Chapter 4

1150 Words
Ang kakayahan ni Helena na makagamot ay hindi niya ipinaalam kay Duncan. Bakit naman kasi niya ipapaalam sa taong-lobong iyon ang kakayang niyang natuklasan? "Paano ba ako makakaalis dito?" mahinang bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa ibaba ng hardin. Nasa ikatlong palapag siya ng malawak na mansion ni Duncan kaya tanaw-tanaw na tanaw niya ang magandang hardin sa ibaba. Hindi niya akalain na ang mansion ng isang taong-lobo ay may magagandang tanim na mga halamang namumulaklak. Naramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya kaya inilibot niya ang kanyang paningin at hinanap kung may tao bang nakatingin sa kanya. Humantong ang kanyang mga mata sa dalawang pares ng mga mata na kulay silver. Seryoso ang mukha ng taong iyon na walang iba kundi ang alpha ng Silver Wolf Pack na si Duncan. Inirapan niya ito bago siya umalis sa harapan ng bintana. Mas mabuting matulog na lamang siya kaysa ang ma-highblood kay Duncan na ayaw pa rin siyang pakawalan. Hindi alam ni Helena kung ilang oras siya nakatulog. Basta nagising na lamang siya dahil kumukulo ang kanyang sikmura dahil sa gutom. Bumangon siya sa kinahihigaan niyang kama at bumaba para magtungo sa kusina. Nakita niyang may mga pagkaing natatakpan sa ibabaw ng lamesa. Sa gutom niya ay dali-dali siyang naghugas ng kanyang kamay at humila ng upuan. Inihaw na tilapia, paksiw na bangus at papayang hinog na naka-sliced na ang nakita niya sa ibabaw ng mesa. Lihim siyang napangiti. Akala niya ay puro meat lamang ang kinakain ng mga taong-lobo. Ngunit hindi pala dahil sa nakita niyang pagkain na nakahain sa mesa. Malapit na siyang matapos kumain nang biglang pumasok sa kusina si Duncan. "Ipinahanda ko talaga sa'yo iyan. Baka kasi hindi ka kumain ng karne nang mga hayop," tinig ni Duncan mula sa kanyang likuran. Muntik na siyang mabilaukan nang marinig ang boses nito. Mabuti na lamang at may tubig nang nakahanda na sa mesa. Na malamang ay ipinahanda rin nito. "Tapos na akong kumain. Babalik na ako sa itaas," malamig ang boses na sabi niya rito. Hindi niya hinintay na sumagot ito at mabilis na siyang naglakad palayo. Hindi na niya iniligpit ang kanyang pinagkainan dahil siguradong may tagaligpit din ito. Pero kung hindi ito dumating ay ililigpit niya sana ang kanyang pinagkainan. "Helena," tawag ni Duncan sa pangalan niya. Nakangiting nilingon niya ito. "Bakit? Hahayaan mo na ba akong umalis dito sa mansion mo?" "Hindi. Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi kita hahayaang umalis dahil ikaw ang aking Luna?" "Luna! Luna! Naririndi na ako sa salitang iyan," inis niyang sigaw rito. Pagkatapos ay bigla na lamang niya itong tinalikuran. Ngunit pagharap niya ay bigla siyang napatili nang hindi sinasadyang may bumangga sa kanya. "Naku, pasensiya na, Helena. Hindi ko sinasadyang mabangga ka. Titingnan ko lang sana kung tapos ka na bang kumain. "Nanginginig ang boses na paumahin sa kanya ng isang lalaki. Siguro ay ito ang naghanda ng pagkain para sa kanya. Magsasalita sana siya para sabihing okay lang siya ngunit hindi natuloy dahil sa isang iglap ay nasa tabi na niya si Duncan na madilim ang mukha. Agad nitong hinawakan sa leeg ang nanginginig sa takot na lalaki at sinakal ng mahigpit. "Hindi ba sinabi kong ayoko ng taong palpak? At bakit hindi ka nag-iingat at aking Luna ka pa bumangga?" mapanganib ang boses na tanong ni Duncan sa tauhan nito. "P-panginoon, h-hindi ko s-sinasadya. P-patawarin mo ako. H-hindi na mauulit," pautal-utal na sagot ng lalaki. Mukhang maiihi na ito sa suot nito dahil sa sobrang takot sa alpha. Napailing si Helena. Ganito ba talaga ka-ruthless ang alpha ng Silver Wolf Pack? Ang taong-lobo na gusto siyang gawing Luna? Sabagay, ano nga ba ang aasahan niya? Nakita nga niya kung paano nito patayin ng walang awa ang mga bampirang nagtangkang uminom sa kanyang dugo. Pero iyon ay maaari pa niyang maunawaan dahil iniligtas lamang siya nito. Ngunit itong lalaking nasa harapan nila ay walang kasalanan. Malaking kasalanan na ba iyong bumangga ito sa kanya ng hindi sinasadya? "Alam mo kung ano ang aking parusa sa mga taong nagkakamali," marahas na wika ni Duncan. Pipilipitin na sana nito ang lalaki para kitlan ng buhay ang tauhan nito nang bigla siyang namagitan. "Ano ang gagawin mo? Papatayin mo ba siya dahil lamang hindi sinasadyang bumangga siya sa akin?" galit na sita niya kay Duncan sabay hawak sa kamay nitong nakahawak naman ng mahigpit sa tauhan nito. "Alam niya ang aking batas. Ayoko sa lahat ay iyong nagkakamali," sagot ni Duncan sa kanya. Hindi pa rin nito binibitiwan ang leeg ng lalaki. "Hindi naman pagkakamali ang nagawa niya, Duncan. Aksidenteng bumangga lamang siya sa akin. At may kasalanan din ako dahil hindi ako nakatingin sa aking nilalakaran. May kasalanan din ako kaya dapat mo rin akong parusahan. Patayin mo rin ako para ipakita sa lahat na walang puso ang alpha ng Silver Wolf Pack!" hindi niya napigilan ang sarili na sabihin dito ang nilalaman ng kanyang dibdib. Gusto niyang iparating dito na dapat hindi ito maging ruthless masyado. Dahil kung sa ganitong ugali ito patuloy na mamumuno sa pack nito ay tiyak na takot ang iiral sa puso ng mga tauhan nito at nasasakupan. Maaaring mag-isip pa ng masama laban dito ang mga tauhan nito dahil sa pagiging merciless and ruthless na pinuno ng kanilang wolf pack. Pumikit si Duncan ng mariin bago tila napipilitang pinakawalan ang tauhan nito. Agad namang napatakbo palayo ang lalaki sa sobrang takot matapos magpasalamat sa pagliligtas niya s buhay nito. "O 'ayan, masaya ka na? Pinakawalan ko na ang tauhan kong iyon. At sa unang pagkakataon ay binali ko ang aking batas para sa'yo," nakasimangot na sabi sa kanya ni Duncan. Helena rolled her eyes. Ang hirap namang kausap ng lalaking ito. Ni hindi niya naisip na ang ginawa ko ay para sa kanya. "Hindi mo siya pinakawalan dahil sinabi ko kundi pinakawalan mo siya dahil iyon ang tama. Dahil hindi sapat ang kasalanang nagawa niya para patayin mo siya," nandidilat ang mga matang wika niya. Pagkatapos ay naiiling na basta na lamang niya itong tinalikuran ngunit hinabol siya ni Duncan. "Ano ba ang gagawin ko para tanggapin mo ang pagiging aking Luna?" "Kapag nabawasan na ang pagiging mainitin ng ulo mo at matuto kang magpakumbaba ay maaari kong pag-isipan na maging Luna mo." "Hindi pa ba sapat ang ginawa ko? Binali ko na ang batas ko para sa'yo. Ano pa ba ang gusto mo?" Napaismid siya sa sinabi nito. Naalala niya kasi na hindi naman nito pinatay si Alendria nang pagtangkaan ng babae ang kanyang buhay. Dahil ba isa itong prinsesa samantalang ang lalaki kanina ay isang tauhan lamang nito? "Hindi mo nga pinarusahan si Alendria nang tinangka niya akong patayin," mahinang bulong niya. "Anong sabi mo?" tanong ni Duncan na bahagyang narinig ang kanyang sinabi. "Wala!" singhal niya bago walang paalam at basta na lamang niya itong iniwan. Mabuti na lamang at hindi na siya nito sinundan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD