Nang magmulat ng mga mata si Aliah ay napagtanto niyang nasa isang silid siya na halos walang gamit maliban sa isang pabilog na mesa na karaniwang ginagamit sa mga cocktail parties. May nakapatong na puting tela sa ibabaw ng mesa na iginapos naman ng pink ribbons sa paa ng mesa. Pero sa halip na balloons or flowers ang nasa ibabaw ng mesa, isang punyal ang nakatusok sa ibabaw ng isang parehabang kahon. Nang matitigan niyang mabuti ang punyal ay naalala niyang kay Yuri iyon. Iyon ang punyal na gamit nito sa isla noon. Bahagya siyang gumalaw at nalaman niyang hindi naman siya nakagapos. Nakaupo lang siya sa isang upuang gawa sa mamahaling kahoy. Pero bago pa man siya makatayo ay biglang bumukas ang nag-iisang pinto at pumasok si Yngrid kasunod si Luna na nakahalukipkip ang mga kamay sa mag

