Against

1500 Words
Kenaih's Point of View WEDDING DAY Ngayon ang araw na ikakasal kami ni Kalt at hindi ko inakala na sobrang daming bisita ang dadalo. Alam kong kilala si Kalt sa Arcadeo, lalo na't nagmula siya sa pamilyang Davenport subalit hindi ganito ka dami ang inaasahan ko. Halos VIP pa ang namamataan ko rito sa isa sa mga hotel ni Kalt; hotel ko na rin pala. “Are you alright, Kena?” usisa ni Gio na kakapasok lang dala ang isang bottled water. “I'm fine. Medyo overwhelmed lang sa dami ng taong dumalo,” sambit ko na tinitignan ang sarili sa salamin. Kakatapos lang akong ayusan kaya pinalabas ko sila upang mapag-isa ako—I mean, kami. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang aming kasal ni Kalt at ewan ko ba pero may mali talaga akong nararamdaman. May kung anong bumara o nagpapaikot-ikot sa loob ng aking tiyan dahilan upang hindi ako mapakali. My palms were sweating and I started to tremble. “Relax, Kena. I'm here,” ani Gio sabay hinalikan ako sa aking pisngi. Nakuha niya pang hawakan ang aking dibdib dahilan upang mahina ko siyang itinulak. “Gio! Ano ba? Baka may makakita sa atin,” sita ko sa kanya na nakuha pa na luminga-linga. Nakahinga ako ng maluwag dahil kami lang dalawa ang narito. Nahuli ko ang nakabusangot na si Gio kaya wala akong ibang nagawa kun'di ang suyuin siya. “I'm sorry, okay? We can't do that here. I don't wanna ruin my marriage baka mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin,” malumanay kong salaysay sabay tumayo upang matitigan ko siya. “Why do you have to do this when you're not in love with hi—” Pinigilan ko si Gio sa pamamagitan ng mabilisang paghalik sa kanyang labi. Napansin kong tipid siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako. Giovanni is irreplaceable. Narinig namin ang ingay sa labas kaya bumalik ako sa pagkakaupo at inayos ang aking sarili. Si Gio naman ay umupo sa 'di kalayuang silya at biglang nagseryoso. He's an actor after all. “Ms. Michell, the wedding will start soon. Aalalayan ka na po namin papunta sa venue,” sabi ng isa sa nag-ayos sa akin. “Basta ayusin mo 'yong pagbitaw ng lines. Ayaw ko ng malamya,” salaysay ko na umaastang naaasar kay Gio. Nagkunwari kaming nag-uusap lamang tungkol sa movie adaptation para hindi nila kami mahalata. “Congratulations, Ms. Michell,” makahulugang sabi ni Gio na nakuha pa akong kindatan nang magsilabasang muli ang staff. I hope this wedding will end soon. Nakakawalang gana kasi na makasama si Kalt. I don't like workaholic men; my soon to be husband for example. Felicia's Point of View Kakagising ko lang nang tawagan ako ni Iris. “Hoy babae! Nasa'n ka na? Magsisimula na ang kasal!” sigaw niya sa kabilang linya. Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya. “I'm sorry,” nilabi ko kay Zavnier na naalerto rin. Tipid lang na ngumiti si Zavnier sa akin at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho. Zavnier insisted na magsabay na lang daw kami dahil baka kung ano raw ang mangyari sa akin. Buti pa siya at may pakialam pero ang lalaking nakadali sa akin, ayon nagsasaya na dahil ikakasal na sila ngayon. Tsk, good for him. “Malapit na kami ni Zavnier sa venue. Don't worry,” pagpapakalma ko kay Iris. Sa halip na kumalma ay mas lalo siyang nagtaas ng boses dahil sa pagbanggit ko kay Zavnier. “Bakit kayo magkasama?” usisa niya na handa talaga sa pakikiusyoso. “Kasi magkasama kami? Babye na, Ai. Usap na lang tayo pagdating ko riyan,” mabilis kong sambit na hindi na hinayaan pang makasingit ulit si Iris. Binabaan ko na siya dahil nahihiya ako sa presensya ni Zavnier. “May Caesar Salad akong hinanda. In case na hanapin mo,” ani Zavnier na tinutukoy ang katabi kong supot. “Thank you, Zav,” nahihiya kong sagot na nginitian siya pagkatapos. Hindi ako tinanggal sa trabaho sa tulong ni Zavnier at sa loob ng ilang araw na magkasama kami sa set, nakita niya kung paano ako mag-crave ng Caesar Salad. Siya lang ang nakakaalam na buntis ako. Kahit si Iris walang kamuwang-muwang dahil hindi pa naman gan'on ka-halata. Habang tinitignan ang supot na katabi ko ay mapait akong napangiti. Hindi dapat ako dadalo sa kasal ngunit dahil kay Zavnier at sa nararamdamang guilt kay Kalt, nakumbinsi akong pumunta. FLASHBACK “Malayo pa ba?” naiinip na tanong ni Kalt habang ako ay patuloy na ngumunguya ng Caesar Salad. “Bababa na ba ako?” lutang kong tanong na nasa kinakain pa rin ang atensyon. “I just asked,” pagsusungit niya na nakuha pa na umirap. Ramdam ko ang iritasyon niya lalo na at naiipit kami ngayon sa traffic. “Naninigurado lang din ako,” kibit-balikat kong sagot na biglang natigilan. Napaubo ako sapagkat bigla ba naman akong nabulunan. “Langya,” bulong ko na patuloy na hinahampas ang aking dibdib. “Ang takaw mo kasi. The food won't run!” naiinis niyang sabi na mabilis na binuksan ang bottled water at inabot sa akin. “What a mess,” reklamo niya na napapailing sa pagkaing nagkalat sa sahig ng kanyang kotse. Nalungkot ako dahil sa nangyari. Hindi dahil sa ginawa niyang pagsusungit kun'di dahil sa natapon kong pagkain. “Bakit mo kasi tinampal ang kamay ko? Natapon tuloy,” asar kong salaysay na ikinaawang ng kanyang labi. “The heck? So I'm the one to blame here? Kasalanan ko bang ang takaw mo?” galit niyang tanong na sobrang sama ng tingin sa akin sa rearview mirror. Pinulot ko ang iilang gulay na natapon sa upuan at kinain ito. Kita ko ang disgusto sa nakangiwing mukha ni Kalt. Ni walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at nakuha niya pa akong lingunin. “Bakit? Hindi mo ba alam ang five seconds at five minutes rule?” inosente kong tanong na napapairap sa ere. Kung makatingin naman 'to, akala mo kumain ako ng dumi. Palibhasa mayaman! Aktong pupulutin ko na ang iilang nakakalat sa sahig nang magsalita siya. “Don't you dare eat that, Felicia. How disgusting!” diring-diri niyang sambit na inagaw mula sa akin ang supot na pinaglagyan ko ng mga pinulot kong pagkain. Itinapon niya ito sa basurahan at kaagad na naglagay ng alcohol sa kanyang kamay. “Arte mo,” komento ko. Hindi ko naman kakainin 'yon, eh! Nililinis ko lang naman 'yong nasa sahig! “I can't believe this. May pa five minutes rule ka pang nalalaman. Ang baboy,” bulong niya na sakto lamang para marinig ko. Kinuha niya ang air freshener at nag-spray nito malapit sa akin. Habang patuloy siya sa pag-e-spray ay nahulog ang wedding invitation na nakalagay malapit sa kanya. Otomatikong naglaho ang ngiti ko dahil dito. “M-Marami sigurong handa sa kasal mo,” palusot ko upang hindi maging awkward ang paligid. Knowing na nagkasagutan kami kaninang umaga. “Tsk, here. See it for yourself,” inabot niya sa akin ang wedding invitation na tatanggihan ko sana subalit bigla niyang dinugtungan ang kanyang mga sinabi ng, “Kailangan mong pumunta para hindi na pagpiyestahan si Kena ng media. You need to clear her name.” Biglang nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita at bumalik ito sa pagiging maotoridad. Hindi na ako nakaangal pa sapagkat ipinatakbo na niya ang sasakyan. “Kung alam mo lang kung anong klaseng babae ang papakasalan mo,” naibulong ko at napayuko na lamang sapagkat wala akong magagawa. It's their life for me to meddle with. END OF FLASHBACK Nagsimula na ang kasal nang makarating kami ni Zavnier. Hindi ko alam pero habang tinititigan ko ang matamis na ngiti ni Kalt habang hawak-hawak at kaharap niya si Kenaih, mas lalong nadadagdagan ang guilt ko. Kalmahan mo, Felicia. Huwag kang gagawa ng ikakasira mo! Napapikit ako at hindi na talaga mapakali sa kinauupuan. Bukod sa guilt ay hindi ko rin kinakaya ang makita si Kalt na ikinakasal sa iba. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong pinupukpok sa loob. Akala ko kakayanin ko ngunit akala ko lang pala. I can't let him marry her! That's for sure. “Mayroon bang tutol sa pag-iisang dibdib ng—” Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng magkakasal sa kanila ay buong tapang na akong tumayo. Dahilan upang makuha ko ang atensyon ng lahat. Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pagkatapos ay sinabi ang mga katagang gumulantang talaga sa kanila. I'm ready to face the consequences. Nabuo ang bulong-bulungan kasabay ng nararamdaman kong panlalambot ng tuhod at panginginig. Animo'y isa akong kontrabida sa ginagawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang paraan ng pagtitig nila sa akin. Baliw man pakinggan ngunit mas pipiliin kong maging masama sa paningin ng iba; basta't mailayo ko lamang si Kalt sa mapanlinlang na babaeng iyan. “I'm against their marriage!” sambit ko na ikinalaglag ng panga ng mga nakakasaksi. Nasimulan mo na 'yan, Felicia kaya panindigan mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD