Kahit late nang natapos ang party nang nakaraang gabi ay maaga pa ring nagising si Aliah kinabukasan. Pagtayo niya ay dumiretso siya sa bintana at sumilip sa labas. Napakaganda ng panahon. Mabilis siyang naligo at nagsipilyo. Eksaktong kabababa pa lang niya ng hair brush na gamit niya nang may marinig siyang kumakatok. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang si Luna ang nakatayo sa labas ng silid. “Gusto kang makasabay ni Lola Yngrid na mag-agahan.” “Susunod na lang ako. Titingnan ko lang si Calyx sa kwarto niya,” aniya sa kalmadong boses. Medyo nasanay na siya sa masyadong seryosong anyo ni Luna. Nang umalis ito ay mabilis naman siyang pumunta sa katabing kuwarto. “Calyx?” tawag niya sa pangalan ng binata habang kumakatok. Pero nakakailang katok na siya ay hindi pa rin bumubukas ang p

