Sa kabila ng matinding panginginig dahil sa kaba ay matiwasay na nakarating sa bahay nila si Aliah. Bahagya pa siyang nagtaka dahil kahit ilang beses na siyang bumubusina ay walang maid na nagbubukas ng gate para sa kanya. Napilitan siyang bumaba sa sasakyan at siya na mismo ang nagbukas ng gate. Hindi na siya nag-abalang ipasok sa loob ng garahe ang kotse ni Yuri dahil alam niyang wala namang masasamang loob na nakakapasok sa subdivision nila. Hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay ay tahimik pa rin at wala siyang nakasalubong ni isa sa tatlo nilang katulong. Pag-akyat niya sa second floor ay nagtaka pa siya nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya. Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Mukhang napasok sila ng mga magnanakaw. Dinampot niya ang isang flower vas

