CHAPTER 4

1125 Words
-ANGELICA- Hinintay kong sumagot ang taong kumatok, ngunit wala akong narinig na sagot. Hindi ko na lang ito pinansin. Maya-maya ay narinig ko ulit ang mga katok. Imbis na tanungin kung sino ang nasa labas ng pinto ay mas minabuti kong puntahan at buksan ito. Hindi pamilyar sa akin ang taong kaharap ko ngayon. ''Mawalang galang na pero sino ka? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay namin?'' ''Huminga ka naman!'' natatawang wika niya. ''Hey--'' ''Ako 'to si Red, 'yong kababata mo. Remember?'' Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong kabahayan. Hindi ko na napigilan ang emosyong gustong lumabas sa loob ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Pilit ko siyang tinutulak, kahit sobrang hinang- hina na ako sa kaiiyak. Ayokong-ayoko ang mapadikit siya sa akin, dahil sa tuwing naglalapat ang aming mga balat ay tila napapaso ako. ''Hey Mitchy, what's wrong?'' sabi pa niya habang hinahaplos-haplos ang aking buhok . ''What's wrong? What's wrong? Eh tar*nt*do ka pala talaga!'' galit na galit na sabi ko sabay tulak sa kaniya. ''Mitchy, pag-usapan natin ito nang maayos,'' sabi pa niya sabay pigil sa pagtatangka kong pagsarado ng pinto. ''Red, labintatlong taon akong naghintay sayo. Pinanghawakan ko 'yong sinabi mong babalikan mo ako. Pero ano? Anong nangyari? Dumaan ang maraming araw, buwan, at taon hanggang sa nagpasiya na akong kalimutan ka, tapos ngayon darating ka. Para ano? Para guluhin mo na naman ang buhay ko? Please naman Red, maawa ka sa akin. Ilang taon akong umasa sa pangko mo, pero nasaktan lang ako. Tapos ngayon magpapakita ka sa akin na parang walang naghintay sayo? Tapos magtatanong ka pa ng what's wrong? H*y*p ka pala talaga!'' ''Mitch, let me explain. I'll tell you everything. Please.'' pagsusumamo niya. ''B*llsh*t! Then go! Siguraduhin mo lang na worth it 'yang reason mo!" ''Una sa lahat, hayaan mo lang akong magpaliwanag at makinig ka lang. Mamaya ka na magtanong,'' sabi niya sabay buntong-hininga. Tinanguan ko na lamang siya. ''Mitchy, I'm sorry. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sayo. Nang makarating kami sa America ay sobrang nalungkot ako. Hindi na kita makikita tuwing umaga. Makakalaro at iba pang mga bagay na nakasanayan nating gawin. Then, one time kinausap ako ni Mommy sabi niya ay kalimutan na kita dahil kahit kailan ay hindi na kami babalik sa Pilipinas. Ayaw kong pumayag noon halos araw-araw kong kinukulit sa Mommy na bumalik pero nagagalit lang siya. Tatawagan sana kita para kahit malayo ako sayo ay may komunikasyon tayo, pero nahuli ako ni Mommy. Pinagpapalo niya ako para daw magtanda ako at hindi na ulitin iyon. Lumipas ang araw at paulit-ulit kong ginawa iyon pero lagi akong nahuhuli at binubugbog hanggang sa napagod na ako at hindi ko na muling sinubukan pa. Lumipas ang bawat taon hanggang sa tumuntong ako ng High School. Sinubukan kong muli na hanapin ka sa lahat ng network site pero mukhang masaya ka na kahit wala ako, kaya tinigilan ko na. Hanggang sa isang araw sinabi nalang ni Mommy na lilipad kami patungong Pilipinas. Kahapon lang kami dumating. Pagkagising ko kanina tiningnan ko agad ang dati ninyong bahay. Nang makita kong may tao ay nagtanong agad ako kung dito ka pa nakatira at laking pasasalamat ko nang malamang hindi pa rin kayo umaalis. Mama mo pala ang napagtanungan ko kanina. Pinapasok niya agad ako at ngayon nasa harap mo at nagpapaliwanag." Napabuntong-hininga na lang ako matapos niyang isalaysay ang mga iyon. Pero kahit nasagot na ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ko ay ramdam ko paring may kulang at parang may mali. "Paano mo naman nasabing masaya na ako nang mga panahong iyon?" "Sa mga larawan at mga pinost mo. Ramdam kong masaya ka na kahit wala ako," tugon niya. "Red, hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo dahil karamihan doon ay tinatakpan lang ng mga ngiting ipinapakita nito. Hindi mo alam kung anong sakit at pangungulila ang nagtatago sa masayang ngiting iyon." "Patawad, Mitchy. Patawad. Hayaan mong punan kong muli ang mga araw at taong nawala sa atin. Bigyan mo pa ako nang isa pang pagkakataon. Pangako babawi ako." "Pangako? Pangako na naman Red? Puro ka na lang pangako!" "Please, Mitchy! Please!" "Hindi ko alam Red. Hindi ko alam." Kasabay nang pagbitiw ko sa mga salitang iyon ay ang pagtalikod at pagtulo nang masasaganang luha sa aking mga mata. --- Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa panunuyo si Red sa akin. Noong araw na binitawan ko ang mga salitang iyon ay akala ko hindi ko na siya makikita pa, pero nagkamali ako. Tuwing umaga pupunta siya sa bahay, bibigyan ako ng bulaklak, ihahatid sa school at susunduin. Halos hindi na kami nagkakasama ni Jared, lalo na nang malaman kong sa paaralan ko na rin mag-aaral si Red. Halos oras-oras at araw-araw ko na siyang kasama. Dumating 'yong araw na hindi na ako muli pang nilapitan ni Jared, para bang hindi niya ako kilala. Nasasaktan ako sobra pero wala akong magagawa dahil hindi ko hawak ang desisyon niya. Nami-miss ko na siya. Ang pag-aalaga niya at paghahatid sa akin. Lahat-lahat nang minahal ko sa kaniya. --- AFTER ONE MONTH. "Hey, Mitchy ko! Wake up!" "Hmm… anjfukwyhkuwfd." "Gumising ka na Mitchy ko! May pupuntahan pa tayo!" "5 minutes please!" "Mitchy, mahuhuli tayo sige!" "Arrggghh! Oo na tatayo na! Kainis ka talaga Red!" Inis na binato ko sa kaniya ang unan ko. "Magandang Umaga rin!" nakangiting bati niya. "Tse!" Simula nang iwasan ako ni Jared ay iyon din ang simula nang pagiging malapit namin sa isa't isa ni Red. Halos siya na ang laging gumigising sa akin sa umaga. Pero sa kabila noon ay si Jared pa rin ang iniisip ko. Sana siya ang gumagawa nito ngayon. Naalala ko na naman siya. Makaligo na nga, may lakad nga pala kami ni Red. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako. Napatigil ako nang mapadako ang tingin ko sa nakaawang na pinto ng kuwarto nina Papa at Mama. Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na puntahan iyon. Nakita ko na lang ang sarili kong papalapit sa kwarto nila. Papasok na sana ako nang marinig ko ang boses ng aking ama na parang nakikipagtalo sa kausap niya. "Tigilan mo na itong kahibangan mo William!" galit at maawtoridad na wika ni Papa. 'William? Sino si William?' "Hindi ako pwedeng tumigil! Naumpisahan ko na ito Ginoong Milyones, kaya dapat ko lang ituloy! Baka nakakalimutan mo, malaki ang utang na loob mo sa akin!" Hindi ako pwedeng magkamali. Kay... kay Red ang boses na iyon. Ano ang inumpisahan at dapat ituloy? Bakit malaki ang pagkakautang ni Papa sa kanya? At William? Siya si William? Arrgghhh naguguluhan na ako! "Alam kong malaki ang utang na loob ko sayo pero William hindi mo na dapat ginamit pa ang katauhan ng kababata niya. Alam mo namang sobrang hirap ang dinanas ng batang iyon dahil sa kahihintay sa kababata niya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD