THIRD PERSON'S POV
Pababa na sana si Clark para pumasok pero ang bumungad sa kanya ay si K na naglalakad na papalapit sa kanya. Kunot noo nitong tinignan si K mula ulo hanggang paa. Puro galos ito at pasa, na alam niya mismong mga tauhan niya ang gumawa. Ngumisi si Clark at sinalubong ang nahihirapan at busangot na mukha ni K.
"What brings you here?" nakangisi nitong tanong.
Hindi niya inaasahan na ganito kaaga pupunta dito si K matapos ang ginawa niya dito. Naunang naupo si Clark sa sofa na sinundan ng nahihirapan na si K.
"Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito ngayon." Nakaka asar ang tonong ginamit ni Clark, halatang inaasar ang badtrip lalo na si K.
"f**k you, Clark. f**k you." inis na sabi ni K. Agad humalakhak si Clark at tuwang tuwang pinagmasdan ang puro galos at pasa na mukha ni K.
"How about your tongue?" pang aasar na tanong ni Clark.
Kung kaya lang ni K ay kanina pa nito binaril ang nang aasar na si Clark. Pero nasa teritoryo siya ni Clark at isang maling galaw lang niya ay maaaring sumabog mismo ang bungo niya dito mismo sa kinakaupuan niya.
"I can't f*****g eat properly." inis na sagot nito.
"But you can still talk, right?" Kumuyom ang kamao ni K.
"f**k you, do you want me to try it to you?"
"f**k you too, do you want to die?" Hindi naman sumagot si K at iniwas na lang ang tingin kay Clark.
Mahabang katahimikan ang namalagi sa kanila at hinayaan naman iyon ni Clark. Uminom ito ng kape sa harapan niya habang hinihintay na mag salita si K.
"I…" Napatingin si Clark kay K.
"I didn't hurt her."
Sa totoo lang ay alam naman ni Clark iyon. Napansin niya agad. Kung sasaktan din kasi ni K si Helliana ay sisiguraduhin niyang doon sa parteng hindi ko makikita. Alam niyang walang lakas ng loob si K na saktan si Helliana. Alam niya kung saan siya pupulutin kung sakaling mangyari iyon.
"I know." maikling sabi ni Clark.
Sumimsim ito ng kape at tinignan ang nagpipigil sa galit na si K.
"You know, pero ginawa mo pa rin sa akin ito?" sigaw ni K habang nakaturo sa mukha niya.
Hindi na nito napigilan ang sarili niyang mapasigaw. Ayaw niyang maging kaaway si Clark dahil alam niyang siya lang din ang mahihirapan kaya nag punta siya sa mansiyon nila Clark kahit na ganito pa rin ang itsura niya para lang mag explain na hindi niya naman sinaktan si Helliana. Tapos malalaman niyang alam niya pero pinabugbug niya pa rin siya ng ganoon kalala.
"Don't shout, K." mahinang sabi ni Clark na lalong nagpa inis kay K.
"f**k you, Clark. You're f*****g playing me." galit na sigaw ni K.
"I said don't shout, Caden." mahinahon pa ring sabi ni Clark. Hindi makapaniwalang tinitigan ni K si Clark.
"You don't know me, Clark. Ayoko lang maging kalaban ka kaya nakikipag ayos ako sayo but f**k you for making fun of me. You think hahayaan kong mangyari sa akin 'to? No way, I will f*****g ruin that b***h face." galiw na sigaw ni K.
"You won't listen to me?" mahinahon pa ring tanong ni Clark.
Hindi na nakapag pigil si K at sinakal na si Clark. Seryoso lang naman itong tinignan ni Clark at hindi ininda ang pagkakasakal sa kanya.
"Damn you. I know how to destroy Helliana so don't f*****g try me if you don't want me to destroy her." Mas diniinan nito ang pagkakasakal kay Clark.
Walang kahirap hirap na sinipa ni Clark si K at agad itong tumilapon. Nahulog ang mga gamit dahil sa pagka tilapon ni K. Napa ungol sa sakit si K dahil natamaan ang sugat nito.
"You think I did that just to make fun of you?" seryosong tanong ni Clark.
Tatayo sana si K nang agad apakan ni Clark ang noo nito. Napalunok sa kaba si K.
"That f*****g button, she won't press that unless she's in her desperate situation." Agad hinawakan ni Clark ang panga ni K.
Natigilan si K nang makita ang mata ni Clark, kung paano siya titigan ni Clark. Para siyang kakainin nito ng buhay. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya at nasa control pa rin si Clark o hindi.
"What did you do to her?" Sinubukang ibuka ni K ang bibig niya pero hindi nito kayang sagutin si Clark lalo na at alam niyang isang maling sabi lang niya ay kayang kaya siya nito patayin.
"Answer me!" malakas na sigaw ni Clark. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nag eecho ang sigaw ni Clark.
"I f*****g warned you, K. I warned you." Agad tinutukan ni Clark ng baril si K.
"I…" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ni K.
"You f*****g what?" galit na sigaw ni Clark.
"I know that Helliana is sick." Natigilan si Clark at naupo sa sofa. Sobrang nanghihina si K kaya hindi na ito makatayo sa kinauupuan niya.
"Ano ang sinabi mo sa kanya?" seryosong tanong ni Clark.
"I just want to see her crazy side." Nanlisik ang mata ni Clark sa sinabi ni K kaya agad na umatras si K sa sobrang takot.
"You want to see, ha?" Napalunok si K. "I have my crazy side too, you don't want to see?" Unti unting lumapit si Clark kay K, unatras si K kaso sagad na sagad na siya at wala ng aatrasan.
Napapikit si K ng tinutukan siya ni Clark ng baril pero ang naramdaman nito ay ang pagpukpok ni Clark sa kanya gamit ang baril. Napadilat siya at napahawak sa ulo niyang dumudugo.
"Galawin mo ulit si Helliana, K. Kilala mo ako, kapag ako ang gumanti hindi ako mananahimik ng ikaw lang ang mahihirapan. Buong angkan mo pahihirapan ko." Tumango tango si K at hirap na hirap tumayo. Pinanood naman siya ni Clark hanggang sa makalabas ito.
"How dare you?" galit na bulong ni Clark sa sarili niya.
Ayaw na ayaw ni Clark na ipaalala kay Helliana ang katauhan ni Helliana na iyon dahil noong unang sumumpong ang sakit niyang iyon ay muntik na mapatay mismo ni Helliana ang kanyang kapatid. Nang matauhan ito ay takot na takot siya, kaya nilayo sa kanya ang kapatid niya. Tinago ito ni Clark, kung saan hindi mahahanap ni Helliana.
Tsaka lang ito ibabalik ni Clark kapag payapa na ang buhay nila. Kapag nakapag higanti na si Helliana sa mga taong gumawa sa kanya non.
Kapag pasok ni K sa kanyang kotse ay agad nitong sinuntok ang manubela ng sasakyan niya. Hindi na nito ininda ang nagdudugong ulo niya. Napatingin ito sa mansiyon ni Clark.
Mas lalo siyang na curious at mas lumaki ang interes niya na makita si Helliana ng ganoong lagay. Gusto niyang makita kung paano ito pumatay kapag wala ito sa sarili dahil din sa pinakita ni Helliana noong nag usap sila, alam ni K na meron pang dahilan bakit ayaw nilang ipakita sa kanya ang ganoong side ni Helliana.
Takot si Helliana, yun ang naramdaman ni K. Ang pinagtataka niya, bakit takot si Helliana? Kung tutuusin mas pabor sa kanya iyon dahil kayang kaya niyang ubusin ang sino man lalo na at nasa ganoon siyang kalagayan.
“The more you hide it, the more I want it.” bulong nito sa sarili bago pinaandar na ang sasakyan papunta sa mansiyon ng mga Rios.
Agad siyang pumasok sa opisina ni Axel. Kunot noo naman siyang tinignan ni Axel dahil ang dugo na nanggagaling sa ulo niya ay meron na rin sa damit.
"What the f**k? Hindi pa ba sapat yung ginawa ni Clark sa iyo at nagpabugbug ka ulit?" Masamang tinignan ni K si Axel.
"Gamutin niyo siya." utos ni Axel sa isang tauhan.
Nagmadali silang umalis at kumuha ng gamit. Kapag balik ay inumpisahan na nilang linisin ang sugat ko.
"So, anong nangyari?" tanong ni Axel.
"You know that I don't want to be his enemy, kaya kahit ganito ang itsura ko ay pumunta ako sa mansiyon niya para lang mag explain na hindi ko naman sinaktan si Helliana." Nang marinig pa lang ni Axel ang pangalan ni Helliana ay nangangati na itong patayin ito. Masyado ng maraming nalalaman si Helliana at kapag nagtagal pa ito lalo dito, mas marami pa ang matutuklasan nitong sikreto ng pamilya nila.
"Then? Anong sabi ni Clark?" Napakuyom ng kamao si K.
"Alam niya!" inis na sigaw ni K. Napakunot naman ang noo ni Axel.
"Anong alam niya?"
"Alam niyang hindi ko sinaktan si Helliana pero pina binugbog niya ako dahil pinindot ni Helliana ang hindi ko alam kung anong button iyon."
"Button?" nagtatakang tanong ni Axel.
"Yes, may sinabi sa akin si Clark na pinipindot lang ni Helliana iyon kapag nasa desperadong sitwasyon siya."
Napaisip ang dalawa kung ano iyong button na sinasabi ni Clark. Kung saan iyon nakalagay. So, galawin lang nila si Helliana ngayon maaaring malaman ni Clark agad. Susugod agad si Clark kung nasaan si Helliana pero nasaan iyong button na iyon. Sigurado silang nasa katawan lang iyon ni Helliana pero hindi naman nila pwedeng hanapan ang katawan ni Helliana para malaman kung nasaan nila iyon itinago.
"We have to know kung nasaan iyong button na iyon. Hindi natin magagalaw si Helliana lalo na at nasa kanya iyon." Napatango si K sa pag sang ayon.
"Do you want to kill her?" tanong ni K.
"Yes." agad na sagot ni Axel.
"Why?" takang tanong ni K. Noon ay wala sa plano nilang patayin si Helliana, wala pa rin sa plano iyon ni K gusto lang talaga niyang makita ang crazy side ni Helliana.
"Marami nang nalalaman si Helliana."
"About what?"
"Caliber. Ang tagal kong tinago iyon at hindi ako papayag ng dahil lang sa kaniya ay mabulgar iyon. Hindi ako papayag na makaalala si Caliber." galit na sabi ni Axel.
Gusto niyang bago mangyari iyon ay patay na si Helliana. Alam niyang maraming kabayaran kapag pinatay niya si Helliana pero handa na siyang kalabanin ang buong angkan ng Denver para lang sa ulo ni Helliana.
"Well, Caliber slowly remembering his past."
"Yes, hindi ko alam kung sino ang nag titrigger sa memory niya. Ang tagal na non, Caden. Bakit ngayon lang? Sa tinagal tagal, bakit ngayon lang niya naaalala?"
"May alam na rin si Helliana. Tinanong niya ako kung sino ba talaga si Caliber. Alam kong gagawin niya lahat malaman lang ang totoo at natatakot akong kapag nalaman niya ay sabihin niya kay Caliber." Nginisian naman siya ni K.
"Do whatever you want, Axel. Before you kill her, force her to show me her crazy side and let her kill me. It's my pleasure to die in her hands." Napatingin sa kanya si Axel.
"Are you sure?" nag aalalang tanong ni Axel.
Hindi naman talaga takot mamatay si K, ang totoo ay gusto na niyang magpahinga. Ayaw lang niyang madamay ang pamilya niya. Noong nakita ni K ng unang beses si Helliana, plinano na nito na si Helliana mismo ang magbibigay sa kanya ng kapahingahan. Gusto na niyang matulog habang buhay. Para kay K, wala ng kwenta ang buhay niya. Kaya gustong gusto niyang makita ang side na iyon ni Helliana para kahit papaano ay may maganda siyang nakita.
"Yes, Axel. I'm tired." Hinayaan na lang siya ni Axel sa gusto niyang gawin.
"I have my plan." Si K naman ngayon ang napatingin kay Axel.
"What is it?"
"Alisin mo si Helliana sa blacklist at papuntahin mo siya sa North. Kung sa North natin papatayin si Helliana ay mahaharangan natin ang tauhan ni Clark."
Alam ni Axel na kayang kaya niyang hindi papasukin ang tauhan ni Clark sa North. Kahit makipag p*****n pa ito ay hinding hindi niya papapasukin ang tauhan ni Clark sa North hanggang hindi namamatay si Helliana.
"So alam mo palang nasa blacklist si Helliana." nakangising sabi ni K.
"Of course, ako ang may hawak ng blacklist kaya alam ko kung sino ang nandoon." inis na sabi ni Axel, nginisian naman siya ni K.
"Kung papayagan ni Clark si Helliana sa North." Napakunot ang noo ni Axel.
"Ayaw ni Clark?" taka nitong tanong. Tumango si K.
"Gusto ni Helliana pero ayaw ni Clark. Alam ni Clark na mapanganib kay Helliana ang pumunta doon."
Napaisip naman si Axel kung paano mapapapunta si Helliana sa North. Kung dito sa Pilipinas niya gagawin ang plano niya, alam niyang hindi sila makakalapit ng basta basta kay Helliana. Baka bago pa sila makalapit ay may sniper na, na bumaril sa kanila.
Mas maiging sa North dahil alam ay kontrolado nila doon. Mas marami ang tauhan nila sa North at sa North ay sariling batas niya. Siya ang hari, siya ang nasusunod sa North.
"Hindi mo siya mapapatay ng basta basta lang." Napatingin si Axel kay K.
"I know." mahinang sabi ni Axel.
"Kahit na sa North mo patayin si Helliana, malalaman at malalaman din iyan ni Clark. Handa ka ba sa igaganti ni Clark?" nakangising tanong ni K.
Alam nila kung paano gumanti si Clark, hindi ito ang tipo ng tao na nakukuntento basta mapatay lang ang taong nanakit kay Helliana. Sinisigurado nito na buong angkan o kahit na sa susunod na generation ay papatayin niya ang buong angkan mo.
"And you know that Helliana is useful."
"Yes, but she's our enemy." Napangisi namang tinignan ni K si Axel. Umayos ito ng upo at mas tinitigan si Axel.
"But can be ally too." Napakunot ang noo ni Axel.
"What do you mean?" Mas lalong lumapad ang ngisi ni K ng makita ang kuryosidad sa mata ni Axel.
"She's not completely in Clark's side. She needs Clark that's why she's in his side." Mas lalong kumunot ang noo ni Axel.
Alam ni K na kayang kaya ni Helliana na bumaliktad kay Clark, ang pinagtataka lang nito ay bakit hindi niya pa ito ginagawa. Kung tutuusin ay maraming nalalaman si Helliana na pwedeng magpabagsak kina Clark. Sigurado si K na may hawak sila na importante kay Helliana, kaya hindi makawala si Helliana sa pagkakahawak nina Clark. Ramdam na nito na gustong makalaya ni Helliana sa kamay nila Clark.
Kapatid ni Helliana. Yun ang iniisip ni K na hawak nila Clark. Yun lang naman ang importante kay Helliana, ang kapatid niya pero hindi niya alam kung nasaan ba ang kapatid ni Helliana dahil sobrang itinago ito ni Clark. Yun ang kailangan niya malaman, para kay K mas mabuting kakampi si Helliana kesa kalaban dahil kahit na may kahinaan ito kaya niyang kalabanin si Clark at siya ang kahinaan ni Clark. Malaki ang magiging advantage nila kung magiging kakampi nila si Helliana.
"There's a chance na bumaliktad si Helliana."
"But we're not sure kung babaliktad siya o hindi." seryosong sabi ni Axel.
"I need assurance na hindi niya tayo kakalabanin, ngayon nga K sinusubukan na niya ako." inis na sabi ni Axel ng maalala ang sinabi ni Helliana sa kanya.
Sigurado siya na may sinasabi si Caliber kay Helliana kaya may nalalaman ito. Alam din niyang hindi magsasalita sa kanya ang anak niya hanggang hindi pa nito nakukumpirma ang totoo.
"Her brother." nakangising sabi ni K sa kawalan. Kumunot naman ang noo ni Axel.
"Brother?" Ngayon lang nalaman ni Axel na mayroon palang kapatid si Helliana.
"Yes, kailangan malaman natin kung nasaan siya." Kumunot ang noo niya.
"Why?" taka nitong tanong.
"You can control Helliana if you have her brother." Agad namang natigilan si Axel at unti unti ay may nabuo na namang plano sa utak niya.
"So, all I have to do is to find her brother and I can control Helliana?" nakangising tanong ni Axel kay K. Agad tumango si K at lumapad ang ngisi.
"But it's not easy as you think." Napabaling ulit si Axel kay K.
Kung paghahanap lang sa nawawalang kapatid ay malakas ang confidence nito na madala lang nitong mahahanap ang kapatid ni Helliana.
"Why? It's easy." nakangising sabi ni Axel.
"Clark is hiding her brother." Inis na tinignan ni Axel si K.
Mahirap hanapin ang taong nakatago. Paniguradong inilagay ito ni Clark sa lugar kung saan mahirap ito hanapin o sa lugar na hindi mo aakalain na nandoon. Akala ni Axel ay madali lang pero hindi pala.
Naisip niya rin kasi na kung papatayin niya si Helliana, alam niyang madadamay ang asawa niya at ang anak niya. Ayaw niyang mangyari iyon kaya kung hindi niya mapapatay si Helliana, maaaring maging kakampi na lang niya ito.
Kung hawak nito ang kapatid ni Helliana at makokontrol niya si Helliana ay maaaring makatulong si Helliana para hindi maalala ni Caliber ang totoo. Wala ng magiging problema at alam niyang sinasabi lahat ni Caliber kay Helliana at lahat ng sasabihin ni Caliber kay Helliana ay sasabihin ni Helliana sa kanya.
Mas maganda nga kung magiging kakampi niya ito pero paano niya mahahanap ang kapatid ni Helliana? Lalo na kung si Clark ang nagtatago dito, alam nila kung gaano katalino si Clark.
"How can we find her brother?" tanong ni Axel.
"Let's try to find her brother." Tumango naman si Axel.
"Any information about her brother?" tanong ni Axel habang nakaharap na ngayon sa laptop niya.
"I don't have any information about her brother." inis na tinignan ni Axel si K.
"Edad? Kahit ano, wala?" Agad napailing si K.
Ang alam niya lang talaga ay merong kapatid si Helliana at yun ang ginagamit nila para ma kontrol si Helliana. Narinig niya kasi na mayroong kapatid si Helliana at mas lalo niyang nakumpirma ng sinabi niya kay Helliana na kaya niyang hanapin ang kapatid nito. Sa reaksiyon palang ni Helliana alam niya na, na hawak ni Clark ang kapatid ni Helliana.
"Then paano natin mahahanap ang kapatid ni Helliana?" inis na tanong ni Axel kay K.
Ang akala nito ay kahit kaunting impormasyon ay meron ito pero wala kahit kaunti. Ang alam lang nito ay mayroong kapatid ito.
"Mahirap makahanap dahil itinagong maigi ni Clark." Napahilamos naman si Axel at napasandal sa swivel chair niya.
Nag iisip ito kung paano makakahanap ng impormasyon tungkol sa kapatid ni Helliana. Mahawakan lang nila ito ay makokontrol na nila si Helliana. Kailangan nilang mahanap ang kapatid ni Helliana kahit anong mangyari. Napapikit na lang si Axel at nag isip.