Meet

3180 Words
Felicia's Point of View Nakarating na ako sa Lavish Resort pero ang bruha kong kaibigan, on the way pa lang daw. Nine thirty na tapos ito ako bored na bored at nagiging haggard pa lalo kakahintay sa kanya. “Masyadong mainit dito, miss. Here,” singit ng isang lalaking may matamis na ngiti sa kanyang labi. Kasabay ng pangiti niya ang paglitaw ng malalalim niyang dimples. He offered an umbrella pero heto ako nakanganga sapagkat hindi ko naman siya kilala. Wala siyang nakuhang ibang reaksyon mula sa akin maliban sa pagtataka kaya siya na mismo ang humawak sa aking kamay at ipinahawak ang dalang payong. Nakangiti pa rin siyang naglakad paalis at pumasok sa loob ng resort sakay ng kanyang sasakyan. Naitagilid ko ang aking ulo habang tinititigan ang hawakan ng payong na ibinigay niya. I think I saw him somewhere. Hindi ba siya artista under sa Valmorie Entertainment? Ay ewan! “Feli—cia!” Dumagundong ang sigaw ni Iris sa akin na ngayo'y patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko. “F-Felicia g-girl.” Putol-putol siya kung magsalita sapagkat patuloy niya pa ring hinahabol ang kanyang paghinga. “Bakit ka ba kasi tumakbo?” Dinaluhan ko siya at inilahad ang lalagyan ng tubig na baon ko. Mabilis siyang lumagok mula rito bago siya muling nagsalita. “Kilala mo ba 'yong nagbigay ng payong sa'yo?” histerikal niyang sigaw dahilan upang takpan ko ang aking tainga. Hinihintay niya ang sagot ko kaya kaagad akong umiling. “That's Mr. Del Mar! Omg ka! Binigyan ka lang naman ng payong ng nag-iisang Zavnier Del Mar!” Kinikilig niyang salaysay na may kasama pang papadyak-padyak. “Eh? Tapos?” Wala akong kaide-ideya sa kung sino ba ang tinutukoy niya at wala rin akong balak na alamin. Naglaho ang masaya niyang reaksyon dahil sa naging sagot ko. Napalitan ito ng isang pagngiwi at sinabayan niya pa ng pambabatok. “Anong tapos? Malala ka na talaga, Felicia. Papunta ka na sa pagiging auntie sa reaksyon mong 'yan,” nanlulumo niyang sabi. Nagkibit balikat ako sa kanya at tumayo na. Inaya ko na siyang pumasok kasi nagiging tuyo na ako rito. Habang naglalakad kami papasok sa resort ay ang lalaki pa rin kanina ang lagi niyang bukambibig. “Hindi mo ba talaga kilala si Mr. Del Mar? 'Yan iyong director galing states na pinag-aagawan ng iba't ibang Entertainment. Siya rin ang bago nating makakatrabaho sa adaptation ng isa mong book,” aniya na kumuha ng aking atensyon. Sa halip na usisain ang Zavnier na tinutukoy niya ay mas umagaw ng pansin ko ang pagbabago ng direktor. “Wait, bakit hindi ko alam 'yan? Akala ko ba 'yong dating director pa rin? Bakit pinalitan?” “Ang bruha mo kasing author na si Michell, pinipilit talagang kunin 'yang si Mr. Del Mar. Hindi raw siya papayag sa adaptation kung hindi si Mr. Del Mar ang magha-handle,” paliwanag ni Iris na ikinatango-tango ko. Huminga muna ako ng malalim bago kami tuluyang pumasok sa loob ng resort. Hindi ko ini-expect na marami-rami rin pala ang pupunta ngayon sapagkat n'ong pumunta kami ni Erza rito ay kaunti lamang talaga ang tao. “Nga pala, nandito rin pala ang bruhang author kasama ang fiancé niyang ubod ng gwapo. Kaya siguro nandito rin ang papa Zavnier ko.” Wala akong pakialam sa pinagsasabi niya kaya patuloy lang ako sa pag-aayos ng aking gamit. Nagsisimula na akong maglabas ng aking notes para sana magplano sa next story ko ngunit pinigilan ako ng mga salita ni Iris. “Ayon sila! Ghad, ang popogi! Lalo na 'yang si Mr. Davenport!” D-Davenport?! Otomatiko akong lumingon sa tinutukoy niya at doon ay umatras lahat ng lakas ko sa katawan. Pakiramdam ko ay lalagutan ako ng hininga sa nakikita ko ngayon. Nagsimulang manginig ang aking mga kamay hanggang sa umabot na ito sa aking mga tuhod. Sana nagkamali lamang ako sa aking narinig. Siya nga! Bumungad sa akin ang matatamis na ngiti ni Mr. Davenport habang akbay-akbay si Michell. Masaya silang nakikipag-usap sa direktor na nagbigay sa akin ng payong kanina. Nagsibalikan bigla ang ala-ala niyang nakangiti sa akin. Mga ala-alang akala ko ay naibaon ko na talaga. “Felicia? Are you okay?” tanong sa akin ni Iris nang makita ang pagkakabato ko. “P-Punta lang ako sa restroom,” paalam ko na nanginginig na talaga. Ni hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi ni Iris. Sobrang sikip ng dibdib ko na animo'y may bumara rito. Patuloy akong naglakad ng mabilis papunta sa restroom subalit ngayon ko lang natanto na hindi ito papunta sa restroom. Babalik na sana ako ngunit namataan ko si Michell na nagmamadali rin katulad ko. Wait... K-Kenaih Michell Filomeno? Siya ba ang tinutukoy niyang Kenaih ng gabing iyon? Ibig sabihin nakipag-one night stand ako sa isang lalaking ikakasal na?! Mas lalo akong nawalan ng lakas sa mga natanto ko. Lalo ring bumigat ang pinapasan kong problema ngayong napagtagpi-tagpi ko na lahat. Hindi lang 'to gulo kung hindi napakalaking kasalanan. Nilingon ko pabalik ang direksyon ni Michell na ngayon ay kausap ang artistang nagngangalang Gio. Siya ang gaganap na main character sa adaptation ng aking kwento. Hindi ko intensyong makiusisa ngunit nagulantang ako sa sumunod na nangyari. B-Bakit sila naghahalikan? Akala ko ba ikakasal na siya kay Mr. Davenport? “Ano nga bang pakialam ko? Eh, ano ngayon kung masasaktan si Kalt? May kasalanan din naman ang lalaking 'yon kay Michell,” bulong ko sa aking sarili na animo'y nababaliw. Ano ba 'tong napasukan ko? Bakit sunod-sunod ata ang mga rebelasyon? Baka mabaliw na talaga ako kapag nagpatuloy pa ito! Handa na akong umalis at kalimutan na lamang ang mga nakita ngunit pinanlakihan ako ng mata sapagkat namataan ko si Kalt na papunta sa gawing ito. Hinahanap niya siguro si Michell. “Anong gagawin ko?” naguguluhan kong tanong na nagawa pang guluhin ang magulo ko ng buhok. Ilang segundo kong ginulo ng paulit-ulit ang aking buhok bago tuluyang nakapagdesisyon. Nasiraan na nga siguro ako ng bait sapagkat sa halip na layuan siya upang maitago ang aking pagkatao ay mas pinili kong manatili para pigilan si Kalt. Baka masaktan siya kapag nalaman niya ang ginagawa nina Michell at Gio. Mabilis akong lumapit sa fountain at walang alinlangang kumuha ng putik. Kahit amoy putok ito ay ininda ko pa rin. Pinahid ko ito sa aking mukha upang kahit papaano ay maitago ang aking pagkatao. Nang makitang papalapit na si Kalt ay tumalon ako sa fountain at nagsakit-sakitan ng paa. Nagkunwari akong umiiyak na nilalakasan pa ang boses upang marinig ako ni Michell at maalerto sila. “Huhu, ang sakit!” parang bata kong iyak na nagtagumpay naman sa pagkuha ng atensyon ni Kalt. Ano na, Felicia? Sobrang lakas ng t***k ng aking puso habang naglalakad siya papalapit sa aking direksyon. Ang kilay niya ay muntik ng magpang-abot at blangko lang ang titig na sa akin lang nakapukol. Lakas makahatak ng puso ng lalaking ito. Sa fictional world ko lang 'to nararanasan pero nakakakaba pala kapag naging totoo na. Bakit ang bilis-bilis ng t***k? Hindi 'to pwede! “Ang sakit,” pagsisinungaling ko na basang-basa na talaga. Nakakakaba man ang muli naming pagkikita ay hindi ko ito pinapahalata sa kanya. “Are you okay, miss?” tanong niya na sinuri ang pagmumukha ko. Bahagya akong yumuko at umiwas sa titig niya sapagkat baka mamukhaan niya ako. “Masakit ang paa ko,” pagsisinungaling kong muli na nagsisimula ng mag-init ang pisngi. Mabuti na lamang talaga at may putik akong nilagay sa aking mukha. Baka mapansin na niya ang pamumula ko kung nagkataon. “Bakit ka ba lumangoy diyan? That's not a pool for you to swim in,” masungit niyang sambit na nakapamaywang akong tinignan. He's disgusted with me, I can see it. Sinabayan pa niya ito ng pagtatakip ng ilong. Napatingin ako sa kanyang likuran dahil napansin kong naglakad na si Michell paalis na sinundan ni Gio. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko kaya nagmamadali kong hinila ang kanyang palapulsuan. Ano ba 'tong ginagawa ko?! Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Napalakas ata ang pagkakahila ko sa kanya kung kaya't nahila ko rin siya papunta sa fountain. Laglag ang aking panga at kapansin-pansin naman ang iritasyon sa ekspresyon ngayon ni Mr. Davenport. “What the heck? Why did you do that?” iritado niyang tanong na diring-diri na rin sa sarili. Sobrang sama ng tingin niya sa akin kung kaya't para akong tuta kung umasta. Nakakatakot ang madilim niyang awra ngayon na napayuko na lamang ako. “This is damn disgusting! Tang*na!” galit niyang sambit habang pilit na inaalis ang dumi na kumapit sa kanyang pisngi at damit. “I'm sorry. Hindi ko po sinasadyang—” Napapikit ako sa takot dahil sa mga ipinukol niyang maotoridad na tingin sa akin. Aalis na dapat siya subalit isang paparazzi ang nagpakita. Bakas ang iritasyon at pagkakataranta niya na hindi niya alam kung ano ang gagawin. Natataranta na rin ako kagaya niya dahil kapag lumabas ang pictures na 'yan paniguradong madadawit ako. Ayaw ko sa ideyang iyon, baka maungkat ang totoo kong pagkatao at pati si daddy ay madadamay. Bahala na! Muli kong hinila ang palapulsuan ni Mr. Davenport dahilan para tignan niya ako na punong-puno ng pagtataka. Wala akong pakialam kung magalit siya pagkatapos ng gagawin ko pero nakasalalay dito ang pangalan naming dalawa. “Anong gagawin mo?” Umiling siya pagkatapos makita ang hawak ko ngayong putik. “No!” pigil niya sa akin ngunit huli na. Nahawakan ko na ang kanyang batok. Kaagad ko siyang pinahiran ng putik sa mukha na patuloy niyang ikinamura. “Tumigil ka kung ayaw mong madawit sa isang scandal kinabukasan,” saway ko sa kanya. Ramdam ko ang unti-unti niyang pagsuko kung kaya't patago akong napangiti. Who would have thought na ang isang Kaltheo Lavish Davenport ay mapapahiran ko ng putik sa mukha? Sino rin ang mag-aakala na ang lalaking pilit ko ng kinakalimutan ay akin din palang tutulungan? I didn't expect us to meet again like this. Tinitignan kaming mabuti ng paparazzi, pilit na kinikilala kung si Kalt ba talaga ang kasama ko ngayon. Sa ginagawang paninitig ng paparazzi, ginulo ko ang basang buhok ni Kalt para lamang maitago ang kanyang mga mata. Sa ginawa kong iyon, ako ata ang nahulog. His wet look gave me butterflies in my stomach. Nagkakagulo sila sa loob dahilan para mahina kong sinuntok-suntok ang aking tiyan sa pag-aakalang titigil sila sa panggugulo sa loob. “What are you doing? Bakit mo ako tinititigan?” masungit niya pa ring tanong na nakuha pa akong irapan. Lagot na. Nahulog na nga sa patibong si ante Felicia. Nagtagisan kami ng tingin na umabot ng ilang segundo. Naputol ito ng isang flash na galing sa camera ng paparazzi. Kapwa kinabahan kami sapagkat baka nakilala nito si Kalt. Nagpabalik-balik ang tingin namin ni Kalt sa isa't isa at sa paparazzi na sobrang lawak ng ngiti. Nasapo niya ang kanyang noo at naiinis na tumalikod dahil sa paparazzi na naglalakad patungo sa amin. “Ang cute niyo pong dalawa. Ito po ang pictures niyo.” Nakatulala lang ako sa sinabi ng lalaki na nakangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. Halatang kinikilig siya at napapatingin na rin kay Kalt na kulang na lamang ay iuntog ang sarili sa nakatayong kabayong pigura sa gitna ng fountain na ito. “S-Sino po kayo?” naitanong ko na kaagad namang ikinaayos ng tayo ng lalaki. “Ah! My bad! My name is Hiro. Nag-iikot lang ako sa resort kasi ang ganda ng view. Mahilig kasi ako sa mga pitik-pitik na 'yan tapos nakita ko kayong ang sweet dito sa fountain. Don't worry, dinelete ko na ang photos niyo. Mukha kasing galit ang boyfriend mo,” paliwanag niya na ikinatango-tango ko pero at the same time ay mas lalong nagpagulo ng aking sistema. Putspang ina! Boyfriend daw? “Bagay po kayo. Lakas ng chemistry. Sige po,” ani Hiro na kumaway sa akin at nagsisimula ng maglakad paalis. Jusmeyo, hindi naman pala iyon paparazzi! Kinabahan ako ng wala sa oras. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Kalt na nagpatalon sa akin sa sobrang gulat. Nasalubong ko ba naman ang galit niyang mga mata. Kung kanina ay halos hindi ko na siya matignan sa takot ngayon, tila nabasan ito dahil sa mukha niyang puro putik. Nagpipigil ako ng tawa at nakipagtagisan ng titig sa kanya na animo'y nilayasan ng kaluluwa. Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawanan siya kung kaya't nakatanggap ako ng pitik sa noo galing sa kaniya. “Aray naman!” reklamo ko na tinignan siya ng masama. “Para kang tuta,” komento niya. Iritado siyang tumayo at umalis sa fountain. Susunod na dapat ako pero nakarma ata ako dahil sumakit nga ang paa ko. “Hoy, hindi mo ba ako tutulungan? Help me please,” pagmamakaawa ko. Ayokong may makakita pa sa aking parang tangang nilangoy ang fountain. Tumigil siya sa paglalakad at itinagilid ang kanyang ulo. “What did you say?” tanong niya na umikot at muli akong hinarap. “Ha?” “Ulitin mo 'yong sinabi mo,” maotoridad niyang sabi dahilan para sundin ko siya. “Hindi mo ba ako tutulungan?” Napapapikit-pikit ako sapagkat wala akong ideya sa pinapagawa niya sa akin ngayon. “Not that one. 'Yong last mong sinabi.” Mas lumapit pa siya sa akin dahilan para mapalunok ako. “Help me?” “The last word.” “P-Please?” Kita kong napalunok din siya nang sabihin ko ito. Ngayon ko lang natanto kung bakit niya ito ipinaulit sa akin. I've used that word when I pleaded that night ... No! Hindi niya dapat malaman kung sino ako! Saktong pagkatingin ko sa likod niya ay ang lumilinga-lingang si Iris kasama na si Zavnier. Sa halip na lubayan si Kalt ay niyakap ko siya sa baywang upang magtago. “What is it this time?” Pilit niya akong itinutulak ngunit kumapit na talaga ako na parang linta. “Sandali lang. Baka makita ako ng crush ko,” pagsisinungaling ko. Luminga siya at tinitigan si Zavnier na nakatingin na rin pala sa amin. “Stay still. Please,” pagmamakaawa ko. Jusmeyo ka Felicia! Bakit mo ginamit ulit ang salitang iyan?! “T*ngina talaga! Ang tanda-tanda mo na para riyan,” madiing bulong niya sa akin na banas na banas na sa mga nangyari sa amin ngayon. Sinilip ko sina Iris at nang makitang wala na sila ay bumitaw na ako sa pagkakayakap sa baywang niya. Nahihiya ko siyang tiningala at awkward na ngumiti sa kanya. “S-Sorry,” mahina kong sambit na bahagyang lumayo sa kanya. “Tss.” Nabigla ako sa ginawa niyang paghawak sa baywang ko at binuhat ako palabas ng fountain. Nagsitayuan ba naman ang balahibo ko. Ba't ganoon? Parang nakikilala na siya ng sistema ko? Tinitigan niya ako ng ilang segundo at biglang umiling. Tinalikuran niya na ako at asar na naglakad paalis. “Nakilala niya kaya ako?” naitanong ko matapos siyang mawala sa paningin ko. How I wish that he is not a Davenport and he is not the man I met that night. Posible pa sigurong magustuhan ko siya. Sa sitwasyon kasi namin ngayon, mukhang malabo. Sana hindi na talaga kami pagtagpuin ng tadhana kasi baka hindi na talaga ako makabangon sa pagkakahulog ko sa kanya. Zavnier's Point of View Narinig kong nandito si Felicia kaya sinamahan ko itong si Iris na hanapin siya. I've read some of Felicia's short stories and poems before. Ipinabasa lang sa akin ni Erza, kaibigan ng kapatid ko. I somehow got curious of Felicia's stories and the way she conveyed it. Nalilito rin ako sapagkat ang writing style at vibes ng story niya ay katulad na katulad ng mga nobela ni Michell. Tho' hindi talaga maiiwasan iyon. Naunang bumalik si Iris sa inuupuan niya kanina sa pag-aakalang baka bumalik doon si Felicia. Nagpaiwan naman ako nang makita ang isang babaeng sobrang dungis. Puno ng putik ang kanyang mukha at paika-ika pa siya kung maglakad. She's cute tho'. “Oh, she's that woman I saw earlier,” I said to myself. Nanginginig siya at patuloy na pinupunasan ang pisngi ng madumi niya ring saya. I sighed just by looking at her being miserable. “Hi? Do you somehow need some help?” I said awkwardly while smiling. Nabigla siya sa presensya ko sa kanyang harapan ngunit kalaunan ay sinuklian niya rin ako ng tipid na ngiti. “I'm fine,” aniya. “Okay?” Instead na lubayan ay umupo ako sa katabing bench. Muli ko siyang nilingon na ipinagpatuloy na ang ginagawang pagpupunas ng mukha. Hinintay ko siyang matapos sa pagpupunas at nang tumayo na siya ay tumayo na rin ako. Gusto ko man siyang tulungan ngunit ayaw niya naman. I will follow and watch her instead. Ganyan ako. Kung ayaw nilang tanggapin ang tulong ko, patago na lamang akong kikilos at susubaybayan sila hanggang sa maging okay na ang lahat. Felicia's Point of View Kasalukuyan kong nililinis ang aking sarili at nakatunganga sa salamin nitong shower room. Hindi ako pwedeng bumalik doon ng ganito kadungis. Baka paulanan na naman ako ng tanong ni Iris. “Who are you? Ang dumi mo,” I said while talking to myself in front of the mirror. Sunod-sunod akong nagpakawala ng buntong hininga at mapait na ngumiti. Napaupo ako sa isang sulok at doon ay sinabunutan ang aking sarili. Nababaliw na ako sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon. “Nagdadrama ka na naman, Felicia,” parang tangang bulong ko na humalakhak bigla ngunit walang halong katatawanan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa shower room pero nagdesisyon na akong lumabas kalaunan. Hindi lang sa maraming nagrereklamo na ang tagal ko raw matapos, baka nag-aalala na rin kasi si Iris sa matagal kong pagkawala. “Finally. You're done talking with yourself.” Pinanlakihan ako ng mata sapagkat hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin ngayon. Sobrang lamig ng mga mata niya at galit na galit talaga siya sa paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko. “Hey, miss? Why the heck are you c-crying?” Nag-snap siya sa harap ko at ikinaway pa ang kanang kamay para agawin ang atensyon ko. Doon ko lang natanto na nasobrahan lamang ako sa pag-ooverthink at nag-iilusyon na lang pala ako. Hindi si Kalt ang kaharap ko ngayon kung hindi ang nag-aalalang si Zavnier. Nakaupo pa rin pala ako hanggang ngayon sa loob ng shower room. “I'm sorry. Pumasok na ako, mag-iisang oras ka na kasi sa loob. I thought something happened. Did I scare you?” sunod-sunod niyang sabi na sinuri ako. “I'm fine,” naisatinig ko at aktong lalagpasan na siya ngunit hinawakan niya ang aking balikat. Nagsisimula na akong multuhin ng pagkakamali ko at hindi na ito maganda. Natauhan ako nang bigla akong niyakap ni Zavnier. Hindi inalintana ang basa kong damit. “Snap out of it ...” Tumigil siya sandali bago muling dinugtungan ang sasabihin. “You're not okay, Ms. Valmorie,” aniya na sinabayan ng mahinang pagtapik sa aking likuran. Kilala niya ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD