Chapter 1.4: The Visit

3609 Words
LIA HAS BEEN wondering why Vince’s mom, Tita Maricel, didn’t know about his girlfriend. Sa dami-dami ng mga ideya o teorya na pumapasok sa isip ni Lia, isa lang ang malakas ang kutob niya: hindi siguro sinabi ni Vince sa ina na may girlfriend na ito. She knew it wasn’t good to meddle in other people’s business, ngunit malaki talaga ang pagtataka niya. In the end, sinubukan niyang alisin sa isipan ang mga random na naiisip at bumalik sa kasalukuyan. After five minutes, Vince came back from the restroom. He looked a bit more composed now, but he was still quiet. “Oh, ayan na si binata. Baka nilagnat sa hiya kaya ang tagal-tagal sa CR,” muling hirit ng kanyang ina nang umupo si Vince sa tabi nito. Natawa ang dating kaibigan nitong si Rosalie habang nananatiling tahimik si Vince. Maya-maya, saktong nagsidatingan ang kanilang mga order na pagkain at kaagad na silang kumain. Wala pa ring tigil sa pagkukuwentuhan ang dalawang magkaibigang ginang habang kumakain sila. Si Lia ay tahimik lang sa kanyang upuan habang nakikinig sa mga ito. Minsan sumasabay lang siya sa pagtawa kahit hindi naman siya natatawa sa topic ng mga matatanda. But one thing she had noticed lately was that Vince seemed to avoid her. Kapag tinitingnan niya ito ng wala sa oras ay parang inaalis nito ang tingin niya sa kanya. O baka naman nago-overthink na naman siya. Napailing na lang si Lia. Napaka-assumera naman niya kung ganoon. At saka ano ba ang pake niya kung hindi siya pansinin ng lalaki, ‘di ba? After a minute, Lia saw the sinigang soup from his side. Malayo ito sa kanya kaya sinubukan niyang abutin ito para makakuha ng sabaw. But then, she was a little shocked when Vince passed her the soup with a quiet smile, his fingers grazing hers by accident—or maybe not. The heat started to rise to her cheeks faster than she could hide it. He didn’t notice, or maybe he did. But he just continued eating after passing the soup to her. Tama nga si Lia. Assumera lang talaga siya na hindi siya pinapansin ni Vince. Nasa isip lang niya ang lahat. Silence settled over them again as their moms became more engrossed in catching up about the past, especially the most memorable experiences they had shared during their college days. Tahimik lang na kumakain si Lia, even more attentive sa dalawang ginang na parang hindi na sila napapansin. Later, Lia was surprised when Vince spoke to her. He leaned a little closer to Lia and lowered his voice. “Sorry kanina. Hindi ako sanay sa ganoon ang usapan,” Vince said. “O-Okay lang. Nakakatawa nga sila, eh,” sympathetically she replied. Matagal bago muling nagsalita si Vince kay Lia. This time, he changed the topic. Still, his voice was low. “Masarap ‘yong Kare-Kare, ‘di ba?” Lia just nodded, hiding a nervous smile. Wala siyang maisip na kung ano ang sasabihin dahil hanggang ngayon ay naiilang siya sa lalaki. Hinayaan na lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain. Then Vince spoke to her again. “Ayaw mo ba talaga ng ganoon?” Nagtatakang napatingin si Lia kay Vince. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya habang ngumunguya, na para bang naghihintay ito ng kasagutan niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Lia asked, wondering what he meant. “’Yong sabi ni mama. ‘Yong panliligaw,” Vince answered. Lia blushed when she realized he was referring to his mother’s teasing about courting. Mas lalo pa yata siyang nakaramdam ng pagkailang. But instead of answering his question, she deflected it with a laugh. Muling nagsalita si Vince pagkatapos. “Hindi ko kasi alam kung paano ka kakausapin ulit. Sorry if medyo madaldal si Mama.” Lia glances at him, caught off guard. Ngumiti siya rito para ipakita kay Vince na naiintindihan niya ang sitwasyon kanina. “It’s okay. Kahit ako rin naman, hindi ko rin alam kung paano ka kakausapin.” They both smiled, and it was in that moment that Lia realized na paunti-unting nawawala ang kaba at pagkailang niya kay Vince. For all this time, doon sa school, akala ni Lia na hanggang seat mates o block mates lang sila ni Vince. Hindi magpapansinan, hindi magkikibuan. Laging niyang tinatanong sa sarili kung magiging magkaibigan pa ba sila ni Vince o hanggang patingi-tingi na lang ang kanilang pansinan? But eventually, nangyari nga ang family gathering na ito at dito niya nalaman ang kasagutan. Vince was actually easy to talk to, and it was the first time she had heard his voice up close. At dahil malapit na magkaibigan ang kanilang mga ina, hopefully, they would grow closer in the future. Iba talaga kung paano maglaro ang tadhana. Hindi natin alam kung ano ang plano nito sa ating buhay. Akala ni Lia ay hindi na makikipag-usap si Vince sa kanya. But she was surprised when Vince continued talking to her. “’Yong notes ko pala. Hindi ko pa nabibigay sa iyo. Bakit hindi mo man lang ako nilapitan last week? Nakalimutan kong ibigay sa iyo.” Kasi nahihiya siya. Iyon lang ang tamang sagot sa tanong ni Vince sa kanya. Pero hindi kayang sabihin ni Lia iyon. Kaya nag-iba na lang siya ng maidadahilan. “Okay lang na hindi, Vince. May nahiraman na rin ako ng notes para makabawi ako sa mga lectures natin,” sabi niya. It was also the first time she had called him by his name in front of him. Feeling niya tuloy ay sobrang close na nilang dalawa bigla. Patango-tango ng ulo si Vince habang patuloy itong kumakain. “Ganun ba. Pero dapat sinabihan mo man lang ako kasi nakalimutan kong ibigay sa iyo.” Tipid na ngumiti siya rito. May naiisip siyang gustong sabihin kay Vince. Nagda-dalawang isip nga lang siya kung sasabihin niya iyon. Dahil sa kaba at hiya, hindi na lang niya itinuloy. “Hindi na kailangan, Vince. Salamat.” Bago pa man magsalita si Vince ay biglang inutusan ni Rosalie si Lia na kumuha ng dessert sa counter. Dali-dali namang tumigil si Lia sa pagkain at tumayo sa pagkakaupo. Papalakad na sana siya nang tumayo rin si Vince. “I’ll go with you.” Suddenly, their moms exchanged knowing looks when Vince stood up. Vince noticed it, so he quickly added a reason for going with Lia. “Tutulungan ko lang siyang kumuha ng dessert.” Dali-daling lumapit si Vince kay Lia at sabay silang dalawa na tumungo sa loob upang kunin ang kanilang pakay. Still, their moms continued exchanging knowing looks while the two teens walked away. At the counter, Lia and Vince picked mango float and leche flan for dessert. Tahimik lang si Lia habang magkasama sila ni Vince. Habang nagtitingin siya kung ano pa ang mas masarap kainin at idagdag sa kanilang dessert, Lia spotted a dainty chestnut-purée dessert shaped like a small snow-capped mountain, topped with whipped cream and powdered sugar. She noticed that it was served in a delicate paper cup, and its unusual appearance caught her eye. Hindi niya alam kung ano ang tawag doon, at kahit may nakalagay ng pangalan sa tabi nito ay hindi naman niya mabasa dahil ibang lenggwahe ito. “Mont Blanc,” she tried read the tiny card beside it. Intrigued, she decided to reach for it, curious if it was delicious. Pero nang aabutin na niya ito, biglang may isang kamay rin ang kumuha sa panghimagas na iyon. Their hands almost touched as they both reached for the same dessert. Paglingon ni Lia sa likod ay nakita niyang si Vince pala iyon. They were both startled. For a second, the soft hum of chatter around them faded. Time stilled. Lia’s breath caught as her fingertips almost brushed his. Their hands hovered close—too close. Muling nanumbalik ang malakas na pagtibok ng puso ni Lia habang nakatitig siya kay Vince ng malapitan. It felt the same as the day he helped her when her groceries spilled. ‘Yong pakiramdam na iyon, sobrang sarap sa dibdib. Kung tutuusin, hinihiling ni Lia na ‘wag na lang sanang mawala iyon para naman maging masaya pa siya lalo. As if the universe had played a quiet little trick on them, they both smiled. Then Vince spoke up. “Sorry. Gusto mo ‘to?” he said, referring to the Mont Blanc dessert. Biglang bumalik sa pagkatao si Lia nang magsalita si Vince sa kanya. “Ahmm… sure, sure. Hindi ko pa kasi ‘yan natitikman.” “You should. Masarap ‘to,” sabi pa ni Vince. Kumuha ito ng isa at sabay kinain sa harapan ni Lia. Pinagmasdan lang ni Lia si Vince na kumakain ng Mont Blanc. Maya-maya ay napansin niya na may kaunting cream ang dumapo sa tungki ng ilong nito at sa gilid ng labi ni Vince. She wanted to wipe it off while he was still enjoying his dessert. Pero hindi niya ginawa dahil nahihiya siya. Sinabihan na lang niya ito na may dumi ito sa gilid ng labi at sa tungki ng ilong kaya mabilis na pinahid iyon ni Vince at sinubo ang hinlalaki, na ginamit nito sa pagpahid, sa kanyang bibig. Wala na ring nagawa si Lia kundi kumuha na rin ng Mont Blanc. Tumikim siya. At katulad ni Vince ay may naiwan din siyang dumi sa labi. Vince, on the other hand, tried to wipe it off as well. Nagulat si Lia sa ginawa ni Vince. Nahihiya siyang napatikom ng bibig at inunahan na itong alisin sa kanyang labi ang natitirang cream. Dahil sa nararamdamang hiya, kumuha pa siya ng tatlong Mont Blanc at inilagay sa tray na dala-dala niya. Nagpaalam siya sa lalaki para takasan ang kahihiyan, at para na rin takasan ang presensya ni Vince, at saka siya naunang umalis sa counter. Sumunod naman si Vince matapos ang ilang segundo. ISINAKATUPARA YATA NG tadhana ang kahilingan ni Lia. Matapos ang family gathering na nangyari two weeks ago, unti-unting nagbago ang pakikisama ni Vince sa kanya. Hindi inaasahan ni Lia na magkakausap sila lalo ni Vince sa eskwelahan. Vince, who used to ignore her before, now happily talked and interacted with her, dahilan upang mapansin iyon ni Xyriel. One time in their General Mathematics class, nang i-dismiss ng kanilang instructor ang klase ay dali-dali namang nagsilabasan ang mga ka-blockmates ni Lia. Naiwan sina Lia at Xyriel sa classroom dahil nagliligpit pa sila ng kanilang mga gamit. Sa hindi inaasahan, napalingon si Lia nang may tumawag sa kanyang likuran. Si Vince. Nakita iyon ni Xyriel at halos hindi maalis sa labi nito ang ngiti nang makita ang matalik na kaibigan na nakikipag-usap sa gwapong lalaki. “Bakit, Vince?” tanong ni Lia habang abala siya sa pagligpit ng gamit sa kanyang sling bag. “Can we talk?” “S-Sure. Ano ang pag-uusapan natin?” “Our project for Practical Research. Kailangan na natin gawin dahil next meeting kukunin na ni Ms. Castro ang mga proposed titles para sa ating research,” seryosong sabi ni Vince kay Lia. Napa-“Oh” na lang si Lia. Muntik na niyang makalimutan na meron pa pala silang research na gagawin. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkausap ng mga ka-grupo niya kung ano ang magandang research na gagawin nila this year. Bago magsalita si Lia ay napalingon muna siya kay Xyriel na kinikilig pa ring nasa likuran niya. Tinutuksong tinitingnan siya ng kaibigan kaya sinabihan niya ito na mauna nang lumabas at susunod na lamang siya. “Bilisan mo, ‘Te, ah,” may halong pang-aasar na tugon ni Xyriel kay Lia, saka ito lumabas ng classroom. Nang tuluyan nang makalabas si Xyriel ay muling humarap si Lia kay Vince. “Ano’ng plano natin?” “Since next week pa naman kukunin ni Ms. Castro ang mga research title natin, I think we should meet this coming weekend. Kung okay lang ba sa iyo?” suhestiyon ni Vince. Dahil wala namang choice si Lia, kasi mukhang gusto rin naman niya, ay agad siyang sumang-ayon sa binata. “Pero paano sina Denise at Angelo?” tanong niya. “I already told them earlier. Sumang-ayon lang sila,” Vince answered. “Oh. Okay. So… saan tayo magkikita this Saturday?” “Pwede naman sa bahay, kung okay lang sa iyo?” Vince suggested again. Napa-“Oh” ulit si Lia. Sa pagkakataong ito, bumuhay sa kanyang dugo ang excitement. Pupunta siya sa bahay ni Vince sa darating na Sabado. Sino’ng hindi mae-excite? At saka, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang bahay ni Vince, kasama ang ina nitong si Tita Maricel. Siguro naman ay welcome sila roon, she thought. Napatango na lang si Lia kay Vince bilang pagsang-ayon sa suhestiyon nito. Sinabihan na lang siya ni Vince na mag-ready ng mga iilang research titles bago sila lumabas ng sabay sa classroom. PAGDATING NG SABADO… Maaga pa lang ay gising na si Lia. Masaya siyang nagluluto ng breakfast nang datnan siya ni Rosalie na kakagising lang din. “Himala dahil ang aga mong gumising ngayon. Wala ka naman sigurong pasok ngayon,” sabi ng ina niya. Kakatapos lang ni Lia na mag-luto ng fried rice at inihahain na niya ito sa malaking bowl. Inilagay niya ito sa lamesa pagkatapos. “May lakad kasi ako ngayon, ‘Ma,” paalam niya sa ina. “Saan naman ang punta mo?” Umupo si Rosalie sa upuan at nagsimulang magsandok ng fried rice na niluto ng kanyang anak. “Kina Vince po, may project lang kaming gagawin,” daretsong sabi niya rito. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na sabihin iyon dahil alam naman niyang kilala ng ina si Vince. “Uyy! Parang may developan ng nangyayari, ah. Umamin ka nga sa akin, anak, boyfriend mo na ba ‘yang si Vince, ah?” panunukso pa ng kanyang ina. Biglang namula ang dalawang pisngi ni Lia habang nagtitimpla siya ng dalawang kape, para sa kanya at para sa kanyang ina. Ngunit hindi niya pinakita kay Rosalie na kinikilig siya dahil baka mas tuksuhin pa siya nito lalo. “Mama naman! Hindi ko boyfriend si Vince. Classmate ko lang siya and we’re friends,” pagdadahilan niya at saka niya dinala ang dalawang kape sa lamesa. Ibinigay niya ang isa sa kanyang ina. “Siguraduhin mo lang, ah. Ako naman, wala akong tutol sa pagbo-boyfriend mo. Dalaga ka na at nasa legal age ka na. Pero pag-aaral pa rin ang aatupagin mo. Okay lang sa akin na magboyfriend ka, pero—” “’Ma, wala akong boyfriend. At hindi ko boyfriend si Vince,” pagputol ni Lia sa pinagsasabi ng kanyang ina. “Sus! Hindi raw,” nasabi na lang nito at nagsimula na itong kumain ng umagahan. Maya-maya, kinuha ni Rosalie ang kanyang cellphone at nakipag-usap na ito sa asawang si Ramon. Nakipag-usap din si Lia sa kanyang ama, and as usual, kaunti lang ang naging pag-uusap nilang dalawa. Habang kumakain sila ay naririnig ni Lia ang usapan ng mga magulang. Narinig niya na hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan ng ama. Ayon sa narinig ni Lia ay mataas daw ang Blood Pressure ng ama. Nahihilo rin daw ito at medyo masakit ang ulo. Sa totoo lang, medyo nag-alala si Lia nang marinig niya ang sitwasyon ng ama. Pero nang marinig muli ni Lia na umiinom naman daw ng maintenance ang ama para sa high blood at umo-okay na ito, doon nawala ang kanyang pag-aalala sa ama. Narinig na lang ni Lia na pinayuhan ng ina ang asawa na huwag mag-iinom ng alak sa barko. Kung hindi beer ang iinumin ay pineapple juice na lang daw. Natapos na lang si Lia sa pagkain ay hindi pa tapos ang dalawa na mag-usap. Nagpaalam na si Lia upang maghanda sa kanyang sarili. Nagsuot si Lia ng isang dusty blue ribbed knit top. Naka-slightly cropped ito pero kahit na ganoon ay parang naging desente pa rin naman siya tingnan. Tinernuhan niya ito ng isang high-waisted beige pants, kasama ang kanyang puting Converse sneakers. Sinubukan ni Lia na ipitin ng bahagya ang kanyang buhok gamit ang isang clip, at ang ibang hibla nito ay malayang lumaglag sa kanyang mukha, making her look effortlessly pretty. Heto na naman. Muli siyang nakaramdam ng kaba. Sinubukan niya itong alisin sa pagbuntong-hininga. Matapos ang thirty minutes na pag-aayos ay nagpaalam na si Lia sa ina. Sinabihan lang siya nito na mag-ingat at umuwi ng maaga, at wala na siyang ibinukang-bibig pa. Sumakay lang siya ng tricycle papuntang terminal, at pagdating sa terminal ay sumakay lang siya ng jeep papunta sa isang private subdivision kung saan nakatira si Vince. Hindi siya naligaw dahil binigyan naman siya ni Vince ng address bago siya pumunta roon. Sumakay lang siya ng padyak-padyak papasok sa subdivision at hininto siya nito sa isang malaki at eleganteng bahay na tila galing sa isang lifestyle magazine. Namilog ang dalawang mata ni Lia sa nakita. Wow! Ang malaking bahay ay may mataas na gate na entrada para sa mga sasakyan. Katabi nito ang isang mas maliit na gate na entrada para sa mga tao. Sa kalsada pa lang ay tanaw na ni Lia ang malinis at pulidong bato na nasa walkway, at ang mga halamang maayos ang pagkakatabas sa paligid. Nag-doorbell siya nang makalapit siya sa maliit na gate, habang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Maya-maya ay may isang babaeng nasa mid-40s ang lumabas ng bahay at binuksan ang maliit na gate. “Sino po sila?” sabi nito. “Hello po, Ate. Dito po ba nakatira si Vince Reyes?” Hindi nagsalita ang kasambahay. Nag-aalangan itong magsabi ng totoo sa kanya. Medyo natawa si Lia sa pagkakatingin sa kanya ng kasambahay. “Don’t worry, Ate. Hindi po ako magnanakaw. Classmate po ako ni Vince. Sabi niya po kasi dito kami sa bahay nila gagawa ng project.” “Ganun po ba, Ma’am. Teka lang po, gigisingin ko po muna si Sir Vince. Baka kasi modus niyo lang ‘to. Baka kasi may kasama kang akyat-bahay gang. Mahirap na.” Muling pumasok ang kasambahay sa loob ng bahay at sinigurado pa nito na nakasara ang gate upang hindi makapasok si Lia. Naiwan si Lia sa labas na gulat na gulat sa sinabi at inakto ng kasambahay sa kanya. Sa postura niyang iyon, pinagkamalan pa siyang kasabwat ng isang akyat-bahay gang. Hindi niya tuloy maiwasang matawa. Hindi naman siya nagtagal doon dahil ilang segundo ang nakalipas ng may isang puting sasakyan ang huminto sa magara at malaking gate ng bahay. Bumaba ang nagmamaneho nito at nakita niya ang isang pamilyar na babae. Si Tita Maricel. “Lia? Ano ang ginagawa mo rito at bakit nasa labas ka? Nasaan si Yaya Melen?” tanong nito sa kanya. Magara ang kasuotan nito at parang inumaga yata ito ng uwi. “Ahmm, pumasok po kasi siya sa bahay ulit para gisingin si Vince. Hindi niya po ako pinapasok dahil baka raw po akyat-bahay ako.” “Hala! Pumasok ka, Hija. Hay naku! Ano ba ‘tong si Yaya Melen. Sinabihan ko na siya kaninang umaga bago ako umalis na darating ka, kasi ‘yon ang sabi sa akin ni Vince kagabi. Pumasok ka, Hija, pumasok ka,” malakas ang boses na sabi ni Maricel sa kanya. Binuksan ni Maricel ang gate at nauna itong pumasok. Nahihiyang sumunod naman siya rito. Maya-maya, lumabas ang kasambahay nilang si Yaya Melen na kumakaripas ng takbo dahil nariyan na ang kanyang amo. “Ma’am, nandiyan na po pala kayo.” “Bakit hindi mo pinapasok si Lia, Yaya Melen? ‘Di ba sabi ko may bisitang darating si Vince ngayon.” “Eh, pasensya na po, Ma’am, hindi ko po kasi narinig kanina ang sinabi ninyo. Saka nag-iingat lang po ako at baka maakyatan tayo rito.” “Oh siya, sige na. Buksan mo na lang ‘yong gate para maipasok na ang sasakyan. Gising na ba si Vince?” sabi ni Tita Maricel kay Yaya Melen. Automatic na tumakbo si Yaya Melen sa malaking gate upang buksan ito. “Ah, hindi pa po yata, Ma’am. Wala naman pong nagsasalita sa kuwarto niya no’ng kumatok po ako.” “Hay naku! Puyat na naman ba ‘yong batang ‘yon? Vince!!!!” malakas na sumigaw si Tita Maricel nang pumasok siya sa loob ng bahay. “Halika, Hija, pumasok ka.” Muli siya nitong nilingon at inanyayahan na pumasok sa loob. Sumunod naman si Lia at mas namilog pa ang dalawang mata niya sa nakita. Naengganyo siya sa pagtitingin ng mga naka-display sa bahay pero naramdaman niya na kailangan niyang mag-CR dahil tinatawag siya ng kalikasan. Hindi niya alam kung nasaan ang CR. Siya na lang din mag-isang nakatayo sa malaking sala na iyon dahil umakyat ang ginang sa taas. Kaya nagdesisyon siyang magtitingin kahit saan kung nasaan ang CR. Sa kaliwang bahagi ng bahay, napansin niya ang isang mahabang pasilyo. May tatlong pinto roon at hindi niya alam kung ano ang nasa loob ng mga iyon. Pero pakiramdam ni Lia na ang huling pinto ay CR iyon kaya nagmamadali siyang pumunta roon. Ngunit, halos lumabas ang mga mata niya sa sobrang gulat nang buksan niya ang ikahuling pinto. Sa loob, hindi inaasahan ni Lia na makikita niya si Vince, nakahiga sa kama, nakapatong ang laptop nito sa tiyan, at tutok na tutok ang mata nitong nanonood doon. Hindi lang ‘yan. Muntikan pang mapasigaw sa gulat si Lia nang makita niyang walang saplot ang binata sa pang-ibaba nito, ngunit may pang-itaas naman itong suot. Hawak-hawak nito ang kanyang— “Lia!?” “OH MY GOD!!” Mabilis na isinara ni Lia ang pinto, nananatiling pula ang kanyang pisngi dahil sa nakita. My God, Lia… what did you just see?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD