CHAPTER 20

1697 Words

MAPUPUTING tela na tila kurtinang hinihipan ng hangin. Mga makukulay na mga bulaklak na ginawang palmuti sa mga kahoy na pumormang altar sa gitna ng buhangin. Mga kahoy na upuang dinisenyuhan ng mga asul na laso. Parang panaginip lang ang lahat. Pero hindi. Mangyayari na nga. Mangyayari na ang ilang buwang pinaghandaan ni Elyse. Doon mismo sa dalampasigan kung saan nabuo ang pag-iibigan nila ng kanyag  groom. Ng kanyang pinakamamahal na tagapagligtas. Kung si Cliff ang tatanungin ay masaya na ito kahit saan pa sila ikasal. Pero siya? Hindi siya papayag na kung saan lang magaganap ang mahalagang pangyayari na iyon saa kanyang buhay. Kailangan ay may significance pa rin. Kaya naman niya pinili ang dalampasigang iyon. Mula sa bahay na nasa ibabaw ng burol ay malaya niyang pinagmasdan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD