niya at ganon din si James.
"Secret."
Inis akong tinignan ni Kean na agad kong ikinatawa.
"James, hindi na natin 'yan bestfriend. Nag sesecret na sa atin." bulong niya kay James na alam ko naman na pinaparinig niya sa akin.
"Oo na, mamaya sasabihin ko." bumungingis naman ng tawa si Kean.
"Alam mo ba nung mga araw na hindi kayo pumasok ni Helliana, hindi rin pumasok si K." bulong sa akin ni Kean.
Alam ko naman na wala siyang lakas ng loob na pumasok sa school. Sino ba namang makakapasok kung bugbug sarado ang mukha nito.
"Sino ba namang makakapasok kung ganon ang mukha?" nakangisi kong tanong sa kanila.
Nagtataka naman nila akong tinignan.
"What do you mean?" takang tanong ni James pero nginisian ko lang siya.
Kinalabit ko ang nag cecellphone na si Helliana. Ayan na naman siya at pinatay niya agad ang cellphone niya na parang may tinatago sa akin.
"What?" takang tanong nito sa akin.
Sumandal ako sa balikat niya at kinuha ang isang earphone niya.
"Wow, Caliber. Halatang nagpapa inggit." sigaw ni Kean.
Tinignan ko naman siya at tumawa. Humalukipkip naman ito at inirapan ako. Tinaas ko ang middle finger ko at tinaas din niya ang middle finger niya sa akin.
"Kapag kayo nag break, ako unang tatawa."
"Panget ka lang kasi kaya wala kang girlfriend." Nag middle finger ulit siya sa akin at kinausap na si James.
"Panget ka rin naman, bakit may girlfriend ka?" Napatingin ako sa sinabi ni Helliana.
What did she say? Ako? Panget? Hindi ba niya alam na kahit hindi kagandahan ang ugali ko ay kalahati ng babae sa buong mundo ay may gusto sa akin. Gagawin nila lahat mapansin lang ako pero napaka swerte niya at siya ang niligawan ko.
"Anong panget sinasabi mo diyan?"
"Ikaw kako, panget."
Aba, inulit pa.
"Magugustuhan mo ba ako kung panget ako?"nakangisi kong tanong.
"Oo naman, panget ka na nga, lampa ka pa. Ang swerte mo at nagustuhan pa kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Wow, kumapal ang mukha porket may nagkagusto sa kanya na mala adonis ang mukha." Tinawanan naman ako nito.
"At sino iyong mala adonis na mukha na tinutukoy mo?" Proud akong tumayo sa harapan niya at tinuro ko ang sarili ko.
"Me." ngising ngisi na sabi ko sa kanya.
Inirapan na lang ako nito. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at sumandal na lang ulit sa kanya hanggang sa dumating ang teacher namin.
"Class, you have new classmate."
Pinikit ko na lang ang mata ko dahil kulang pa ako sa tulog. Buti na nga lang at kagabi nung katabi ko si Helliana matulog ay payapa akong nakatulog. Walang lumabas na imahe o wala akong narinig na kung ano.
"Hi, my name is Liana Willson."
Agad akong napadilat ng marinig ang pangalan niya. Liana? Saan ko ba iyon narinig? Napatingin ako kay Helliana na mukhang may sarili na namang mundo at nakatingin lang sa labas habang naka earphone.
Bumalik ang tingin ko sa babae at napakunot ang noo ng makita kong titig na titig siya sa akin. I'm sure sa akin siya nakatingin.
Habang tumatagal ang tingin ko sa kanya ay unti unti siyang nagiging pamilyar sa akin. Who is she? Bakit parang kilala ko siya?