Episode Two

1359 Words
"Okay, ka na?" Boses ng babae ang bumungad sa 'kin pagkamulat ng aking mga mata. "Heto inumin mo." Dahan-dahan akong bumangon sa mabuhanging nahi-higaan ko kanina. Nagpalinga-linga ako ng tingin sa paligid, tinatantiya kung nasaan ako at nasaan ang yate ko? "What the!" Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, huli ko na napansin kung sino ang babaeng nag-aalok sa 'kin ng kung ano. Nasa harapan ko ngayon ang babae kanina sa loob ng nakalubog na barko. And wait, nasaan na yung kalansay? Napatayo ako at muling nagtingin-tingin sa paligid. Ang tanging nakikita ko ay isang maaliwalas na dalampasigan at mga puno. Ano'ng Isla ito? "Ano’ng hinahanap mo?" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko ang babae. Napaatras ako ng bahagya sa gulat sa pagtabi niya sa 'kin. "Tsk! Tinitignan ko kung may hidden cameras ba at ginu-goodtime n'yo ako" "Goodtime? Ano 'yon?" maang na tanong nya. "Wala. Teka teka, sino ka ba? Anong ginagawa mo do'n sa barko na nakalubog at nakakadena ka pa? At anong nangyari kanina? Wait are you a ghost?" Sunod-sunod kong tanong. "Ang dami mo namang tanong... " sabi nito at inabot sa akin ang kabiyak ng niyog na may lamang tubig. "Ako si Celestina, at isa ako'ng taga-sundo," sabi nito sa pinaka mahinahon at malambing na tono. "Ikaw? Taga-sundo? Ng ano? You mean susunduin mo ako kaya ka ba naroon sa ilalaim ng dagat? Woah. That was insane," I asked her. Ngunit hindi ko naiwasang hindi siya kilatisin, ang weird naman kasi talaga ng suot niyang damit, sa totoo man. "Taga sundo ng mga namayapang tao, kamatayan kung tawagin niyo." "Weh, ano 'to joke time?" Suno-sunod ang naging tawa ko kahit na medyo akward sa pagitan namin. Ang weird kasi ng sinasabi niya eh, siguro'y galing pa sa mental ang isang ito. "Hindi ka naniniwala?" Nakasimangot pa na tanong niya sa 'kin. Mukha bang kapani-paniwala ang sinabi niya? "Hindi! P’wede ba stop with this nonsense okay? Aalis na ako" sabi ko sabay na nagsimulang tumayo, ngunit nang bigla ako na lang narealized na wala akong mapupuntahan lalo nang matanaw ko ang malawak na karagatan sa aking harapan. Kung saan-saan na parte ako ng Isla pumuwesto upang makatawag nang pansin sa kung sino man ang naglalayag sa gitna ng dagat ngayon. Tumayo ako sa malaking bato at umakyat sa puno pero wala man lang ako nakitang puwedeng tumulong sa 'min. "P’wede ba Miss wag mo akong sundan. Baliw ka e." Nilingon ko sya dahil nadama kong sumusunod s'ya sa akin. "Bakit?" "Dahil ayoko! Tatawag ako ng pulis, sige!" Pananakot ko sa babae. Ewan kung bakit nasabi ko 'yon, kahit na wala naman akong matatawag na pulis dito. "Hindi ako puwedeng umalis at lumayo sayo." Nangunot ang noo ko sa tinuran niya. Ang mukha at expression nito ay napaka inosente masyado, nahirapan akong mawari kung niloloko ba 'ko nito o ano. "At bakit?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. "Tinulungan mo ako, kaya tinulungan din kita," sagot n'ya sa akin habang nakangiti nang napakalawak. Napaisip ako. "Tinulungan m-mo 'ko?" "Oo, hindi mo ba natatandaan? Tinalo at pinaalis ko ang tagasundo na dumating kanina para kunin na ang kaluluwa mo. At ako din ang gumamot sa sugat mo," aniya sabay nguso sa balikat ko. Oo nga pala natamaan ako ng espada ng kalansay kanina. Pagkatapos no'n nahilo akoo... Tapos... Flashback... Nagdidilim na ang paligid ko ngunit nakita ko pa din ang pagkakalas ng kadena na nasa katawan ng babaeng kaawa-awa ang kalagayan ngayon. Hindi ko alam kung paanong nagawa nya 'yon basta isa lang ang nasa isip ko, ang makaalis na dito dahil hindi na ako makahinga. Tuluyan ngang nakawala ang babae, dinampot nito ang espada na nakatayo sa sulok ng silid. Inamba nya ito sa kalansay at sila'y nagtuos. Ilang beses din na nabitawan ng babae ang sandata pero hindi ito nagpatinag, sinugod pa din nya ang kalansay at pilit na pinapatumba ito. Ramdam ko ang enerhiya nilang dalawa sa ilalim ng dagat tila ba may vibrations at soundwaves na nagagawa ang magkatunggali. Kahit nasa ilalim ng tubig ay pumapasok sa utak ko ang tunog nang pagtatama ng kanilang mga sandata. Bigla akong napahawak sa aking leeg, hindi na kakayanin ng katawan ko ang magtagal pa dito. Masisimot na ang lamang ng oxygen tank ko. I need to leave. Kinapa ko ang nagdurugong balikat dahil hindi tumitila ang pag-agos ng dugo ro'n. I tried to swim up pero mukhang namanhid na ang aking mga binti. Nailukot ko na lang ang katawan sa sobrang panghihina. I can't do this, I think this place will be my grave. Help. Sinong santo ba ang dapat kong tawagin sa oras na 'to? I glanced at the two unfamiliar people to me as they fight. I don't know if they are really persons or people, I don't care right now. Bahala sila kung hanggang kailan nila gustong magtalo diyan, basta ang goal ko ay makaalis dito. I watched the girl as her long black hair flowed with the ocean's current. Her small brown eyes speak as if she wants to say something to the skeleton 'Die you, moron'. She has a calm but accurate movement of her body. She wanted to win against her skinny opponent. Parang bang hindi nila ako napapansin sa oras na 'to. They just keep on fighting. I gasped and closed my eyes. Lumangoy ako nnag kaunti at saka sumandig sa kahoy na haligi ng barko. Napaupo na ako nang dahan-dahan at nanghahabolng hininga kahit na alam kong wala na 'kong masagap na hangin. I knew it! That blackbird is a bad sign. Kinurap-kurap ko muna ang aking mga mata. Inalala ang mga taong alam kong maghihintay pa sa 'kin. Ang restaurant ko, condo at ang kapatid kong si Aicen. Sana'y mahanap nila ang katawan ko, gusto ko pa rin ng maayos na libingan. Goodbye bars, liquors, and girls. Alam ko'y naipikit ko na ang mata ko ngunit bakit bigla itong nagmulat ulit at nabuhayan? And to my surprise I found my lips being invaded by a pirate! The girl kissed me. Pero bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko, lumakas bigla ang mga binti ko't nabuhayan ang aking diwa. Nanlaki ang aking mata nang inalis niya ang pagkakalapat ng mga labi namin. Ang sunod ay hinawakan naman niya ang sugat sa balikat ko. Napakurap-kurap ako dahil bigla tumigil ang paglabas ng dugo ro'n. Magic! Isinaklay ng babae ang braso ko sa kaniya at sinenyasan ako na kailangan na naming umalis. Wala na akong magawa't nagpatangay na sa kaniya. Sana'y hindi niya 'ko dahil sa gang na nanakit sa kaniya at gawing pambayad. I can lend her money if she wants, 'wag lang ang buhay ko. Tinapunan ko nang tingin ang kanina'y kalansay na nang-harass sa 'kin ngunit wala na ito. Nagkahiwa-hiwalay na ang kaniyang katawan at nakatambak na lamang sa isang sulok nang silid. At mula ro'n, ang tanging alam ko na lang ay lumalangoy na kami pabalik sa itaas. *** "Ano naalala mo na?" Nakaupo kami sa harap ng isang bonfire na kanina'y pahirapan kong pina-apoy. Inabutan na kami ng gabi sa Isla kaya no choice ako kundi makisama sa kaniya, sa mga kwento niya. "Oo. Pero naguguluha pa rin ako. Ano'ng ginagawa mo ro'n at paano ka napunta sa lugar na 'yon. . . Pagkatapos ay buhay ka pa? Magician ka ba?" Usisa ko sa kaniya. Ang dami talagang tanong sa utak ko ngayon. Sobramg sabog ako. "Isa nga akong taga-sundo. Naparusahan ako at ikinulong sa ilalim ng karagatan mahigit apat na raang taon na." Natawa ako sa pinagsasabi niya. "Joke ba 'to?" Tinitigan niya ako habang nakapangalumbaba. Kumurap-kurap siya bago umiling-iling sa 'kin. "Alam mo, gulong-gulo na 'ko sa'yo. Sana bukas may makakita na sa 'tin dito, hindi ko na kayang makasama ka." Nahiga na ko sa buhangin na sinapinan ko ng dahon ng saging. "Isa kang baliw na magician." "Ang dugo mo ang gumising sa 'kin, kaya hindi ako puwedeng lumayo sa'yo," ani pa nito. Nakatalikod ako sa kaniya at wala nang balak na lingunin pa siya. Pinagsasabi niya? "Bukas mo na 'ko kausapin, sumasakit na ang ulo ko sa 'yo." "Sige, pero bukas maaga kang gumising ha. Uulan bandang alas sais."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD