"Mars, umarte ka naman na parang tunay na lalaki para masabi nilang may ka-date ako. Tingnan mo nga ang iba, may ka-partner. Meron nga ako bakla naman." Inis na sabi ni Nathalie nang papasok na sila sa loob ng restaurant. Syempre, gusto lang din niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ni, Xander kung sakaling makita siya nitong may ka-date dito sa restaurant niya pagkatapos ng nangyari sa kanila. Gwapo naman si Greg s***h Grasya kaya hindi mapagkakamalang bakla ito. "Hoy! Nathalie, pinagbigyan na kita na dito tayo kakain kahit hindi bukal sa loob ko, tapos ngayon magpapanggap pa akong ka-date mo? Huwag kang abuso, baka majombag kita diyan." aniya ng bakla sa mahinang boses. May mga kalalakihang nakatingin sa dalaga samantalang ang ibang kababaihan naman ay nakatingin kay Grasya. An

