Salitan na tiningnan ni Nathalie ang kanyang mga kapatid na naghihintay sa kanyang susunod na sasabihin. Hindi alam ng dalaga kung sasabihin ba niya sa mga kapatid ang buong detalye nang nangyari sa kanya. Siguro 'pag sinabi niya ang totoo, gagaan ang pakiramdam niya at mabawasan ang pagsisinungaling niya. Huminga muna siya nang malalim at muling nagsalita. "Ecstasy drug. Ecstasy drug ang inilagay sa alak na ininom ko." seryosong sabi ng dalaga. "Hindi ko alam kung ano'ng maaari niyong isipin sa 'kin ngayon. But... I lose my virginity last night." ani niya sa dalawang kapatid nang nakatingin sa ibaba. Nahihiya siyang tumingin sa mga mata ng kanyang kapatid dahil sa hiya. "What!?" Sabay na sabi nina Ashley at Nikki sa kanyang sinabi. Tumingin naman sa paligid si Nath at tiningnan kung ma

