-ANGELICA- Tatlong taon na ang nakalipas simula ng magtrabaho ako rito sa America. Nakatira ako sa bahay nina Jared at Papa Calix. Magrerenta dapat ako ng tutuluyan ko kaya lang ay mapilit silang dalawa. Gusto nilang dito na ako tumuloy dahil sayang daw ang perang gagastusin ko sa renta. Sa loob ng tatlong taon ay tumutulong ako sa gastusin sa bahay. Tumutulong rin ako sa pagluluto, paglilinis, at paglalaba. Malinis naman sila sa bahay pero minsan kapag parehas silang busy ay napapabayaan na nila ang bahay. Inaayos ko na lang para hindi na rin sila mahirapan. Tulong-tulong naman kaming tatlo. Umuuwi ako every 3 months, Pasko, at Bagong taon. Kapag birthday nila ay minsan lang ako nakauuwi dahil nasasaktuhan na may event sa school. Naiintindihan naman iyon nina Mama at Papa. Masaya

