CHAPTER 5

1128 Words
-ANGELICA- Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng silid kung saan nag-uusap sina Papa at Red o mas tamang sabihing William. "A... anak, ka-kanina ka pa ba dyan?" kinakabahang tanong ni Papa. "Opo. Kanina pa." Kasabay nang pagbigkas ko ng mga katagang iyon ang pagtulo ng aking mga luha. "Anak, hayaan mo akong magpaliwanag!" "Totoo ba? Totoo bang hindi siya si Red na kababata ko?" tanong kong naghihinanakit "Patawad anak! Patawad!" "Papa, bakit? Bakit kailangan ninyong gawin ito sa akin? Alam ninyo naman po kung ano ang pinagdaanan ko tapos malalaman ko lang na niloloko ninyo ako!" "Mitch, magpapaliwanag kami," wika ni William na akmang lalapit sa akin. "Huwag mo akong hawakan! Hindi kita kilala! Wala akong kilalang manloloko at sinungaling!" sabi ko sabay iwas sa kaniya. "Ma, may alam po ba kayo rito?" lakas loob kong tanong. "Patawad, anak," tugon ni Mama sabay yuko. "All this time, ako lang pala tong walang alam! Pinagkaisahan ninyo ako! Nagtiwala ako sa inyo! Pero... pero lahat lang pala ay puro pagkukunwari lang!" "Princess, anak! Hayaan mo kaming magpaliwanag! Please!" pagsusumamong wika ni Papa. "Para ano, Pa? Para mapaniwala ninyo na naman ako sa mga kasinungalingan ninyo?! Para mapaikot?! Para magmukha na naman akong tanga?!" "Princess! No! Please listen! Please! This time, walang halong kasinungalingan! Makinig ka naman please!" umiiyak na pagmamakaawa ni Papa. "I'm sorry Pa, Ma pero hindi na ako makikinig pa sa inyo. Tama na lahat ng kasinungalingang ito," tugon ko sabay takbo palabas ng aming bahay. "Princess!" "Mitchy!" Muli nila akong tinawag pero sa ngayon sarado na ang utak ko. Nilalamon nang galit ang puso ko. Wala akong gustong pakinggan. Sarado ang tainga ko sa lahat ng paliwanag. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa. Umiyak nang umiyak, at isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. All this time ang mga magulang ko pa ang puno't dulo nang kasinungalingang ito at ang dahilan nang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, gusto kong tumakbo palayo sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko nang mamanhid para hindi ko na maramdaman pa ito. Ang sakit-sakit na. Hirap na hirap na ako. Please, hayaan ninyo akong mamanhid at hindi na ito maramdaman pa. Hindi ko alam kung hanggang saan ako nakarating basta ang alam ko sobrang layo ko na. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Namamanhid na ako. Hindi ko na mararamdaman pa ang sakit. Hanggang sa pati ang paningin ko ay nanlalabo na rin. Bago pa man ako tuluyang lamunin ng dilim ay muli ko na namang naitanong sa sarili ko . . . 'Red, nasaan ka na ba? Maghihintay pa rin ba ako o hanggang dito na lang talaga? Hanggang kailan? Hanggang kailan, Red?' Naramdaman ko na lang ang pagtama nang isang matigas na bagay sa katawan ko, at doon tuluyang nandilim ang paningin ko. --- -QUINIE MILYONES- "Alfred, ang anak natin! Baka mapaano siya! Alfred sundan natin!" nanghihina at hindi mapakaling pakiusap ko kay Alfred. "Quinie, kumalma ka! Sige, susundan ko siya," nanlulumong sabi niya. "Sasama ako, Ginoong Milyones!" determinadong wika ni William. "Tumigil ka na William! Tandaan mo 'to! Kapag may masamang nangyari sa anak ko ay hinding-hindi kita mapapatawad!" galit na galit na sabi ni Alfred. "Makikita natin, Ginoong Milyones. Makikita natin," nakangising wika ni William. "Napakasama mo talaga! Tao ka pa ba?!" nanggigigil na sabi ko kay William. "Akin lang siya! Akin lang!" nababaliw na wika ni William habang tumatawa ng malakas. "Alfred, dalian mo na! Sundan mo na siya! Huwag mong hayaang makalapit ang lalaking 'to sa anak natin!" nanggigigil na wika ko habang nakaturo kay William. "Paunahan na lang, Ginoong Milyones! Ciao!" tumatawang wika niya bago lumabas ng bahay. "Baliw ka! Baliw ka na, William!" galit na sigaw ko sa kaniya. Ilang minuto bago kami nahimasmasan sa mga nangyari. "Ako na lang ang maghahanap sa anak natin. Dito ka na lang," wika ni Alfred. Sasagot na sana ako nang bilang tumunog ang phone ko. Kinakabahang napatingin ako sa asawa ko. Nanginginig na pinindot ko ang answer botton. "He-Hello?" "Hello! This is Georgina Hospital. Is this Ms. Milyones' guardian?" "Kami nga po! Hospital? Ano'ng nangyari sa anak ko?! Bakit nasa ospital?!" kinakabahan at hindi mapakaling tanong ko. "May nagdala po sa anak ninyo rito, ilang minuto lang ang nakalipas. Nabangga siya ng kotse, at kasalukuyang nasa emergency room," wika ng babae sa kabilang linya. Pagkatapos ay binaba na ang telepono. "No! No! Ang anak ko! Hindi!" umiiyak na sigaw ko. "Quinie, anong nangyari kay Angel? Nasaan siya? Nasaan?" natatakot na tanong ni Alfred. "Georgina Hospital," nanghihinang sabi ko. "Georgina Hospital? Hospital? Princess! My princess! No!" Nagmamadali kaming umalis ng bahay at sumakay sa unang tricycle na napadaan. Halos hindi na kami mapakali habang nasa sasakyan. Natatakot sa kung ano ang mangyayari sa nag-iisa naming anak. Nang makarating sa ospital ay agad kaming nagtungo sa information desk. "Nasaan ang anak ko!?" "Huminahon po kayo Mam. Ano pong pangalan ng anak ninyo?" magalang na wika ng nurse. "Angelica Mitch Milyones, ilang minuto lang daw siya noong dinala rito. Nabangga ng kotse," nagmamadaling wika ko. Nagmamadaling hinanap ng Nurse ang pangalan ng anak ko. "Emergency room po. 1st floor, sa right side, Ma’am." "Thank you, Miss!" Agad naming pinuntahan at hinanap ang sinabi ng nurse. Nang makarating ay nakita namin ang paglabas ng isang nurse. "Miss, excuse me!" tawag-pansin ko sa nurse. Lumingon agad siya sa amin. "Kayo po ba ang guardian ni Ms. Milyones?" "Kami nga po. Kumusta ang anak ko? Maayos na ba siya? Hindi naman siya napuruhan?" sunod-sunod na tanong ko. "Quinie, huminahon ka," malumanay na wika ni Alfred. "Hindi ko pa po masasabi sa ngayon Mam. Kasalukuyan pa po siyang ginagamot. Marami po'ng dugo ang nawala sa kanya. Mukhang iniwan lang siya nang nakabangga," nahahabag na paliwanag ng nurse. Napaluhod ako sa narinig. --- -ALFRED MILYONES- Agad kong nilapitan ang asawa ko nang makitang napaluhod ito at humahagulgol. Niyakap ko siya at pinakalma. Kailangan kong maging matatag para sa kanya at kay Angel. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko ginawa ang lahat ng iyon... sana... sana ayos pa ang lahat. Wala sana kami ngayon sa sitwasyon na 'to. Kasalanan ko ang lahat. I'm sorry Princess. I'm really sorry. Don't leave us. Lumaban ka, anak. Mahal na mahal kita. "Alfred, ang anak natin! Alfred! Sana ako na lang! Ako na lang, please!" sumisigaw at nagmamakaawang wika niya. "I'm sorry, Quinie. It's my fault. I'm really sorry. Hindi ako naging mabuting ama at asawa. Hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito. I'm really sorry." "No, Alfred. Hindi mo kasalanan ang lahat. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mo lang iyon para sa amin," umiiyak pa ring wika niya. "Hindi ko na alam, Quinie," nanghihinang wika ko. "Tama na, Alfred. Ipagdasal na lang natin siya. Sana'y kayanin niya. Alam kong matapang ang anak natin." "Oo, matapang siya. Matapang ang prinsesa natin." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD