CALIBER'S POV
Umupo yung Liana sa harapan ko. Sinundan ko ito ng tingin at kapag upo nito ay agad siyang lumingon sa akin at nginitian ako. Napakunot naman ang noo ko pero agad naman siyang humarap sa unahan at nakinig.
Napatingin naman ako kay Helliana na ngayon ay naka earphone pa rin at nakatingin sa labas. Kukuhanin ko sana yung isang earphone ng agad ako nitong pinigilan. Nagtataka ko naman itong tinignan pero hindi ako nito nilingon at nakatingin lang sa labas.
“Makinig ka.” utos nito sa akin. Napanguso naman ako.
Inuutusan niya akong makinig tapos siya naka earphone lang at nakatingin sa labas.
"E bakit ikaw hindi nakikinig?" tanong ko sa kanya. Inalis ko yung isang earphone niya para marinig niya yung sinabi ko. Kinuha naman niya agad sa akin iyon at agad ibinalik sa tenga niya.
"Nakikinig ako." sagot niya at tumingin sa unahan.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang daming sinesekreto sa akin ni Helliana. Ang dami niyang hindi sinasabi sa akin at gusto ko iyon malaman lahat pero hindi ko siya matanong. Baka kasi magalit siya sa akin at hindi na naman niya ako kausapin, baka mabaliw ako kapag hindi niya ako pinansin.
Tumingin na lang din ako sa unahan at napakunot ang noo ko ng panay ang lingon sa akin nung Liana. Ano bang problema nito? Kanina pa ako naweweirduhan sa kanya. Hindi ko naman siya kilala pero kung makangiti akala mo close ko. Feeling close lang. Ayan na naman sumisimpleng lingon na naman siya sa akin.
Bahagya kong sinipa ang upuan nito na ikinagulat niya.
"Stop looking."irita kong sabi sa kanya. Napanguso naman siya at pilit na humarap.
Nang mag break time ay nanatiling nakatingin si Helliana sa labas. Inaaya na ako nila James at Kean pero pinauna ko na sila.
"Baby," kinalabit ko siya. Napalingon naman siya sa akin.
"Hmm?" Napanguso naman ako ng hindi na naman ako nito tinignan.
"Lunch time na." nakanguso kong sabi.
"Nagugutom ka ba?" tanong nito. Sa wakas ay tinignan ako nito, nakakunot ang noo nito ng makitang nakanguso ako.
"Medyo, tara na. Nauna na sina James." Tumayo na ako at naglahad ng kamay sa kanya. Tinignan naman niya ito, tumayo siya pero hindi niya kinuha ang kamay ko.
"Restroom lang, nauna ka na don." Lalagpasan na sana niya ako ng hinarangan ko siya.
"May problema ba?" nag aalala kong tanong.
Alam ko namang kapag may klase ganon talaga siya, hindi nakikinig pero kapag lunch time ay siya pa ang nauunang tumayo dahil gusto na niyang makaalis sa room pero ngayon halos hindi niya napansin na nag lunch time na.
Gusto kong sabihin niya sa akin kung sakaling may problema kami. Kung may problema ba siya, makikinig naman ako.
"Bakit mo naisip yan? Naiihi lang ako." Inalis nito ang nakaharang kong kamay at mabilis akong dinampian sa labi bago mabilis naglakad. Nakita kong sinuot niya ulit ang earphone at nakapamulsang naglakad papunta sa restroom.
“Who's that, girl?” Napatingin ako sa nagtanong.
Nakita ko iyong Liana na nakapalumbaba na nakatitig sa akin. Inirapan ko naman siya at sinipa ulit ang upuan niya bago padabog na naupo sa upuan ko. Nakakabadtrip. Pakiramdam ko talaga may kakaiba kay Helliana.
"I'm asking you." nakanguso nitong tanong sa akin. Sarap dukutin ng nguso.
"My girlfriend, why?" inis kong sagot sa kanya.
"Girlfriend?" takang tanong ni Liana.
Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksyon nung Liana.
"Yes, so f**k off." inis na lang na sabi ko. Kinuha ko ang earphone ko at susuotin ko na sana ng pigilan ako ni Liana. Inis na hinawi ko ang kamay ni Liana.
THIRD PERSON'S POV
"What the f**k is your problem?" inis na sigaw ko. Bahagyang napalingon ang iilang estudyante na nasa loob din ng room nila. Nagbulong bulongan naman sila.
"The new girl is flirting with Caliber."
"Akala naman niya mapapansin siya ni Caliber."
"As if namang patulan ni Caliber."
"Hindi niya pa kilala ang The Great Caliber Midnight Rios, poor girl."
Napakunot ang noo ni Liana at pinalagpas na lang ang mga naririnig galing sa kaklase niya.
"Are you still mad at me?" Mas lalong kumunot ang noo ni Caliber.
Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Kanina pa siya weird. Tingin ng tingin, kung makangiti akala mo close kaming dalawa atsaka anong sinasabi nitong 'are you still mad at me?' e ngayon ko nga lang siya nakita.
"Are you crazy?" inis na tanong ni Caliber at sinipa ulit ang upuan ni Liana.
"No, I'm not. You're the crazy one here." Hindi makapaniwalang tinitigan ni Caliber si Liana. So ngayon, siya ang baliw? E, hindi nga niya papansinin si Liana kung hindi ito nagpapapansin sa kanya.
Sa sobrang pagkapikon ni Caliber at tumayo ito at agad na kinuwelyuhan si Liana.
"Are you making fun of me?" galit na sigaw ni Caliber.
Napasigaw naman ang classmate nila pati ang mga nasa labas ay napatingin na rin sa amin.
"Omyghad call James and Kean." sigaw ng isang estudyante na hindi namatukoy ni Caliber kung sino.
Agad napangisi si Liana at tinitigan maigi si Caliber.
"So, it's true." Pinilit alisin ni Liana ang pagkakahawak ni Caliber sa kanya, tinanggal din naman iyon ni Caliber at kunot noong napatingin sa babae.
"What are you talking about?" inis na sabi ni Caliber.
"You lost your memory."
Nawala ang pagkakunot ng noo ni Caliber at napaawang ang bibig.
"How did you know?" takang tanong ni Caliber.
Kaya ba pamilyar sa kanya ang pangalan ng babae ay dahil kilala niya ito noon? Kaya pala lingon ng lingon sa kanya ang babae ay dahil kilala nito ang dating Caliber.
Napatitig si Caliber kay Liana at parang nakakita ito ng pag asa. Makakatulong si Liana para maibalik ang alaala niya.
"I was your suitor." Napakunot ang noo ni Caliber.
Suitor? Manliligaw?
"The f**k?"
"Yes, I like you and I was courting you but you're obsessed with that bitch." Tumalim ang mata ni Liana. Napatitig naman si Caliber kay Liana.
I'm obsessed with that b***h? Me? Obsess? Hindi makapaniwalang tinignan ni Caliber si Liana. Hindi nito alam kung totoo ba ang sinasabi nito o nag sisinungaling ito.
"Do you really know me?"
Napangiti naman si Liana sa kanya at dahan dahan lumapit. Kumunot ang noo ni Caliber.
"Umiihi ka pa lang sa salawal mo, kilala na kita." Inis na tinignan ni Caliber si Liana.
Agad nilapit ni Liana ang mukha sa mukha ni Caliber at dinikit ang labi sa tenga ni Caliber.
"I will slowly tell you who's the real you. Come at my place, 12:00 am." Mas lalong kumunot ang noo ni Caliber.
"12 am, why?" Lumayo naman si Liana kay Caliber at nginitian ito ng matamis, hindi pa ito nakuntento at kinindatan pa niya ito.
"I will give you what you want." Nakangising sabi ni Liana.
"What I want?" takang tanong ni Caliber. Tumango naman si Liana.
Kinuha ni Liana amg cellphone ni Caliber na nasa lamesa ni Caliber at agad na nilagay ang number niya doon.
"Text you later." Kinindatan niya ito at agad siyang tinalikuran.
Napatingin naman si Caliber nang makita si Helliana na nakatingin kay Liana.
Nginisian ni Liana si Helliana ng nakakaasar at sinadyang banggain si Helliana.
"Can I steal your man?" nakangising tanong ni Liana.
Napangisi din si Helliana at mabilis na pinalandas ang kamay sa leeg ni Liana, agad napahawak si Liana sa leeg nito ng maramdaman ang hapdi nito.
"Don't try, darling. I always win." Nginisian siya ni Helliana bago nilagpasan.
"Bitch." inis na bulong ni Liana.
Umupo naman si Helliana at nakakunot na tumingin ulit sa labas.
"Baby," tawag sa kanya ni Caliber pero hindi niya ito nilingon.
"Are you mad?" Kinalabit ito ni Caliber pero hindi natinag si Helliana at hindi pa rin siya pinansin.
"ANONG NANGYARI?!" malakas na sigaw ni Kean.
Agad napalingon ang mga tao sa kanya dahil hingal na hingal ito habang nakatayo sa pintuan.
"Asan na ang kaaway ni Caliber?" takang tanong ni Kean.
Inis na inirapan na lang ni Caliber si Kean at hindi pinansin.
HELLIANA'S POV
Tumayo na ako para pumunta sa tahimik na lugar dahil hindi ako makapag focus lalo na at kinukulit ako ni Caliber. Umakyat ako sa bubong kung saan katabi ng puno para hindi ako mainitan.
Sinalpak kong muli ang earphone sa tenga ko. Hindi alam ni Axel na habang nasa office niya ako ay naglagay ako ng recorder doon para marinig ko ang pinag uusapan nila. Inumpisahan kong iplay ito at nakapikit na pinakinggan.
"What the f**k? Hindi pa ba sapat yung ginawa ni Clark sa iyo at nagpabugbug ka ulit?" boses iyon ni Axel.
"Gamutin niyo siya."-Axel.
"So, anong nangyari?"-Axel.
"You know that I don't want to be his enemy, kaya kahit ganito ang itsura ko ay pumunta ako sa mansiyon niya para lang mag explain na hindi ko naman sinaktan si Helliana." Sigurado akong si K ang kausap ni Axel.
"Then? Anong sabi ni Clark?"-Axel.
“Alam niya!”-K
“Anong alam niya?”-Axel.
"Alam niyang hindi ko sinaktan si Helliana pero pina binugbog niya ako dahil pinindot ni Helliana ang hindi ko alam kung anong button iyon."-K
"Button?"-Axel
Napatingin ako sa singsing ko at napangisi.
"Yes, may sinabi sa akin si Clark na pinipindot lang ni Helliana iyon kapag nasa desperadong sitwasyon siya."-K
"We have to know kung nasaan iyong button na iyon. Hindi natin magagalaw si Helliana lalo na at nasa kanya iyon."-Axel
Napangisi ako sa narinig. Kahit naman malaman nila kung nasaan ang button ay matutunton pa rin ako ni Clark kung nasaan ako.
"Do you want to kill her?"-K.
"Yes."-Axel.
"Why?"-K.
"Marami ng nalalaman si Helliana."-Axel.
"About what?"-K.
"Caliber. Ang tagal kong tinago iyon at hindi ako papayag ng dahil lang sa kaniya ay mabulgar iyon. Hindi ako papayag na makaalala si Caliber."-Axel.
Napakunot ang noo ko. So, tama ang hinala ko na ayaw niyang makaalala si Caliber pero bakit? Anong meron sa nakaraan ni Caliber at takot na takot siyang makaalala ito? Mas lalo akong kinain ng kuryosidad ko na malaman kung sino si Caliber noon. Alam kong hindi lang ito normal na bata tulad ng sinasabi niya, may sikreto pang nakatago doon na kailangan kong malaman.
"Well, Caliber is slowly remembering his past."-K.
"Yes, hindi ko alam kung sino ang nag titrigger sa memory niya. Ang tagal na non, Caden. Bakit ngayon lang? Sa tinagal tagal, bakit ngayon lang niya naaalala?"-Axel.
"May alam na rin si Helliana. Tinanong niya ako kung sino ba talaga si Caliber. Alam kong gagawin niya lahat malaman lang ang totoo at natatakot akong kapag nalaman niya ay sabihin niya kay Caliber."-Axel.
Buti alam mo na gagawin ko ang lahat para lang malaman ang katotohanan.
"Do whatever you want, Axel. Before you kill her, force her to show me her crazy side and let her kill me. It's my pleasure to die in her hands."-K.
Agad kong pinause ang recorder audio dahil sa narinig. He wants to die in my hands? Is he crazy? Yun lang ang gusto niya kaya ginagawa niya ang lahat ng ito?
Napailing ako at plinay ko ulit ang recorder audio.
"Are you sure?"-Axel.
"Yes, Axel. I'm tired."-K
"I have my plan."-Axel.
"What is it?"-K
"Alisin mo si Helliana sa blacklist at papuntahin mo siya sa North. Kung sa North natin papatayin si Helliana ay mahaharangan natin ang tauhan ni Clark."-Axel
So, alam niya palang nasa blacklist ako pero tinanggap niya pa rin akong bodyguard ni Caliber. Ano ba ang iniisip ni Axel?
"So alam mo palang nasa blacklist si Helliana."-K.
"Of course, ako ang may hawak ng blacklist kaya alam ko kung sino ang nandoon."-Axel.
“Kung papayagan ni Clark si Helliana sa North.”-K.
“Ayaw ni Clark?”-Axel.
"Gusto ni Helliana pero ayaw ni Clark. Alam ni Clark na mapanganib kay Helliana ang pumunta doon."-K.
"Hindi mo siya mapapatay basta basta lang."-K.
"I know."-Axel.
"Kahit na sa North mo patayin si Helliana, malalaman at malalaman din iyan ni Clark. Handa ka ba sa igaganti ni Clark?"-K.
Napangisi si Helliana kung sakali mang mapatay nila ako, mamamatay akong masaya dahil kilala ko si Clark. Hindi niya hahayaan na ako lang ang magdudusa, idadamay niya ang buong angkan nito. Hindi ito titigil hanggang hindi ako maipaghihiganti.
"And you know that Helliana is useful."-K.
“Yes, but she's our enemy.”-Axel.
“But can be ally too.”-K
Napakunot ang noo ko, anong pinagsasabi ni K? Ako? Magiging kakampi nila? Napangisi na lang ako at napailing.
“What do you mean?”-Axel.
"She's not completely in Clark's side. She needs Clark that's why she's in his side."-K
Hindi ko na talaga alam kung saan nakukuha ni K ang mga impormasyon niya, masyado na siyang maraming nalalaman.
"There's a chance na bumaliktad si Helliana."-K
"But we're not sure kung babaliktad siya o hindi."-Axel.
"I need assurance na hindi niya tayo kakalabanin, ngayon nga K sinusubukan na niya ako."-Axel.
"Her brother."-K
Agad ko ulit pinause. Alam kong alam niya ang tungkol sa kapatid ko pero anong plano niyang gawin sa kapatid ko? Kung marami siyang nalalaman na hindi niya pwede malaman ay maaaring malaman din niya kung nasaan ang kapatid ko.
Hindi ako papayag na pati ang kapatid ko ay galawin nila.
Plinay ko ulit ang recorder.
"Brother?"-Axel.
"Yes, kailangan malaman natin kung nasaan siya."-K.
"Why?"-Axel.
"You can control Helliana if you have her brother."
Agad akong napatawa sa narinig ko.
"You think you could control me? I'll make you bow." Nakangisi kong sabi sa sarili ko.
"So, all I have to do is to find her brother and I can control Helliana?"-Axel.
“But it's not easy as you think.”-K
Buti alam mo dahil kahit ako mismong kapatid hindi ko alam kung saan tinatago ni Clark ang kapatid ko.
"Why? It's easy."-Axel
“Clark is hiding her brother.”-K
“How can we find her brother?”-Axel.
“Let's try to find her brother.”-K
“Any information about her brother?”-Axel.
“I don't have any information about her brother.”-K
Napangisi naman ako. Of course wala silang makukuhang impormasyon tungkol sa kapatid ko dahil lahat ng iyon ay itinagong maigi ni Clark.
“Edad? Kahit ano, wala?”-Axel
"Then paano natin mahahanap ang kapatid ni Helliana?"-Axel.
"Mahirap makahanap dahil itinagong maigi ni Clark."-K
Agad kong inalis ang earphone ko ng matapos. Napatingin ako sa langit, inalala ko ang kapatid ko na ilang taon ko ng hindi nakakasama. Hindi ko pwedeng makasama dahil mapapahawak lang siya.
"No one would hurt you again or I'd kill them." bulong ko sa sarili ko bago bumaba.
Kapag baba ko ay may nakasalubong akong nagtatakbuhang mga estudyante. Lalagpasan na sana ako nung isa pero agad din itong bumalik sa akin.
"Si Caliber," hinihingal nitong sabi. Kumunot ang noo ko at nilagpasan siya.
Saglit lang ako nawala, ano na naman kayang ginawa ng mokong na iyon? Kapag dating ko doon ay maraming tao na nakapalibot sa room. Napatingin sa akin yung isa at agad silang umalis sa dadaanan ko. Naglakad na naman ako papasok pero agad akong natigilan sa nakita ko.
Malapit ang mukha nung isang babaeng hindi ko kilala kung sino kay Caliber. Nang lumayo ang mukha nito ay nakita ko ang pagkidlat nito kay Caliber. Kumunot lang naman ang noo ni Caliber.
Kinuha nung babae ang cellphone ni Caliber at may inilagay doon. Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit hindi man lang siya pinipigilan ni Caliber?
Tumalikod yung babae at napatingin sa akin. Alam kong sinadya ako nitong bungguin kaya hindi ko na rin inilagan at hinayaan siya sa gusto niyang gawin.
"Can I steal your man?" nakangisi nitong sabi sa akin. Hindi ako nagpatalo at nginisian ko rin siya. Mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang maliit na dagger at dinampian siya sa may leeg. Agad naman itong napahawak sa leeg niya dahil paniguradong naramdaman nito ang hapdi nito.
"Don't try, Darling. I always win." nakangisi kong sabi at nilagpasan siya.
"Bitch." rinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin.
Nakita kong nakatingin sa akin si Caliber pero hindi ko siya pinansin at naupo sa upuan ko. Pakiramdam ko ang daming beses ng nakakunot ang noo ko.
"Baby," rinig kong tawag sa akin ni Caliber pero hindi ko siya pinansin.
"Are you mad?" Kinalabit ako ni Caliber pero hindi ako natinag at hindi ko pa rin siya pinansin.
"ANONG NANGYARI?" malakas na sigaw ni Kean habang hinihingal.
"Asan ang kaaway ni Caliber?" tanong nito ulit.
Hindi naman siya pinansin ni Caliber at kinalabit lang ulit ako. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.
Akala ko rin may kaaway si Caliber pero wala. Iba ang nadatnan ko, kalandian niya. Diba dapat singhalan niya yung babaeng iyon tulad ng ginagawa niya sa ibang babae pero hindi hinahayaan niya ito sa gusto niyang gawin dahil gusto niya rin yung ginagawa nung babae sa kanya.
Mas lalo akong nainis sa naisip ko kaya agad kong tinabig ang kamay ni Caliber na hinahawakan ang kamay ko.
"Hey, what did I do? Why are you mad?" nakanguso nitong tanong sa akin.
Anong tingin niya sa akin? Madadaan niya ako sa pag papa cute niya? Hindi 'no, kahit manigas pa nguso niya kakanguso niya sa akin ay hindi ko talaga siya papansinin.
"Sorry," bulong nito sa akin at pilit akong niyayakap.
Hindi ako nagsalita pero hindi ko rin siya tinabig at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya dahil alam kong hindi niya rin naman ako titigilan.
"Baby," bulong nito sa tenga ko.
Naramdaman ko ang mainit na hininga niya na bumababa hanggang sa leeg ko. Naramdaman kong binibigyan ako nito ng dampi ng halik sa leeg ko. Nagmatigas pa rin ako at hindi nagsalita. Hinding hindi niya ako madadaan sa ganyan.
"You're ignoring me again." malungkot nitong bulong sa akin.
Tinigil nito ang paghalik niya sa leeg ko at sumandal na lang sa balikat ko habang pinagsasalikop ang kamay naming dalawa.
"I'm hungry, I'm waiting for you because I want us to eat together." malungkot ulit nitong sabi.
Wow, so hinihintay niya ako sa lagay na iyon? Hinihintay niya ako habang nakikipag landian sa iba. Just wow.
"I'm going to propose here if you keep on ignoring me." Bahagya akong napatingin sa kanya at seryosong seryoso ito. Pinanliitan ko naman siya ng mata.
Is he serious?
"I'm going to count one to three." Tinignan ko lang naman siya.
"One," Kumunot ang noo ko.
"Two," Tumayo na ito sa kinauupuan niya at lumuhod sa harapan ko.
Nakaagaw iyon ng pansin sa iba kaya napalingon kay Caliber. Let's see if you're serious.
"Three." May kinuha ito sa bulsa niya at agad nanlaki ang mata ko ng may singsing sa bulsa niya. Kumikintab pa ito dahil tumapat sa araw ang diamond na nakalagay doon.
"Marry me, Helliana Gwyneth Denver." Hindi ako nakasagot at nakangangang nakatingin lang sa kanya. Hindi ko ineexpect na seryoso siya sa sinabi niya.
"What the f**k, Caliber?" Hindi ko na mapigilan ang magsalita. Napanguso naman ito. Pilit niyang kinuha ang kamay ko at sinuot don ang singsing, mas lalong kumunot ang noo ko. Agad nagtilian ang mga nanonood.
"Told you." nakangisi nitong sabi.
Hinalikan ako nito sa noo.
"I love you." bulong nito bago ako nginitian.