CHAPTER 41

1480 Words

-MARIZA RIVERA- Ipinarada ko sa tapat ng bahay nina Jared ang kotse ko, pagkatapos ay tiningnan ko muna ang sarili ko kung maayos. Okay naman, maganda pa rin! Bumaba na ako at nag-doorbell. Nakita kong sumilip sa bintana si Ate Jelly pagkatapos ay umalis. Siguro pagbubuksan na ako ng gate. Mukhang mali ako ng akala! Buwisit talaga ang babaeng 'yon! Sampung minuto na akong nakatayo rito! Imposible namang hindi niya ako nakita! Nakakainis talaga! Huminga muna ako nang malalim bago muling nag-doorbell. Magpapakabait ako sa kanya dahil kailangan. Mapapaamo ko rin siya. Maya-maya ay lumabas na siya at may nakapaskil na malaking ngiti sa mukha niya. Talaga namang inuubos niya ang pasensiya ko! "Ikaw pala, Mariza! Kanina ka pa ba? May ginagawa kasi ako sa loob," wika niya habang binubuksan a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD