"Yes! Isang araw na lang at makakawala ka na rin sa hawla mo." ani ni Nathalie sa sarili pagkatapos niyang lagyan ng pulang ekis ang pang pitong araw sa kalendaryo na hiningi pa niya sa kanilang katulong. Sumampa ang dalaga sa kanyang kama at doon nagtatalon na parang bata. Tuwang-tuwa siya dahil nalagpasan niya ang anim na araw na sa bahay lang siya naglagi. Hindi niya akalain na kinaya niya iyon nang walang cellphone at laptop. "I can’t wait for this day to end." Sabi pa niya habang nakatihayang higa at nakatingin sa kisame. Malapad siyang nakangiti na para bang may nakikita siyang nakakatuwa sa kisame. Gusto niyang i-celebrate ang araw ngayon dahil nagtagumpay siya sa pitong araw na pagtitiis sa loob ng kanilang bahay. Nagmadali siyang bumaba at dumiretso sa kusina. Hinanap niya si Na

