Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Geoffrey, ay agad kong naramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod. Marahan akong napasalampak sa sahog ng aming bahay at mula roon ay mabilis na naglandas ang aking luha. Hindi ako makapaniwala na masasabi sa akin ni Geoffrey ang mga bagay na ‘yon. Dahil lamang sa pagkakamali ng kaniyang ina, na ibinintang sa akin. Ay ganun na lamang ba kadali para sa kaniya ang hiwalayan ako? Ganun na lamang ba kadali para sa kaniya na tapusin ang aming relasyon na pinagsamahan namin ng halos tatlong taon. Ilang segundo pa ang lumipas, dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkakasalampak at nagdesisyon ako na lumabas ng bahay upang magpunta sa aking ina. Nang makalabas na ako ng aming bahay, ‘di kalayuan mula sa bahay ay kitang-kita ko si Geoffrey na

