"Gaga ka! Ano 'yong balita na nakita raw kayong magkasama ni Colton sa coffee shop kagabi? Ikaw ah, naglilihim ka na sa 'kin," nangigigil na bungad sa 'kin ni Zylla nang makarating ako sa upuan ko. Wala pa ang professor namin, kaya wala pa sa ayos ang klase. Tatlumpung minuto pa naman bago magsimula ang klase kaya maaga pa.
"Paano mo nalaman?" curious na tanong ko. Nagkita lang kami kagabi dahil sinauli ko sa kanya ang pinahiram niya sa akin na hoodie. Hindi ko naman alam na may mga tao palang interesado sa amin. "Malamang! Kalat na kalat kayo ngayon sa campus, 'yang pagkikita niyo."
My forehead creased. Bakit gano'n na lang sila kainteresado sa aming dalawa ni Colton? Hindi ko pa rin maintindihan. Hindi na ako dinaldal pa ni Zylla nang makitang naglabas ako ng libro para mag-advance reading. Napangiti ako nang maalala si Colton. Dalawang linggo na simula nang magising ako sa condo niya at doon nagsimula ang lahat. We became close, but not that close. We're comfortable with each other, and that's already enough. At isa pa, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan base na rin sa pagpapatuloy niya sa akin si condo niya noon.
"Pst, Amaia. Anong sagot sa four? Nabasa ko na 'to, nakalimutan ko lang," tawag sa 'kin ni Zylla habang nakayuko upang hindi mapansin ng professor namin. We were having a 20-item quiz, and for me, it's not that difficult. We should just analyse the question and give the best answer we can. Yumuko rin ako at bahagyang sinilip ang bantay namin, nang makitang abala ito sa pag-check ng phone niya ay saka ako bumaling kay Zylla.
"Magsagot ka riyan, maalala mo rin 'yan," pigil ang tawang sagot ko at saka bumalik sa pag-answer ng quiz. When we were done, her face was already looking at me madly. Natawa ako bago kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng room. Mabilis naman siyang sumunod sa akin at hinampas ang braso ko. Hindi naman gano'n kasakit ngunit napa-aray pa rin ako. Masyado kasing mabigat ang kamay ng babaeng 'to.
"Hindi ko tanggap! Nakakabobo talaga ang subject ni Miss Pricilla, para akong nawawala sa sarili kapag kaharap ko na mga lessons niya," nakasimangot na dagdag niya pa. I laughed and roamed my eyes around the hallway. Nag-text kasi sa akin si Colton at sinabing pupuntahan niya ako sa building namin. We were at the same university but in a different building. He was taking engineering while I'm taking business administration.
Kaagad napunta sa kanya ang atensyon ng lahat nang magsimula siyang maglakad papunta sa amin. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ito ang unang beses na makaramdam ako sa kanya ng kiliti sa tiyan sa tuwing nakikita ko siya ngunit hindi pa rin ako masanay-sanay. Zylla held my arm tight, and I saw her grinning from ear to ear, obviously teasing me.
"Proud na ako sa 'yo, friend," she whispered and squealed like a pig. Napailing ako bago nakangiting hinarap si Colton. He stopped in front of me and stared into my eyes. I examine him, and there is no doubt that many girls are drooling at him every time they see him. He's only wearing black pants and a white polo shirt, but that won't stop the girls from admiring him. Pati ako ay halos matulala dahil kahit anong isuot sa kanya ay babagay lahat.
"Hi," he greeted me, and I heard my classmate's gasp. Napatingin ako kay Zylla at tinanguan niya lang ako. Kahit nahihiya ay hinawakan ko ang braso ni Colton upang hatakin siya paalis. Hindi ko na nagugustuhan ang paraan ng pagtingin sa kanya ng ilang babae. Dinala ko siya sa likod ng university kung saan ako madalas tumambay. N'on ko lang din napansin na may hawak pa lang siyang paper bag na kanina pa niya bitbit.
"Pasensya ka na sa mga classmate ko. Dinala kita rito kasi alam kong baka hindi ka rin maging komportable sa kanila," nahihiyang paliwanag ko at nag-iwas ng tingin nang makita ang mapanukso niyang tingin.
"Really?" he asked, caressing my chin. Nakagat ko ang labi upang pigilan ang sarili sa pagtili.
Dahan-dahan akong tumango at buong tapang na hinarap siya kahit na sobrang nanghihina ang tuhod ko sa lapit namin. "A-Ano ba 'yang dala mo? P-Para sa 'kin ba 'yan?" pag-iiba ko sa usapan.
Sinilip niya ang laman sa paper bag at nahihiyang napakamot sa batok. Nagmukha tuloy siyang bata na umaamin sa isang babae na crush niya ito. "Ah, this? I cooked for us. I'm not really used to cooking, but I hope you would like this," he muttered, handing me the paper bag. I opened it, and a soft gasp escaped from my lips when I saw my favourite dishes there.
"Tara, kainin na natin 'to!" excited na saad ko at hinatak ang kamay niya papunta sa isang malaking puno. Gamit ang ilang nahulog na sanga ay tinaboy niya ang mga dahon at dumi sa pwesto namin at doon ako pinaupo malapit sa malaking ugat. He also sat beside me, and I felt my stomach grumble as soon as my nostrils reached the aroma of my favourite dish. Natutuwang pinagmasdan ko si Colton na ilatag sa harap namin ang lahat ng niluto niya. We also used the paper bag as a tablecloth for the food.
"Taste this; I hope this tastes nice," nangingiting sabi niya at sumandok ng puchero. Napangiti ako nang dahan-dahan niya 'yong tinapat sa bibig ko at kaagad kumalat sa dila ko ang lasa nang maisubo ko ang ulam. He was smiling at me, but I saw swears start to form on his forehead, probably nervous for my reaction. Tumango-tango ako nang malunok ko ang lahat. Nginitian ko siya ng malaki bago nag-thumbs up.
"Perfect puchero! Simula ngayon ipagluluto mo na ako nito palagi. Okay ba sa 'yo 'yon? Sobrang sarap nito, hindi ako magsasawang kainin 'to buong buhay ko," natatawang saad ko sa kanya. Natawa rin siya dahil sa sinabi ko ngunit napasimangot na lang ako nang pitikin niya ang noo ko. "You're overreacting. I know my cooking was bad," nakasimangot na saad niya.
"Hindi kaya! Not bad for a beginner like you, mas masarap pa 'to kaysa sa binebentang puchero sa canteen," paliwanag ko sa kanya. To be honest, the puchero doesn't taste perfect, but I loved it. Kaunti na lang ay makukuha niya na ang tamang lasa ngunit masarap pa rin naman ang luto niya. I know he made an effort to cook for me at nakakataba ng puso'yon.
"How's your day?" like his usual routine, he asked me. Napangiti ako bago nilunok ang pagkain. Ito ang pinakagusto ko na palagi niyang ginagawa. He always asks how my day went, and he often listens to all my stories, whether they're rants or something funny.
"I got a perfect score kanina sa exam," nakangiting balita ko sa kanya. He smiled at me and patted my head. Namula ang pisngi ko kaagad sa ginawa niya. I put the food in my mouth and looked away to hide my crimson-red face.
"Good job; you deserve a reward then," he said, pinching my cheeks. "Reward? Ano namang reward 'yan?" nakataas ang kilay na tanong ko. He bent down, and I felt my heart take a sudden leap when I felt his soft lips touch my left cheek. I was dumbfounded. I blink twice or three times to process everything. He moved a bit and stared at my face. Hindi ko alam kung paano magre-react dahil kasalukuyan pa ring puno ng pagkain ang pisngi ko.
"I'm so proud of you, Softie," he whispered, tucking some strands of my hair behind my ear. Nag-iwas muli ako ng tingin at pilit na pinakalma ang naghuhuramentado kong puso. Gusto kong sumigaw at magtatatalon-talon ngunit hindi kaya ng nanghihina kong tuhod.
"Kumain ka nga rin diyaan! Matatapos na ang break time, puro ka kalokohan," singhal ko sa kanya para itago ang pagkahiya. He nodded and joined me. Hindi na ako nagsalita ulit kahit na patuloy niya pa rin akong kinukulit. I admit, I was really comfortable with his presence. He never failed to make me feel safe and secure around him.
"I was living in my condo alone ever since I started my college course here. I left Manila to study here in Bulacan and also continue my music career," saad ni Colton habang nakatingin sa malawak na lupain. Tinignan ko ang mukha niya at nakita kung gaano kaseryoso siya ngayon. "Music career? Kumakanta ka?" gulat na tanong ko.
I mean, he never told me that! May nakita akong gitara noon sa condo niya, pero akala ko ay display lang ito. Hindi ko naman alam na may talent pala siya pagdating sa musika. "I'm not a vocalist, but I'm the bassist of our band," paliwanag niya. Dahan-dahan akong napatango at saka nakangiting hinarap siya.
"Tugtungan mo 'ko," nakangiting saad ko at humawak sa braso niya. Nagugulat siyang tumingin sa kamay ko ngunit tila ba biglang nawala ang hiya ko sa katawan. Magsasalita pa sana ulit siya nang tumunog ang phone ko. It was Zylla; she texted me and told me that our professor wouldn't be able to go for our last class. Pinayagan kaming umuwi at sa bahay na gawin ang inaatas niyang gawain.
I grinned and looked at Colton. "May gagawin ka pa ba after ng lunch break?" tanong ko, umaasa na sasabihin niyang wala. I watched how Adam's apple moved downward when his stare fell on my lips. "W-Wala na."
"Good! Puwede tayong pumunta sa condo mo? Gusto kong marinig na tumugtog ka," nakangiting saad ko at saka tumayo. He watched me offer my hand to him, and I smiled wide when he held my hand as he stood. Hindi na siya nakatanggi dahil nakita niya talagang gusto kong makita siyang tumugtog. Masyado lang akong na-excite dahil ngayon ko lang nalaman na miyembro siya ng isang banda.
"Ga'no na katagal ang banda niyo? At saka, bakit parang hindi kita nakikitang tumutugtog dati?" kunot ang noong tanong ko habang busy siya sa pagda-drive. He glanced at me for a while before focusing on driving. "Eight? Or nine years? I'm not sure because we don't have an official date where we started the band. We just often hang out with each other, and as time passes, we realise that we can take the band seriously."
Napatango ako sa sinabi niya. "Ang galing naman pala," bulong ko na lang. Hindi na siya nagsalita pagtapos n'on. He parked the car and assisted me in getting it down. Hindi ko mapigilang pamulahan nang maalala ang unang beses na napunta ako sa condo niya. I just want to forget those and make new memories with him. 'Yon maayos na ang kalagayan ko at hindi na puro kahihiyan ang ginagawa.
We entered his condo, and that's the only time I realised that he has a huge place for someone like him living alone. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napansing puro kulay puti at grey ang theme sa paligid. Pinaupo niya ako sa living room. Malinis ang paligid at halos mapagmakamalan mong babae ang nakatira rito sa sobrang linis.
"Wow. Hindi ko akalain na ganito ka pala kalinis sa bahay," hindi ko na napigilang ibulalas. Nginitian niya ako at saka tumabi sa akin. Nagulat ako nang hatakin niya ang kamay ko hanggang sa magkadikit na ang balat namin. I gulped when a sudden electricity ran down my spine. There's only a small space between us, and his stares caused my inside havoc.
"Of course, I'm not sure where you will visit this house again, so I have to," he said. Para akong tanga na nagtatakang tumingin sa kanya dahil hindi ko naproseso ang sinabi niya. He just smiled at me and held my hand. Pinanood ko kung paano niya pinagsiklop ang mga kamay namin habang seryoso siyang nakatingin sa mukha ko.
"I'm happy, Amaia, that you trusted me this much. I thought you're just kidding when you said that you want to go to my place," said Colton at hinalikan ang likod ng palad ko. "Bakit naman kita hindi pagkakatiwalaan?"
"We just met each other weeks ago, didn't we? So I thought you wouldn't want to spend your time with me in this kind of private area." Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang nakakapaso niyang palad sa hita ko. Hindi ko alam ngunit gano'n na lang talaga para sa akin kadali na pagkatiwalaan siya. Masyadong magaan ang loob ko sa kanya matapos niya akong pakitaan ng kabutihan nang malasing ako.
"I can trust you, naman, 'di ba? Wala ka namang gagawing masama sa 'kin dito?" nauutal na tanong ko nang maramdaman ang kamay niya na unti-unting gumagaw sa hita ko. Kahit na naka-skirt ako ay ramdam ko pa rin ang mainit na palad niya sa hita ko. Para akong sinisilaban sa init, hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan.
"I'm not certain, Amaia. I always lose my sanity whenever I'm with you," he whispered, and a soft gasp escaped from my lips when he leaned at me and kissed my ear. Napahawak ako sa damit niya at mahigpit na kumapit doon. "I'm not a saint, Amaia. I am also attracted to you. Every time I hear your voice, it's like a heaven sings for me. Every time you giggle over silly things, it would make my heart jump out of joy. Every time I touch your hand and caress it like this, I can't control myself from wanting more. From wanting more from you."
Natulala ako sa sinabi niya. Sinubukan kong iproseso ang lahat ngunit sadyang nakaka-distract ang palad niyang nakapatong sa hita ko. Nakaramdam bigla ako nang kaba nang ilapit sa akin ni Colton ang kanyang mukha hanggang sa nagtagpo ang tungki ng ilong namin. "I like you, Amaia. It's too obvious, but I only want you for myself. Mine alone, Amaia," he muttered, which made my heart go wild.
My mouth agape, and I was about to ask if he's telling the truth when he crushed his lips on mine. I gasped and held onto his shirt for support. I closed my eyes and felt his soft lips against mine. I don't know what to do next or what next step I should take. I just remain submissive to him and let him devour my lips like a predator. Napadaing ako nang kinagat niya ang pang-ibabang labi ko. Sinubukan ko siyang itulak nang hindi na ako halos makahinga ngunit hindi siya nagpatinag at mas lalong diniin ang batok ko sa kanya.
I gripped his shirt tightly and moaned in pain when he bit my bottom lip and pulled it so tightly that I could almost taste rust. My lips bled because of the intensity of his kiss. His lips travelled from my cheeks down to my jaw. Hinihingal na yumakap ako sa batok niya nang maramdaman kong nagsimulang maglakbay ang kamay niya paitaas sa hita ko.
"Colton," natatakot na tawag ko sa kanya dahil hindi ko na halos maiproseso ang lahat ng mga nangyayari. "Ah! Stop, please! Stop!" naiiyak na sigaw ko nang pumasok ang kamay niya sa suot kong blouse. Tila doon lang siya natauhan at mabilis na umalis sa ibabaw ko. Hindi ko alam ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa nararanasan ito at ngayon pa lang. Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganitong init sa katawan.
"f**k! I'm sorry, Amaia. I'm f*****g sorry," natatarantang saad niya at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis ko 'yong inilag na mas ikinatakot niya.
"A-Amaia..."
"I don't know, Colton. It's my first time doing this. N-Natatakot ako," paliwanag ko at tuluyang napaluha. I hugged my shaking body and stared at the floor. I was still processing everything. I couldn't believe that I let someone kiss and touch me like he did. I admit, I liked it at first, but the feeling was so intense that I felt overwhelmed, and fear started creeping up on my body.
"I'm sorry if you felt violated. I won't do that again. I'm sorry, Amaia," mahinang saad ni Colton sa akin at saka iniwan akong mag-isa sa living room. Napabuntong hininga ako at sumandal sa couch. Pinanood ko ang paglabas niya ng sariling condo. Hindi ko alam ngunit kahit na nangyari na 'yon ay hindi ko magawang umalis sa lugar niya. I guess I just overreacted. And one more thing: I obviously gave him permission to touch me the moment I moaned his name.
"Ang gaga mo talaga, Amaia," naiinis na bulong ko sa sarili at lalong napasabunot. Imbis na magmukmok ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. I want to talk to Colton first. I didn't mean to offend him like that. I want to clear everything first before leaving his condo. I looked around the kitchen and smiled a bit when I noticed that he has everything in this place. Kaysa maghintay lang ay napagdesisyunan kong paglutuan siya. I saw meat in the fridge, and I was surprised to see that he has vegetables here.
Pinagluto ko na lang siya ng nilagang baboy habang nagpapalipas ng oras. I waited for him for two hours, and I lost hope when the clock struck 10p.m. and he didn't arrive. Tinakpan ko muna ang lahat ng niluto ko at saka lumabas sa kusina. Kinuha ko na ang lahat ng gamit ko para maghanda sa pag-alis. I was about to open the door when someone hung it open. My mouth agaped when I met Colton's cold eyes. He was shocked too; I saw how his brows furrowed upon seeing me.
"You're still here?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng hiya. Hindi ko alam, nawala lahat ng tapang na mayroon ako kanina.
"Pasensya na, aalis na 'ko," nagmamadaling saad ko. Akmang lalabas ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko at isandal ako sa pinto. Napasinghap ako nang maamoy ang alak sa hininga niya. Mapungay rin ang mga mata niya at tila na ay kaunti na lang ay pipikit na.
"I wasn't expecting you here after what I did to you. I'm sorry, Amaia. I lost control to myself. I promise, I won't do that again. I don't want you to be uncomfortable around me, so please forgive me," nagmamakaawang saad niya at hinaplos ang namumula kong pisngi. Mapungay rin ang matang tinitigan ko siya at saka napangiti ng maliit. He looked so cute and hot right now. Nakakataba sa puso na malamang handa siyang gawin ang lahat para mapatawad ko lang siya.
"I'm sorry too. I overreacted," paumanhin ko. He shook his head, held my hand, and brought it to his face. Napangiti ako lalo sa ginawa niya.
"It's not your fault, Amaia. I should have controlled myself earlier. I'm sorry. Every time you're around, I just lose my sanity and always aim to touch you."
"Puwede bang h'wag na muna natin pag-usapan ang nangyari kanina? Pumasok ka muna sa loob, nagluto ako ng pagkain para sa 'yo." I saw him smile. "Really?"
Nakangiti akong tumango. "Saka na nating pag-usapan 'yon kapag hindi ka na nakainom ng alak," dagdag ko pa at hinila siya papunta sa kusina. Binaba ko muna ang bag ko at nagsimulang ipaghain siya ng pagkain. Pinainit ko muna ulit ang nilagang baboy at habang naghihintay ay naramdamam ko ang presensya niya sa likod ko.
"B-Bakit?" natatarantang tanong ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. His sleepy eyes made him cuter. Napailing na lang ako sa iniisip at pilit na nakipaglaban sa mata niya. "I meant everything earlier, Amaia. Please don't forget it," nagmamakaawang saad niya.
"Oo na. Umupo ka muna roon at hintayin ako, baka bigla ka na lang bumagsak diyaan," saad ko dahil halos hindi na rin siya tuwid kung makatayo. "Really? I hope you will always remember my confession, Amaia. I'm serious, I really like you a lot."
He pulled me into a hug and buried his face on my neck before I could even react. Tulala kong tinignan ang kulay puting pader ng kusina habang paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang lahat ng kanyang sinabi.