Episode Three

1620 Words
Gumulong ako sa pagkakahiga dahil may kung ano'ng pumatak sa mukha ko. Ngunit napa-isod muli ako nang hindi tuminag ang kung ano mang tumulo sa aking katawan. At maya-maya pa'y napabalikwas na ako ng bangon dahil biglang dumami ang patak na nasalo ko. Sh*t! Umuulan pala, nakalimutan kong nakahiga ako sa buhanging papag ng Isla kung sa'n kami na-stranded. "Sabi ko sa'yo maaga kang gumising kasi uulan." Nilingon ko ang nagsalita mula sa aking likuran. Nakatayo ang babae habang may hawak na malaking dahon na siyang ginamit niya pantapal sa galit ng kalangitan. "Tumayo ka na diyan, lumalakas na talaga ang ulan." Tinalikuran niya ako't nagtungo sa may puno, papasok sa gubat. "Ang malas ko!" Tumayo na rin ako habang pinapagpagan ang sarili. Ang bodyfit pa ng suot ko kaya medyo bumabakat ang katawan ko sa itim na swimming gear na gamit ko. "Makikinig ka sa 'kin dahil alam ko ang mangyayari," ani babae nang malapit ako sa kaniya. Naupo ako sa tabi niya't pinakatitigan siya. Sa'n ba talaga galing ang babae na 'to. Tunay nga ba ang sinasabi n'yang isa siyang taga-sundo? Alagad ng kamatayan? Argh! Impossible. Napailing-iling ako bago muling bumaling sa kan'ya. "Sabihin mo, sino ang nagkulong sa'yo sa barko na 'yon?" Gusto ko lang alamin kung ano-ano ba ang isasagot niya sa 'kin. Ilang saglit din siyang nanahimik. Sabi ko na nga ba, this is just a prank. Kasali ata ang babae na 'to sa isang budol-budol gang. Papaniwalaan ako at kukunin ang loob, pagkatapos ay ipapa-patay at pagnanakawan. "Si Amadeyus ang nagkulong sa 'kin sa lugar na iyon. Siya ang Hari ng kabilang mundo." Wow! Interisente ang istorya niya ha, may pa hari pang nalalaman–fantasy. "At bakit naman?" Hindi sa naniniwala ako sa sinasabi niya ha. Curios lang sa mga sasabihin pa n'ya. "Dahil umibig ako sa isang tao, at tinraydor ako nito. Sinabi ko sa kaniya lahat ng tungkol sa mundo namin. At isiniwalat naman niya 'yon sa mundong 'to. Isang paglabag sa batas sa kabilang buhay ang nangyari." "Kabilang buhay?" I asked her. Konti na lang mabibilib na ako sa kaniya. "Oo. Sa mundong 'yon nagaganap ang paglilitis sa mga kaluluwang lumisan na sa lupa. Do'n masusuri kung dapat ka bang mapunta sa langit o impiyerno. "Paglilitis? So may attorney do'n? Judge?" "Ang may mataas na ranggo na taga-sundo ang nagsisilbing kapitan ng isang grupo. Siya ang magiging abogado ng nasasakdal na kaluluwa. Mayro'n siyang dalawang kasama, ang tagapag-negosasyon at ang tagapangalaga ng seguridad." Nangunot lalo ang noo ko sa kaniya. Creepy na s'ya as of this moment. "Sa kabilang buhay ay may anim kang hukuman na dadaanan. . . Ang silid ng Pagpatay, Ilog ng Katamaran, Salamin ng Pagta-traydor, Bulkan ng Pagbubulag-bulagan, Gubat ng Kasinungalingan at Hawla ng Pangangalunya. Depende sa gaan o bigat ng mga kasalanang nagawa ng nasasakdal no'ng nabubuhay pa siya ang kaniyang pagdadaanan. At lahat ng iyon ay sinasala ni Amadeyus." Mahaba niyang salaysay sa 'kin. "So, kung mamamatay ako ngayon? Dadalhin mo 'ko ro'n sa sinasabi mong 'kabilang buhay'?" alangan kong tanong sa kaniya. Na-intriga ako sa mga sinabi niyang hukuman, parang gusto kong makita 'yon o mapuntahan. "Hindi. Bawat tao’y may nakatalagang taga-sundo na magdadala sa kanila sa kabilang buhay. Ngunit puwede rin naman, magkakaro'n lang ng pagbabago sa takbo ng paghuhukom sa ‘yo kapag sumama ka nang kusa sa isang taga-sundo o isinama ka niya ng sapilitan." "A-anong klaseng pagbabago?" maang na tanong ko sa babaeng katabi kong nakaupo. Hindi na kalakasan ang buhos nang nagngangalit na langit. "Idadaan ka sa pinakamahirap na direksyon patungo sa bawat hukuman, bibigyan ka ng mas mabigat na pagsubok o di kaya’y doon ka na iiwan." "Ang weird naman no'n," turan ko. Halatang gawa-gawa ang kuwento, eh. Nilingon niya ako't ginawaran ng kalmado at malamlam na anyo. "'Wag kang mag-alala, hindi ka naman mamamatay hangga't hindi ko pinapahintulot." Nagulumihan at kinilabutan ako sa sinabi niya. Baliw nga talaga ang isang 'to! Sorry, pero hindi ko siya type. "Tumayo ka na, parating na ang tutulong sa 'tin," anito bago ako iniwan at nag-umpisang maglakad sa may pampang. Tutulong? Tumayo ako't sinundan siya. Tuluyan na ngang tumila ang ulan, basang-basa na ako at nilalamig. Sana nga'y may dumating na rescuer upang sagipin kami. At kapag nangyari 'yon, pangako maniniwala ako sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to. "Ayun na!" Napalingon ako sa direksiyon tinuro niya. Naningkit ang aking mata sa kadahilanang pilit kong tinatansiya kung ano ang puting paparating na iyon. Malayo pa kasi kaya hindi ko mawari kung ano. "Marjorie." Ilang minuto pa'y napagtanto ko na ang aking yate ang sasakyang pandagat na patungo sa direksiyon namin. Iniluwa niyon ang kaibigan kong si Kervin at bodyguard na si Sam. Thanks God! Ikinuwento ni Kervin ang ginawa nilang paghahanap sa akin nang makasakay kami sa Yate. Kung saan-saan na parte raw sila nang karagatan napadpad ngunit walang nakitang clue kung nasaan ako. Maging ang Isla na kinapadpadan namin na ngayon lang raw lumitaw sa paningin nila. Ang suspicious nang mga pangyayari. Ano 'yon may invisible barrier na nagtago sa 'min sa lugar na 'yon? Sinulyapan ko ang nakaupong si Celestina at nakatanaw sa malawak na karagatan. May kinalaman kaya siya sa nangyari? I smirked, like as if I belived all her stories. Ilang beses ring nagtanong si Kervin tungkol sa babaeng kasama ko. I can't tell her any of the story that the girl told me. For sure, pagtatawanan niya ako nang sobra. I just told him na diver din siya who helped me from the danger I'm into yesterday. And he believes it ***** We arrived in front of my Condo's building late in the afternoon. I asked Celestina several time where will she go, para nga maipahatid ko siya. But she just said, she'll go with me. I don't think na aside from being a scammer ay w***e rin siya. Bakit siya sasama sa akin? I don't have time for a f*ck up this day, I'm tired. "Nakadugtong na 'ko sa'yo Aion, lahat ng masamang mangyayari sa 'kin palagi kang masasabit. Kaya kailangang magsama tayo." Walang kiyeme na sambit niya sa pagmumukha ko. Aba! At balak pa akong asawahin nito? Pipikutin pa ata ako, ha. "Dugo mo ang gumising sa 'kin, kaya kargo mo ako ngayon." Humagalpak ako sa sinabi niya. "Sabi ko na nga ba, balak mo talaga 'to eh. I-guilty mo ako sa pagtulong mo sa 'kin para makapanghuthot ka." Tatawa-tawa kong sabi sa kaniya. "Alam mo, umuwi ka na sa inyo, wala kang mapapala sa akin." Nagsimula na akong maglakad papasok sa building. Simalubong ako ng guwardiya at binati, maging ang receptionist na si Anna ay napakawak ng ngiti nang makita ako. Siguro'y naalala niya ang gabi na natulog siya sa piling ko. Pinindot ko ang 17 sa elevator. Excited na akong makaligo at makapagbihis. Gusto ko rin sanang matulog at magpahinga sa araw na 'to. I'll just text Aicen about the restaurant, siya na muna ang bahala ro'n. Ako lang mag-isa ang nakasakay sa elevator kitang-kiita ko ang repleksyon sa alluminum na haligi ng elevator. Mabuti na lamang at may extra talaga akong mga damit sa Yate, nakakahiya naman kung ang suot ko pauwe ay iyon pangswimming attire. Mababakat masiyado su jun-jun kapag gano'n, pagpipiyestahan na naman ako ng mga kababaihan na aking makakasalubong. I cheked my phone to see kung may mahalagang text or calls ba akong na-miss. And to my dismay 10 missed calls from my father and 20 text message for my mom plus 5 voice mail from Aicen. At sigurado akong tungkol lang sa plinanong kasal ang pakay nila dad and mom. I was about to keep my cellphone when the lights from elevator suddenly went black. I cursed as started to feel irritated. Ang malas ko talaga ngayon! Muli kong sinulyapan ang cellphone upang makahingi ng tulong ngunit walang signal kahit isang guhit man lang. Argh! This is all Celestina's fault. She's a bad luck. Babayuhin ko na sana ang pinto ng elevator ng biglang bumukas ang ilaw at naramdaman kong muling umusad paitaas ito. Mabuti na lang dahil kung hindi magwawala ako sa management ng building about this. Stress na 'ko dinadagdagan pa nila. Ngunit lahat ng paghu-huramentado ko ay naglaho nang mapansin ang pigura na nakatayo sa tabi ko. Anong g-ginagawa niya rito? P-paano siyang nakapasok? Iniwan ko siya sa labas kanina. Shit! Napasandal ako sa pader nang elevator habang natingin sa kaniya. Walang expression ang kaniyang mukha maliban sa nakatitig din siya sa akin. Mangkukulam! "Sabi ko sa'yo hindi ka puwedeng lumayo sa 'kin Aion. Kakailanganin mo na 'ko mula ngayon. At gano'n din ako sa'yo." Nagulantang ako sa sinabi niya, totoo nga ata talaga lahat nang sinabi niya. Isa siyang taga-sundo, kamatayan o kung ano pa man ang tawag do'n. ***** Isang silid ang makikita na napapalibutan ng kurtinang kulay pula. Sa gitna ay isang lamesa na may lampara at bote ng alak na ang takip ay kahoy. "Totoo nga na nakalaya na si Celestina mula sa pagkakabilanggo nya?" tanong ng isang lalaking pigura sa likod ng isa pang kurtina na syang naghahati sa silid. "Opo," sagot nang taga-hatid mensahe sa mataas na antas na Panginoon ng Krimen. "Isang taon na lang at maglalaho na s'ya na parang bula, bakit pa nakaligtas ang isang yon," anito sabay lagok ng alak na hawak nya. "Ano ba ang binabalak ng tadhana sa taga-sundong suwail." Ismid nito kasabay ang pagtalim ng tingin ng mga mata nya. "Bantayan mo syang mabuti... 'Wag mong hayaan na mahanap n'ya ang hinanap nya." Utos nito sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan. "Masusunod po," sabi nito bago tuluyang umalis. Naiwan namang nag-iisip ang lalaki sa likod ng kurtinang pula. Hindi puwedeng makabalik si Celestina sa kanilang mundo, masisira lahat ng kaniyang plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD