-ANGELICA- Paglabas ko ng kuwarto ay bumungad sa akin ang ingay ng mga tao sa ibaba. Bakit ang daming tao sa bahay namin? Lahat sila ay abala sa pagdedesenyo at pag-aayos ng aming bahay. Nagtatakang bumaba ako ng hagdan. Hinanap ko sina Mama at Papa. Nakita ko silang abala sa pagluluto ng mga pagkain. Agad naman akong lumapit sa kanila. "Mama! Papa!" Napatingin naman sila sa akin. "Princess, gising ka na pala!" nakangiting wika ni Mama. "Bakit ang dami pong tao?" nagtatakang tanong ko. "Nakalimutan mo na bang may welcome party kayo ni Jared?" tanong ni Papa sa akin. Saka ko lang naalala ang sinabi ni Kuya kahapon. Napakamot na lang ako sa batok ko. "Grabe naman po yata ang paghahanda ni Kuya! Marami po bang pupunta?" "Iyan ang gusto ng Kuya mo kaya hinayaa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


