"Oh my gosh, I'm excited!" Bulalas ni Nathalie, dahil tapos na ang isang linggo niyang parusa at lunes na kaya masayang-masaya siya. Bumaba siya. Nakita niyang naka-kunot ang noo nina Ashley at Nikki sa kanya. "Bakit?" Tanong niya. "Ano'ng outfit iyan?" Balik tanong ni Ashley. "Kailangan pa bang itanong kung ano'ng outfit itong suot ko?" sabi rin ni Nathalie. "Ano'ng nakain mo at ganyan ang sinuot mo?" Tanong naman ni Nikki. "Wala lang. Bakit ano'ng mali sa suot ko?" Taas kilay nitong sagot sa mga kapatid. "Wala naman, parang naalibadbaran lang ako sa skirt mo," sabi naman ni Nikki. Nakasuot kasi ito ng navy blue skirt na hanggang kalahati ng hita. Fitted top na may ribbon sa bandang dibdib at Naka-boots na hanggang sa tuhod. "Ano ka ba, Nikki? Ano'ng gusto mong isuot ko? Tuxedo?

