-JARED COLTON- Nanonood ako ng t.v sa sala nang marinig kong may nagbubukas ng gate. Si Ate Jelly na siguro iyon. Siya lang naman ang umalis na walang dalang sasakyan. Hinintay ko siyang makapasok. Narinig kong parang may kausap siya. Bisita niya siguro. Napalingon ako sa kanila ng tuluyan na silang makapasok. Napaawang ng kaunti ang bibig ko ng makita ko kung sino ang kasama ni Ate Jelly. I miss her so much! Ganoon din kaya siya? Asa pa ako! Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. "Huwag ka ng tumayo Jared. Sabi ni Ate Jelly ay medyo nahihilo ka pa raw," wika ni Angel sa akin. Hindi ko mapigilang titigan siya. Maganda pa rin siya... at mahal ko pa rin siya. Napabuntong hininga na lang ako bago ko inalis ang tingin sa kaniya. "Oo nga pala, kaya siya nandito ay gagamit siya ng

