Eloisa POV: Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot. " hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan? May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito. Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa i

