Jordan's POV: Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain

