-MARIZA RIVERA- Katatapos lang ng klase namin at kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa canteen. Kakain na kami ng lunch. Kailangan kong magawa ang plano ko ngayong araw. Mabuti na lang ay walang klase mamaya pagkatapos ng lunch namin. Maghahanap lang kami ng mga costume. Bago ko gawin iyon ay kailangan ko munang makausap si Jared. Mukhang masusubok ang galing ko sa pag-arte ngayong araw na ito. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain. "Guys, pagtapos nating kumain ay maghiwa-hiwalay na tayo. Kailangan nating mag-double time ngayon. Wag kayong mag-alala kapag maaga tayong natapos sa play natin sa Cebu ay puwede kayong mag-swimming!" wika ni Angel sa amin. Tsk! Bida-bida naman 'to lagi! Feeling boss! Kainis! "Yes! Sana maaga tayong matapos para masulit natin ang CEBU!" e

