PROLOGUE
"Mom, Dad, are you serious about this? An arranged marriage? That doesn't even exist anymore! And besides, I'm too young to get married—seventeen palang ako, Dad, for Pete’s sake!" mariing protesta ni Emerald nang malaman niyang ipapakasal siya ng kanyang ama sa anak ng kumpadre at kasosyo nito sa negosyo.
"Anak, hindi pa naman ngayon. Kapag nag-nineteen ka na, doon ka palang namin ipapakasal. We're telling you this early because we want you to be prepared," mahinahon at kalmadong saad ng kanyang ina.
"Baby ka pa lang, nakaplano na ang kasal mo sa anak ng kaibigan ko," dagdag pa ng kanyang ama, tila ba isang bagay lang ito na matagal nang nakatakda at hindi na mababago.
Napatingin si Emerald sa kanila, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Seryoso? Nababaliw na ba sila? How could they do this to her? Halos mapayukom niya ang kamao sa galit.
"Great! Just great! What a brilliant idea!" aniya nang sarkastiko, hindi alam kung tatawa o iiyak.
"Sweetie, we're doing this for your own good. Please, understand us," mahinahong pakiusap ng kanyang ina.
"Para sa akin ba talaga o para sa inyo?" This time, hindi na napigilan ni Emerald ang pagtaas ng kanyang boses, ikinagulat ng kanyang mga magulang.
Maya-maya, narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kanyang ama, halatang pinipigilan ang sarili na hindi magalit. "Mabuti pa, saka na lang natin ulit pag-usapan ito. It’s getting late. Go back to your room," matigas na wika ni Mr. Suarez, sabay kumpas ng kamay, na tila ba inuutos na lang siya kaysa kinakausap.
Hindi niya na kinaya ang sitwasyon. She gritted her teeth, spun on her heels, and stormed back to her room—furious, helpless, and betrayed.