CHAPTER 6

1041 Words
-ALFRED MILYONES- Isang oras at kalahati ang nakalipas ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Mas lalo kaming kinakabahan sa paglipas ng mga oras. Halos hindi na kami nakahihinga nang maayos. Ngunit kailangan naming magpakatatag at maniwalang kakayanin ito ni Angelica. Tahimik kaming umuusal ng mga panalangin nang biglang bumukas ang pinto ng Emergency room. "Dok, kumusta na po ang anak ko? Maayos na ba siya? Gising na ba siya? " sunod-sunod na tanong ng asawa ko. "Mr. and Mrs. Milyones, marami po'ng dugo ang nawala sa kanya dahil sa pagkabagok ng kanyang ulo. Bukod doon ay marami rin siyang tinamong gasgas sa katawan. Sa ngayon po ay maayos na ang lagay niya, kailangan na lang po nating ipagdasal na magising siya. Ililipat na po namin siya sa kwarto. Doon ninyo na lang siya puntahan," pagod na tugon ng doktor. "Salamat po, Dok!" Tahimik naming inaantay ang paglabas nila kay Angel. Nang makita ko ito ay halos manlumo ako. May benda ang kanyang ulo at puno ng galos ang katawan. Hindi ko na naman mapigilang sisihin ang sarili ko. Wala dapat siya rito, ako dapat ang nakahiga sa kamang iyon. Nang dumating siya sa buhay namin ay ipinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para sa kanila at hindi ko hahayaang may makasakit sa kanila. Ngunit nabigo ako. Hinayaan kong mangyari ito. Kung sana'y ginamit ko sa tama ang mga perang naipon ko. Hindi sana ako malululong sa sugal. Hindi sana ako mababaon sa utang. Hindi sana manganganib ang buhay ko at ng pamilya ko. Hindi ko sana makikilala ang baliw na William na iyon. Hindi niya sana makikilala ang anak ko at hindi niya sana hahangaring mapasakanya ito. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko. "Alfred, pumasok na tayo sa loob. Inaantay na tayo ng anak mo," pag-aaya ng asawa ko. "Mauna ka na. Bibili lang ako ng makakain natin." "Sige, hintayin ka namin." --- -QUINIE MILYONES- Pumasok na ako sa kuwarto. Ayokong tingnan ang kalagayan niya ngayon dahil nasasaktan ako, pero kailan ko siyang alagaan. Mas kailangan niya kami ngayon. Umupo ako sa upuang nasa tabi ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya't tinitigan ang mukha. "Princess, natakot ka ba kanina? Nandito na ako. Hindi kita iiwan, pangako... Patawad anak, kung nagsinungaling kami sayo ng papa mo. Sana maintindihan mo, hindi man ngayon pero balang-araw." "Gumising ka na anak. Hinihintay ka namin ng papa mo. Hinihintay ka ng mga kaibigan mo. Tatawagan ko sila. Hindi pa nila alam ang nangyari sayo. Tiyak na mag-aalala ang mga 'yon. Kaya gumising ka na, Angel." Tinawagan ko ang pinakamalapit na kaibigan niyang si Mariza. Sinabi ko ang nangyaring aksidente at sinabi nitong pupunta siya kasama ng iba pang kaibigan nila. --- Nang dumating si Mariza ay saktong dating ng asawa ko. "Tita, susunod na lang daw po ang iba. Nauna na po ako dahil nag-alala po talaga ako kay Angelica," malungkot na wika nito. "Naiintindihan ko. Maiwan ka muna namin. Dito lang kami sa labas. Kakain lang kami. Kausapin mo siya. Naririnig ka niya." "Sige po, Tita! Kain po muna kayo. Babantayan ko po siya." --- -MARIZA RIVERA- Naupo ako sa upuang nasa tabi niya. Tinitigan ko siya nang maigi, at isang ngiti ang sumungaw sa aking mga labi. Matatawag ba akong masamang kaibigan kung matutuwa ako sa kalagayan niya ngayon? Kung oo, sige masama na akong kaibigan. "Kumusta ka na best friend? Alam mo bang ang saya ko ngayon. Hindi pa man ako nagawa nang paraan para mawala ka sa landas ni Jared pero heto ka ngayon, nakahilata sa kama at walang kasiguraduhan kung magigising pa." "Mahal naman kita friend, dahil pinakita mo sa akin na may tatanggap pa rin sa tulad ko. Kaso friend, gusto ko talaga si Jared. Ahh no, no, mahal ko na pala siya. Gagawin ko ang lahat maging akin lang siya. Kahit kaibigan pa kita. Sorry pero kailangan mo nang mawala sa landas namin." Tatanggalin ko na sana ang oxygen mask niya nang marinig kong may kumatok. Binitawan ko ito at patay malisyang umupo. "Angel / Angelica!" sabay-sabay na tawag ng tatlo pa naming kaibigan. Tumayo ako para hayaan silang makalapit kay Angelica. Nakakainis bakit ba ang aga dumating ng mga 'to!? Tapos na dapat ang plano ko, napurnada pa. "Angelica, gising na! Hindi ka naman si Sleeping Beauty," mangiyak-ngiyak na wika ni Katty. "Ano ka ba, puwede rin siyang maging si Sleeping Beauty tapos si Jared ang prince charming niya," pagpapagaang ng loob na wika ni Ana sa lahat. "Puro kayo mga kalokohan! Sa bagay, malay natin magising siya. Alam na ba ni Jared ang nangyari sa kaniya? Mariza?" tanong ni Cheche. "Hi-Hindi pa! Kayo pa lang nasabihan ko! Nag-alala kasi ako kay Angelica kaya nakalimutan ko." "Sige. Ako na lang ang tatawag kay Ja---" putol na wika ni Ana. "Huwag! Huwag muna natin sabihin baka mag-alala siya! Sabihin na lang natin kapag gising na si Angelica!" "Ha? Ganoon naman talaga 'di ba? Ang weird mo, Mariza," nagtatakang wika ni Katty. "Hayaan na! Bukas na lang natin sabihin. Baka magising na rin si Angelica. Ipagdasal na lang natin," wika ni Cheche. --- -ALFRED MILYONES- Nanatili ang mga kaibigan ni Angelica nang isang oras upang kuwentuhan ito ng kanilang mga alaala. Pagkatapos ay nagpaalam na silang uuwi dahil may pasok pa bukas. Pinauwi ko muna ang aking asawa upang makapagpahinga. Ayaw man niya ay pinilit ko na lang. Kailangan din nitong kumuha ng damit namin ni Angelica. Bago matulog ay nilapitan ko ang aking anak. "Angelica, patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Patawad dahil wala ako sa tabi mo para iligtas ka. Mahal na mahal kita. Gumising ka na bukas. Hinihintay ka namin." hinging tawad ko sabay halik sa kaniyang noo. Nawa'y bukas ay may magandang mangyari. --- Kinabukasan ay maaga akong gumising. Naabutan ko ang asawa kong nakatitig sa aming anak. Napabuntong hininga na lamang ako. Humarap ako sa kanya. "Ikaw muna ang magbantay sa kanya. Pupunta ako sa Bakery shop natin. Kailangan nating kumita para sa pambayad ng bills dito sa ospital." "Okay, kumain at maligo ka muna. May dala akong pagkain at damit diyan. Ako na ang bahala dito." Tapos na akong maligo at kasalukuyang kumakain, nang bilang sumigaw ang asawa ko. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Gising na ang prinsesa namin. Gising na si Angelica. Salamat sa Panginoon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD