Chapter Eleven

1485 Words
Sa ikaapat na araw nina Aliah at Yuri sa isla, maaga pa lang ay gising na sila. “Sa tingin ko ay hindi na babalik si MJ. Kung walang nangyaring masama sa kanya, siguro ay mas gusto niyang mapag-isa kaysa sa makasama tayo,” sabi ni Yuri habang papunta sila sa tabing dagat. Napagkasunduan nilang maligo ng maaga para hindi sila abutan ng pagtirik ng araw. “Iyon na nga rin ang iniisip ko. Sana lang ay walang nangyaring masama sa kanya. At kung may dumating man na rescuers doon sa parteng pinagkakanlungan niya, sana ay maalala pa niya tayong balikan. Hindi naman tayo naging masama sa kanya, ‘di ba?” Tumango ang binata kay Aliah. Noong iilang hakbang na lang at nasa dagat na sila ay sabay silang napahinto. “Ikaw na kaya ang maunang maligo?” untag ng binata sa kanya. Napatingin siya rito. Actually, kung sakali ay iyon ang unang pagkakataon na maliligo sila nang sabay sa dagat. Lagi kasi siyang nauunang maligo at pagkatapos ay si Yuri naman ang susunod bago si MJ. “Sabay na kaya tayo?” “Sure ka?” tila diskumpiyadong tanong ng binata. Nginitian niya ito. “Sure na sure.” At dahil sa sinabi niya ay para silang mga bata na nag-unahang maghubad ng mga saplot. Si Yuri ay tanging brief lang ang itinirang saplot sa katawan. Samantalang si Aliah naman ay bra at panty lang ang itinira. Nag-unahan silang tumakbo papunta sa dagat hanggang sa namalayan na lang ni Aliah na hanggang dibdib na niya ang tubig. Nang saglit siyang tumayo para sana hanapin ang binata ay hindi niya ito makita. Nagpaikot-ikot siya mula sa kinatatayuan. Wala talaga si Yuri, pero kung kailan nag-uumpisa na siyang matakot ay saka naman may mga kamay na dumaklot sa makurbang baywang niya at saka siya itinaas sa ere. It was Yuri. Tawa ito nang tawa nang makita ang pamumula ng mukha niya. Alam niyang namumula siya dahil nararamdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang tainga. “Pasaway ka! Aatakihin ako sa nerbiyos sa—” Hindi na nagawang ituloy ni Aliah ang kanyang sasabihin dahil naramdaman na lang niyang hinahawi ni Yuri ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Hindi siya makahinga nang maayos dahil sobrang lapit na niya sa binata. Dapat ay iiwas siya nang makita niyang unti-unting bumababa ang mukha ni Yuri papunta sa kanya pero hindi na niya nagawa. Sa halip ay pumikit siya at hinintay na tuluyang lumapat ang mga labi nito sa bibig niya. And when Yuri’s lips finally touched hers, wala na siyang ibang naisip kundi kung gaano katamis ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. At first, it was just a gentle kiss, pero habang tumatagal ay lalo iyong nagiging mapaghanap. Hanggang sa maramdaman na lang niyang gumaganti na siya ng halik dito. At ang mga kamay niya ay kusang umakyat papunta sa leeg ng binata. Parehong ayaw pa sana nilang maputol ang halik na iyon pero isang malakas na alon ang nagpatigil sa kanila. Pareho silang natawa nang maghiwalay sila dahil sa buwisit na alon na iyon. Pero nang humupa na ang mga tawa nila at ngayon ay nakikita na ng mabuti ng dalaga kung gaano kakisig si Yuri habang bahagya itong nasisinagan ng araw, hindi niya napigilan ang sarili niyang mga kamay at kusa iyong umakyat papunta sa mukha ng binata. Her fingers traced the contour of his face, down to his lashes and to his lips. At nang hindi na siya makontento ay siya na mismo ang humalik sa binata. And this time, the kiss tasted sweeter than the first one. Agad din niyang pinutol ang halik na iyon at saka isinandig ang ulo sa dibdib ng binata. Sa ganoong posisyon niya napansin ang bagay na nakasabit sa leeg ni Yuri. “Dream catcher…” wala sa loob na sambit niya habang hinahaplos-haplos ang dream catcher na nakasabit sa leeg ng binata. “Saan mo nakuha ang dream catcher na ‘to? It’s lovely.” She’s always been fascinated by dream catchers mula pa noong nasa kolehiyo siya. “I got this from my lola. Do you want this?” Napatitig siya sa mukha ng binata. “Why, I’d love that!” “Okay, pero kailangan mo munang akong talunin sa isang challenge. And that challenge is… kailangan mo akong habulin!” At bago pa siya makapag-react ay nakatakbo na ang binata palayo sa kanya. Hindi na nila halos namalayan ang paglipas ng mga oras. Masyado silang nag-enjoy sa dagat. At nakalimutan na rin ni Aliah ang tungkol sa dream catcher ni Yuri. Pagkatapos ng ilang oras na paglalangoy sa dagat na madalas ma-interrupt ng mga walang babalang halik, magkasabay silang umahon. “Natuyot na yata ang mga labi ko. Grabe, ganoon pala ang pakiramdam ng nakikipaghalikan,” humahagikgik na sabi ng dalaga. “Don’t tell me it was your first time?” Mabilis naman na nahampas ni Aliah ang binata. “At anong akala mo sa akin, pariwarang babae? For your information, ikaw pa lang ang bukod-tanging lalaking nakahalik sa mga labi ko kaya maswerte ka.” Mabilis na siyang inakbayan ni Yuri. “Maswerte ka rin naman sa akin. Ikaw pa lang ang babaeng hinayaan kong humalik sa akin ng ganoon katindi. Usually kasi, light kiss lang ang nakukuha ng ibang babae sa akin.” Sa sobrang kahihiyan ay siniko niya ito. “Magbihis ka na nga! Hindi ka na nahiya sa akin, nakabuyangyang sa akin ‘yang katawan mo. Eeww!” Kunwari ay diring diri siya sa nakikita, pero ang totoo ay kanina pa siya nagpipigil na pasadahan ng kanyang mga kamay ang abs ng lalaki. At kailangan na talaga nitong magdamit dahil kanina pa siya napapatingin sa “kuwan” nito. Nagkakasala siya. Isa-isang dinampot ng binata ang mga saplot nila. “Magbihis ka na rin.” Tahimik na nga silang nagbihis. At dahil wala naman silang ibang gagawin ay nag-request siya sa binata na kung pwede ay ikuha siya nito ng buko. Talagang uhaw na uhaw siya dahil sa walang patumanggang paghahalikan nila kanina. Pero nang makita niya kung gaano kataas ang punong aakyatin ng binata ay pinigil niya ito. “Huwag na lang kaya? Baka mahulog ka pa. Ang taas-taas niyang punong aakyatin mo.” Pero hindi nagpapigil si Yuri. “Kaya ko ‘to. Ilang bunga ba ang gusto mo?” nakangising tanong nito. “Bahala ka na. Basta kapag nahulog ka, hindi ko na kasalanan, ha?” At nagsimula na ngang akyatin ni Yuri ang puno ng niyog. Nakahinga nang maluwag si Aliah nang walang aberyang marating nito ang tuktok. “Sabi ko naman sa’yo eh...sisiw lang sa akin ‘to!” sigaw ng binata mula sa itaas ng puno. At isa-isa na ngang nangahulog ang mga mura pang bunga ng niyog. “Tama na ‘to. Bumaba ka na, Yuri, at umaambon na.” Nagsisimula na ngang pumatak ang ulan. At kung magtatagal pa ang binata sa itaas ng puno ay mahihirapan itong bumaba. Abot-abot ang dasal niya habang pababa sa puno si Yuri. Nagsisimula nang lumakas ang ulan. At kung kailan malapit na si Yuri sa kalahati ng puno ay saka naman nagkaroon ng aberya. Dahil sa isang maling pagtapak ng binata sa puno ay nawalan ito ng balanse kaya napayakap na lang ito sa puno ng niyog at saka walang kaabog-abog na nahulog sa lupa. Mabilis na dinaluhan niya ang binata. “Yuri? Oh, my God…” Hindi niya alam kung saan hahawakan ang binata dahil halos mamilupit ito sa sakit. Nakita niyang dumudugo ang ang magkabilang braso nito dahil nakayod marahil iyon nang mapayakap ito sa magaspang na puno ng niyog. “Humawak ka sa akin at hihilahin kita papunta sa kubo natin.” Ganap nang bumubuhos ang malakas na ulan nang marating nina Aliah at Yuri ang kanlungan nila. Hingal na hingal ang dalaga nang sa wakas ay maihiga niya ang binata. “Bukod sa mga braso mo, may masakit pa ba sa’yo?” “Ang kaliwang paa ko,” tugon ng binata. Nang silipin iyon ng dalaga ay namumula nga iyon at mukhang namamaga. “Huwag kang tatayo at dito ka lang, okay? Maghahanap lang ako ng mga dahon na pwedeng ipantapal dyan sa mga gasgas sa kamay mo.” Bagaman ipinanganak siya sa modernong panahon, naniniwala pa rin si Aliah sa herbal medicine. Nang tatayo na siya ay naramdaman naman niyang hinawakan siya ni Yuri sa isang kamay. “Dito ka lang. Baka mawala ka sa gubat.” Hinaplos niya ang mukha ng binata at saka ito kinintalan ng halik sa noo. “Hindi ako lalayo, I promise. Babalik din agad ako.” At bago pa man siya mapigilan ulit ng binata ay lumabas na siya sa kubo at naghanap ng mga dahon na pwede niyang ipantapal sa mga sugat ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD