"Magandang gabi, Helena. Mukhang malayo ang iniisip mo, ah. Iniisip mo ba ang aking kaibigan?" Mula sa liwanag ng buwan na kanyang tinitingala ay biglang napaigtad si Helena sabay tapon ng masamang tingin sa lalaking gumambala sa kanyang pag-iisip na walang iba kundi si Clauros. "Nagkakamali ka. Hindi ko iniisip ang lalaking iyon," mabilis niyang tanggi habang pinandidilatan ito ng mga mata. Totoo naman ang kanyang sinabi. Hindi si Duncan ang kanyang iniisip. Ang laman ng kanyang isip ay ang mga katanungang gumugulo sa kanyang isip. Kung taga-saan siya, sino ang mga magulang niya at nasaan ba sila ngayon? Bakit tila may kakaiba sa kanya? Nakakapagsalita siya ng ibang language samantalang hindi alam ng mga nakakausap niya na may ganoong klaseng salita. Pero bakit marunong siya ng mga sali

