FINAL CHAPTER - Kabiguan at Tagumpay

1059 Words
Kabiguan at Tagumpay TAGAKTAK na ang pawis ni Adela. Magkakasabay na nagdatingan ang mga suki niya. Nakangiti at masigla pa rin niyang inasikaso ang mga mamimili. Wala ng bumibili nang maupo siy at sandaling makapagpahinga. Sa katapusan ay kailangan nang maghulog sa hospital. Nangiti siyaa, may panghulog na kasi sila. Anim na buwan na mula nang maaksidente ang tatay nila. Malakas na ito. Isang hulog na lang sa susunod na buwan at bayad na sila sa balanse. May nagbalik sa kanyang alala matapos maginhawahang makararaos na sila. Ilang araw pagkaraang makalabas ang tatay nila sa ospital ay dumalaw ang ate nito. "O, ayos ka na pala," umpisa nito. "Maigi at 'di ka napuruhan." Sa sarkastiko at nakayayamot na tono. "Paano na ngayon? Sa laki at dami ng inutangan niyo, aba e, baka uugud ugod na itong si Adela ay 'di pa kayo bayad!" maarte nitong sabi. "Makakaraos din kami ate," sagot ng tatay nila. Humirit ang ate nito. "Kelan pa? Sinabi ko na sa iyong pag-japan-in mo na lang 'yang si Adela para mabilis kayong makabayad sa mga utang n'yo. Giginhawa pa kayo. Tignan mo ako, ang sarap na ng buhay ko. Pinakikinabangan ko na ang anak ko. Aral-aral. Naku, tumigil nga kayo. Mag-aasawa lang 'yan. Baka mapunta lang sa tambay na'y adik pa. Kesa iba ang makinabang, ikaw na. Papuntahin mo na lang sa Japan. Siguro nama'y marunong kumanta at sumayaw 'yang anak mo. Sa sakang, e giginhawa ang buhay mo. Hindi naibabayad ng utang ang karangalan. Sa hirap ng buhay ngayon, aba'y dapat praktikal ka. Lapad, pera, anda, datung. 'Yan ang importante sa buhay!" Dire-diretso nitong sabi. Pigil ang galit nang sumagot ang tatay niya. "Ate Myrna, maraming salamat sa payo mo, pero hindi ko ibinebenta ang anak ko. Dalawang paa ko lang ang may diprensya. Meron pa akong dalawang kamay na magagamit upang 'di maging pasanin ng anak ko." Madiin nitong sagot sa kapatid. "A, gano'n? Ang ibig mo bang sabihin ako at ang asawa ko ay pasanin lang ng anak?" Galit nitong sigaw sa tatay niya. "Ikaw ang may sabi niyan," sagot agad na sagot ng tatay niya. "Aba, e ubod ka naman pala ng yabang. Kung makaarte ka akala mo naman kung sino kang malinis. Aber, sige nga, paano mo babayaran ang utang n'yo? Naku, makaalis na nga at baka mahawa pa ako sa kamalasan n'yo! Bwiset!!" "HOY!" Nagulat siya. Noon niya lang napansin na bahagya pa siyang nakanganga. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah Pagbilan kako ng kangkong." Nakangiti niya itong pinagbilhan kasunod ang ilan pang mamimili na ilang minuto na palang nakatayo sa harap ng paninda niya nang 'di niya namalayan. Nang makaalis na ang mga ito ay muli niyang naisip ang ama. Lalo siyang humanga sa prinsipyo nito. Nakasisiguro siya sa sarili na nagkaroon sila ng isang masasandalang padre de familia. UMAGA. Maraming mamimili. Padating pa lang sina Adela at Aling Onor ay may ilang suki nang nag aabang sa kanila. Kabisado na ni Mang Leon ang pagpanik at pagbaba sa mababa lang nilang hagdan. Nakasasakay na rin itong mag-isa sa silyang de gulong. Nakaupo na ito sa harapan ng tindahan nila at kumakaway sa kanilang mag ina .Katulong kasi nilang magtinda ang ama. Mahusay itong magkwenta at magaling makipag bolahan kaya higit na dumami ang naging suki nila. Ang iba naman ay gustong makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang tindahan kaya sa halip na pumunta sa palengke sa kanila na lamang bumibili. Unti-unti ay nakakaahon na sila. NAKABIHIS na si Adela. Papasok na siya sa Unibersidad ng kanilang Lungsod. Mura lang ang tuition fee dito. Pinalitan din niya ang kinukuhang kurso. Mula sa HRM, Secondary Education na ang kinuha niya. Nasasamahan niya ang ina sa pamimili kung walang pasok. Sa hapon ay sila Ana naman ang magkakatuwang sa pagtitinda at pag-iihaw ng barbeque. Kung dati ay hinahango nilang nakatuhog na ang barbeque, ngayon ay ang tatay na nila ang nagtitimpla. May naging suki din ang tatay nilang mag-uuling na dinedeliver pa sa pwesto nila. Kaya mas lumaki ang tubo nila. Nakakapagod ngunit dahil sama-sama at nagtutulungan, napagagaan nila ang mga gawaing mabibigat. Kapag uwian ay sinusundo ni Jeffrey si Adela sa unibersidad. Mas naging mapagmahal at maalalahanin ang binata sa dalaga dahil sa pinagdaanan ng pamilya nito. Higit nitong minahal ang hinahangaan dalaga, ang dalagang ihaharap sa ALTAR. GRADUATION DAY. Walang pagsidlan ang tuwa ng mag-asawang Aling Onor at Mang Leon habang nakamasid sa anak na inaayusan ng baklang suki na may ari ng parlor. Mayamaya lang ay aalis na sila papunta sa pagdarausan ng araw ng pagtatapos. c*m Laude ang dalaga. Napakaraming pagtityaga at pagsisikap ang pinuhunan ng kanilang anak para makamit ang diplomang pangarap. Ngayon ay heto na. Mahabang oras ang hinintay ng mga naiwanan sa bahay. Nakahanda na ang mahabang mesang may palamuti. Nakaabang na rin ang lola, mama at papa ni Jeffrey na ilang araw pa lang nakabababa ng barko. Sinundo na ng binata ang mag ina. Malayo-layo pa ay tanaw na ng mga paparating ang tapat ng kanilang bahay. Maliwanag sa bahaging iyon, at may banner pa. Masayang nagkatinginan sina Aling Onor at Jeffrey sa expression na nasa mukha nito. Nang makita na si Adela ay nagpalakpakan pa na may hiyawan ang mga taong nandoon. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagmamalaki na ang kapitbahay nila ay nakapagtapos ng may medalya. Sila man ay masaya sa nangyari dahil sila man ay naging saksi sa mga pinagdaanan nito mula pa noong bata. Masaya ang lahat na nagkainan habang nagbi-videoke naman ang iba. Pati mga brgy. tanod at kagawad na nakaduty nang gabing iyon ay nakisaya sa kanila. Masayang-masaya rin si Jeffrey na mula pa kanina ay hindi binibitawan ang kamay ng kasintahan. Para sa'yo, Ang buhay natin ay laging may susunod na kabanata. Habang tayo'y nabubuhay ay daraanan natin ang daan na sadyang nakatalaga para sa atin. May saya, may lungkot, may kabiguan at tagumpay. Subalit ang lahat ng ito ay malalampasan natin kung magpapakatatag tayo. May magawa man tayong mali at maging dahilan ng ating pagbagsak ay may matutunan tayo sa ating karanasan. Sapagkat bahagi ng pagkakatuto ang pagkakamali. Kasama natin ang Diyos at gumagabay. Kung pagod na tayo ay magpahinga tayo sandali. Pagkaraa'y muli nating tipunin ang ating lakas upang ipagpatuloy ang ating PAGLALAKBAY sa buhay dahil sa dulo nito nandoon ang pinapangarap nating TAGUMPAY. WAKAS TO GOD BE THE GLORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD