Chapter 3

3216 Words
I stayed in his condo tonight because, as he said, it was too dangerous for me to go home alone. Hindi na ako pumalag dahil sang-ayon din naman ako sa sinabi niya. Gusto ko man sabihin na maari naman niya akong ihatid dahil may sasakyan siya, pero hindi ko na tinuloy dahil kaagad niyang nahanda ang kwartong tutulugan ko. "Thanks for the food; I really liked it," Colton said as he watched me sit on the bed while he was standing at the door. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pamumula ng pisngi. Naubos niya kasi lahat ng niluto ko at ilang beses na niyang pinupuri ang pagkaing niluto ko para sa kanya. "T-Thank you," mahinang sagot ko kay Colton. Nakita kong ngumiti siya at mahinang natawa sa naging reaksyon ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil gusto ko nang umalis siya para makapagpahinga na ako, ang kaso ay wala akong dalang damit na pamalit. "Colton," tawag ko sa kanya at saka tumayo. Lumapit ako sa kanya ay huminto sa harapan niyo. I need to tell him about this. Hindi ako makakatulog kapag hindi ako nakaligo ngayong gabi dahil nasanay na akong maligo bago matulog. "Hmm?" he hummed and tucked some strands of my hair behind my ear. "M-May extra ka bang damit? K-Kailangan ko lang maligo," nahihiyang saad ko. Mayamaya ay tumango siya at saka hinaplos ang pisngi ko. Napalobo ako ng pisngi nang maramdaman ang nakakatusok niyang tingin. "I have extra clothes in my room; I would get them for you." Nakahinga lang ako ng maluwag nang makaalis siya. Nagmamadali akong tumakbo sa kama at patalon na dumapa. Kinuha ko ang unan at binaon ang mukha ko roon. Gusto kong magsisigaw dahil sa kilig na nararamdaman. Ito ang sinasabing pakiramdam noon ni Zylla sa akin sa tuwing nakikita niya ang crush niya. Nakakaramdam siya ng kiliti sa tiyan at madalas na nahihiya at namumula sa paligid ng taong gusto niya. W-Wait? Ibigsabihin, may gusto na ako kay Colton? Nagmamadali kong kinuha ang phone ko at tinatawagan si Zylla. Wala pang tatlong ring ay mabilis niya 'yong nasagot. Dumapa ako sa kama at pinatong ang baba ko sa unan. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natutuwa sa mga naiisip, masyadong magulo ang emosyong namamayani sa akin ngayon. Hindi ako pamilyar rito. "Yes, Amaia?" bungad ni Zylla. "Kumusta? May ginagawa ka ba?" "Wala naman, bakit ka napatawag?" Napabuntong hininga ako iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya lahat ngayon. "Zylla, anong dapat gawin kapag nagkagusto ka sa ibang lalaki? M-May kakilala kasi ako... a-ano... nagkakagusto siya sa isang lalaki na nito niya lang din nakilala." Narinig kong napasinghap siya. "Talaga?! Eh, ano naman ang nararamdaman ni boy?" Napasimangot ako nang maalala ang sinabi ni Colton. He confessed to me, even if he was drunk. Ewan ko nga kung makakabalik pa 'yon dito para ibigay ang damit na hihiramin ko dapat, sigurado akong bagsak na 'yon sa kama dahil sa kalasingan. Medyo nahimasmasan siya nang matapos kumain, pero halata sa mukha niya ang pagod. "S-Sabi niya ay may gusto rin daw siya sa babae," mahinang sagot ko sa tanong ni Zylla. Narinig ko ang impit na tili niya at malakas na kabog sa kabilang linya. "Hoy! Ano bang nangyayari sa 'yo riyan?!!" "OMG, bes! Si Colton, may gusto sa 'yo? For real? Walang halong biro, hindi ba 'to prank?" sunod-sunod na tanong niya. "Hindi si Colton ang tinutukoy ko!" kaagad na sigaw ko kasabay ng pamumula ng mukha. Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya. "Lokohin mo na lahat, 'wag lang ako!" "Hindi nga!" inis na tanggi ko at nakagat ang unan sa sobrang gigil. Patuloy siyang tumawa sa kabilang linya, kaya hindi na ako nakapagsalita kaagad. Alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi ko sa kanyang hindi ako at si Colton ang tinutukoy ko, mukhang wala talaga akong matatago sa babaeng 'yon. "Wait! Haha. Ang sakit na ng tiyan ko, grabe!" hinihingal na saad ni Zylla. "Ikaw Amaia Thrasher Dawson, h'wag mo akong pagsisinungalingan dahil kabisado ko ang bawat liko ng bituka mo!" "Fine! May gusto ako kay Colton, masaya ka na?" asik ko at siniguradong nakatapat ng cell phone sa bibig ko para marinig niya nang malinaw. Natahimik siya sa kabilang linya. Na-imagine ko tuloy ang nanlalaki niyang mata kasabay ng pag-awang ng labi. Nang mangawit ay tumayo na ako sa kama upang dumiretso sa banyo habang hawak pa rin ang cell phone ko. Mukhang hindi na talaga dadating si Colton. Magpapatuloy na sana ako sa banyo nang may mahagip ang mata ko sa pintuan. Standing there was the tallest and most handsome man I've ever seen. He was staring at me, and those kinds of stares were enough to melt my knees. Natuyo ang lalamunan ko at kaagad na nanlaki ang mata nang ma-realise na baka kanina pa siya nakikinig sa usapan namin ni Zylla. "I brought your clothes," he told me, showing me a pair of shorts and an oversized t-shirt. Para akong maiiyak sa sobrang hiya, habang palapit sa kanya upang kunin ang damit. Hindi naman siya mukhang galit ngunit masyadong seryoso ang mukha niya. Hindi ko tuloy mabasa kung anong nasa isip niya. "Thank you," mabilis na sabi ko kay Colton at saka patakbong pumasok sa banyo. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin at napatili nang mahina. I just embarrassed myself in front of the man I liked. Great. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? Hindi ko alam kung paano ako nakatulog nang gabing 'yon. Hiyang-hiya pa rin nang magising ako at mabuti na lang dahil talagang nalasing talaga siya kagabi at hindi nagising ng maaga. I cooked his breakfast before leaving his condo, mayroon kasi akong klase ng alas-otso kaya kailangan kong umalis kaagad. It was a usual day at school. More on quizzes and recitations ang professors namin, kaya hindi na maipinta ang mukha ni Zylla nang makalabas kami ng room. "Nakakainis! Hindi ako naka-review kagabi kaya hindi na ako mag-e-expect na may itataas pa sa itlog ang scores ko! Kaloka," singhal niya at pinapayan ang sarili gamit ang kamay. I laughed and hugged my books. Hinanap ng paningin ko si Colton ngunit himalang, hindi siya nagpakita sa aking ngayon araw. "Hoy! Sinong hinahanap mo?" Maang-maangan akong tumingin kay Zylla. "Asus! 'Yong bebe mo ba? Bakit kaya hindi naman ikaw ang pumunta sa building niya? Tutal, mukhang seryoso ka naman diyaan sa landian niyong dalawa, bakit hindi mo na sagarin?" tumatawang saad niya at hinatak ang buhok ko. "Ang lakas ng boses mo, baka may makarinig sa 'yo!" saway ko sa kanya. "Ano man? Girl, be proud, dahil ikaw ang nakalambat kay Colton. Jusko, maraming nagkakagusto riyan, pero ikaw lang ang pinapansin," nakangising pang-aasar niya sa akin. Pabiro akong tumaray at mahinang hinampas ang braso niya. "Aalis na ako, susubukan kong puntahan siya. Baka nakauwi na rin sila dahil anong oras na, oh," nakangusong saad ko at saka nagpaalam kay Zylla. I walked my way to the building of engineering, and I must say that this is bigger than ours. Mayroon silang sariling court and stadium. It's not my first time going here; may pagkakataon kasi na rito kani nag-PE kaya kabisado ko na ang lugar. Ang problema ko lang ay kung nasaan ang room ni Colton dahil hindi niya nasabi ito sa akin noon. Nang makarating ako sa building ay kaagad akong pumunta sa unang palapag upang doon mag-umpisang maghanap. T-in-ext ko na rin si Colton para sabihing pumunta ako ngunit hindi pa rin siya nagre-reply, siguro ay may klase pa. I continued walking, and I saw some students gazing at me as if I were a lost puppy in their building. I just shook my head and roamed my eyes around the hallway. I saw some of the girls wearing a white blouse and skirt whispering while gazing at me. Napataas ang kilay ko nang mapunta ang tingin nila sa likod ko at kaagad na nagmamadaling umalis. Napasinghap ako nang mabangga ang noo ko sa matigas na bagay nang tumalikod ako. Muntik na akong matumba ngunit may pares na mga braso ang humawak sa bewang ko upang hindi ako matumba sa sahig. I gulped at the sudden touch of our skin. Malakas na kaagad ang kabog ng dibdib ko, kahit na hindi ko pa man nakikita ang mukha ng lalaking kaharap ko. Our gazes locked up to each other when our eyes met. It seems like heaven wanted to embarrass me more today. He bit his lower lip and stared at me intently without minding if everyone was looking at us right now. "What are you doing here?" he asked lowly. I couldn't find any answers, and my tongue seems to be nowhere to be found. I gathered some air and smiled at him faintly before looking away. Shocks, nakakapanghina ng sobra. "I was looking for you," I replied. I saw him in my peripheral vision nodded. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya sa akin ng kaunti. "Yeah. And you looked like a lost puppy here," biglang saad niya kaya mas napasimangot ako. Nanlaki ang mata ko nang ilagay niya ang braso sa balikat ko at saka giniya ako palabas ng building. May mga tao kaming nakakasalubong na tumataas na lang ang kilay kapag sa akin napupunta ang tingin nila. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang hiya. "May gagawin ka pa ba ngayon?" tanong ko nang makarating kami sa parking lot. Sumandal siya sa kotse niya at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok, napakagat ako ng labi nang makita kung gaano siya ka-hot sa ginawa niya. "Wala na. Do you want us to go somewhere?" he asked me. Tumango ako bago nag-iwas ng tingin. "Where?" "I don't know, ikaw ang bahala," matapang na sagot ko. Nakita ko ang pagdaan ng paghanga sa mata niya. Napailing na lang ako sa sarili at pasimpleng kinurot ang kamay. I just found myself sitting inside his car while he was driving smoothly. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon dahil hindi naman niya sinabi kanina nang makaalis kami sa parking lot. I just texted Zylla that I'm with Colton and turned off my phone. "Let's go," saad ni Colton nang makarating kami sa pamilyar na lugar. Nakumpirma ko ngang ito 'yon nang makababa kami, inalalayan niya ako at nilagay ang braso sa balikat ko habang papasok kami ng Spark. Even though it was still afternoon, I could see some people hanging out inside. Dumiretso kami ni Colton sa loob ng isang private room at tumawag siya ng waiter para pagsilbihan kami. "What do you want? Milk, juice, or tea?" tanong niya na nakapagpasimangot sa akin. Kaagad siyang natawa nang makita ang mukha ko. "Kung ano na lang sa 'yo," nakasimangot na tugon ko at tinarayan siya. He laughed and pinched my cheeks before focusing his attention on the waiter. May binanggit siyang pangalan ng alak na hindi ko masyadong naintindihan dahil hindi ako pamilyar doon, nag-order din siya ng sisig, and ilang snacks para sa pulutan namin. All of a sudden, the couch felt too small for the both of us when he closed the small space between us. He encircled his arms around my shoulder, and I felt him sniff my hair. Napakapit ako sa laylayan ng blouse ko nang maramdaman ang magagaan niyang halik sa ulot ko. "How's your day, Softie?" I just sighed and closed my eyes. Focus, Amaia. "Palaging ako na lang ang tinatanong mo, bakit hindi naman ikaw ang magkwento?" "There's nothing interesting in me, Softie," he answered me with no emotion in his eyes. I adjusted my seat and faced him. Nakita kong pinanood niya ang bawat galaw ko. "Why engineering?" I asked confusedly. He lipped his bottom lip and tilted his head a bit, focusing his gaze at me. "Because I love math?" Napasimangot ako. "I hate math," bulong ko at pinagkrus ang braso sa dibdib. Natawa siya at mas lalong hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. Kaunti na lang ay hihimatayin na ako sa sobrang kilig na nararamdaman. "Well, it wasn't hard for me," mayabang na saad niya. Mas natawa siya nang hampasin ko ang dibdib niya. "Hindi kaya! Palagi akong bagsak sa math noon, hindi ko nga alam kung para saan pa 'yon, eh hindi naman tayo mag-i-stats kapag bibili tayo sa tindahan. Tell me, para saan pa 'yon?" Namula ako nang mapansing kanina pa siya nakatitig sa akin habang nagsasalita ako. "You wouldn't appreciate maths if palagi mong itatatak sa utak mo na mahirap ito," explained niya, sa akin na para bang kumakausap siya ng bata. "Fine. Pero hindi ko magugustuhan kahit kailan," pagtatapos ko sa usapan. Hindi na siya nakasagot nang pumasok na ang waiter dala ang mga pagkain at inumin na in-order niya. Nakita kong mayroon doong isang bote ng mamahaling alak at mga pulutan. Halos mapasimangot ako nang makakita ng isang baso ng gatas at orange juice doon, matalas ang tingin na tinignan ko si Colton ngunit nginitian niya lang ako at saka ginulo ang buhok ko. "Don't look at me like that; I don't want you to get drunk and embarrass yourself more in front of me," nakangising saad niya na tila ba mayroong naalala. Napailing na lang ako at kinuha ang orange juice, he also got the bottle of liquor and started pouring some into his glass. Kinuha ko ang sisig at kutsara, nagsimula ko 'yong papakin habang pinapanood siya na inumin ang alak. "Does it taste good?" I asked and got the glass from him. He just stared at me and watched me drink the remaining juice from his glass. Kaagad nalukot ang mukha ko nang matikman ko ang alak. "Pwe!" daing ko at mabilis na kinuha ang juice para mawala ang lasa sa dila ko. Colton laughed. Aliw na aliw siya sa naging reaksyon ko. "Such as softie baby," pang-aasar niya. Tinarayan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain sa pulutan niya, natawa na lang siya at muling tinawag ang waiter para um-order ng kanin. Alam kong inaasar niya lang ako ngunit hindi na ako nagmatigas ng ulo, nagugutom na rin kasi ako. Time passed until he had already finished the two bottles. Um-order pa ulit siya ng isa at mas lalo akong mamangha nang makitang parang wala masyadong epekto sa kanya ang alak. His face was already red, but I can sense that he's still not drunk. Tuwid pa ang tindig niya at maayos ang pagkausap sa akin. "Tama na 'yan, baka hindi na tayo makauwi kapag uminom ka pa ng marami," saway ko sa kanya. I caught him smirking when I got the glass from his hand. Napasinghap ako nang basta na lang niyang kinuha sa akin ang babasaging baso at niligay 'yon sa lamesa. He caught my wrist, and a soft gasp escaped from my lips when he pulled me towards him and made me sit on his lap. "C-Colton," tawag ko sa kanya nang makita ang madilim at madiin na titig niya sa labi ko. He cupped my face, and I saw him lick his lower lip. "Amaia," tila nahihirapang tawag niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang kanyang cell phone at nagsimulang mag-type roon habang nanatiling nakatingin sa akin. Seconds had passed when he put the phone in his ear. "Get us here and drive us home after 5 minutes," Colton said to the person on the other line before he hung up. I was about to speak, but my words got halted when Colton crushed his lips on mine. I just found myself encircling my arms around his neck and responding to his kisses. I groaned when I felt him bit my lower lip and pull it teasingly; his hand was on the back of my head, pulling me and making the kiss deaper. I gasped for air when his kisses went down to my neck. Mahigpit ang hawak ko sa batok ni Colton lalo na nang kagat-kagatin niya ang balat sa leeg ko at nag-iwan ng marka roon. "Ah! Colton!" sigaw ko nang bigla siyang tumayo. Pinulupot niya ang hita ko sa paligid ng katawan niya at walang alinlangan na hiniga ako sa couch. Wala na akong oras para iproseso ang lahat nang muli niyang pinagtagpo ang labi namin at simulan akong halikan. "f**k! Baby, your lips f*****g taste good," Colton muttered, rolling his tongue on my lips. Napasinghap akong muli nang maramdaman ang kamay niya sa gilid ng dibdib ko. He caressed me there, but his hand immediately went down to my stomach. He was like restraining himself from wanting more... from touching me more. "Push me, Amaia, if you don't want this," he said, lifting himself and whispering in my ears. Umawang ang labi ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa loob ng blouse ko. He caressed my bare skin until his calloused hand touched my brassiere. Napakagat ako sa labi at nalalasing na tinignan si Colton. Hindi ko alam ngunit hindi ko na maramdaman ang takot na nararamdaman ko noon. Gusto ko na lang na magpatuloy siya at hayaan siyang gawin ang gustong gawin niya sa akin ngayon gabi. He lifted the hem of my blouse, but it was not enough to expose my skin. His patience seems to have gotten lost, and he immediately undone my buttons. Muli niyang hinalikan ang labi ko ngunit pareho kaming natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto. "f**k! f**k! Get out, dickhead!" he roared and covered me with his body. Nahihiya akong mag-iwas ng tingin at hinayaan si Colton na ibalik ang pagkakabutones ng damit ko. "'Tangina naman, Kenward! Pinapunta mo ako rito para panoorin kayo?" sigaw ng lalaking pumasok na ngayon ay nakatalikod sa amin. "f**k you, Crivello! Putangina mo, papatayin kita kapag tumingin ka!" sigaw ni Colton sa lalaki at saka seryosong tinignan ang itsura ko. Inayos niya ang buhok ko at saka napabuntong hininga. Nahihiya akong tumigin sa kanya at halos mangilid ang luha dahil sa nangyari. "Don't cry, baby. We'll continue this in my condo," he whispered, kissing my forehead. Napasinghap ako nang buhatin niya ako nang parang bagong kasal. Automatikong pumaikot ang braso ko sa kamay niya, at seryosong tinitigan ang namumula niyang mukha. Labas din ang ugat sa leeg niya at gumagalaw ang panga sa sobrang galit na nararamdaman. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinatakan ng halik sa pisngi. Natigilan naman siya at hindi makapaniwalang tumigin sa akin. "Amaia, we're not yet in my condo, so as much as possible, I'm f*****g restraining myself. Please, cooperate," pagmamakaawa niya. Natawa ako at pinisil ang kanyang pisngi. "Sige na po, umuwi na tayo," nakangiting saad ko. "Hustisya naman, sa harap ko talaga kayo maglalandian?" reklamo ng lalaking kanina pa kami pinapanood. "Shut up, Azrael," pambabara sa kanya ni Colton. He started walking, and I was just staring at his face as he left the place. "Colton," I called him when I felt the urge to say those words that I was eager to tell him. "I don't know why, but I'm already this comfortable with you. Please don't break my heart; I trust you," mahinang bulong ko at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib. Hindi ko narinig ang sagot niya ngunit sapat na ang malakas na kabog ng kanyang dibdib na sumasabay sa pagtibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD