CHAPTER 15: GEOFFREY

325 Words

“Boss Geo, balita ko ay lumipat na raw ang nanay at kapatid mo sa bahay ninyo ni Boss Gian?” napalingon ako kay Evan nang marinig ko itong nagsalita mula sa aking gilid, napahinto naman ako sa aking ginagawang paglalagay ng mga parte ng kotse na aking inaayos, “saka, balita ko rin na… sinaktan ng nanay mo si Boss Gian at ipinahiya niya ito doon sa pinagtatrabaho-han niya. Narinig ko lamang sa mga dumaraan rito.” Pagpapatuloy nito. Napakunot-noo naman ako sa naging pagtatanong nito sa akin, kaya naman humarap ako sa kaniya at saka ako nagsalita. “Ang nanay ko ang nanakit kay Gian? Pero, ano iyong mga sugat at pasa ng aking ina?” pagtataka kong balik na tanong sa kaniya. Nagtaas na lamang siya ng kaniyang balikat dahil maging siya ay hindi alam ang isasagot sa naging tanong ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD