Silence

1099 Words
Felicia's Point of View Tulo nang tulo ang aking luha. I’m exhausted and now frustrated of what I’ve said. Oo, hindi kami kasal at wala rin kaming eksaktong label, maliban sa ikakasal kami dahil buntis ako. “What are you saying?” pagmamaang-maangan niya na aking ikinangisi. “Pvtang'nang utak 'yan. Ni hindi maalala ang ginagawa,” medyo kalmado ko ng sabi. Sinuklay ko paitaas ang aking buhok at parang siraulong tumawa. “Ano ba, Felicia?!” naiinis niyang sigaw. Pilit niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ngunit inaalis ko rin ang mga kamay niya. “Why are you acting this way?” pag-uulit niya ng tanong. “Why? Hindi mo ba talaga alam? Pwes, makinig kang hinayupak ka!” Huminga muna ako ng malalim bago siya ulit buong lakas na binalingan. Tinitigan ko siya sa mata at sa tingin ko, hindi na ako makakatakas sa nag-uumapaw kong halo-halong nararamdaman. “I like you, Kalt! Oo, gusto kita! Funny right?” humalakhak ulit ako subalit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha. “Nasasaktan ako sa tuwing binabalewala mo lang ako. Naiinis ako kapag nagkakasama kayo ng Kenaih na iyon. Nahihirapan ako sa tuwing umuuwi kang lasing at ni minsan hindi ka na nga umuuwi. Mamamatay ako kaiisip but knowing that you are with Kenaih? Gusto kitang iwan na lang pero hindi ko magawa! Tang'nang feelings ito, paladesisyon!” sunod-sunod kong bulyaw. Kita ko ang pagtiim ng bagang ni Kalt. Hinilot niya ang kanyang sintido at napahilamos na lamang ng mukha. “Did I tell you to fall in love with me? That's not my fault, Felicia,” kalmadong sabi niya ngunit bakas pa rin ang problemadong mukha. “Tang*na mong walang puso ka. Napakagago mo talaga,” I concluded. Nagsimula akong maglakad paalis nang hindi na siya hinihintay pang pigilan o sundan ako. Ngayong alam na niyang gusto ko siya, na paulit-ulit ko na namang pinaparamdam, panigurado ay mas lalong lalayo ang loob no'n sa akin. “Putang*na, Kalt—” Napatigil ako dahil bigla niya akong binuhat at walang pasabing naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Patuloy lamang siya sa paglalakad kahit na galaw ako nang galaw. Ipinasok niya ako sa passenger seat ng kanyang kotse at malakas na isinarado ang pinto. Umikot siya at sumakay na rin. Nilingon ko siyang nakahilig ang ulo sa manibela. Kahit papaano ay tumigil ako sa kakasita at pinagmamasdan lamang ang ginagawa niya. Sumandal ako sa upuan at ikinalma ang aking sarili. Pinahid ko ang aking mga luha at pumikit upang makahinga ng maayos. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto. Siya mismo ang bumasag ng katahimikan na siya ring nagpabasag ng aking puso. “I don't like you, Felicia. I can't like you back,” aniya sa namamaos na boses bago pinaandar ang sasakyan. May takas na luha ang muling bumaybay sa aking pisngi. Hindi ko na siya sinagot o ni binalingan man lang. Nasa labas lamang ng bintana ang aking atensyon. Pilit na sinasabi sa sariling, ayos lamang ang lahat. He can't like me just because I confessed my feelings. Wala akong magagawa at hindi ko rin siya mapipilit na gustuhin ako. Nakarating na kami sa bahay kaya hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Kusa akong lumabas at dire-diretsong pumasok sa aking kwarto. Hindi na ako naiyak pa sa loob. Pakiramdam ko ay wala na akong mailuluha pa. Nakakapagod na rin umiyak para sa taong kagaya ni Kalt. Kinagabihan, nagising ako sa sobrang gutom. Gusto ko mang magkulong pero kailangan ko pa ring kumain para sa baby ko. Nasa pasado alas onse na ng gabi kaya paniguradong tulog na si Sara. Ayaw ko rin siyang harapin sa ngayon kaya tumayo ako only to find my dinner in my table. May fresh milk itong kasama. Malamig na ang pagkain kaya nagdesisyon akong bumaba at magluto. Gusto kong kumain ng adobo. “Hindi naman siguro magagalit si Kalt kung kukuha ako ng ingredients. Sa yaman n'on,” bulong ko na nanghahalungkat na sa fridge. Tumigil muna ako sandali at pinagmasdan ang mga ingredients na inilagay ko sa lamesa. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang hiwain ang manok na gagamitin ko. Butil-butil ang aking pawis pagkatapos ko itong hiwain. Muli akong tumigil, humugot ng malalim na paghinga at nagpahid ng pawis sa aking noo. Sunod akong naghiwa ng sibuyas at bawang. “Why are you still awake?” Napatalon ako sa gulat dahil sa presensya ni Kalt sa may pader. Nakasandal siya rito at nakaekis ang mga braso. Nakasuot siya ng puting damit at itim na pants, normal nightwear niya. Habang ako ito, nakabestida na hanggang tuhod. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Habang hinihiwa ang sibuyas ay nagsimulang mangilid ang aking luha. Hindi dahil nasasaktan ako o kung ano kun'di dahil nakakaiyak lang talagang maghiwa nitong sibuyas. Patuloy ko ring iwinawaksi ang aking buhok papunta sa aking likod dahil nakakaabala ito sa aking ginagawa. Ramdam ko ang paglapit ni Kalt kaya tinitignan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Bakit ba siya nandito? Hindi niya ba makuha na ayaw ko siyang makasama ngayon? Napaayos ako ng tayo dahil bigla niyang hinawakan ang aking kaliwang palapulsuan. Dahilan kung bakit ko nabitawan ang hawak na kutsilyo. Magtatanong pa sana ako subalit kinuha niya na sa aking palapulsuan ang pantali ng aking buhok. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang patuloy niyang inaayos at tinatalian ang aking buhok. “There,” he mumbled after tying my hair into a ponytail. Nag-aalangan ko siyang nilingon ngunit hindi ko pa rin siya kinakausap. Ano na namang kagaguhan ang naiisip ng lalaking ito? I just confessed my feelings earlier and here he comes acting like my prince charming after rejecting me. Tumabi siya sa akin at siya na mismo ang nagpatuloy ng ginagawa ko. Aalis na sana ako upang bumalik sa kwarto ngunit bigla siyang nagsalita. “Let’s be friends, Felicia. It's better than being strangers to each other,” he said, still cutting the onions. Para akong estatuwa na nakatayo lamang ng ilang segundo at nakatalikod sa kanya. Ina-absorbed pa rin ng sistema ko ang sinabi niya. Kalaunan ay huminga ako ng malalim at walang salitang umupo sa upuan sa harapan ng counter. Tinitignan ko lamang ang ginagawa niya. Ang pananahimik ko ay nangangahulugang pagpayag sa gusto niya. Sinulyapan niya ako at tahimik ng ipinagpatuloy ang ginagawa. Nanatili kaming ganoon hanggang sa maluto ang adobo. Kumain akong tahimik habang tinitignan niya lamang ako na kumakain ng luto niya. Minsan mas maganda ang ganito. Walang away, walang bangayan; purong katahimikan lamang. This silence made me calm and comfortable. Hindi na rin masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD