Chapter 34 "Strength" Sinundo ako ni Ruiz at hinatid sa Clark International Airport. Dapat sasabay siya sa akin kaso lang may pasok si Aris kaya kay Laz na sila sasabay. Darating sila sa Sabado, sa mismong birthday party na. Dumating ako bandang 9:00 ng umaga. Nakaabang na ang susundo sa akin. Isa-isa niyang kinuha ang mga dala ko mula sa cart. "Maayong buntag Maam." Bati ni Manong Emman isa sa drivers namin. "Maayong buntag pud Manong." He put the boxes sa pinakalikod ng sasakyan. Umupo naman ako sa backseat. Pagkatapos maiayos ang box tumulak na kami. Instead of going home straight, hinintay ko na ang lunch break nila Ham. He is enrolled in a private school in Valencia City. My poor baby has to travel everyday from the hacienda to school, back and forth. Mas maa

