Chapter Twelve

1605 Words
Hindi pa man nakakalayo si Aliah mula sa kubong pinagkakanlungan nila ni Yuri ay naramdaman na niya ang pag-ihip ng malakas na hangin. Mukhang may paparating na bagyo. Ang marahang patak ng ambon ay tuluyang naging ulan. Nagpasya siyang bumalik na lang sa kubo dahil nagsisimula na ring dumilim ang paligid. “Lord, ilayo Mo po kami sa kapahamakan,” tahimik na usal niya. Nadatnan niya si Yuri na nakabaluktot sa hinihigaan nito. Parang nadudurog ang puso niya habang tinitingnan niya ang hitsura ng binata. Walang ibang dapat sisisihin sa bagay na iyon kundi siya. “Hey, anong nararamdaman mo?” tanong niya sa binata habang umuusod palapit dito. Bahagya lang itong umungol bilang sagot sa tanong niya. At halos mapaso siya nang salatin niya ang noo nito. Inaapoy ito ng lagnat. At nang suriin niya ang mga gasgas nito sa kamay ay nakita niyang pati iyon ay namamaga na rin at nagsisimula nang magkulay-ube. “Giniginaw ako,” maya-maya ay narinig niyang sabi nito. Nararamdaman niyang lalong lumalakas ang ihip ng hangin dahil bahagyang gumagalaw ang maliit nilang kubo. Humiga si Aliah sa tabi ng binata at iniyakap ang mga braso sa katawan nito. Sa ganoong paraan man lang ay makaamot ito ng init mula sa kanya. “Huwag kang susuko. Malalagpasan din natin ‘to,” sabi niya kay Yuri habang marahang hinihimas ang likod nito. Lalo naman itong nagsumiksik sa kanya. Nalalanghap na niya ang hininga nito sa dibdib niya. Hindi na niya napigilan ang maluha nang makita ang sakit na nasa mukha ng binata. “I’m so sorry, Yuri. I’m so sorry.” At sa muling paghaplos ng palad niya sa balat nito ay naramdaman niya na tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay niya papunta sa binata. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang makitang nagliliwanag ang mga palad niya. Hindi na niya napigilang umupo at namamanghang pinagmasdan ang mga kamay niya na ngayon ay tila mayroong sariling buhay. Nang ilapat niyang muli ang mga palad sa mga sugat ni Yuri ay nakita niyang unti-unting naghilom ang mga iyon. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang patuloy na nagliliwanag ang mga palad niya. At bago pa man tuluyang mawala ang liwanag ay muli niyang idinampi ang mga kamay sa paa ng binata na kanina ay iniinda nito. At pagkalipas lang ng mahigit isang minuto ay bumalik na sa normal ang lahat. Naging normal ang paghinga niya at nawala ang liwanag sa kanyang mga palad. Naramdaman niyang unti-unting kumilos sa tabi niya si Yuri. Nanghihina pa rin ito pero nagawa na nitong umupo. Hinawakan ni Yuri ang kamay niya at saka hinagkan ang kanyang mga palad. “You saved me.” “Nakita mo ba ang nangyari sa mga palad ko kanina?” Tumango ang binata. “It was beautiful.” Doon naramdaman ng dalaga ang panghihina ng katawan niya. Mabuti na lang at nakaupo sila sa nakalatag na mga dahon ng saging, kung hindi, malamang ay na tumumba na siya. “Pero paano nangyari ‘yon?” Kinapa niya ang sugat ni Yuri kanina. Wala nang bakas iyon sa mga braso nito. “At naghilom ang mga sugat mo nang hawakan ko. How could that be possible?” Muling nitong hinawakan ang mga kamay niya at saka marahang pinisil-pisil ang mga iyon. Nakaramdaman siya ng kaginhawaan sa ginagawa nito. “Aliah, wala akong karapatang sabihin ang mga bagay na may kinalaman sa pagkatao mo. Pero isa lang ang masasabi ko. Iyong nangyari kanina, it was real. You have healing powers.” Naguguluhang napatingin si Aliah sa mukha ng binata. Seriously? Powers? Paano siya magkakaroon ng healing power samantalang isa lang naman siyang ordinaryong dalaga na may mga problema rin sa buhay? “Don’t you believe me?” tanong ni Yuri sa kanya. “Mahirap paniwalaan ang isang bagay na ngayon lang nangyari sa’yo, Yuri. And this is the first time na nakagamot ako ng sugat ng may sugat,” sagot niya. “Are you sure?” tanong ulit ng binata na seryosong seryoso ang mukha. Tumango siya bilang sagot sa tanong nito. Pero bakit ganoon? Bakit kahit na napakaimposibleng isipin, pakiramdam niya ay nagsasabi ng totoo si Yuri? “Let’s see. Let me take your hand again and I want you to concentrate.” Nang hawakan ni Yuri ang mga kamay niya ay wala na siyang ibang naramdaman kundi ang init ng mga palad nito na nanunulay papunta sa sarili niyang mga kamay. Nang pumikit si Yuri ay pumikit din siya. At sa pagpikit niyang iyon ay para siyang pumasok sa time travel machine ni Doraemon at nagbalik sa nakaraan… Ika-siyam na kaarawan ni Aliah. Masaya ang atmosphere sa bahay nila at abala ang mga katulong sa paghahanda sa kaarawan ng nag-iisang anak nina Mikaela at Markus. Sa malawak na pool area idaraos ang party mamayang alas-sais ng gabi kung saan imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at ilang kaklase ni Aliah. Bandang alas-tres ng hapon ay dumating ang nag-iisang kapatid ng daddy ni Aliah na si Tita Vivien. “Hello, little girl. Happy birthday. Tita has a gift for you. Pero mamaya mo na i-open pagkatapos ng birthday party mo, okay?” “Yes, Tita. And thank you!” Humalik si Aliah sa pisngi ng tita niya, pero dahil musmos pa ay hindi niya sinunod ang bilin ng kanyang tita. Tinawag niya ang pinsang si Maleah na galing probinsiya. Nagbabakasyon lang ang mga ito sa Maynila, pero sa Leyte talaga nakatira ang mga ito. “Ano ‘yan?” tanong ni Maleah sa kanya na ang tinutukoy ay ang malaking kahon na hawak-hawak niya. “I don’t know. Gift ‘to ni Tita Vivien. I wanna open it na. Tara, doon tayo sa back garden and let’s see what’s inside this box!” Nag-uunahang tumakbo sila ni Maleah papunta sa garden na nasa likod-bahay. Dahil busy ang mga tao sa bahay nila ay siguradong siyang walang makakapansin sa kanila ni Maleah. Excited silang umupo ni Maleah sa bermuda grass at saka sinimulang sirain ang gift wrap ng kahon. Sa lahat ng mga nagreregalo sa kanya tuwing birthday niya, pinakagusto niya lagi ang gift ng Tita Vivien niya. Ang usual kasi na natatanggap niyang regalo ay mga damit, alahas at minsan ay mga angel na figurines. Pero ang Tita Vivien niya, alam nito kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. Last birthday niya ay niregaluhan siya nito ng isang napakalaking doll house. Nang tuluyan nilang masira ang kahon ay pareho silang napa-wow ni Maleah. “This is cool!” sambit niya. Ang regalo ng tita niya ay isang miniature set ng mga gamit na pangluto. May maliit na knife, lutuan at stove. Yeah! Stove. Pero hindi iyon katulad ng mga nakikita sa bahay na kadalasang ginagamit ng mga nanay sa pagluluto. Her stove’s different. It was specially designed for kids like her. “Since it’s your birthday, kailangan nating magluto ng mga handa na ise-serve natin sa mga bisita mamaya,” tumatawang sabi ni Maleah. “Right!” Magkatulong silang namitas ng mga dahon mula sa mga halaman ng mommy niya. Hindi naman siguro mahahalata ng mommy niya na nabawasan ang dahon ng mga tanim nito. “Ikaw ang maghiwa ng mga ‘yan at kukuha naman ako ng tubig sa loob para pangsabaw, okay?” “Okay,” excited na sagot ni Maleah. Nagtatatakbo si Aliah papasok sa bahay para kumuha ng isang basong tubig. Pagbalik niya sa garden ay nagtaka siya nang makarinig siya ng marahang pag-iyak. “Maleah, are you okay?” tanong niya sa pinsan nang masigurong ito nga ang umiiyak. “Nahiwa ko ‘yong isang daliri ko, Aliah.” Nakita niyang tumutulo nga ang dugo sa kaliwang hinlalaki ng pinsan niya. Dagli siyang kumilos at ibinuhos ang tubig na dala-dala niya sa sugat ng pinsan. “We shouldn’t tell anyone in this house. Mapapagalitan tayo. Akin na ang kamay mo.” Iniabot naman ni Maleah sa kanya ang kamay na nasugatan. At nang makita ang mga dahon na basta lang nila pinagkukuha kanina ay bigla siyang may naisip. Herbal medicine. Gamit ang isang maliit na bato ay pinagdidikdik niya ang mga dahon at saka piniga ang katas noon sa sugat ng pinsan niya. Napangiwi pa ito dahil sa bahagyang hapdi. “Tiisin mo lang. Effective raw ang halaman na panggamot sa sugat, sabi nong teacher namin.” Gamit ang maliliit na daliri ay minasahe niya ang nasugatang daliri ni Maleah. Naramdaman niyang tila may kung anong mainit na bagay na lumalabas sa mga palad niya. At nang pumasok sila sa malaking bahay para sabay na maghugas ng kamay ay sabay pa silang nagkatinginan ng pinsan niya. “Nawala ang sugat ko!” Lumapit siya ng husto sa pinsan at chineck kung nagsasabi ito ng totoo. At hindi nga ito nagbibiro. Nawala nga ang hiwa sa daliri nito. Effective ang mga dahon! “Ang galing! Marunong ka palang mag-magic,” sabi ni Maleah. Napatingin si Aliah sa repleksyon niya sa salamin at saka nagsalita ng, “Nope. It’s not magic. It is power. I have healing powers...” Nang bitawan ni Yuri ang mga kamay niya ay saka lang naramdaman ni Aliah na nagbalik siya sa kasalukuyan. “How did you do that?” “Ang alin?” tanong ng binata. “Ang ibalik ako sa nakaraan.” Ngumisi ang binata sa kanya, sign na wala na nga itong iniindang sakit sa katawan. “You have your own power. Well, I have mine, too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD