Chapter Fourteen

1377 Words
Dahil walang naisalbang kahit na anong gamit si Aliah maliban sa relo niya ay wala siyang ibang choice kundi isangla iyon nang makarating sila sa bayan. “Maraming-maraming salamat po sa kabutihang loob ninyo. Habang buhay po naming tatanawin na utang na loob ang pagligtas niyo sa amin,” sabi ni Yuri sa dalawang bangkero na nagligtas sa kanila. Napatingin si Aliah sa dalawang bangkerong nagligtas sa kanila. It was pretty obvious na hirap sa buhay ang mga ito, pero halata ring masaya ang mga ito dahil nakagawa ng mabuti para sa kapwa. “Wala po kaming maibibigay sa inyo sa ngayon bilang ganti sa kabutihang loob ninyo. Itong relo na lang po ang mayroon ako. At kakailangan pa po namin ito para makontak ang mga kamag-anak namin. Pero nangangako po kami na babalik kami rito sa lalong madaling panahon para makapagpasalamat sa inyo. Mayroon po ba kayong ballpen man lang? Iiwan ko po ang number at address ko para po makontak niyo ako kung sakaling kayo naman ang mangailangan ng tulong,” mahabang litanya niya. She was just grateful na nakabalik na sila sa sibilisasyon. At hindi naman siguro masama ang inaalok niya. Sa ngayon ay wala talaga silang maibabayad. Ang relo lang niya ang pag-asa nila ni Yuri para makahingi ng saklolo sa mga kamag-anak niya. She needed fast cash para makontak ang mga kamag-anak niya sa Leyte. Kailangan niyang malaman na okay lang ang mga ito upang tuluyan na siyang magkaroon ng kapanatagan ng loob. Dahil sa totoo lang, hindi pa rin tuluyang nawawala ang pangamba niya dahil sa panaginip niya kanina. “Hindi na kailangan, hija. Sapat na sa aming nakatulong kami sa inyo. Hindi naman kami naghahangad ng anumang kapalit. Pero kung sakaling maisipan niyong bumalik, aba’y lagi kayong welcome sa aming tahanan. Ipagtanong niyo lang ang pangalang Celso at Damian na parehong mangingisda, kami na iyon,” nakangiting sabi ng isang bangkero. “Maraming maraming salamat po.” Pagkatapos magpaalam kina Tata Celso at Damian ay tumuloy sila ni Yuri sa downtown ng San Vicente. Isa raw iyong bayan na malapit sa isla kung saan sila napadpad. Nang makarating sila ni Yuri sa isang pawnshop ay napansin ng binata ang pananamlay niya habang hinuhubad ang relo sa kamay niya. “What’s wrong?” tanong ng binata. “Wala. Masaya lang ako na nakaalis na tayo sa islang iyon,” pagsisinungaling niya. Hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pananamlay niya. Dahil kailan pa ba naging malungkot ang pagkaka-rescue mula sa isang virgin island? Ang tunay na dahilan kung bakit malungkot ang pakiramdam niya ay dahil sa ideya na kailangan niyang isangla ang relong iyon na regalo ng yumaong mommy niya sa kanya. Pero kung hindi naman niya iyon isasangla ay wala silang magagamit na pera Yuri. Nangako na lang siya sa sarili na babalikan niya kaagad iyon para tubusin. “Ma’am, twenty-one thousand pesos po ang pinakamataas na appraisal nitong relo niyo. Isasagad na po ba natin?” tanong ng teller sa kanya. “Kahit fifteen thousand lang, Miss,” sabi niya. “Okay, Ma’am.” At pagkatapos ng mahigit sampung minuto ay hawak-hawak na niya ang pera. “The first thing that we have to do is eat. I’m starving,” sabi niya kay Yuri. “I won’t argue on that. Ako man ay gutom na rin. Five days tayong na-deprive sa matinong pagkain.” Kaya ang una nga nilang pinuntahan ay isang fastfood chain na malapit lang din sa pawnshop na pinagsanglaan nila ng relo niya. Dahil kung maghahanap pa sila ng fine dining restaurant ay baka pareho na silang mag-collapse ni Yuri dahil sa gutom. Naalala niyang hindi nga pala nila naluto ang mga isdang nahuli ng binata. Sa McDonald’s ibinuhos nina Yuri at Aliah ang pangungulila sa mga pagkain. And when they’re done eating, Yuri asked her, “Where do we go next?” “I need to buy a cheap phone. Then we’ll go to the nearest internet café para ma-message ko si Tita Vivien. Then from there, saka na natin kontakin sina Tita Alison.” Iyon nga ang ginawa nila. Sa loob rin mismo ng mall na iyon kung saan naroon ang McDo na kinainan nila ay bumili siya ng mumurahing cellphone at sim card. Pagkatapos ay pumunta sila sa Netopia para magpadala ng e-mail sa Tita Vivien niya. Ngayon niya pinagsisisihan na hindi siya nag-store ng mga numbers niya sa kanyang pin bank. After sending an e-mail for her Tita Vivien, nag-iwan naman ng message si Aliah sa f*******: ng Tita Alison niya. Kailangan na lang niyang maghintay kung sino ang unang tatawag sa mga ito. Walang account sa f*******: ang Tita Vivien niya dahil para dito ay distraction lang diumano ang social network habang ang kanyang Tita Alison naman ang mahilig doon. Hindi yata lumilipas ang isang oras na hindi ito nag-a-update ng status. Bago siya mag-log out sa f*******: ay nag-post pa siya ng status: Guys, I’m safe. Thank you for your prayers. Palabas na sila sa Netopia nang hagipin ni Yuri ang isang kamay niya. Awtomatikong napatingin siya rito. Walang sinabi ang binata, basta tinitigan lang siya nito. “W-what?” she asked in a shaky voice. Iyon ang unang pagkakataon na tinitigan siya nito sa public place. Noong nasa isla pa sila ay walang kaso na titigan siya nito dahil sila lang naman ang naroroon. Pero ngayon… “I just want to memorize your face. Para kung sakaling kailangan na nating maghiwalay, may magandang alaala akong babaunin.” She knew that it should sound creepy, pero hindi iyon ang naramdaman niya. Sa halip ay kinilig siya nang marinig ang mga salitang iyon. Pero kahit na isa siyang manunulat, wala siyang maapuhap na salita mula sa word bank niya. She’s not really good at this. Hindi siya sanay na nakikipagpalitan ng sweet words sa isang lalaki. Because honestly, she has never been in a relationship. Kaya ang siste, malayo ang naging sagot niya sa supposed to be romantic declaration ng binata. “Let’s buy some clothes. Talagang nangangati na ako rito sa mga damit ko.” Nakita niyang nawala ang ngiti sa mga labi ni Yuri at saka napabuntong-hininga. “Okay.” At nagpatiuna na si Aliah na lumabas sa computer shop na iyon habang magulo ang isip. Hindi niya alam kung paano siya nakapamili ng damit, pati na si Yuri. Basta ang sumunod niyang namalayan ay nasa loob na sila ng isang hotel at sinalubong sila ng katahimikan ng lugar na pansamantala nilang tutuluyan habang hindi pa siya kinokontak ng Tita Vivien o Tita Alison niya. Iisang kama lang ang nasa loob ng room pero kasya naman ang dalawang tao roon. “Ikaw na ang unang maligo,” sabi ng binata nang tuluyan na silang makapasok sa kwarto. Hindi na siya tumutol. Wala naman kasi sila sa isla para sabihin niyang sabay na sila. Kailangan niyang ipaalala sa sarili na nagbalik na sila sa kabihasnan. Dahil limang araw din siyang hindi nakaligo nang maayos ay inabot siya nang mahigit na isang oras sa loob ng banyo. Nang lumabas siya ay nakita niya si Yuri na nakahiga sa kama. Mukhang nakatulog na ito dala ng pagod at puyat dahil hindi naman naging maayos ang pagtulog nila sa isla. Lumapit siya sa binata at hinayaan niya muna ang sariling pagmasdan ito nang ilang segundo. Kusang tumaas ang isang kamay niya para sana haplusin ang mukha nito nang maisip niyang hindi iyon ang tamang panahon para pagbigyan niya ang ibinubulong ng puso niya. Because honestly, ang noon ay crush na nararamdaman niya para sa binata, ngayon ay mas naging malalim na. Takot siyang pangalanan ang bagay na iyon dahil may mga bagay pa siyang dapat na harapin pagbalik niya sa Javier. Kaya sa halip na sa pisngi ni Yuri dumampi ang palad niya ay sa balikat nito iyon humantong. Bahagya niya itong niyugyog. “Yuri, tapos na ako. Ikaw naman ang maligo.” Mabilis namang nagising ang binata. Walang imik na pumasok ito ng banyo at tanging lagaslas lang ng tubig ang narinig ni Aliah. Humiga na siya sa kama at hinayaang ang sarili na tangayin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD