Chapter 1.5: The Girl in the Frame

2566 Words
“Halika, hija. Pasok ka na.” Hindi mapigilan ni Lia na mamangha sa sobrang laki at ganda ng kabuuan ng bahay nina Vince. Kung tutuusin, triple pa ang laki nito kumpara sa bahay nila ng kanyang ina. Reyes’ house had a spacious sala, with high ceilings adorned by a glittering crystal chandelier. For Lia, the living room felt like an art gallery—with expensive paintings in ornate frames hanging on the walls, and large ceramic jars—bought by Tita Maricel from abroad—standing proudly on pedestals. The sofas were wide and plush, inviting yet clearly expensive, each one perfectly matched to the house’s soft, neutral palette. “Feel at home, hija. Pupuntahan ko muna si Vince sa taas at gigisingin ko siya,” ani Maricel, pero hindi ito narinig ni Lia dahil abalang-abala siya sa pag-obserba sa buong majestic na interior ng bahay. Napalingon si Lia sa kaliwang bahagi niya. To the left was a long, quiet hallway that led to several rooms, including one at the far end. Naisip ni Lia na baka mga guest rooms iyon, at ang huling pinto ay baka CR na. Pagkatapos ay napatuon ang pansin niya sa kusina. The kitchen was just as impressive—an open, airy space with a granite island counter, sleek built-in ovens, and a refrigerator that looked like it belonged in a five-star restaurant. Everything gleamed under the soft recessed lighting. Outside the kitchen, she noticed a rectangular swimming pool that stretched gracefully along the side of the house, surrounded by a manicured mini garden. There were flower beds, trimmed hedges, and a white metal bench under a large umbrella—giving the area a relaxing, resort-like feel. Na-imagine tuloy bigla ni Lia habang pinagmamasdan ang area na iyon, doon siguro nagbababad si Vince habang naka-half naked. Thinking of that imaginary scene made her blush and gave her chills. Lia naman! Inalis niya kaagad ang bastos na isiping iyon. Kababae kong tao, gano’n iniisip ko? My God, Lia! But then again, on second thought, this was the kind of house that felt too big for one family, yet every corner still held warmth and taste. Sabagay, naalala niya, may dental business si Tita Maricel—at may lima na itong branches. Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito kalaki ang bahay nila. Pagkatapos ay isang bagay lang ang sumulpot sa isip ni Lia: Nasaan kaya ang papa ni Vince? Bumalik si Lia sa sala. Gusto sana niyang maglibot pa sa mga naka-display roon, pero biglang tinawag siya ng kalikasan—kailangan niyang mag-CR. Naalala niya ‘yung hallway na nakita niya kanina, kaya naglakad siya papunta roon. Tatlong pinto ang nandoon, at inakala niyang CR ang nasa dulo. Pagkarating doon ay agad niya itong binuksan... ...at muntik na niyang matawag ang mga anghel sa langit. Si Vince. May ginagawa itong hindi dapat nakikita ng mga inosenteng mata niya. “OH MY GOD!!” Napakabilis niyang isinara ang pinto, nananatiling namumula ang buong mukha niya. Kaagad siyang naglakad palayo roon, pero huli na nang lumabas si Vince sa kuwarto, at napansin niyang may suot na itong shorts. “Sorry... hindi ko sinasadya. Akala ko kasi CR, eh,” ani Lia habang namumula pa rin ang mukha niya. Halos hindi rin makatingin ng diretso si Vince sa kanya. His cheeks were also burning. “Wala kang nakita, okay?” Mabilis pa sa motor na umiling si Lia. “Wala. Wala akong nakita.” Pero meron talaga. Diyos ko! “Magbibihis muna ako. ‘Yung CR nasa may kusina. Hintayin mo ako sa sala,” sabi pa ni Vince at dali-daling bumalik sa kuwarto. Kaagad din namang umalis si Lia mula sa kinatatayuan niya at nagpunta sa kusina. Doon, agad niyang nakita ang CR. Pagkapasok niya roon, halos pulang-pula ang mukha niya habang nakaharap sa salamin. Tahimik siyang napasigaw. “Diyos ko, ano ba ‘yong nakita ko!” sabi niya, kasabay ng malutong na tawa. ~~~ Hindi tuloy mapalagay sina Lia at Vince habang nakaupo sila sa malaking sofa sa living room. Nakaupo si Lia sa kaliwang dulong bahagi, habang si Vince naman ay nasa kanang dulo. Ni isa sa kanilang dalawa ay walang imik. Nagpapakiramdaman lang sila. Si Lia, hindi mapakali—paulit-ulit lang ang galaw ng kanyang mga daliri, habang si Vince naman ay hindi makafocus sa binabasa niya sa laptop. Maya-maya, biglang dumating si Yaya Melen na may dalang orange juice at cookies para sa kanila. Kaagad din itong umalis matapos ilapag ang tray sa center table. Medyo nagulat si Lia nang biglang magsalita si Vince. “May nalista kang mga research titles?” She shook her head at first, then she reached into her sling bag to get her notebook and pen. She opened it to the page where she’d written down the research titles she looked up the night before. “Pwede akong patingin?” Kaagad niyang ibinigay ang notebook kay Vince. Dahil malayo sila sa isa’t isa, napilitan si Vince na tumayo at tumabi sa kanya. “Ba’t ba ang layo mo? Pwede naman tayong magtabi,” he said. Napalunok si Lia nang maramdaman niyang dumikit ang braso ni Vince sa kanya. Wala namang ibang sinabi ang binata. Narinig na lang niya itong isa-isang binabasa ang mga na-research niyang titles: 1. The Antibacterial Properties of Local Herbal Plants Against Common Skin Bacteria 2. Bioplastic: A Comparative Study Between Cassava-Based Plastic and Conventional Plastic in Terms of Biodegradability 3. The Effects of Blue Light Exposure on the Sleep Patterns of Senior High School Students For the moment Vince read her list, everything around them went quiet. At hindi kumportable si Lia sa gano’n—lalo na’t sobrang seryoso ni Vince sa tabi niya. Siya naman, hindi pa rin maka-get over sa eksena kanina. Gustuhin man niyang i-delete iyon sa utak niya, pero parang naka-permanent marker na sa isipan niya iyon. Hindi na talaga niya makakalimutan ‘yon. “So, what are we going to choose?” tanong ni Vince. Napatingin naman siya rito. Mas lalong lumapit si Lia para tingnan ang notebook na hawak ng binata. “I suggest we go with number 2. Bioplastic. Cassava-based. Sustainable and relevant,” she said confidently. “Ha? Mage-experiment tayo for our research? Hindi ba risky gawin ‘yon?” tanong ni Vince. “Vince, it’s doable naman. According to my research, cassava has starch, and starch makes bioplastics. It’s science.” “Yeah, it’s science. But do you want us to boil root crops in my kitchen?” reklamo ni Vince. Nagsisimula pa lang sila, pero parang dudugo na ang ilong niya sa kaka-English ni Vince. Hinayaan na lang niya ang binata. “I was thinking something more… chill. Like this one—‘The Effect of Blue Light Exposure on Sleep Patterns.’ Everyone can relate. No need to handle cassava or make weird goo.” Napakunot ang noo ni Lia. Hindi niya matanggap na parang tinatapakan ang ego niya. Competitive siya, ‘di ba? Hindi siya magpapatalo kay Vince. “That’s too generic, Vince. Iisipin ni Ms. Castro na hindi tayo nag-effort. I think everyone’s doing that topic.” Napansin ni Lia na hindi pa rin satisfied si Vince sa explanation niya. At the same time, hindi rin ito ganap na kumbinsido sa sariling suggestion. “Yeah, I get your point. But this one I choose is safe and realistic. You want us to make plastic out of cassava? Where do we even get cassava?” Lia rolled her eyes, half-smiling. “Hello, hindi mo pa ba naririnig ang salitang palengke?” “Ever heard of me not being a chemist?” balik ni Vince, sabay ngiti. Sa isip ni Lia, gusto na niyang sabunutan ang lalaking ito. Pinapakalma lang talaga niya ang sarili habang nahihilo na siya sa kaka-English nito. “Vince, it’s boring,” sabay kunot-noo niya. “But it’s practical,” aniya, nakangiti pa rin. “Practical nga, pero napaka-predictable naman.” After that, they stared at each other for a beat—half smiling, half-challenging. Nananatiling nakatitig si Vince kay Lia, at nararamdaman naman ni Lia ang hininga nito sa kanyang pisngi. In fairness, mabango. “So you’d rather we fail gloriously than pass with a safe topic?” tanong muli ni Vince. “Mas gugustuhin ko pa ngang gumawa tayo ng isang bagay na worth ika-proud,” Lia said with pride. Vince chuckled under his breath, shaking his head. “You’re too ambitious sometimes, huh?” “And you’re too comfortable with mediocrity,” she shot back, teasing. “Oh, English ‘yon. Kaya mo ‘yon?” biro niya. Napangiti si Vince. Their eyes met again—and lingered. The energy between them shifted, warm and a little electric. Then Vince looked away first, tapping her notebook with a finger. “Okay, how about this… we test both for feasibility, and whichever works better, we go with that?” Napahinto si Lia sandali bago tumango. “Deal.” Napangiti si Vince. “But if the cassava explodes in my kitchen, you’re cleaning it up, okay?” Napangiwi lang si Lia. “OA. Huwag kang mag-alala, Vince. Magdadala ako ng banana cue as peace offering.” At doon sila sabay na nagtawanan, na parang ang tagal na nilang magkaibigan. ~~~ Hindi naman nagtagal ang usapan nilang dalawa tungkol sa kanilang gagawing research. When Lia checked the time on her phone, it was still ten o’clock in the morning. Thirty minutes na siyang nakaupo sa malaking sofa, habang si Vince naman ay nagpaalam kanina na maliligo muna. Habang nag-i-scroll lang si Lia sa kanyang social media account, biglang nag-pop-up ang chat box ni Xyriel. Binuksan niya ito at binasa. Xyriel: Hi, Te! Kumusta na ang perlas ng silangan mo!? Lia frowned, wondering what her best friend meant. Lia: Pinagsasabi mo? Now Xyriel is typing… Xyriel: ’Di ba magkikita kayo ni Vinceeeee! Ayieeehhh! Sinuko mo na ba ang iyong bataan sa kanya?? Doon lang na-realize ni Lia kung ano ang tinutukoy nito. Biglang lumaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig. Lia: Huyyy! Ang kalat mo, beh! ‘Wag ganyan! Xyriel: Sorry pooo. So what’s happening nga? I-chika mo naman sa akin, oh. Lia thought again about that thing she saw when she opened the wrong door earlier. Tahimik siyang natawa. Siguro, tatanggapin na lang niya sa kanyang sarili na hindi na talaga niya mabubura iyon sa isip niya kahit ilang ulit pa niya subukang alisin ito. Natatawa na lang siya kapag naiisip niya ‘yon. Magku-kuwento na sana si Lia sa kaibigan tungkol sa nangyari, pero hindi iyon ang unang sumalo sa atensyon niya—kundi si Vince. Napatigil siya sa pagta-type at parang na-amaze siyang napatitig sa lalaking pababa ng hagdanan. Hindi namalayan ni Lia na napapahaba na ang pagtitig niya rito. Dito niya tuluyang na-realize kung gaano talaga kagwapo si Vince. Basang-basa pa ang buhok nito—kakatapos lang maligo. Suot nito ang isang puting T-shirt na may pulang letter print, na nakapailalim sa isang bukas na polka dot polo. He was also wearing relaxed-fit black pants, giving him a casual yet neat vibe. Simple lang ang ayos ni Vince—wala namang espesyal—pero sa kung anong dahilan, mas lalo siyang naging kaakit-akit sa paningin ni Lia. Parang bigla siyang napako sa pagkakatitig. At hindi niya namalayan na tuluyan nang nakababa sa hagdanan ang lalaki. “Uy, ‘wag kang tumitig. Baka ma-fall ka niyan,” natatawang sabi ni Vince, na siyang ikinabalik ni Lia sa sarili. “B-Baliw ka ba? Bakit ako mapo-fall sa ‘yo? H-Hindi kita type ‘no,” pagdadahilan ni Lia, pero narinig niyang muli lang natawa si Vince. “So where are we?” tanong muli nito. “Ha?” “Saan tayo gagala?” tanong ni Vince, habang nananatiling nakangiti. “Ha? Bakit tayo gagala?” “Ayaw mo? Okay na rin naman ‘yung research title natin, ‘di ba? Pipili na lang tayo kung ano ang mas feasible. At saka ang aga pa. Pwede pa tayong mamasyal... tayong dalawa lang.” Na tayong dalawa lang... Halos hindi maintindihan ni Lia ang sarili nang marinig ang sinabi ni Vince. Silang dalawa? Mamamasyal? Bakit bigla-bigla? “Ahm... k-kailangan ko na sigurong umuwi. ‘Yong research titles lang naman ang pakay ko rito,” pagdadahilan muli ni Lia. Sa totoo lang, sinabi niya iyon dahil iba na ang nararamdaman niya kay Vince. Kanina pa lang, sa mismong pagkakatitig niya rito, may kakaiba na. Kaya habang maaga pa, gusto niyang layuan muna ang kung anong maaaring mabuo sa kanyang dibdib. “Ganun ba. Oh siya, ihahatid na lang kita.” “Talaga ba?” nahihiyang tugon ni Lia. “Oo naman. Baka kung ano pa mangyari sa ‘yo pauwi. Hahabulin pa ako ng konsensya ko.” Hindi na nakipagtalo pa si Lia. Hinayaan na lang niya itong ihatid siya. Ang akala niya, ang motor nito ang gagamitin nilang dalawa. Pero nagulat siya nang ilabas ni Vince mula sa garahe ang isang Toyota Vios. Hindi ito ‘yong sasakyan na nakita niyang ginamit ni Tita Maricel kanina. “Sakay na,” sigaw ni Vince nang ihinto nito ang sasakyan sa harap niya. Nasa labas si Lia ng bahay at naghihintay. “Sasakyan mo ‘to? Marunong ka mag-drive?” tanong ni Lia, hindi makapaniwala. “Oo naman. Sa akin ‘to. Bigay ni Daddy after I graduated junior high school. Bakit?” “Wala lang. Mukha kasing ang bata mo pa para mag-drive ng ganyang kalaking sasakyan. May lisensya ka na ba talaga?” “Alam mo, just trust me. Sumakay ka na lang. Ang init kaya sa tinatayuan mo.” Napangiwi na lang si Lia, saka umikot papunta sa front passenger seat. Pagkaupo niya, agad na silang umalis. Tatlong minuto na silang bumibiyahe pero tahimik lang sila pareho. Walang nagsasalita. Lia glanced around the car. It was clean, faintly scented with mint and something woody. Just neat—just like him. Paglingon niya kay Vince, nakita niyang seryoso ito sa pagmamaneho. Hinayaan na lang niya ito, saka ibinalik ang tingin sa bintana. Then her eyes landed on the dashboard. A small picture frame sat just above the air vents. Inside it was a photo: Vince, a little younger, smiling faintly. Beside him was a girl—maputi, medyo mahaba ang buhok, may hawak na milk tea habang nakasandal sa kanya. Her name flickered in Lia’s mind like a quiet echo. Maxine. His girlfriend. For a moment, Lia forgot how to breathe. It wasn’t jealousy exactly—it was more like a slow tug in her chest. A reminder that Vince had whole chapters in his life with that girl, that she would never be part of. She stared at the photo longer than she should have, memorizing the way he looked at that girl—calm, soft-eyed, but distant. Nawala ang pagkakatitig niya sa litrato nang biglang magsalita si Vince. “Okay ka lang?” he asked, eyes on the road. She quickly looked away and forced a smile. “O-Oo naman. Lamig lang siguro.” He reached forward and turned up the temperature a bit, concerned. Lia faced the window, watching the city blur past, her reflection barely visible on the glass. And in her heart, something stirred—not quite pain, not quite longing. Just a quiet thought: I wonder if anyone ever looked at me like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD