Episode Four

1195 Words
. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog mula nang makarating sa Condo. Tumagilid ako upang masipat ang alarm clock na nakapatong sa side table sa tabi ng aking kama. Alas diyes na pala, masiyadong napasarap ang tulog ko. Kumakalam na rin ang aking tiyan sa gutom. Sandali muna akong naupo sa aking kama't nagpalinga-linga sa loob ng aking silid. Mula sa loob ay tanaw ko ang mamula-mula na kalangitan, may ilang piraso ng bituan na nagkalat sa paligid niyon. Napansin ko rin ang nagdurugong pisngi ng malaking buwan ngayon. It's a full moon. Tumayo na ako't nagtungo sa kusina. Iinom muna ako ng tubig bago kumain. Nilalagok ko ang laman ng boteng galing sa refrigirator nang bigla kong maalala ang babae na kasama ko kanina. Tuluyan na ngang dito siya kumain at natulog ngayong gabi. Teka, sa salas ko siya iniwanan, ha. Asan na 'yon? Hinanap ko siya sa bawat sulok ng salas ngunit wala akong nakita ni anino niya. Hindi kaya umalis na 'yon? Nang hindi nagpaalam? How rude! Pababayaan ko na sana ang pagkawala niya nang may mapansin akong kakaiba sa banyo. Nakasiwang ang pinto at nakabukas ang ilaw do'n. Narito pa siya? Ano ba 'yan! Ba't hindi siya naglo-lock? Mukhang naroon nga siya sa loob. Lumapit ako, hindi ko naman balak na bosohan siya. Aalamin ko lang kung anong ginagawa niya. Alam ba niya ang paggamit ng Comfort room? Baka naman binalahura na niya ang C.r ko. "Celestina? Andiyan ka ba?" Pagtawag ko sa kaniya. Nag-antay ako ng sagot ngunit wala akong napala. Aalis na sana ako nang mapansin ang tila buntot na kumakawag ang dulo sa nakabukas na pintuan. Napaatrsa ako dahil wala naman akong alagang aso o pusa. Nilukuban ako ng kaba sa dibdib, napasok ata ako nang magnanakaw at nagdala pa ng alaga niyang aso. Tinangay kaya nila si Celestina? Dinampot ko ang flower vase na nakapatong sa lamesa bago bumalik sa pinto ng c.r. Pupuk-pukin ko kaagad ang magnanakaw na 'to. Nagbilang muna ako hanggang tatlo bago tuluyang binuksan ang pintuan. Labis-labis ang pagsisisi ko, sana pala'y hinayaan ko na lang 'yon at bumalik sa king silid. Tumambad sa 'kin ang isang mabalahibong nilalang na nakasalampak sa sahig at nginangata ang karne ng manok na mukhang galing pa sa fridge ko. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kabuuan niya. Ang tanging alam ko'y mahaba ang kaniyang mga tenga at may buntot siyang mahaba parang sa aso. Mabalahibo siya, sa buong katawan niya. Teka! Tao siya, oo tao nga. Ito ba ang sinasabi nilang aswang? Pero paano nakapasok ang gano'n sa unit ko? May high security ang building na ito. Tila ba sarap na sarap ang nilalang sa pagngata sa karne na kaniyang hawak. Nanatili ako sa pagka-estatwa dahil sa gulat at takot. Ni-hindi ko maikilos ang aking mga paa palayo. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako namatay sa karagatan, pero mukhang dito oo na. Kinapa ko ang aking lakas at pinilit na buhatin ang aking mga paa. Dahan-dahan ay nagawa kong iatras ang mga iyon palayo sa banyo. Dahan-dahan. . . Habang hindi siya nakatingin at hindi niya ako napapansin. Umabot na ako sa may lababo, konti na lang mararating ko na ang aking silid. Makakatawag na ako ng saklolo kapag ganu'n. Ngunit sa kasamaang palad ay natisod ko ang silya na nakaawang sa mahabang lamesa. Shit. Katapusan ko na. Nanlaki ang aking mata sa pakiramdam na alam kong kumikilos ang nilalang na kasama ko. Nadinig ko ang ilang kislot at pagdausdos ng kaniyang puwetan sa malamig na tiles. Ilang beses kong nilunok ang aking laway at nagbitaw ng mga dasal. Halimaw! Isa siyang halimaw! Pasuray-suray na naglakad ang nilalang palabas sa banyo. . . At palapit sa direksyon ko. Ngayon ay masisilo na ata niya ako, ayokong maging agahan ng isang halimaw. Naiisip ko kung paano babaon ang matatalim niyang kuko sa aking balat ay kinikilabutan na agad ako. Hindi na ako makaatras dahil dead end na ang puwesto kung nasaan ang stove, at narito ako ngayon. Hindi na ako makakilos dahil baka biglang sakmalin niya na lang ako kapag ako'y tumakas. Ilang dipa na lang ang layo niya sa akin. Pumikit na 'ko sa pagkakataong ito... Wala akong maisip na puwedeng gawin. Dama ko na ang mabigat at malakas niyang paghinga, resulta na nasa tapat ko na siya. Ang buntot niya’y kumawag sa aking mga braso. Umungol siya ng bahagya habang inaamoy-amoy ako. Makai-ipon na ata ako ng isang baso ng laway kakalunok niyon. Grawl. Minulat ko ang mga mata ko, halos maglapat na nga ang aming mukha. Tinitigan ko siya. Pamilyar ang kaniyang mga matang kakulay ng nalantang dahon. Hindi kaya. . . Celestina? ... Pupungas-pungas akong bumangon mula sa malambot na nahihigaan ko. Paglingon ko sa kaliwa'y napapikit na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mga mata. Nahawi na pala ang puting kurtinang nakatabing sa mababasagin kong salaming bintana. Ang sama ng aking panaginip! Sa'n ko ba napulot ang idea nang pagkakaro'n ng halimaw sa bahay ko? Humikab ako't napabahing pa sa masamang amoy na pumasok sa aking ilong. Ba't amoy bawang? Napapikit ako sandali, parang gusto ko pang matulog. Ayoko pang pumasok sa restaurant at magtrabaho. Sinusukluban ako ng katamaran sa araw na 'to. "Inaantok pa 'ko--" Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ang kung ano na tumama sa aking mukha. Pagmulat ko'y nabungaran ko ang isang pamilyar na pigura ng isang babae. Nakapuyod ang mahaba at maitim nitong buhok. Suot rin niya ang apron na parati kong ginagamit sa t'wing nagluluto. Maging ang t-shirt ko at jogger pants ay nakakapit din sa kaniyang katawan. "Kanina pa 'to tumutunog, hindi ko alam ang gagawin," bungad niya sa 'kin. Inaabot niya ang cellphone ko. Hindi agad ako nakapag-react sa sinasabi niya. Nanatili akong nakatanga sa kaniyang mukha. Maganda siya. "Hoy!" Muli niyang inawag ang cellphone sa mukha ko. "Mukha kang kaluluwang ligaw, walang reaksiyon sa presensya mo." Ibinato na niya sa akin ang hawak niya. "Nagluto ako, pumunta ka na lang dito." Walang anu-ano'y nagmartsa na siya palayo. “Nagluto?” gulat kong tanong rito. “Akala ko ba ay isa kang ‘you-know’” Isinenyas ko ang ang mga daliri sa aking harapan. “Nagluluto pa ba sa Afterlife?” “Hindi. Ngunit sa kakayahan naming makihalubilo sa mga tao ay natututo kami ng mga bagay-bagay. Hindi na rin mahirap maghanap ng solusyon ay dahil para bang inilalapit na lang nang mabilis sa mga tao ang mga nais nilang matutunan.” Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaglalaban niya ngunit napatango pa rin ako dahil may punta naman siya roon. Teknolohiya na ang isa sa nagpapatakbo sa mundo. “Nga pala, may napansin ka bang kakaiba rito kanina?” Ikinukwento ko sa kaniya ang tungkol sa nakakatakot kong experience kagabi, ngunit walang naisagiot na matino si Celestina sa akin. Wala raw siyang napansin maliban sa makalat na kusina. “Bakit?” “Ah, wala, wala nevermind. Ang mabuti pa’y kumain na tayo. Kailangan kong magreport sa Opisina ko, sumama ka, dahil pagkatapos ay pupunta tayo sa presinto upang i-file ang tungkol sa iyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD