-ANGELICA- Nasa classroom na ako ngayon. Ayoko sanang pumasok dahil namamaga pa ang mga mata ko. Ang awkward pa naming magkakaibigan dahil sa nangyari kahapon. Pumasok pa rin ako dahil sa thesis! Hindi kami makaka-graduate kapag hindi namin iyon naipasa. Mabuti na lang talaga ay hindi si Mariza ang kasama ko sa thesis kung 'di ay magiging awkward lang kami. Sana naman ay magkaayos na kami. "Pagbutihin ninyo sa thesis kung ayaw ninyong mag-thesis habang nag-OJT next semestral!" seryosong paalala ng teacher namin. "Yes, Sir!" seryosong sagot din namin. "Mr. Chua, wala ka ng problema sa thesis. Since nakapag-thesis ka na sa dati mong school at nakapag-defense na kayo. Masyado kasing advance ang school ninyo," wika ni Sir kay Jah. "Sana all!" wika naman ng mga kaklase ko. Puwede akong

