Chapter 1.1: When We Were Strangers
ALAS-SINGKO pa lang ng madaling araw ay gising na si Rosalie Carranza-Salazar. Tutok na tutok siya sa paghiwa ng sibuyas at bawang kahit ramdam pa rin niya ang bigat ng puyat sa katawan.
Nagpuyat kasi siya kagabi sa paggawa ng lesson plan. Pero kahit na ramdam niya ang pagod, nagawa pa rin niyang bumangon nang maaga para ihanda ang almusal.
Isang public school teacher si Rosalie sa Maynila. She teaches Grade 5 in a local elementary school. Ang asawa niyang si Ramon Salazar ay isang seaman na kasalukuyang naglalayag sa ibang bansa.
Hindi talaga siya tubong Maynila. Taga-Cebu siya.
Natutunan lang niyang mamuhay sa lungsod nang kunin siyang kasambahay ng isang kakilala mula sa probinsya noong siya’y nag-aaral pa sa kolehiyo.
Kapalit ng pagiging kasambahay ay ang pagkakataong makapag-aral. Sa kabutihang-palad, nakapagtapos siya ng Education at matagumpay na pumasa sa Licensure Exam for Teachers. Kaya heto siya ngayon, isang ganap na guro sa pampublikong paaralan sa Maynila. At dito niya nakilala si Ramon.
Noong una, magkaibigan lang sila. Hanggang sa unti-unti itong nauwi sa pag-ibig, at kalaunan ay nauwi sa kasal. Ngayon, namumuhay silang tahimik bilang mag-asawa.
May isa silang anak na babae.
Si Lia Beatriz Salazar.
Labing-walong taong gulang na si Lia at kasalukuyang nag-aaral bilang Senior High School sa isang private school na hindi kalayuan sa pinagtatrabahuhan ni Rosalie.
First day of school ni Lia ngayon. Kaya nagdesisyon si Rosalie na magluto at maghanda, hindi lang para sa anak, kundi para na rin sa sarili, dahil ito rin ang unang araw ng pagbabalik niya sa trabaho bilang guro.
Matapos hiwain ang bawang at sibuyas, sinimulan na niyang igisa ito sa kawali. Binuksan niya ang de-latang corned beef at dahan-dahang isinunod ito. Mabilis niyang hinalo-halo ito habang inaamoy ang pagbango ng aroma.
Pagkatapos magluto ng ginisang corned beef, kumuha siya ng apat na itlog para isunod. Nang mapansin niyang luto na rin ang sinaing sa rice cooker, mabilis niyang binunot ang power plug nito mula sa saksakan.
Matapos ang lahat ng iyon, tumungo siya sa isang kwarto. Kumatok muna siya bago marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang kadiliman ng silid, kaya binuksan niya ang ilaw nito. Doon, nakahiga ang isang payat at hindi kataasang dalagita, balot pa ito ng kumot.
Si Lia iyon.
“Lia, gumising ka na riyan. Baka ma-late ka sa pasok mo ngayon,” malumanay pero mariing sabi ni Rosalie.
“Uy, bangon na at maligo ka na para makakain. Aba’y, dapat pag-alis ko rito, nakabangon ka na, ha?” ‘Yon na lang ang huling sinabi ni Rosalie bago bumalik sa kusina para ituloy ang kanyang paghahanda.
Naalimpungatan si Lia sa boses ng kanyang ina. Nakapungay pa ang mga mata niya habang bumabangon, at magulo rin ang mahaba at maitim niyang buhok. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa side table at agad na tiningnan ang oras.
5:30 AM.
Maaga pa yata para bumangon, lalo na’t inaantok pa siya.
Gusto pa niyang mamaluktot sa kama kahit ilang minuto lang, pero hindi iyon puwede. Alam niyang magagalit ang kanyang ina kung hindi niya susunurin ito.
Pinag-usapan pa naman nila kagabi na siya ang maghahain ng almusal ngayon bilang konsiderasyon sa pagka-puyat nito sa paggawa ng lesson plan. Ngunit hindi iyon nangyari.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Bumangon siya, niligpit ang kama, at lumabas ng kwarto.
Pagdating niya sa kusina, nakita ni Lia na handa na ang almusal sa mesa. Nakasalubong niya ang ina roon na tipid na nakangiti, at kahit halatang puyat, may liwanag pa rin ng kasiyahan sa mukha nito. Nagpapasalamat siya ro’n dahil alam niyang good mood ito.
“Maligo ka na at kumain pagkatapos, ah. Mamamalantsa pa ako ng uniporme mo,” bilin ni Rosalie.
“’Ma, ako na po sana,” pag-aalangan ni Lia.
“Maligo ka na. Huwag mo na akong pinipilit. Bilisan mo at baka ma-late ka.”
“Eight o’clock pa naman po ang first class ko, ‘Ma. Maaga pa,” palusot ni Lia.
“Ano’ng maaga pa? Hapon na! Bilis na riyan,” sabay irap sa kanya ng ina.
Wala nang nagawa si Lia kundi sundin ulit ito. Kahit malamig ang tubig mula sa gripo ng CR, tiniis niya ito. Nang buhusan niya ang sarili ng malamig na tubig, tuluyan nang nawala ang kanyang antok. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay tapos na siya sa pagligo.
Tinapisan niya ng tuwalya ang katawan at binalot ang buhok ng isa pa. Paglabas niya ng banyo, kitang-kita sa mukha ni Lia na fresh na fresh na siya at gising na gising.
Nang mapadaan siya sa sala bago pumasok sa kwarto, napansin niyang wala roon ang ina. Pero nakita niyang nandoon na ang kanyang uniporme, bagong plantsa ito’t nakasabit sa may bintana.
First day of school. First day of Grade 12.
Huminga siya ng malalim para pawiin ang kaba na bumabalot sa dibdib.
Alam niyang itong araw na ito ay magsisimula na naman ang kalbaryo niya sa paaralan. Magkikita na naman sila ng kanyang stress, assignment, exams, at puyat. At hindi niya kayang tanggihan iyon dahil kailangan. 'Yan kasi ang bilin sa kanya ng ina… na kailangan niyang mag-aral. At higit pa roon, gusto niyang matupad ang mga pangarap niya sa buhay.
Napangiti siya habang kinukuha ang uniporme. Kasabay niyon ay lumabas si Rosalie mula sa kwarto nito habang may kausap sa cellphone.
“Oo, nandito ‘yong anak mo. Ang bagal-bagal kumilos, alam naman niyang pasukan ngayon,” nakangiting umiiling na biro nito.
Maya-maya, narinig ni Lia ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
“Ibigay mo sa kanya, kakausapin ko.”
“Eto, oh,” sabi ni Rosalie at dali-daling iniabot sa kanya ang cellphone. “Papa mo, gusto kang kausapin.”
“Pa?” sagot ni Lia nang tanggapin niya ang cell phone.
Sa screen ng video call, lumitaw ang imahe ng isang mataba at kalbong lalaki. Ito ang kanyang ama na si Ramon. Kasalukuyang nasa kama ito, nakahiga, at halatang pagod pero masaya.
“Lia, kumusta ka na, anak?”
“Okay lang po, ‘Pa. Kayo po?”
“Okay lang din naman. First day of school niyo?”
“Opo, ‘Pa.”
“Good to hear. Be good sa school at sa studies mo, okay? Make me proud.”
“Opo, ‘Pa. Ingat po kayo palagi riyan.”
“Salamat, anak. Mag-ingat ka palagi riyan. Bilisan mo rin sa pagkilos para hindi ma-stress mama mo sa ‘yo.”
Nahihiyang natawa na lamang si Lia sa tinuran ng ama bago niya ibinigay sa ina ang cell phone.
Maikli lang ang usapan nila ni Ramon. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin dito, kundi dahil may kaunti siyang nararamdamang ilang sa ama.
Bata pa lang kasi si Lia nang matutunan niyang hindi palaging nandiyan ang ama. Isang seaman si Ramon. Laging anim na buwan ito sa barko at ilang linggo lang ang bakasyon, tapos aalis na naman.
Kaya kahit nandiyan ito bilang financial provider ng pamilya, hindi niya ito tunay na nakakasama habang lumalaki siya. Kaya siguro, may kaunting distansya pa rin siyang nararamdaman sa tuwing nag-uusap sila sa cell phone. Pero mahal niya ang ama at malaki ang pasasalamat niya para rito.
Hinayaan na lamang ni Lia ang mga magulang na mag-usap sa sala at mabilis siyang pumasok sa kwarto para magbihis. Narinig pa niya sa huli ang ama na nagsabing magpapadala raw ito ng pera. Piniling huwag na lang niya itong isipin at nagpatuloy na lang sa pag-aayos.
Ilang minuto ang lumipas, nakaayos at nakabihis na si Lia. Bumalik siya sa kusina para kumain ng almusal, nag-toothbrush pagkatapos kumain, sunod na inayos ang buhok, sinuri ang bag, at nang handa na siya’y sabay na silang lumabas ng bahay ng kanyang ina.
Si Lia ay may dalang sling bag na gamit pa niya noong nakaraang school year, habang si Rosalie naman ay may malaking bag na puno ng folders, laptop, at iba’t ibang gamit pangguro.
Sumakay sila ng tricycle papuntang bus terminal. At pagdating doon, nagpaalaman na agad silang dalawa dahil magkaiba sila ng destinasyon.
“Wala kang nakalimutan?” tanong ni Rosalie.
“Wala na po.”
“Baon mo?”
“Nasa bag ko na po.”
“Pera mo?”
“Nasa bag ko na rin, ‘Ma.”
“O siya, ingat ka papuntang school, ha. Diretso uwi mamaya, huwag ka nang magpagabi. May karne sa freezer, pwede mong lutuin para sa hapunan. Huwag mo na akong hintayin at baka gabi na ako makauwi. May dala akong susi, kaya i-lock mo ang pinto bago matulog, okay?”
“Okay po, ‘Ma.”
“Ingat ka, anak,” sabay halik sa pisngi ni Lia.
“Ikaw rin po, ‘Ma. Ingat po.” At sabay silang ngumiti.
Pagkatapos nilang magpaalam, sumakay na si Lia ng jeep habang si Rosalie naman ay bumalik sa tricycle na sinakyan nila kanina para iyon ang gagamitin niya papunta sa paaralang tinatrabahuan.
Alas-siyete na ng umaga. Ramdam na ramdam na ni Lia ang init ng araw. Gitgitan na rin sa jeep kaya medyo pinagpapawisan na siya.
Mga sampung minuto ang lumipas bago siya tuluyang nakarating sa private school na kanyang pinapasukan.
Mainit pa rin ang sikat ng araw nang bumaba siya mula sa jeep. She clutched her sling bag, scanning the familiar school grounds.
Bagong school year.
Bagong classroom.
Bagong classmates.
But same old butterflies in her stomach.
Iyon ang iniisip niya habang humihinga nang malalim. Kaya mo ’to, Lia.
Mabilis siyang naglakad papunta sa main gate. Mabuti na lang at hindi niya nakalimutang magdala ng ID, dahil kung hindi, tiyak na hindi siya papapasukin ng guard.
Pagkapasok niya sa school grounds, bumalik ang kaninang kaba sa kanyang dibdib. Laging ganito ang nararamdaman niya tuwing unang araw ng klase. Alam niyang normal lang ito at mawawala rin kapag nakilala na niya ang bagong blockmates.
STEM strand nga pala ang kinukuha ni Lia. Gusto kasi niyang mag-Nursing pagtungtong sa kolehiyo kaya pinili niya ito sa Senior High.
For almost two years, naging maganda naman ang takbo ng pag-aaral niya. Kahit mahal ang tuition sa private school, ginagawa niya ang lahat para maging top student. ’Yan kasi ang laging bilin ng ama niya—“Make me proud. Be good at your studies.”
At kapag naging maganda ang grades niya, pangako ni Ramon na pag-aaralin siya nito sa magandang unibersidad sa abroad. Gusto niya iyon kaya hindi siya nagpapakampante.
Si Lia ay isang ambivert. Marunong siyang makisalamuha sa ibang tao, pero sobrang komportable niya kapag nag-iisa. Kaunti lang ang circle of friends niya at lagi niyang inuuna ang pag-aaral just like a typical student.
Mabilis siyang nakarating sa STEM building makalipas ang ilang minutong paglalakad. Kinuha niya sa sling bag ang class schedule at binasa ang unang subject niya ngayong umaga: “Practical Research 2. Room 108.”
Tumingala siya para hanapin ang room number. Dahil hindi siya gaanong biniyayaan ng katangkaran, kailangan pa niyang tumingkayad para makita ang mga numerong nakapaskil sa itaas ng pinto.
“Room 100... 101... 102... 103... 104... 105...”
Hindi pa siya umaabot sa Room 106 nang may bumangga sa kanyang balikat. Hindi man iyon malakas, pero tamang-tama lang iyon para mapalingon siya sa kanyang nakabangga.
“Sorry,” mahinang sabi ng lalaki sa kanya habang mabilis, walang lingon, at deretso lang ang lakad nito papaalis sa kanyang kinatatayuan.
Napangiwi siya nang makita niya ang papalayong lalaki. Sa uniporme pa lang nito, alam na ni Lia na STEM student din ito. Sino kaya ‘yon? tanong ng isip niya.
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng kanyang classroom.
Hanggang sa may tumawag sa kanya. “Lia!”
Pagtingin niya ay nakitang si Xyriel ang tumatawag sa kanya. Kumakaway pa ito habang nakangisi. Medyo nahawa siya sa ngiti nito kaya napangiti na lang din si Lia. Agad siyang lumapit sa matalik na kaibigan na halos taon-taon na niyang kaklase sa halos lahat ng subjects. Sana naman ngayon ay hindi na.
“Nandito ka? Ano’ng subject mo today?” tanong ni Xyriel.
“Practical Research 2. Ikaw ba?”
“Hoy! Same! Patingin nga ng class schedule mo.”
Ibinigay ni Lia ang papel sa kaibigan. Sabay silang namilog ang mga mata nang mapansing magkapareho ulit sila ng schedule this school year. Not again!
“Hala ka, ‘Te! Magkapareho tayo ng schedule! Last year din ganito, ’di ba?”
“Oh my God! Totoo ba ’yan?”
“Oo! Meant to be talaga tayo as best friends,” nakangisi pa ring sagot ni Xyriel.
Birong inirapan niya ang kaibigan. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mapapahamak na naman ako dahil sa sobrang kaingayan mo.”
“OA! Bakit, ayaw mo ba akong makasama habang buhay?”
“Hindi ako tomboy kaya tigil-tigilan mo ako,” mapagbirong napangiwi si Lia sa tinuran ni Xyriel sa kanya.
“’Di bale. Kahit magkasama pa rin tayo this school year, ma-swerte pa rin tayo, ‘Te, kasi may classmate tayong pogi. Si Vince Reyes—’yung matalino sa batch natin. Dito raw sa room na ’to ang klase niya sa PR2.”
Napakunot-noo si Lia. “Ha? Sino’ng Vince Reyes? Hindi ko siya kilala.”
“Hala! ‘Te, si Vince! ’Yung gwapo sa STEM na ka-batch natin! Siya nga ’yung kumanta ng I Think I’m Fallin’ ni Janno Gibbs sa intrams last year!”
“Wala ako that time, ’di ba? Nagkasakit ako.”
“Ah oo nga pala. Basta, makikilala mo rin siya. Ka-blockmate raw natin ngayon. So expect na makakasama natin siya the whole year!”
“Ganun ba…” bulong ni Lia at saka siya napaisip. Vince Reyes? Parang familiar.
Iyon ba ’yung may shota na volleyball player dito sa school? Hindi siya sigurado.
Binale-wala na lang niya ito at hinayaang hilahin siya ni Xyriel papunta sa Room 108 kung saan doon ang first class nila ngayong Lunes.
Pagpasok sa Room 108, nakita niya agad na may mga estudyanteng naka-upo na roon. Some faces were familiar with her, pero wala siyang matandaan na naging close niya ang mga ito kahit ka-blockmates na niya ito last year.
Meron ding iba na bago sa kanyang paningin, at sa nakikita niya ay lahat ng mga ito ay may sariling circle of friends. Mukhang sila Lia at Xyriel lang ang talagang close friends ever since. Okay na rin iyon para kay Lia. Less friends, less toxic, kumbaga.
Lia quietly took an empty seat near the window. A few minutes later, dumating ang teacher nila na si Ms. Castro. Dali-daling pumasok ang mga estudyanteng nasa labas at ‘yong nasa loob naman ay agad ding umayos ng upo. May ilan pang nagkukuwentuhan pero natahimik din kalaunan.
“Okay, settle down. You’re all Grade 12 now. I expect more maturity,” matigas na tinig ni Ms. Castro sa klase. “Today, we’ll be forming groups for your year-long capstone project. This will determine a big chunk of your final grade.”
Nagulat ang lahat sa pa-shocking revelation ni Ms. Castro, lalo na sina Lia at Xyriel.
Shocks! Group work agad? Kaloka!
Kahit ano’ng pagtutol nilang lahat ay wala silang magagawa. Si Ms. Castro ang isa sa mga pinaka-terrifying na guro sa STEM Department. Walang palag kapag siya na ang nagsalita.
“Okay, sit down now, Group 2. Now, let’s proceed to Group 3. When I call your name, please stand up and form your group here,” utos ni Ms. Castro habang tinuturo niya ang kabilang panig ng upuan.
“Reyes, Vince Alvaro. Salazar, Lia Beatriz. Sanchez, Denise. And lastly, Santos, Angelo. Please form your group here. Faster!” sigaw ng guro habang may kasamang palakpak.
Lia froze on her seat, thinking about those names she heard… especially one.
Vince Alvaro Reyes? Bigla niyang naisip.
But when Ms. Castro shouted again, she quickly stood up, grabbed her sling bag, and moved to the seat where her group was forming. As she sat down, she noticed an empty chair beside her. She glanced around, wondering who was missing.
Then, from the other side of the room, there was a guy that stood up. He had that fair skin, tousled hair, and sleepy-looking eyes. His polo was a little wrinkled, but he had that effortless cool aura by the way. At oo… may angking kagwapuhan nga ang lalaking ito.
Namilog ang mga mata ni Lia nang makita niya ang lalaki na papalapit sa kanyang pwesto. Pagkatapos ay parang may sumiklab sa isip niya. Teka… siya ba ’yung bumangga sa akin kanina?
And when she confirmed it, she froze again. Hala! Siya nga. So his name is Vince Alvaro Reyes?
But wait—may naalala ulit siya. She’d heard that name before, not just from Xyriel earlier.
Yes… she remembered now. Si Vince. Siya rin ’yong tahimik at matalinong STEM student na naging kaklase niya sa floating subject na Filipino last year.
At sa pagkakaalam talaga ni Lia, may girlfriend itong volleyball player sa school na ’to.
Siya nga. Si Vince Alvaro Reyes nga ’yon, she thought again.
Dahil sa dami ng kanyang iniisip, hindi namalayan ni Lia na nasa tabi na pala niya si Vince. He took the seat beside her, glanced her way, and smiled.
“Hi,” he said, smiling. “Vince nga pala,” pagpapakilala niya.
“I’m Lia,” she replied with a shy smile. “N-nice to meet you.”
“Nice to meet you, too.”
Then they both fell quiet.
Hindi tuloy maiwasan ni Lia na mapalingon sa likuran. Sa likod, nakita niya roon si Xyriel na halos hindi maipinta ang mukha sa sobrang kilig nang makita na magkatabi sila ni Vince, na siya ring tinutukoy nito kanina pa na classmate nilang pogi.
Pagkatapos ay inilipat ni Lia ang tingin sa bagong katabi habang pilit na pinapakalma ang sarili… lalo na ang t***k ng kanyang puso.