GANOON na lang at hindi na niya nakita pang muli si Cliff. Ang sabi ng kasamahan nito ay nag-leave raw ito sa trabaho matapos gawin ang mga report. Ni wala man silang pagkakataong mag-usap. Nawala na lang ito na parang bula. Nakulong na din si Greta at nasibak na din sa pagiging pulis. Napag-alamang ito ang nagli-leak ng impormasyon para sa mga kidnapper niya. Nahuli na din ang mga naiwang buhay na kasama ni Rojas. Habang ang huli ay agad namatay sa tama ng bala sa dibdib. Sa loob ng dalawang linggo ay pinilit niyang gawing normal ang buhay. Nahanap niya ang diyamanteng nais ni Rojas sa loob ng kanyang lumang teddy bear. At plano niyang gamitin iyon para isang foundation para sa mga ulila. At uunahin niyang tutulungan ang anak ng pulis na driver niyang

